"Mom! Dad! I'm home!" Sigaw ko habang inilalapag ang aking bag sa sofa.
"Mommy?!" Sigaw ko ulit nang walang sumagot sa akin. That's new, everytime I got home from school lagi nila akong sinasalubong. Pero bakit parang iba ngayon? Parang ang tahimik yata? "Manang, nasaan sila Mommy?" Pagtawag ko sa aming mayordoma. Kahit ang mga kawaksi ay wala. Naiinis na ako. Hindi ako natutuwa sa ganitong biro.
"Ate?!" Naiiritang tawag ko sa aking Ate Moreen.
"What the hell is wrong with them?" Takang tanong ko sa sarili bago naglakad papunta sa kusina. I'm thirsty. I need water—nah, I want orange juice.
I was about to enter the kitchen when I heard moans. I'm already eighteen years old and I'm not that innocent when it comes to those things. And you know what I'm talking about.
"Are they really doing that right now?" Takang tanong ko sabay pasok sa kusina. Hindi ko na lamang pinansin ang mga ungol galing sa taas. I'm sure nakalimutan lang nila Mommy saraduhan yung pinto nang kwarto nila.
"Fuck!!!" Sigaw na muntik nang makapagpatalon sa akin. Mabilis kong ibinaba ang pitsel ng tubig bago inisahang lagok ang tubig sa baso.
"What the hell!" Hindi makapaniwalang bulalas ko sabay punta sa lababo. Pero ganoon na lamang ang hindik na naramdaman ko. Nabitiwan ko ang aking hawak. Pumailanlang ang ingay ng baso nang malaglag iyon sa sahig.
"W-Wait, no! N-No! M-Mommy?!" Nauutal na sabi ko habang nakatingin sa aking ina na nakahandusay sa lapag at naliligo sa sariling dugo. "Oh God, no! Mommy! Wake up! Mom! Prank ba 'to? Mommy hindi nakakatuwa!" Humahagulgol na sabi ko sabay hawak sa kamay ni Mommy. Lalo akong napahagulgol nang maramdaman ko ang lamig niyon. Bakit?! Anong nangyayari?!
"Fuck you!" Muling rinig ko sa sigaw mula sa second floor.
"Ate?" Mahinang sabi ko sabay takbo papunta sa taas. Hindi ko alam kung paano ko natakbo ang grand staircase. Lagi akong nagrereklamo sa tuwing pumapanhik-panaog ako sa kuwarto. Pero ngayon, tila hindi ko naramdamang tinahak ko ang hagdanan. Nang makarating sa second floor ng aming bahay ay nakita ko ang bukas na kwarto ni Mommy at Daddy.
"Oh no, Dad?" Halos bulong na sabi ko bago pumasok sa nakabukas na pinto. Napapikit na lang ako nang mariin at napatakip sa aking bibig nang makita ko si Daddy sa kama. Nakadapa, may dugo sa uluhan nito. Wala nang buhay.
Can someone tell me what is happening?! This is not funny at all!
"Tama na! Patayin niyo na lang ako!" Narinig kong sigaw ni Ate mula sa kaniyang kwarto.
"Patience Sweetheart, darating tayo riyan. Pero ngayon, papatayin ka muna namin sa sarap!" Nangilabot ako nang marinig ko ang boses na iyon, parang galing sa hukay. Nakakatakot. Gusto ko na lang kumaripas ng takbo para maisalba ang sarili. Pero paano si Ate?
"Gago ka! Napakahayop niyo!" Halos wala nang boses na sigaw ni Ate Moreen.
"Ang totoo niyan, mas hayop si Roman. Utos niya ito kaya siya ang sisihin mo!" Sabi ng lalaki sabay halakhak. Tahimik na kinuha ko ang baseball bat sa kuwarto ni Dad. Iyon lang ang alam kong pwedeng maging pansalag kong aatakihin ako ng isa man sa mga taong gumawa nito sa pamilya ko.
Tahimik na naglakad ako papunta sa kwarto ni Ate. Maingat kong binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Noon ko nakita ang isang pangyayaring ni minsan ay hindi ko inakalang mangyayari sa isa sa pamilya ko. Nakahiga si Ate Moreen sa kama habang nakatali ang dalawang kamay at mga paa. Nasa ibabaw niya ang isang lalaking medyo may edad na at walang sawang inaangkin si Ate.
