Share

Chased By My Zillionaire Ex-Husband
Chased By My Zillionaire Ex-Husband
Author: inKca

Chapter 1

Author: inKca
last update Huling Na-update: 2024-10-02 11:49:50

Pakiramdam ni Amery ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo habang tinititigan ang divorce papers na pirmado na ng kanyang asawa.

Tigmak man sa luha ang kanyang mga mata, nagawa niyang itaas ang kanyang paningin sa may bintana kung saan naroon si Brandon. Ang matangkad at makapangyarihang pigura nito ay halos magmistulang diyos sa ilalim ng sinag ng hapon. Nanlalabo man ang kanyang paningin ay hindi niya maitatangging napakalakas ng presensya nito. Nakatalikod man ang lalaki, ramdam ni Amery na wala itong pakialam sa kung ano man ang nararamdaman niya.

“Pumirma na ako. Huwag mo na rin sanang patagalin pa iyan. Gusto ko, bago bumalik si Samantha rito sa Pilipinas ay natapos na natin ang lahat ng legal procedures,” matigas at seryosong wika ni Brandon. Nanatili itong nakatalikod habang ang mga kamay ay naka-krus sa likuran nito.

“Since we signed a prenuptial agreement, wala tayong magiging problema sa hatian ng properties. Pero para hindi ka naman magmukhang kaawa-awa at walang-wala, I’ll give you a compensation. Bibigyan kita ng dalawampung milyon at iyo na rin ang villa na nasa Palawan. Ako na lang ang magpapaliwanag kay Lolo Simeon ng tungkol sa paghihiwalay nating ito.”

Pakiramdam ni Amery ay sinaksak siya sa dibdib nang marinig ang mga sinabi ni Brandon. 

“A-Alam ba ni Lolo Simeon na hihiwalayan mo na ako?” ani ni Amery sa nanghihinang tinig.

“Alam man niya o hindi, wala namang magbabago. Makikipaghiwalay pa rin ako sa’yo.”

Nangatal ang katawan ni Amery. Halos hindi siya makatayo sa kinauupuan kaya napakapit siya sa gilid ng lamesa upang suportahan ang sarili. 

“Brandon… p-pwede bang… huwag na tayong maghiwalay?” sa nanginginig na boses ay pakiusap ni Amery.

Sa narinig ay tuluyang napalingon si Brandon. Tuluyan siyang hinarap nito at binigyan ng nagtatakang tingin.

Sa kabila ng nangyayari, nagawa pa ring titigan ni Amery ang mukha ng asawa. Ang manipis na labi, malalim na mga mata at matalim na kilay ay lalong nagpapatingkad sa kagandahang lalaki nito. Hindi niya maikakaila na sa kabila ng lahat, kayang-kaya pa ring pabilisin ni Brandon ang tibok ng puso niya.

“Why?” matigas na tanong ni Brandon.

“D-Dahil… mahal kita.” Muling tumulo ang mga luha sa mata ni Amery. “Mahal na mahal kita, Brandon. Gusto ko pa ring maging asawa mo kahit wala kang nararamdaman para sa’kin~”

“I’ve had enough, Amery!” putol ni Brandon sa kanya. “Hindi mo ba alam na parusa para sa akin ang makasama ka? Hindi kita mahal.”

Magsasalita sana si Amery ngunit kinumpas ni Brandon ang kamay nito upang pigilin siya.

“Una sa lahat, maling-mali na nagpakasal tayo. Alam mong hindi kami okay ni Lolo Simeon at alam mo ring may mahal akong iba. Hindi lang kami pwedeng magsama noong panahon na ‘yon dahil sa ilang kadahilanan. And now that the three-year period is over and Samantha is back from abroad, kailangan mo nang bakantehin ang posisyon bilang Mrs. Ricafort.”

Napayuko si Amery. Walang tigil ang pagbagsak ng kanyang mga luha at tumulo na ito sa kaharap niyang lamesa. Agad niya iyong pinunasan ngunit huli na dahil nahagip na iyon ng paningin ni Brandon at naging dahilan ng pagdidilim ng mga mata nito.

Sa puntong iyon ay tumunog ang cellphone ni Brandon. At nang makita kung sino ang tumatawag ay nagmamadali nitong sinagot ang nag-iingay na aparato.

