Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 41

Nang huminto sila sa harap ng altar, binati sila ng pari at nagsimulang basahin ang mga panalangin. Habang umaalingawngaw ang boses ng pari, pakiramdam ni Maria ay tila lumulutang siya sa ere. Hindi niya inasahan na ganito kaganda ang kasalang ito. Alam niyang hindi siya dapat umasa ng engrande, dahil sa kasunduan nila ni Kean, pero hindi niya mapigilan ang mapaluha. Hindi dahil sa kalungkutan, kundi dahil sa pagkamangha sa nangyayari.

Si Donya Loida, nakaupo sa unahan kasama ang mga kaibigan at piling bisita, ay hindi mapigil ang ngiti. Para sa kanya, ito ang pinakaperpektong araw na kanyang pinlano—isang kasalang magpapakita ng yaman at kapangyarihan ng kanilang pamilya. Ngunit higit pa roon, nais niyang ipadama kay Kean at Maria na kahit hindi pa sila handa sa pagmamahalan, may magandang pagsisimula sila bilang magulang at mag-asawa.

Habang tahimik na nakikinig si Kean sa mga salita ng pari, napatingin siya kay Maria. Hindi niya maalis ang mga mata mula sa mukha nito. Ang tahimik n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status