I want to help her. Pero isang iling ang natanggap ko kay Ate nang magtama ang mga mata namin. Umiiyak na umiling rin ako bilang sagot. Kailangan ko siyang iligtas, siya na lang ang meron ako!
"No! Run!" Sigaw niya sa akin nang akmang lalapit ako para hampasin ng baseball bat ang isa sa mga bumababoy kay Ate.
"Run Alex! Iligtas mo na ang sarili mo!" Umiiyak na sabi ni Ate kaya bigla kong nabitiwan ang aking hawak at napatakbo palabas.
"Ruel habulin mo iyon!" Rinig kong sigaw ng isa sa kanila. Mabilis kong kinuha ang aking bag at muling tumakbo. Napahinto ako nang makarinig ako nang putok ng baril. Tila itinulos ako sa kinatatayuan dahil sa sobrang takot. If this is a dream, please, wake me up.
"Ayun! Bilis, habulin niyo! Malilintikan tayo nito kay Boss kapag nakatakas si Alex!"
Nang marinig ko ang boses ng mga humahabol sa aki'y pinilit ko ang sariling makalapit sa kotse. Kahit na nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa takot ay nagawa kong sumakay sa nakaparada naming sasakyan. Napatili pa ako nang makitang wala nang buhay ang driver namin na siyang sumundo sa akin sa school. Sariwa pa ang dugong umaagos sa leeg nito.
"M-Mommy, I'm scared!" Mariing bulong ko sa sarili habang pilit hinihila palabas ang aming driver. Nang matapos ko itong mailabas ay kaagad akong naupo sa driver's seat. I don't know how to drive. Pero wala naman akong magagawa. Kailangan kong makalayo para mailigtaa ang sarili.
Mahaba na ang itinakbo ng sasakyang minamaneho ko. Pa-zigzag ang takbo ng sasakyan. Mabuti na nga lang at walang gasinong sasakyan akong nakakasalubong.
Muli akong napaiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ang police station na malapit. Sana pala hindi ko sinanay ang sarili na school at bahay lang ang alam. Ngayon nahihirapan ako kung paano makakapunta sa mga awtoridad.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. "Aalis ako ngayon, pero babalik ako para pagbayarin kayo! Magbabayad kayo! Papatayin ko rin kayo gaya nang ginawa niyo sa pamilya ko!" Humahagulgol na sigaw ko habang nagmamaneho.
Magbabayad silang lahat!
"Tito Max, thank you." Sabi ko sa matalik na kaibigan ni Daddy na siya ring abogado ng pamilya namin. Sinamahan niya akong bisitahin ang pamilya ko sa sementeryo."You're always welcome, Alex." Nakangiting sabi sa akin ni Tito Max. Bahagya nitong hinagod ang aking likod. Marahil ay naaawa na naman ito sa akin dahil sa nakikitang emosiyon sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang mga pangalang nakaukit sa parisukat na bato."Sige po Tito, iwan niyo na lang po muna ako. Susunod na lang ako mamaya sa bahay." Walang ganang sabi ko—hindi pa rin inaalis ang tingin sa puntod."Alright,mag-ii
Pagkatapos mananghalian ay nagpasya akong magpahinga muna saglit. Masyadong mahaba ang naging biyahe ko dagdag pa na napakataas ng sikat ng araw.Habang nakahiga sa kama ay hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Jason. Bakit nga ba walang kahit na anong picture o information si Roman sa internet? Anong taon na ngayon, kahit sino yata pwedeng mahanap sa internet. Unless, may mali sa information na nakuha ni Jason. Was it really Roman?Nakakakulo ng dugo ang hayop na Roman na iyon. Ipinapangako ko talagang hahanapin ko siya at ako mismo ang magpapahirap sa kaniya gaya ng ginawa niya sa pamilya ko. Pagbabayaran nilang lahat ang pagkamatay nila Daddy. Hindi ako titigil hangga't 'di ko nakukuha ang inaasam kong hustis