---

Sa kabilang banda, mula sa malayo ay tinatanaw ni Brandon ang malungkot na anyo ni Amery. Umarko ang gilid ng kanyang labi at pumorma roon ang isang nanunuyang ngiti.

Naisip niyang kahit pala sa ganitong punto, patuloy pa rin ang babae sa pagiging sunud-sunuran sa pamilya nila. 

Akala ba niya mapapabago niya ang desisyon kong i-divorce siya?

“That’s ridiculous!” iiling-iling na anas ni Brandon. Pagkuwa’y tumalikod na at naglakad palayo.

Hindi pa man nag-iinit sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair si Brandon ay nakarinig na siya ng malalakas na katok mula sa labas ng study room.

“Senyorito! Senyorito!” nagpa-panic na tawag sa kanya ng butler nang iluwa ito ng pintuan.

Hindi siya nagsalita bagkus ay pinukol niya ito ng nagtatakang tingin.

“Senyorito, umalis si Senyorita Amery!”

Sa pagkabila ay napatayo siya. “Umalis? Kailan?”

“Eh ngayon lang po, Senyorito. Wala nga pong kahit anong dala maliban sa damit niyang suot.  Doon po siya sa back door dumaan kung saan may sumundo sa kanyang itim na sasakyan.”

Hindi na nagtanong pa si Brandon at nagmamadaling tinungo ang kwarto ni Amery. Napansin niyang maayos at malinis sa loob. Ganoon pa rin ang ayos maliban sa divorce paper na nasa ibabaw ng bedside table na may mga marka pa ng luha ng babae.

Mabilis niyang tinungo ang bintana upang sumilip sa labas. Gayon na lamang ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay nang makita ang isang Rolls-Royce na mabilis na umaandar palayo. Agad itong naglaho sa kanyang paningin na ultimo ang mga ilaw nito sa likuran ay hindi na makita. 

Para kanina lang ay hindi niya kayang iwan ako… tapos ngayon umalis siya na daig pa ang kuneho sa sobrang bilis!

Pakiramdam tuloy ni Brandon ay pinaglaruan siya ni Amery. Sa kanyang pagkainis ay dinukot niya sa kanyang bulsa ang cellphone at tinawagan ang kanyang sekretarya.

“License plate AAM 916. Alamin mo kung sino ang may-ari ng sasakyan na ‘yan!” agad na utos niya.

“Yes, Mr. Ricafort.”

Makaraan ang ilang minuto ay tumawag na ang sekretarya upang ibigay ang impormasyon kay Brandon.

“Sir, ang nagmamay-ari po ng sasakyan ay si Anton Madrigal, ang presidente ng Madrigal Corporation.”

Agad napatanong si Brandon sa kanyang sarili. Ibig sabihin ba ay may koneksyon si Amery sa presidente ng kalaban nilang kumpanya?

Imposible!

Paanong mangyayari na ang isang katulad ni Amery na mula sa liblib na baryo, mahirap, walang masyadong pagkakakilanlan at wala man lang naging kaibigan, ay magiging malapit sa panganay na anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa?

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jayk Morre
Hahaha.. Pamilyar
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
same din sa nabasa ko ang name ng girl din ay avi /aevere cuesta ..gayss bakit pare pareho story nyo..kaloka
goodnovel comment avatar
Abby G
same siya sa nabasa ko . hehe iba² nga lang ang bida ..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 2

    Kasalukuyang nagsasalo sa hapunan ang pamilya ng Ricafort. Kasama nila si Samantha na mukhang enjoy na enjoy sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Masayang nag-uusap ang lahat maliban kay Brandon na seryosong seryoso ang hitsura at mukhang walang gana sa pagkain. Hindi mawala sa isipan niya si Amery. Iniisip niya ang pagsama nito kay Anton Madrigal at ang hindi nito pagdadala ng mga personal na gamit kasama ng dalawampung milyon at villa na ibinibigay niya. “Nasaan nga pala si Amery? Hindi ba siya bababa para samahan tayong maghapunan ngayong gabi?” tanong ng ama ni Brandon na may himig pagtataka. “We’re divorced,” sagot naman ni Brandon habang nakababa ang tingin. “We’ll handle the formalities and get the divorce certificate soon.” “Divorced? Why?!” nabibiglang tanong ni Don Emilio. “Honey, sinabi ko naman sa’yo… hindi nababagay si Amery sa anak natin. Ang Papa lang naman ang nagpumilit na ikasal sila.” Napabuntong-hininga pa si Senyora Carmela habang nagpapaliwanag. “Tama na ang

