Justice and revenge. Iyon lang ang nasa isip ni Alexandria hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente-sais. Desi-otso anyos siya nang magulantang siya sa kaniyang nasaksihan sa mismong tahanan nila. Pinatay ang Mommy at Daddy niya habang ang kaniyang kapatid naman na babae ay walang sawang inangkin at binaboy. Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang pamilya. Nakilala niya si Raul. Ang dahilan ng unti-unting paglimot niya sa nakaraan. Ang lalaking nagpagulo sa natutulog niyang puso. Pero bato naman pagdating sa salitang pagmamahal. Isang bagay ang nalaman niya tungkol sa binata. Isang bagay na naging dahilan para muling sumibol ang galit, poot, at pagkamuhi sa kaniyang puso.
View More——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m
PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i
ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."
"I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E
MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.
MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k
MARAHAN akong umalis sa pagkakayakap kay Raul. Hindi ko na talaga kaya ang pananakit ng tiyan. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko."Where are you going?" Muntik na akong mapatalon nang biglang hawakan ni Raul ang aking kamay.Nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa kaniyang kama. "Kanina pa ako nagugutom. Sasaglit lang ako sa labas, baka may bukas na nang ganitong oras." sagot ko habang nakatingin sa relong pambisig. Alas-kuwatro na nang umaga. Hindi ko na talaga matiis ang gutom.Mapatitig ako kay Raul nang halikan niya ang aking kamay. "Mag-ingat ka, bumalik ka kaagad pagkatapos mo." may ngiting sabi niya bago pinakawalan ang aking kamay."I will." sagot ko na lamang bago tuluyang lumabas sa kaniyang kuwarto.Walang gasinong tao sa hallway ng hospital. Kung matatakutin lang ako'y baka kumaripas na ako ng takbo. Pagdating ko naman sa lobby ay marami-rami na akong namamataang mga bagong dating. Ang iba'y paseyente ang iba nama'y mga bantay na sag
WHAT the hell happened just now?Hanggang sa makasakay kami sa kotse'y hindi pa rin umaayos ang magulo kong pag-iisip. Tila nagsama-sama na ang lahat. Para akong mababaliw."I need answers!" Mariin kong sabi sa dalawang lalaking kasama ko. Panaka-naka ko silang sinusulyapan habang nagmamaneho ako. Pareho silang may iniinda kaya ako na lamang ang nagmaneho."Aabutin ako ng kamatayan kapag nagpaliwanag kami ngayon. Dalhin mo muna kami sa hospital Alex." Salubong ang kilay na sabi ni Akio.Huminga ako nang malalim bago sumulyap sa katabing si Raul. "Ikaw! Malayo sa bituka iyang tama mo, magsalita ka!" inis kong sabi kay Raul.Seryosong tumingin siya sa akin. Pagdaka'y ngumiti nang matamis bago ipinikit ang mga mata. "We'll explain later. Tama si Akio, babe. Dalhin mo muna kami sa hospital. Kasalanan mo rin naman kung bakit dumating sa ganitong punto." nakangising sabi niya sa akin. Nakuha niya pa talaga akong sisihin? Mga hayop na 'to!"Huwag m
"BUT, seriously, you need to be careful. Hindi lahat naaayon sa plano mo Alex." seryosong sabi ni Raul pagkatapos niyang tumawa nang pagkalakas-lakas."I know what I'm doing." sagot ko na lamang bago muling hinarap ang laptop.Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Raul. Pasimple ko siyang sinulyapan. Pero halos mamula ako nang makitang nakatitig siya sa akin."What?" takang tanong ko."May bigla lang dumaan sa isip ko." sagot niyang nagdala ng lamig sa buo kong katawan. "Tungkol sa isang importanteng tao sa buhay mo, Alex.""What do you mean?" tanong kong parang biglang naintriga."Maliban kay Maximo, may isa ka pang kalaban." Bigla akong nanlamig. "Kasabwat siya ni Maximo. Ayaw ko sanang sabihin sayo dahil alam kong hindi mo kakayanin.""Sino?"—MATALIM ang mga matang nakatitig ako sa screen ng laptop. Walang paglagyan ang galit at puot sa puso ko. Nag-uumapaw, na parang gusto nang sumabog.
"Mom! Dad! I'm home!" Sigaw ko habang inilalapag ang aking bag sa sofa."Mommy?!" Sigaw ko ulit nang walang sumagot sa akin. That's new, everytime I got home from school lagi nila akong sinasalubong. Pero bakit parang iba ngayon? Parang ang tahimik yata? "Manang, nasaan sila Mommy?" Pagtawag ko sa aming mayordoma. Kahit ang mga kawaksi ay wala. Naiinis na ako. Hindi ako natutuwa sa ganitong biro."Ate?!" Naiiritang tawag ko sa aking Ate Moreen."What the hell is wrong with them?" Takang tanong ko sa sarili bago naglakad papunta sa kusina. I'm thirsty. I need water—nah, I want orange juice....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments