Sa isang maliit na bar sa tabi ng kalsada, ang mga ilaw ay sumasayaw sa musika habang ang mga tao ay abala sa kanilang mga inumin at kwentuhan. Ang halinghing ng yelo at tawanan ay tila umuusok sa hangin, nagiging kabahagi ng buhay ng mga parokyano sa bar na ito. Dito sa bar, naging tahanan na ni Roland ang mga gabi ng sugal at pagdiriwang. Subalit, sa likod ng bawat tawanan at pag-inom, may isang tao ang nagkukubli sa likod ng ngiti—si Rowena.“Roland, mag-usap tayo,” masinsinang sabi ni Rowena isang gabi habang magkasama silang nag-aabang sa mga pangyayari sa bar. “Alam kong may pinagdadaanan ka. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako.”Ngunit sa halip na tumugon, nakatuon si Roland sa kanyang mga kaibigan na naglalaro ng baraha, tila wala siyang ibang iniisip kundi ang makabawi sa mga pagkatalo.“Hayaan mo na, Rowena. Masaya ako dito,” nakangiting sagot ni Roland, kahit na ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot.“Pero hindi ito ang tunay na kaligayahan, Roland. Alam mo ‘yan,” sago
Tinitigan ni Maria si Rowena, habang nasa kanilang paboritong school canteen. Mabigat ang usapan ngunit kailangan niyang marinig ito mula sa taong laging naroon para sa kanya."Maria," malumanay na simula ni Rowena, ang tinig niya ay puno ng pag-aalala. "Alam ko mahal mo si Roland, pero kailan mo sasabihing tama na? Hindi na siya yung lalaking nakilala mo noon."nagkukunwari na may concern.Nanghina si Maria. Totoo ang mga salita ni Rowena. Alam niya iyon. Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa rin siyang babalik ang dating Roland—ang masayahin, mabait, at mapagkalingang lalaking minahal niya. Hindi niya akalain na ang babaeng pinaghuhugutan niya ng lakas ay ang siyang tahimik na sumisira sa kanya—si Rowena, ang ahas na nagtatago sa likod ng ngiti kung alam niya lang,ang bawat concern na pinapakita ay balat-kayo lamang."Alam ko, Rowena... Pero... baka may pagkakataon pa. Baka magbago pa siya," mahinang tugon ni Maria. Ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan, ngunit umaasa pa rin sa hima
Ang gabing iyon ay tila walang katapusan para kay Roland. Matapos siyang matalo ng halagang 500,000 piso sa casino, kasama ang perang hiniram niya kay Maria, halos hindi na siya makakita ng liwanag sa kanyang kinabukasan. Pawis na pawis siya habang lumabas ng casino, nakalugmok ang balikat at mistulang hinigop na ang kanyang kaluluwa ng pagkatalo. Sa kanyang bulsa, wala nang laman kundi isang tiket ng casino na walang halaga.Agad niyang tinungo ang pinakamalapit na bar, ang "Nightfall," na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Paul. Kilalang sugalero rin si Paul, pero may isang bagay siyang hawak na wala si Roland—kapangyarihan. Pera.Pagkapasok ni Roland sa bar, agad siyang sinalubong ng malakas na tawanan at ingay ng mga lasing. Nasa isang sulok si Paul, nakatayo sa tabi ng isang mesa habang kaharap ang ilang malalaking lalaki. Nakangisi siya nang makita si Roland."Talo ka na naman, boy!" sigaw ni Paul, sabay tawa. Halakhak ng halakhak si Paul, tila iniinsulto si Roland.Nanliliit si
Kinabukasan, Sobrang excited ni Maria. Ito ang unang pagkakataon na makikipag-date siya kay Roland na may mga kasamang kaibigan nito, at higit pa rito, ipakikilala siya nito. Sa loob ng maraming taon na magkakilala sila, pakiramdam niya ay unti-unting nagiging seryoso ang kanilang relasyon. Sa wakas, mararamdaman niya ang pagiging bahagi ng mundo ni Roland."Hindi ko akalain na mangyayari ito, Rowena!" bungad ni Maria habang naghahanda sa harap ng salamin, abala sa pagpili ng mga damit. "Ito ang unang date namin ni Roland! At sa isang mamahaling restaurant pa!"Ngumisi si Rowena mula sa gilid, nagtatago ng lihim sa kanyang mga mata habang nagkukunwaring masaya para kay Maria. "Oo nga, Maria. Deserve mo 'yan. Matagal mo na siyang nobyo, 'di ba? Kaya dapat maganda ka talaga mamaya." May laman ang boses niya, ngunit hindi ito napansin ni Maria, na abalang-abala sa kanyang damdamin."Salamat, Rowena.Bestfriend nga tlga kita. Pahiram naman ng magandang damit mo. Gusto kong magmukhang kaak