"Ma'am Alex, mamamasyal po ba ulit kayo?" Tanong sa akin ni Joan nang makalabas ako ng villa. Ika-apat na araw ko na ngayon dito sa resort. It went well, so far. I don't know for the next days."Oo sana. Hindi ba't nabanggit mo sa akin na may isla rito na pag-aari din ng mga magulang ko? Gusto ko sanang tumungo roon." Nakangiti kong sabi sabay labas ng cellphone para tawagan si Jason. Simula kasi nang huli ko itong makausap ay hindi pa ito muling tumatawag. Gusto ko lang ng update ukol sa ipinapagawa ko sa kaniya."Ay, opo. Meron pong motor boat na maghahatid sa bawat turista sa isla na iyon Ma'am. Gusto niyo po bang sumabay na sa kanila?" Tanong ni Joan habang nakasunod sa akin.&nb
MALAKAS ang hanging tumatama sa aking mukha. Nasa bangka pa rin kami ni Raul at hanggang ngayo'y hindi pa nakakarating sa Isla Paradiso; ang islang pagmamay-ari ng aking pamilya. Hindi naman kalayuan ang isla pero parang sinasadya ni Raul na ihinto ng paulit-ulit ang bangka. Nakakairita!"Kailan mo ba ititigil iyang ginagawa mo?!" Irita kong tanong na ikinangisi niya lamang. Napakasarap lunurin ng lalaking ito. Kung hindi ko lamang siya crush baka kanina ko pa iyon ginawa."Sadyang tumitigil mag-isa ang makina. 'Wag kang mag-isip ng kung ano riyan." Pasupladong sagot niya sa akin. Nakakainis. Napakasakit na sa balat ng sikat ng araw. Namumula na rin ang pisngi ko dahil doon at sa pagkainis sa lalaking kasama ko ngayon.
MARAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Kasabay niyon ang aking paghikab at pagkirot ng aking kanang braso.Kaagad akong napatingin sa aking braso nang maramdaman ko ang telang nakatali roon. Ginamot yata ni Raul ang sugat ko.Well, wala naman ibang gagawa niyon kundi siya lang."Gising ka na pala." Kaagad lumipat ang aking tingin sa pintuan kung saan naroon si Raul. May hawak siyang palangganitang may tubig at bimpong puti na nakasabit sa kaniyang balikat. Meron ring plastic bag na sa tingin ko'y kinalalagyan ng gamot para sa sugat ko.Why is this man so handsome even in his simple shirt and faded jeans?"Nasaan tayo?" tanong ko sabay bangon pero dagli ring napabalik nang gumuhit ang kirot sa aking braso."Here, let me." naramdaman ko ang paghawak ni Raul sa aking kaliwang braso at likod. The heat that I felt before is starting to envelop my sanity.
HINDI ko alam kung saan ako matatakot. Sa kaalamang nandito sa resort ang taong papatay sa akin o sa mga nagbabagang tinging ibinibigay sa akin ngayon ni Raul.It's almost midnight. May ilang oras nang nakakaalis sina Tito Max at Cean.Naisipan kung lumabas saglit para magpahangin. Hindi kasi ako makatulog dahil sa sinabi ni Tito Max."You." malamig na sabi ni Raul nang makalapit siya sa akin.Akma akong aalis nang mabilis niyang hinawakan ang kanang braso ko. Ramdam ko ang sakit nang mahigpit na pagkakahawak niya roon."I told you to stay! I told you not to leave without me!" nagtatagis ang mga bagang na sabi niya sa akin."I've waited for you but you—.""Bullshit!" sigaw niyang ikinatahimik ko. "Lie to me and you'll be punish."What the fuck? Sino siya sa akala niya? Kung umasta siya parang pagmama
NOBYO ko na ba si Raul? Kami na ba? Wala naman kasi siyang sinasabi. Alam kong sinabi niyang gusto niya ako. Pero hindi naman maliwanag kung kami na ba talaga."Alex, gusto mong mamasyal?" tanong sa akin ni Raul nang makita niya ako sa duyan.Kaagad akong umiling. Medyo masakit pa ang katawan ko, gusto ko munang magpahinga."Dito na lang tayo." sabi ko bago ko siya hinila paupo sa duyang inuupuan ko.Napangiti na lamang si Raul bago niya ako niyakap. Pilit na isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang leeg. Napakabango niya, natural na amoy."Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Raul habang hawak niya ako sa aking pisngi. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya bilang sagot.Natatawang hinalikan ako nang mabilis ni Raul sa labi. Pagkatapos ay muli niya akong niyakap."Swimming tayo?" pagyaya ko kay Raul. 
