Home / Romance / POSSESSION OF LOVE / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of POSSESSION OF LOVE: Chapter 41 - Chapter 50

116 Chapters

Chapter 39: Chasing laughter

Pagkatapos ng masayang hapon sa tabi ng ilog, napagdesisyunan ng lahat na magligpit at maghanda na para umuwi. Halata sa mukha ng mga bata ang kasiyahan, pero kahit na pauwi na sila, ay hindi pa rin nila tinigilan ang pang-aasar kay Kiarah."Ate Kiarah, si Kuya Mark kaya kaya mong pakasalan?" tanong ng isang bata, habang naglalakad sila pabalik sa bahay ni Mang Emilio."Crush na crush ka ni Kuya Mark, Ate Kiarah! Kayo na ba?" sabat naman ng isa, na kinagulat ni Kiarah."Ano ba ‘yan! Tama na! Ayoko na makipag-usap sa inyo!" sagot ni Kiarah, sabay takbo para makauna sa kanila. Halata ang pamumula ng kanyang pisngi sa sobrang inis.Ngunit kahit anong pilit niyang iwas, patuloy pa rin ang mga bata. Nakangisi lang si Mark, tila walang kapaguran sa pang-aasar. "Teka, Kiarah! Huwag ka namang masyadong seryoso. Nandito lang naman ako. Alam kong secretly kinikilig ka din," sabi ni Mark, kasabay ng pilyong tawa.“Hay naku, Mark! Kung gusto mong tumigil ang pang-aasar na 'to, pwede ba, ikaw na a
last updateLast Updated : 2024-09-15
Read more

Chapter 40

Mahimbing nang natutulog si Kariel sa loob ng kubo. Pagkatapos kasi nilang ihatid si Kiarah, ay hindi na sila naghapunan, dahil busog pa naman sila. Hindi na rin siya nagpahatid pa kay Darrius sa tinutuluyan niya. Dahil sa pagod ay agad rin siyang nakatulog ng mahiga na siya higaan niya. Ngunit naalimpungatan siya nang makaramdam siya ng kaluskos mula sa labas ng kubo. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumikhim, pinakikiramdaman niya muna ang ingay sa labas. “Yamz,” mahinang tawag sa kanya. At doon niya napag-alamang si Darrius ang nasa labas. Agad siyang bumangon at bumaba sa kanyang higaan para pagbuksan ito.“Darrius?” pabulong na ani Kariel nang buksan niya ang pinto. At saka iniunat-unat ang sarili.“Sorry, nagising ba kita?” tanong ni Darrius, nang makapasok ito. Agad naman niyang isinara ang pinto. “Hindi naman. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Kariel, saka humakbang pabalik sa higaan.Huminga nang malalim si Darrius bago sumagot. “Naalala ko lang kasi…
last updateLast Updated : 2024-09-16
Read more

Chapter 41

Mag-uumaga na nang magising si Kariel sa marahang pagyugyog ni Darrius sa kanya. "Yamz, kailangan ko nang bumalik sa kubo. Bumalik ka na lang sa pagtulog, gisingin na lang kita mamaya kung kakain na," malumanay na bulong ni Darrius habang hinahaplos ang kanyang buhok. Dumilat si Kariel at ramdam niya ang pagod at kasiyahan mula sa kanilang ginawang pagtatanod ng gabi."Hmm…sandali lang," bulong ni Kariel pabalik habang inilapat ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki. Gusto pa niyang magtagal sa mga bisig nito, ngunit alam niyang kailangan na nilang bumalik sa reyalidad.Inisa-isang pulutin ni Darrius, ang mga damit niyang nagkalat sa sahig kagabi. Kung saan-saan na kasi nila pinaghahagis ang kasuotan nila bagay na ikinangisi ni Kariel.“Baka, may makakita sa akin kapag may araw na akong lumabas rito,” ani Darrius."Oo nga," mahinang sagot ni Kariel habang pinagmamasdang sinusuot ni Darrius ang damit nito. Tanging boxer short lang kasi ang natirang saplot nito kagabi. "Tama ka. Hindi p
last updateLast Updated : 2024-09-17
Read more

