Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 15

Sa madilim na sulok ng isang simpleng kwarto, naroon si Roland, nakayakap kay Rowena. Ang bigat ng mga araw na nagdaan ay tila bumagsak lahat sa kanyang balikat. Sa pagkawala ng lahat ng kanilang yaman, sa pagbagsak ng kanilang negosyo, at ang pagkakacomatose ng kanyang ama, ramdam ni Roland na wala nang natitirang liwanag sa kanyang buhay. Ngunit sa bawat sandaling tumingin siya kay Rowena, sa mga matang puno ng pagmamahal at pag-aalaga, tila nakakatagpo siya ng pag-asa.

"Rowena... hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan," bulong ni Roland habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ng dalaga. "Kung hindi dahil sa'yo... ewan ko kung paano ko pa malalampasan lahat ng ito."

Ngumiti si Rowena, simpleng ngumiti, ngunit sa likod ng ngiti niya ay naroon ang malaking sakripisyong hindi alam ni Roland. Hindi batid ng binata na ang bawat sentimong ginamit para sa pagpapagamot ng kanyang ama ay mula sa ipon ni Rowena—ang perang iniipon niya para sa sariling kinabukasan, mga perang hindi al
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status