Sa gitna ng kalaliman ng gabi, ang ospital ay tila naglalaban ng katahimikan at pagkabahala. Si Maria, halos walang lakas na nararamdaman, nakahiga sa delivery bed, humihingal at pinipilit na bumangon sa kabila ng matinding sakit. Naroon sa tabi niya si Kean, mahigpit na hawak ang kamay ni Maria, puno ng kaba ngunit pilit na nagpapakatatag para sa kanila. Si Donya Loida, ang lola ni Kean, ay hindi mapakali at palakad-lakad malapit sa kanila. Hawak niya ang rosaryo, taimtim na nagdadasal."Kean..." mahinang bulong ni Maria habang pilit na nilalabanan ang sakit ng kanyang katawan. Pawis na pawis siya, at kitang-kita ang hirap sa kanyang mga mata. "Hindi ko na kaya...""Maria, andito lang ako. Kaya mo ‘yan, Maria. Malapit na, konting tiis na lang," sabi ni Kean, kahit ramdam niya rin ang takot sa puso. Nakikita niya ang hirap ni Maria, at napakabigat para sa kanya na hindi ito matulungan sa mga oras na ito.Si Donya Loida, sa kabila ng kanyang pagiging matatag, ay di mapigil ang pag-alal
Read more