chapter 42

Sa umagang din iyon ay, napagpasyahan ni Kariel at Kiarah na magtungo sa taniman ng mga rosas, para manguha at i-display niya sa kanyang kubo. Habang naglalakad, naramdaman ni Kariel na mas malaya na ang kanyang pakiramdam. Nasabi na nga niya noon, mas mabuting kilalanin mo ang isang tao bago mo sila husgahan. Sa loob-loob niya, naging mas komportable siya kay Kiarah. Mayroon din pa lang malambot na puso ang babaeng sa una’y inaakala niyang ka-kompetensya niya sa lalaking mahal niya.Pagkarating nila sa taniman ay bumungad sa kanila ang nagagandahang mga bulaklak. Agad na inihanda ni Kariel ang dala niyang gunting at basket para sa pangunguha ng mga bulaklak.“Oyy, parang hindi nauubusan ng mga namumukadkad ang tanim niyo rito ano?” ani Kariel bagay na ikinangiti ni Kiarah.“Oo, hindi talaga sila nagsasawang mamulaklak. Maganda din kasi ang pag-aalaga ng mga taga-nayon sa kanila. Tulad ng binilin noon ni sir Darrius na huwag pababayaan ang bagay na nagbibigay importansya sayo. Cheris
last updateLast Updated : 2024-09-18
Read more

Chapter 42

Habang abala silang tatlo sa pag-uusap at pagtatawanan, may paparating na isang lalaki mula sa di kalayuan. Halata ang pagka-busy nito sa pagbibisikleta papunta sa kanila. Nang mapansin ni Darrius ang parating na tao, agad niya itong nakilala."Si Mark," bulong ni Darrius kay Kariel.“Aba'y saan na naman niya dinekwat ang bisikletang iyan?” natatawang bulong ni Kariel sa kanya. Napakibit-balikat na lamang siya bilang tugon.Nang makarating si Mark malapit sa kanila, agad itong bumaba mula sa bisikleta at inilapit ang sarili sa grupo. “Good morning, boss!” sigaw ni Mark na tila may halong biro habang inaalis ang sumbrero nito at naglalakad papalapit sa kanila.“Saan mo ba kinuha iyang bisikleta? Pagising ko kanina wala ka, saan ka ba pumunta?” tanong ni Darrius sa kanyang assistant. “Ahh…nagpahangin lang po ako boss,” sagot naman nito. Ngumiti na lamang si Darrius saka tumango."Hi, Kiarah! Ikaw na naman ang kasama nila?" nakangiting bati ni Mark kay Kiarah, na noong una’y mukhang ma
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

chapter 43

Mabilis na lumipas ang mga araw sa nayon para kina Kariel, Darrius, at Mark. Ang dalawang linggong pananatili nila ay napuno ng masasayang alaala—mula sa mga kwentuhan sa tabing-ilog, hanggang sa simpleng pamumuhay kasama ang mga bagong kakilala tulad ni Kiarah para kay Kariel. Si Kariel, na hindi sanay sa mga simpleng bagay, ay tila natuto na ring mahalin ang katahimikan ng bukirin. Samantalang si Kiarah, na noong una'y tila malamig sa pakikitungo, ay naging isang matalik na kaibigan ni Kariel. Habang nag-aayos na ng mga gamit si Kariel sa kanyang silid, ay pumasok si Darrius para tingnan at tulungan siya. “Tapos ka na ba?” bungad at tanong ni Darrius nang makapasok ito sa kubo. Nilingon niya ito at nginitian. “Ah, oo patapos na rin ako,” sagot ni Kariel. "Dalawang linggo na pala ang lumipas. Parang ang bilis," ani Kariel habang sinisiksik ang huling piraso ng damit sa kanyang bag. Lumapit si Darrius para tulungan siyang mag-impake ng kanyang maleta. "Oo nga, pero masaya
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Chapter 44

Pagkababa ng sasakyan ay agad silang sinalubong ng kanilang mga magulang na may malalapad na ngiti sa mga mukha nito. Halos mangiyak-ngiyak naman na bumaba si Kariel sa sasakyan at agad na niyakap ang mga magulang. Sumunod namang lumabas si Darrius. At yumakap rin sa ama. “Welcome back! Mga anak,” masayang bati ng kanilang ina, ngunit hindi maipagkailang naluluha na rin ito. “Mom! Dad! I really miss you,” naiiyak na ani Kariel habang yakap ang mga magulang. “We’ve miss you too, mga anak.” Tugon ng ina ni Kariel. Ganun din si Darrius, niyakap din niya ang mga magulang. “Grabe its been a week pero, parang ang tagal na pong hindi ko kayo nakita,” sabi ni Kariel at agad na pinahiran ang mga luha. “I miss you, Dad.” Usal niya sabay yakap din sa ama. “I miss you too, Anak.” Tugon naman nito. Agad naman kumalas si Kariel sa ama. Tsaka nginitian ang mga ito. “O siya pasok na tayo. May inihanda kaming pagkain, alam naming darating kayo ngayon kaya masasarap at halos paborito m
last updateLast Updated : 2024-09-21
Read more