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 3

    Madrigal Mansion Sa harap ng isang magarang mansyon ay ipinarada ang isang itim na Rolls-Royce. Personal namang binuksan ang pintuan niyon ni Armand, ang pangalawang anak nina Senyor Alejandro at Senyora Minerva Madrigal. "Welcome back, Your Highness!" Yumukod pa ang binata nang tumapak ang mga paa ni Avrielle sa red carpet. Sa ilalim ng maliliwanag na mga ilaw, lalong nagningning ang kagandahang taglay ni Avrielle. Ang mga paa niyang ngayo'y nakasuot ng stilleto, ay kaninang nakasuot lamang ng rubber shoes. Pinalitan niya iyon kanina habang nasa sasakyan. Ngayon tuloy, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na nakauwi sa kanyang palasyo. "Kuya Armand, kumusta naman ang lahat dito?" tanong niya habang naglalakad sila papasok ng mansyon. "We're good… pero iba pa rin ngayong nandito ka na ulit sa amin. By the way, nagustuhan mo ba ang birthday present ko sa'yo? Balita ko, nagtrending iyon sa social media!" Bakas na bakas ang tuwa at excitement sa mukha ni Armand habang nagsasa

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chalter 4

    Matapos ang board meeting ay agad na pinatawag ni Brandon ang kanyang sekretarya sa loob ng kanyang opisina. "Kumusta ang pag-iimbestiga kay Amery, Xander?" agad na tanong ni Brandon. Hindi makatingin ang sekretarya at sa halip ay binaling nito ang paningin sa glass wall ng opisina. Iniiwasan nito ang makapangyarihang tingin ng kanyang amo. "I'm sorry, Mr. Ricafort... pero wala pa rin pong progress ang investigation." ani ni Xander habang pinapahid ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. "After pong umalis ni Ms. Amery ng gabing iyon, hindi na rin po siya bumalik sa dati niyang pinagtatrabahuhan. Pumunta rin po kami sa address ng dati niyang tirahan, but it turned out na fake po iyong address. Wala raw pong naninirahan doon na may apelyidong Dela Cerna." "Fake address?" Salubong ang kilay na tinitigan ni Brandon ang sekretarya na parang hindi makapaniwala. Mabilis namang sumagot si Xander, "Yes, Mr. Ricafort. Nagpunta rin po kami sa police station upang magtanong pero wala rin

    Huling Na-update : 2024-10-02
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 5

    Nang magsimulang pumasok si Avrielle sa kumpanya, ay hindi na natigil ang bulung-bulungan ng mga empleyado roon. Karamihan sa mga ito ay naiinggit lalong lalo na ang mga senior executives na nagnanais na ma-promote sa posisyong kinalalagyan niya ngayon. "Hay naku, nakakaloka! Hindi ba nila alam na ang bagong presidente ng Madrigal Corporation ay lehitimo at nag-iisang anak na babae ng may-ari ng company? Nawawalan ba sila ng katinuan?" Hindi maitago ang matinding inis ni Ella, ang sekretarya ni Avrielle. Kasalukuyan itong nakaupo sa passenger seat ng sasakyan. Hindi naman mapigilan ni Avrielle ang mapatawa. "Sus, wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Over reacting ka lang!" Nang sulyapan niya mula sa rear view mirror ang mukha ni Ella ay nakita niyang nakasimangot ito at namumula pa ang mukha sa pagkainis. Kaya naman hindi na niya napigilang abutin ito at pisilin ang isang pisngi. "Avrielle, you are the future president of our company. Can you act someone in power and s

