Share

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO Chapter 11

Pagdating niya sa opisina, nakita niya ang kanyang ama, si Don Leonardo, nakaupo sa sulok ng silid. Laging matapang at masigla ang ama niya, pero ngayon, tila ibang tao ang nasa harap niya—parang naglaho ang dating sigla nito. Nakatitig ito sa bintana, walang imik.

"Ama..." mahinang tawag ni Roland.

Lumingon si Don Leonardo. Puno ng lungkot at pagkatalo ang mga mata nito. "Anak... hindi ko alam kung paano tayo makakabangon mula rito."

Nagpatuloy ang usapan, at narinig ni Roland ang lahat ng detalye—ang mga gusaling bumagsak dahil sa kakulangan ng maintenance, ang mga partner nilang nag-pull out ng kanilang mga investment, at ang mga taong nawalan ng tiwala sa kanila. Ang masakit pa, may mga nakabinbin pang kaso na isasampa laban sa kompanya.

"Paano nangyari 'to? Paano tayo umabot sa ganito, Ama?" Halos pabulong na tanong ni Roland habang pilit niyang sinasapantaha ang mga nangyayari.

Tumayo si Don Leonardo, nagsalita ng mabigat. "Masyado tayong naging kampante, Roland. Naisip kong hab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status