Chapter 45

Maaga pa lang ay nagising na si Kariel, pati na si Darrius. Para samahan at ihatid ang kanilang mga magulang sa pagpunta sa airport, kahit pa ramdam nila ang pagod mula sa mahabang biyahe mula sa probinsya. Lulan ng sasakyan, tahimik ang lahat habang sinasagap ang bawat huling minuto na magkasama sila bago muling maghiwa-hiwalay. Pagdating nila sa airport, bumaba agad si Kariel at muling niyakap ang kanyang ina. "Ingat po kayo sa biyahe Mom, Dad. Balik kayo agad ha, baka naman ma-e-extend na naman iyan," pabirong sabi ni Kariel ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Naku, anak, hindi naman sa ganon. Kailangan lang talagang asikasuhin ang negosyo," tugon ng kanilang ina, na bahagyang namumula ang mga mata sa pagpipigil ng luhang aagos sa mga mata nito ano mang oras. “Pero kahit anong mangyari, uuwi kami agad. Don't worry, sisikapin naming makauwi agad," dagdag pa ng ina. At saka niyakap siya nang mahigpit. Tumugon na rin siya sa pagkayakap rito. "Mag-ingat kayo lag
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more

Chapter 46

“Ehh! Ehh!” hiyaw ng mga kaibigan niya sabay sa tugtog na bumabalot sa loob ng nasabing club. “Puts your hands up in the air! Put your hands up!” hiyaw rin ng iba. “Woohh!” sigaw ni Kariel, habang sumasayaw at sumasabay sa indak ng musikang pinapatugtog ng Dj. Ganun din ang mga kaibigan masaya, at halatang nag-e-enjoy sa gabing iyon. Ilang linggo na ring hindi siya nagagawi sa bar kaya’t sabik siyang magwala sa gitna ng dance floor, ang bawat galaw niya ay swabe at puno ng saya. Kahit hindi siya umiinom ng alak, dama niya ang kalayaan at kaligayahan ng gabi. Hindi maipinta ang ngiti sa kanyang labi at ang kanyang mga mata’y kumikislap sa ilaw na sumasalamin mula sa dance floor. Pansamantala ay nakalimutan niya ang problimang dinadala niya. Hindi niya inalintana ang pag-alis ng mga magulang niya at ang balak nilang pag-amin ni Darrius, sa totoo nilang relasyon. "Kariel, tara na, inom ka na!" sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan, habang bitbit ang dalawang bote ng alak at inabot
last updateLast Updated : 2024-09-23
Read more

Chapter 47: Kariel got kidnap.

“Kaninong kapabayaan ito?!” sigaw ni Darrius, na halos pumutok na ang ugat sa kanyang leeg habang kausap ang manager ng bar. “Paano niyo hindi napansin na wala na siya?!”Nang dumating kasi siya para sunduin si Kariel ay wala na ito sa lugar. “Sir, pasensya na po, pero hindi namin nakita kung saan siya dumaan. Ayon sa mga kaibigan niya, pumasok lang siya sa restroom pero hindi na bumalik,” sagot ng staff, habang nanginginig at halatang kinakabahan sa galit ni Darrius. “Hindi niyo napansin? Hindi niyo nakita? Ilan kayong nagbabantay dito?” asik niya. “Pasensya na po Sir marami lang po talagang tao, kaya hindi namin namalayan ang nagyayari sa paligid.” Sagot ng isa pang staff. Napagtanto rin ni Darrius ang nangyari bagay na niluwagan at binitawan niya ang manager. “Pasensya na po talaga S-sir,” nauutal na ani ng manager ng bitawan niya ito. Bumaling si Darrius sa ibang empleyado, habang ang mga mata ay nagliliyab na sa galit. “CCTV. Gusto kong makita ang CCTV ngayon din!” "Pas
last updateLast Updated : 2024-09-23
Read more
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status