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 6

    Tatlong sunud-sunod na katok ang umagaw sa atensyon ng magkapatid na Avrielle at Anton. Kasunod niyon ay ang pagbukas ng pintuan ng opisina at ang pagmamadaling pagpasok ni Ella sa loob. "Ms. Avrielle, napag-alaman ko po na ang supplier po pala natin ng hotel beddings and furniture ay ang Aishi Home Furnishing. Si Mr. Gallardo po ang may hawak ng kontrata." "Uh.. oh..." napapangiting tiningnan ni Anton ang kapatid at nag-abang ng magiging reaksyon nito. Pinagkrus naman ni Avrielle ang kanyang mga binti at deretsong tinitigan ang sekretarya. May talim na mababanaag sa mga iyon. "Tell the Finance Department to sort out all the hotel accounts for the past two years. Kumontak ka rin ng panibagong supplier ng mga beddings and furnitures. Ayoko sa Aishi." "Such a big deal?" Napataas ang kilay ni Anton. "Pag-aari ni Ash Gonzaga ang Aishi Home Furnishing." mabilis na sagot ni Avrielle na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Samantha. "So, maghihiganti ka?" "Hindi, ah! Mukhang chea

    Huling Na-update : 2024-10-28
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 7

    Tila sinaniban ng lakas at kumikinang ang mga mata ng matandang Don nang makita sa loob ng silid si Avrielle."Amery, Amery, halika rito sa lolo!" malambing na pagtawag ng Don habang nakataas na nakabukas ang mga bisig.Agad namang lumapit si Avrielle at niyakap ang matanda. Hinalikan niya ito sa noo bago umupo sa tabi nito."Kumusta po kayo, Lolo? Masama pa po ba ang pakiramdam n'yo?" Hinawakan ni Avrielle ang mga kamay ni Don Simeon."Apo, kahit anong sama ng pakiramdam ko, basta't makita lang kita ay parang gagaling ako nang mabilis!" Bakas na bakas ang kaligayahan sa tinig nito ngunit agad ring napalitan ng lungkot nang dumako ang tingin nito kay Brandon."Oh, bakit naman po kayo lumungkot?""Totoo ba ang sinabi ng damuhong 'yan na divorced na raw kayo?"Napayuko si Avrielle at marahang tumango. "Yes, Lolo. Totoo po, divorced na kami ni Brandon." napakurap kurap ang mga mata ni Avrielle upang pigilan ang mga luhang gustong lumabas."You evil bastard!" galit na dinuro ni Don Simeon

    Huling Na-update : 2024-10-28
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 8

    "Jusko! Okay ka lang ba?" natatarantang tanong ni Senyora Carmela kay Samantha na kasalukuyang nakadapa sa sahig. Hindi malaman sa mukha nito kung nag-aalala ba o natatawa.Mabilis naman silang nilapitan ni Brandon. Itinatayo nito si Samantha ngunit ang babae ay sinasadyang hindi gumalaw at sa halip ay maarteng umiyak."Honey, ang sakit... ang sakit sakit..." humikbi pa si Samantha at pinalaki ang mga butas ng ilong. "Bilisan mo, buhatin mo ako." napangiwi pa ito nang maramdam ang pagkirot ng kanyang tuhod Naiiling na tumalima naman si Brandon. Binuhat niya patayo si Samantha. At nang makatayo na nang maayos ang babae ay yumakap ito sa kanya."Honey, tinulak ako ni Amery." agad na sumbong ni Samantha sabay turo kay Avrielle.Tumaas naman agad ang isang kilay ni Avrielle. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at malamig na tumitig kay Samantha."What?" naguguluhang tanong naman ni Brandon."Sigurado ka bang tinulak kita?" Hindi magawang mainis ni Avrielle at sa halip

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 9

    Taas-noong nakahawak sa manibela si Avrielle habang binabaybay ang EDSA. Napapakanta pa siya habang nakikinig sa awiting Queen Of The Night.Hindi naman siya natatakot kung pinapa-imbestigahan siya ni Brandon. Hindi lang niya makuha na kung bakit ang lalaking katulad nito na pinabayaan siya sa loob ng tatlong taon, ay heto ngayon at mukhang naging interesado sa kanya.Naisip niyang mean talaga ang mga lalaki. Hahabulin mo at mamahalin tapon ang ibabalik sa'yo ay puro pasakit. Ngayon namang ini-ignore na at tinatrato mong walang kwenta, saka ka naman pepestehin.Nang mapadako ang tingin niya Avrielle sa rearview mirror ay napakunot ang kanyang noo. Hindi kalayuan sa kanyang sasakyan ay natanaw niya ang Lamborghini ni Brandon."Gusto mo akong sundan, huh?"Tumaas ang sulok ng bibig ni Avrielle at madiing tinapakan ang accelerator ng sasakyan.Halos magtalsikan amg mga alikabok nang dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Avriee ng sasakyan.Sa kabilang dako, si Brandon naman ay seryosong na

