Alas sais ng hapon nang lumabas sina Kariel at Darrius mula sa kubo at nagtungo sa bahay ni Mang Emilio. Malapit lang ang bahay kaya’t mabilis nilang narating ito. Nakangiti si Mang Emilio at agad silang sinalubong sa pintuan."Darrius, Kariel! Natagalan kayo, ha? Hali na at pumasok na kayo. Saktong-sakto ang dating niyo, katatapos ko lang ihanda ang lamesa, " anyaya ni Mang Emilio.Inalalayan naman ni Darrius si Kariel papasok. At sumalubong agad sa kanila ang amoy ng mga masarap na pagkain mula sa kusina. Tulad ng unang araw ng kanilang pagdating, parang piyesta pa rin ang handa—adobong manok, sinigang na baboy, lechon kawali, at tinola. May puto, bibingka, at iba’t ibang prutas na nakahain sa mesa."Pasensya na, Ms. Kariel, hindi gaanong espesyal ang mga putahe rito. Hindi katulad sa siyudad," nahihiyang sabi ni Mang Emilio."Naku, huwag po kayong mag-alala. Sigurado akong masarap ang mga iyan," nakangiting tugon ni Kariel.“O siya, maupo na kayo,” anyaya ni Mang Emilio.“Dito ka
Last Updated : 2024-09-11 Read more