Nang makaalis si Maria mula sa bar, hindi niya mapigilan ang patuloy na pag-agos ng kanyang luha. Ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib—isang halo ng pagkabigla, sakit, at pagdududa. Si Roland, ang taong minahal niya nang buo, ang taong kasama niya sa mga plano at pangarap, ay tila unti-unting lumalayo sa kanya. At higit sa lahat, bakit si Rowena ang mas alam ang lahat ng nangyayari sa buhay ni Roland? Bakit hindi siya, na siyang nobya?Pilit niyang inuunawa ang sitwasyon habang naglalakad pauwi. Hindi niya maiwasang muling balikan ang mga sinabi ni Roland kanina."Ayokong mag-alala ka," paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isip."Hindi ko alam kung paano sasabihin ito sa'yo..."Sa bawat salita ng paliwanag ni Roland, ramdam niya ang paglayo nito sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ang mas masakit ay ang katotohanang si Rowena ang naging takbuhan ng nobyo, hindi siya. At mas lalong hindi niya matanggap na tila si Rowena ang mas pinagkakatiwalaan ni Roland.Pagdating sa k
Kinagabihan, muling sinubukan ni Maria na tawagan si Roland. Sa unang ilang ring, hindi sumagot ang nobyo, ngunit sa pang-apat na pagkakataon, narinig niya ang pamilyar na boses sa kabilang linya."Maria?" sabi ni Roland, tila naguguluhan kung bakit siya tumatawag."Roland," sagot ni Maria, pilit na pinapanatili ang kanyang boses na kalmado. "Pwede ba tayong mag-usap? Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa'yo."Tahimik si Roland sa kabilang linya. Ilang segundo rin ang lumipas bago ito sumagot. "Maria, pasensya na kung hindi ako nagparamdam. Maraming nangyayari, at... hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo.""Nagtatrabaho ka sa bar," sabi ni Maria, diretso ang tono. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ako ba ang huling taong dapat makaalam ng mga bagay na nangyayari sa buhay mo?"Muling bumuntong-hininga si Roland. "Ayokong mag-alala ka, Maria. Alam kong marami kang iniisip, kaya hindi ko gustong idagdag pa ang mga problema ko.""Pero hindi mo ba naiintindihan?" s
Sa gabing iyon, isang malamlam na buwan ang nagliliwanag sa kalangitan, tila saksi sa paglalim ng damdamin ni Maria. Hindi niya napigilang mapangiti habang iniisip si Roland, ang taong minahal niya ng buong puso. Matapos ang isang hindi pagkakaintindihan na muntik nang sumira sa kanilang relasyon, napanatag na siya. Nagkausap sila nang masinsinan, at muling napanumbalik ang tiwala at pagmamahalan."Roland, salamat sa pag-unawa. Mahal na mahal kita," bulong ni Maria sa telepono habang nakahiga sa kama."Mahal din kita, Maria. Wala nang kailangan ipaliwanag pa. Ang mahalaga, magkasama tayo," sagot ni Roland, ngunit sa kanyang tinig ay may bahid ng alinlangan, na tila may bagay siyang pilit na itinatago.Pagkatapos ng tawag, si Maria ay nakatulog nang mahimbing, masaya at panatag ang damdamin. Ngunit sa kabilang banda, ang mundo ni Rowena ay nagsisimula nang mabuo sa poot at inggit. Kinabukasan, humingi ng paumanhin si Maria kay Rowena para sa naging di pagkakaunawaan nila."Rowena, sorr
Pagkalipas ng ilang buwan, unti-unting nahulog si Roland sa patibong ng bisyo. Ang dating mahinahon at mabait na binata ay tila nagbago dahil sa sunud-sunod na pagsubok sa kanyang buhay. Isang gabi, matapos mapanood ang balita ng pagbagsak ng kanilang negosyo, sinubukan ni Roland ang pagsusugal—isang desisyong hindi niya akalaing magdadala sa kanya sa mas malalim na pagkakasala.Sa unang pagkakataon, pinalad si Roland. Nanalo siya ng malaki, isang tagumpay na sa tingin niya'y kakayanin niyang ulitin. Tuwang-tuwa siya sa pagkakataong iyon at kaagad niyang tinawagan si Rowena upang ibalita ang kanyang swerte."Rowena, nanalo ako! Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nanalo ako!" sigaw ni Roland habang humahagikgik sa telepono, ang kanyang boses puno ng saya."Talaga? Congratulations, Roland!" tugon ni Rowena, halata ang excitement sa kanyang tinig. "We should celebrate! Saan mo gusto pumunta? I'll go anywhere with you."Hindi nagdalawang-isip si Roland. Agad siyang nagplano ng isang