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 124

    Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon.Samantala, si Samantha naman ay tila asong nagbabantay sa kanyang pagkain. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang lahat ng nahuhuli niyang nakatingin kay Brandon.Kung hindi nga lang niya talagang sinadya si Wynona para mag design ng mga susuotin nilang pangkasal, ay hinding-hindi niya dadalhin si Brandon sa ganitong pagtitipon.Ganunpaman, nananatiling iniignora ni Brandon ang mga nasa paligid niya, ngunit hindi niya namamalayan ang paggagala ng kanyang mga mata na tila may hinahanap sa buong paligid."Nandito na ulit si Ms. Wynona!"Nang makitang muling lumitaw ang babae, ay kinakabahang hinila ni Samantha ang manggas ng suot na suit ni Brandon."Honey, puntahan ulit natin siya... Kausapin natin ulit.

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 123

    Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan.Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay nagtimpla si Wynona ng isang special na tsaa para sa kanilang dalawa. Naglabas rin siya ng mga pastries na gawa pa ng isang sikat na pastry chef sa ibang bansa. Hindi niya 'yon pinahanda para sa mga bisita sa ibaba dahil tanging kay Avrielle lang niya gustong ipatikim ang mga 'yon."For you, my boss lady.""Hmm... Mukhang mamahalin 'to, ah? Mabango at masarap ang lasa. Hindi rin siya mapakla." Nakangiting puri ni Avrielle matapos sumimsim ng mainit na tsaa. Sa kanyang mga kilos, ay hindi maikakailang isa siyang respetado at kagalang-galang na babae."Wow, mabuti naman at nagustuhan mo." Natawa si Wynona. Sa iba, ang pinapakita niyang ugali ay may pagkamalamig at masu

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 122

    "Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake.Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay."Hindi ko matandaan na may inimbata akong Samantha Gonzaga rito.""H-Huh?""Hindi ko alam kung kanino ka nakakuha ng invitation, pero hindi talaga kita inimbita rito. Isang private party 'to at hindi pwede ang outsiders kaya makakaalis ka na." Masungit na pahayag ni Wynona. Sa narinig ay biglang namutla ang mukha ni Samantha dahil sa sobrang pagkapahiya. Bigla niyang hinila ang damit ni Brandon na tila nagpapasaklolo."Ms. Wynona, hindi namin alam na isa pala itong private party, we're very sorry. Sa totoo lang, gustong-gusto ng fiancé ko ang mga designs mo, at matagal ka na niyang hinihintay na makauwi rito sa bansa para makilala ka. Therefore, umaasa po ako na maiintindihan n'yo ang nangyari ngayon." Nagp

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 121

    Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kaya tuloy hindi na siya naging kapansin-pansin.Si Brandon naman ay gumulong pababa at paitaas ang Adam's apple dahil sa sobrang pagkabigla. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin, ay hindi niya magawa. Ganunpaman, wala pang isang saglit, ay nakalampas na sa kanya si Amery nang hindi man lang siya pinansin. Bumakas tuloy ang lungkot sa kanyang mukha at ang kanyang puso ay nakaramdam ng bahagyang kirot."Oh, Amery! Hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng invitation mula sa party na 'to... Nahirapan ka ba?" nanunuyang saad ni Samantha. "Syempre nahirapan ako." Umarko ang isang sulok ng bibig ni Avrielle. "Ang alam ko, ang mga na-invite lang sa party na ito ay ang mga taong malalapit lang kay Ms