Lumabas siya ng banyo, nagpanggap na parang tinamaan na siya ng alak. Pilit niyang kinontrol ang kanyang mga galaw at tila lasing na tinungo ang kanilang mesa. Ngumiti siya kay Roland, na abala pa rin sa pag-inom kasama si Paul. "Honey," mahinang sabi ni Maria, "antok na ako... uwi na tayo, please."Ngiting-aso si Roland. "Idlip ka lang diyan, honey. Nandito lang ako, nag-eenjoy pa kami ni Paul." Napansin ni Maria ang mga sulyap ni Paul sa kanya—tila puno ng intensyon, puno ng masamang balak.Habang nagkukunwaring tulog si Maria, narinig niya ang bulong ni Roland. "Ako na ang mag-aakyat niyan sa room, pre. Garantisadong virgin pa yan, hahahaha." Tawa ng dalawang lalaki ang bumalot sa kanilang mesa.Nagpipigil si Maria na huwag magpahalatang gising. Ramdam niya ang pag-ikot ng tiyan sa galit at sakit. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ni Roland—ang lalaking minahal at pinagtiwalaan niya. Hindi niya napigilang lumuha, patagong gumuhit ang luha sa kanyang pisngi habang nag-aantay ng
Habang naglalakad si Kean Ambrosio sa lobby ng Shangrila Hotel, wala siyang ibang iniisip kundi ang dating nobya niyang si Mirasol Fernandez. Ngayon, kasal na ito sa anak ng may-ari ng isang kilalang hotel chain—isang napaka-ideal na lalaki sa mata ng publiko. Ngunit para kay Kean, hindi iyon ang dahilan kung bakit labis siyang nasaktan. Mahal na mahal niya si Mirasol, at kahit ilang taon na ang lumipas mula nang maghiwalay sila, hindi pa rin niya kayang tanggapin ang pagkatalo.Lasing na lasing siya, pilit na nilulunod ang kanyang kalungkutan sa bawat shot ng whiskey na ininom kanina sa kasalan. Ang bawat halakhak, bawat tinginan ng mga bisita sa bagong kasal, ay parang mga kutsilyong humihiwa sa kanyang puso.Sa kanyang pamimighati, napagdesisyunan niyang bumalik sa kanyang hotel room para magpahinga, ngunit halos hindi na siya makalakad ng diretso. Nasa dulo na ng kanyang pag-iisip si Kean, at sa kanyang kalasingan, ni hindi niya napansin ang mga taong nasa paligid niya.Sumakay siy
Sa kalaliman ng kanyang pagkalasing, si Kean ay tila nalulumbay sa isang panaginip, kung saan ang kanyang puso ay nahahabag at ang kanyang isip ay naguguluhan. “Mirasol…” ang pangalan ng kanyang dating nobya ay tila isang himig na bumabalot sa kanyang isipan. Sa bawat halik na kanyang ipinagkakaloob, iniisip niyang siya ay bumabalik sa mga nakaraan—mga sandaling puno ng saya, ng tamang timpla ng pag-ibig at kasiyahan.Ngunit sa hindi niya kaalaman, ang kanyang mga palad ay bumabalot sa ibang katawang hindi niya inaasahan. Si Maria, ang estranghera na nakaligtas sa masalimuot na sitwasyon, ay natagpuan ang kanyang sarili sa isang kama na puno ng mga damdaming hindi niya maipaliwanag. Ang kanyang katawan ay apektado ng gamot na ipinalamig sa kanyang inumin. Sa kanyang pagdapo sa kama, hindi niya malaman kung ano ang mangyayari sa kanya.Patuloy siyang humalik, na tila ang bawat halik ay isang pasabog ng emosyon, na nagdudulot sa kanya ng mas malalim na pagnanasa.Maya-maya, ang mga sensa
Nang matauhan si Maria, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Tumayo siya mula sa kama at mabilis na nagbihis, ang bawat galaw ay mabigat, parang may dinadalang sakit. Tumitig siya sa limpak ng pera na iniwan ni Kean sa ibabaw ng kama. Walang galang, walang malasakit. Para bang ang buong gabi ay isa lamang transaksyon. Isang sandaling tinuring niya bilang espesyal, ngunit para kay Kean, tila isa lang iyon sa mga bagay na maaari niyang bilhin.Sa kabila ng lahat ng nangyari, si Maria ay nanatiling tulala. Ang mga luha na kanina pa umaagos ay tila natuyo na. Ang kanyang isip ay gulong-gulo, at ang bawat tibok ng puso niya ay puno ng sakit at galit. Kung hindi dahil kay Roland, sa taksil niyang nobyo, hindi siya mapapahamak nang ganito. Ang dangal na matagal niyang iningatan ay nawala na—at sa isang estrangherong hindi niya kilala pa!"Papaano na ako ngayon?" bulong niya sa sarili habang tinititigan ang sahig. Hindi niya maiwasang maalala ang mga ngiti at matatamis na salitang bini