Pagdating ng isang linggo, bumalik na si Maria sa Manila. Natagalan sa pagbalik si Maria dahil sa inaasikasong papeles, pinamanahan siya ng lupa't bahay sa Cebu ng kanyang tinuring na ina . Bitbit ang lungkot mula sa libing ni Sister Teresa , sabik siyang makita si Roland at makasama ulit ito. Nang siya’y dumating, sinalubong siya ni Roland kasama si Rowena, parehong ngumiti at tila ba walang nagbago sa kanilang tatlo. Sa mga unang sandali, ramdam ni Maria ang init ng pagbabalik niya, ngunit may kakaibang bigat na siyang nararamdaman kay Roland—isang bigat na hindi pa niya lubos na nauunawaan."Maria, welcome back," bati ni Roland, ang kanyang tinig ay may halong init ngunit may kaunting pagod."Salamat, Roland," tugon ni Maria, habang yakap ang binata. "Namiss kita.""Namiss din kita," sagot ni Roland, ngunit parang may lamlam sa kanyang mga mata na hindi kayang itago ng kanyang mga salita.Kasama nila si Rowena, na masayang tumawa at binati si Maria. "Grabe, ang tagal mo nawala! Per
Magbasa pa