Sa isang maliit na bar sa tabi ng kalsada, ang mga ilaw ay sumasayaw sa musika habang ang mga tao ay abala sa kanilang mga inumin at kwentuhan. Ang halinghing ng yelo at tawanan ay tila umuusok sa hangin, nagiging kabahagi ng buhay ng mga parokyano sa bar na ito. Dito sa bar, naging tahanan na ni Roland ang mga gabi ng sugal at pagdiriwang. Subalit, sa likod ng bawat tawanan at pag-inom, may isang tao ang nagkukubli sa likod ng ngiti—si Rowena.“Roland, mag-usap tayo,” masinsinang sabi ni Rowena isang gabi habang magkasama silang nag-aabang sa mga pangyayari sa bar. “Alam kong may pinagdadaanan ka. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako.”Ngunit sa halip na tumugon, nakatuon si Roland sa kanyang mga kaibigan na naglalaro ng baraha, tila wala siyang ibang iniisip kundi ang makabawi sa mga pagkatalo.“Hayaan mo na, Rowena. Masaya ako dito,” nakangiting sagot ni Roland, kahit na ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot.“Pero hindi ito ang tunay na kaligayahan, Roland. Alam mo ‘yan,” sago
Tinitigan ni Maria si Rowena, habang nasa kanilang paboritong school canteen. Mabigat ang usapan ngunit kailangan niyang marinig ito mula sa taong laging naroon para sa kanya."Maria," malumanay na simula ni Rowena, ang tinig niya ay puno ng pag-aalala. "Alam ko mahal mo si Roland, pero kailan mo sasabihing tama na? Hindi na siya yung lalaking nakilala mo noon."nagkukunwari na may concern.Nanghina si Maria. Totoo ang mga salita ni Rowena. Alam niya iyon. Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa rin siyang babalik ang dating Roland—ang masayahin, mabait, at mapagkalingang lalaking minahal niya. Hindi niya akalain na ang babaeng pinaghuhugutan niya ng lakas ay ang siyang tahimik na sumisira sa kanya—si Rowena, ang ahas na nagtatago sa likod ng ngiti kung alam niya lang,ang bawat concern na pinapakita ay balat-kayo lamang."Alam ko, Rowena... Pero... baka may pagkakataon pa. Baka magbago pa siya," mahinang tugon ni Maria. Ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan, ngunit umaasa pa rin sa hima
Ang gabing iyon ay tila walang katapusan para kay Roland. Matapos siyang matalo ng halagang 500,000 piso sa casino, kasama ang perang hiniram niya kay Maria, halos hindi na siya makakita ng liwanag sa kanyang kinabukasan. Pawis na pawis siya habang lumabas ng casino, nakalugmok ang balikat at mistulang hinigop na ang kanyang kaluluwa ng pagkatalo. Sa kanyang bulsa, wala nang laman kundi isang tiket ng casino na walang halaga.Agad niyang tinungo ang pinakamalapit na bar, ang "Nightfall," na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Paul. Kilalang sugalero rin si Paul, pero may isang bagay siyang hawak na wala si Roland—kapangyarihan. Pera.Pagkapasok ni Roland sa bar, agad siyang sinalubong ng malakas na tawanan at ingay ng mga lasing. Nasa isang sulok si Paul, nakatayo sa tabi ng isang mesa habang kaharap ang ilang malalaking lalaki. Nakangisi siya nang makita si Roland."Talo ka na naman, boy!" sigaw ni Paul, sabay tawa. Halakhak ng halakhak si Paul, tila iniinsulto si Roland.Nanliliit si
Kinabukasan, Sobrang excited ni Maria. Ito ang unang pagkakataon na makikipag-date siya kay Roland na may mga kasamang kaibigan nito, at higit pa rito, ipakikilala siya nito. Sa loob ng maraming taon na magkakilala sila, pakiramdam niya ay unti-unting nagiging seryoso ang kanilang relasyon. Sa wakas, mararamdaman niya ang pagiging bahagi ng mundo ni Roland."Hindi ko akalain na mangyayari ito, Rowena!" bungad ni Maria habang naghahanda sa harap ng salamin, abala sa pagpili ng mga damit. "Ito ang unang date namin ni Roland! At sa isang mamahaling restaurant pa!"Ngumisi si Rowena mula sa gilid, nagtatago ng lihim sa kanyang mga mata habang nagkukunwaring masaya para kay Maria. "Oo nga, Maria. Deserve mo 'yan. Matagal mo na siyang nobyo, 'di ba? Kaya dapat maganda ka talaga mamaya." May laman ang boses niya, ngunit hindi ito napansin ni Maria, na abalang-abala sa kanyang damdamin."Salamat, Rowena.Bestfriend nga tlga kita. Pahiram naman ng magandang damit mo. Gusto kong magmukhang kaak