ALUMPIHIT ako sa kamang kinahihigaan ko sa loob ng hotel na pinasukan namin ni Raul. Malayo ito sa resort ko. Kaya panatag ang loob kong walang makakagawa nang masama sa amin dito."I already asked my people to prepare my private plane. Dadalhin muna kita sa bahay ko. Doon sigurado akong walang makakagalaw sayo." naalala kong sabi ni Raul bago niya ako iniwan para mag-order sa restaurant nitong hotel.Gusto kong tawagan si Tito Max, o di kaya'y si Cean. Pero pinigilan ako ni Raul. Baka mapahamak lang raw ang lahat kapag ginawa ko iyon."Alex, let's eat." sabi sa akin ni Raul.Ala-una ng madaling araw. May isang oras na rin ang nakakalipas nang dumating kami rito sa hotel."Gagamutin ko muna ang sugat mo. Ang daming dugo ang nawala sayo, Raul." nag-aalala kong sabi, bago ko kinuha ang medicine kit na nasa banyo ng kuwarto.Hindi naman tumutol si Ra
——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m
PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i
ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."
"I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E
MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.
MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k
MARAHAN akong umalis sa pagkakayakap kay Raul. Hindi ko na talaga kaya ang pananakit ng tiyan. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko."Where are you going?" Muntik na akong mapatalon nang biglang hawakan ni Raul ang aking kamay.Nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa kaniyang kama. "Kanina pa ako nagugutom. Sasaglit lang ako sa labas, baka may bukas na nang ganitong oras." sagot ko habang nakatingin sa relong pambisig. Alas-kuwatro na nang umaga. Hindi ko na talaga matiis ang gutom.Mapatitig ako kay Raul nang halikan niya ang aking kamay. "Mag-ingat ka, bumalik ka kaagad pagkatapos mo." may ngiting sabi niya bago pinakawalan ang aking kamay."I will." sagot ko na lamang bago tuluyang lumabas sa kaniyang kuwarto.Walang gasinong tao sa hallway ng hospital. Kung matatakutin lang ako'y baka kumaripas na ako ng takbo. Pagdating ko naman sa lobby ay marami-rami na akong namamataang mga bagong dating. Ang iba'y paseyente ang iba nama'y mga bantay na sag
WHAT the hell happened just now?Hanggang sa makasakay kami sa kotse'y hindi pa rin umaayos ang magulo kong pag-iisip. Tila nagsama-sama na ang lahat. Para akong mababaliw."I need answers!" Mariin kong sabi sa dalawang lalaking kasama ko. Panaka-naka ko silang sinusulyapan habang nagmamaneho ako. Pareho silang may iniinda kaya ako na lamang ang nagmaneho."Aabutin ako ng kamatayan kapag nagpaliwanag kami ngayon. Dalhin mo muna kami sa hospital Alex." Salubong ang kilay na sabi ni Akio.Huminga ako nang malalim bago sumulyap sa katabing si Raul. "Ikaw! Malayo sa bituka iyang tama mo, magsalita ka!" inis kong sabi kay Raul.Seryosong tumingin siya sa akin. Pagdaka'y ngumiti nang matamis bago ipinikit ang mga mata. "We'll explain later. Tama si Akio, babe. Dalhin mo muna kami sa hospital. Kasalanan mo rin naman kung bakit dumating sa ganitong punto." nakangising sabi niya sa akin. Nakuha niya pa talaga akong sisihin? Mga hayop na 'to!"Huwag m
"BUT, seriously, you need to be careful. Hindi lahat naaayon sa plano mo Alex." seryosong sabi ni Raul pagkatapos niyang tumawa nang pagkalakas-lakas."I know what I'm doing." sagot ko na lamang bago muling hinarap ang laptop.Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Raul. Pasimple ko siyang sinulyapan. Pero halos mamula ako nang makitang nakatitig siya sa akin."What?" takang tanong ko."May bigla lang dumaan sa isip ko." sagot niyang nagdala ng lamig sa buo kong katawan. "Tungkol sa isang importanteng tao sa buhay mo, Alex.""What do you mean?" tanong kong parang biglang naintriga."Maliban kay Maximo, may isa ka pang kalaban." Bigla akong nanlamig. "Kasabwat siya ni Maximo. Ayaw ko sanang sabihin sayo dahil alam kong hindi mo kakayanin.""Sino?"—MATALIM ang mga matang nakatitig ako sa screen ng laptop. Walang paglagyan ang galit at puot sa puso ko. Nag-uumapaw, na parang gusto nang sumabog.