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 120

    "Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon."Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong makipagkumpetensya ng Madrigal Empire sa Ricafort Hotel." Habang nagsasalita ay unti-unting humihina ang tinig ni Xander dahil sa nakikitang pandidilim ng anyo ni Brandon."Ano pa ang nalaman mo?""Sinabi rin po sa'kin ng ahente na bagamat ang Ricafort Hotel ay isa sa may magandang reputasyong hotel sa bansa, kino-consider rin po nila ang Madrigal Empire dahil naging maingay raw po ang hotel na iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya ang sabi po nila, titignan nila kung sino ang may mas magandang plano, at kung sinuman ang makakapagbigay ng magandang kundisyon, ay doon po sila makikipag-collaborate."Sa narinig ay malakas na nahampas ni Brandon ang ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Amery lang

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 119

    Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa pagbubuntis at mga sanggol. At kapag nakakakita siya ng mga pictures at videos ng mga baby sa magazines at TV, ay bumabalik ang kirot sa puso niya na mag-isa lang niyang iniinda.Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang malamig na gabing iyon ng bisperas ng Pasko. Nagmamaneho siya noon ng sasakyan kasama si Don Simeon para manood sana sa isang parke ng fireworks display. Ngunit sa hindi inaasahan, ay nagkaroon ng aksidente at nadamay sila sa nagkarambolang mga sasakyan sa kalsada. Para agad na mailigtas si Don Simeon, ay inignora niya ang nararamdamang sakit ng katawan at pinilit niyang magmaneho papuntang ospital para malapatan ng agarang lunas ang matanda.Nang panahon na iyon, ay nagba

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 118

    Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip.Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin.Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaroroonan. Kung dati ay maiingay ang mga ito kapag magkakasama, ngayon ay tahimik ang mga ito na tila mga napipi sa harapan niya."Mayroon po ba kayong dapat na ipaliwanag sa akin?"Nakahalukipkip na nakaupo si Avrielle sa may pavillion habang seryosong nakatingin sa tatlo. Nagmistula tuloy siyang isang principal na handang manermon ng maiingay na estudyante.Nananatiling tahimik si Lily Rose at ganoon din si Rona. Si Gertrude lang ang mag-isang nagsalita."Bakit mo naman naitanong, Avrielle?"Napahawak si Avrielle sa kanyang noo dahil sa depresyon. Talaga nga namang ang brain circuit ni Gertrude ay tuwid pa kaysa sa isang tuwid na lalaki!"Tinuruan n'yo po ni Tita Lily Rose si Brandon ng leksyo

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 117

    Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot.Hindi maalis sa isipan niya ang nasirang jade bracelet na ibinibigay ni Brandon kanina na siyang nagbibigay ng pait sa puso niya ngayon.Alam naman niyang pinagtatangol lang siya ng mga madrasta niya... pero hindi niya maiwasang isipin na sumobra naman yata ang dalawa. Ang naging pagtrato ng mga ito kanina kay Brandon ay maihahalintulad sa isang basura."Avrielle!"Mula sa malalim na pag-iisip, ay napukaw ng malakas na tinig ni Armand ang pansin ni Avrielle. Hinihingal itong tumatakbo papalapit sa kanya."Nagpang-abot na naman sina Dad at Alex! Nagkasakitan na silang dalawa!"Mula sa likod ng bahay, ay nakita nilang mabilis na naglalakad si Alex patungo sa nakaparada nitong Lamborghini. Madilim at malamig ang awra nito."Ku

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 116

    Sa puntong iyon, ay naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa.Si Xander naman, ay tila kating-kati nang puntahan ang dalawa para takpan ang bibig ng kanyang amo.Pagkaraan ng ilang segundo, ay nagpakawala ng malakas na pagtawa si Avrielle habang nagniningning ang mga mata."Brandon, noong una, inaamin ko na masyado akong nagtiwala sa sarili ko. Ginawa ko ang lahat para pakibagayan ka nang maayos. Umasa kasi ako na maaari kitang masandalan, pinilit kong maging isang mabuting asawa at nangarap akong mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Pero sa bandang huli, wala akong napala dahil dinispatsa mo lang ako nang wala akong kalaban-laban. Pero para sabihin ko sa'yo, may mali sa mga sinabi mo kanina. Dahil kahit hiniwalayan mo ako, hindi ako nagalit. Sa totoo lang, gusto kong maging maayos tayo, pero ikaw 'tong palaging nanggugulo. Palagi mong sinisira ang respeto natin sa isa't-isa.. Kung kaya nga lang kitang tuluyang alisin sa sistema ko... Kung kaya lang kitang ipatapon s

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status