Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 45

Ang gabi ay tahimik na bumalot sa buong mansyon ng Custodio. Ilang oras na ang nakalipas mula nang muntikan na magtagpo ang mga labi nina Maria at Kean sa kusina. Ngayon, si Maria ay nagmamadali pumanhik pabalik sa kanyang kwarto, habang ramdam na ramdam niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi maikakaila, tila may malalim na koneksyon sa tuwing magkalapit sila ni Kean. Para bang may magneto na kumakapit sa kanila, hinahaplos ang bawat hibla ng kanilang damdamin.

“Ano ba ito?” bulong ni Maria sa sarili, pilit niyang kinakalma ang sariling damdamin. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang buong katawan sa tuwing nasa paligid si Kean, lalo na kapag nararamdaman niya ang malalim nitong titig.

Sa bawat hakbang patungo sa kanyang kwarto, tila binabalikan niya ang mga nangyari—ang biglaang pagkatagpo nila sa kusina, ang tawanan, ang pakiramdam na walang ibang tao kundi sila. Ngunit higit sa lahat, ang mga titig na iyon, ang muntikang halikan nagbibigay ng excitement ngunit hindi alam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status