PAGKALUPAS ng ilang buwan mula nang lumipad patungong Australia, unti-unting natutunan ni Kariel na tanggapin ang katotohanang wala na si Darrius sa buhay niya. Masakit man, lalo na sa mga unang linggo, pero para sa anak nila, pilit siyang nagpakatatag. Ilang linggo na lang, at isisilang na niya ang kanilang anak. Pero sa bawat gabi, sa katahimikan ng silid na pinaghahandaan niya para sa sanggol, bumabalik ang mga alaala ni Darrius—mga sandaling puno ng pagmamahal at pangarap na magkasama nilang hinubog, ngunit ngayo’y naging alaalang nagpapabigat sa kanyang dibdib. “Mom, I’m fine,” saad ni Kariel sa ina, habang nakahiga sa kama at hinihimas ang kanyang tiyan. “Konting sakit lang, normal naman daw ‘to sa ganitong stage ng pagbubuntis, sabi ng doktor.” Nakaupo sa gilid ng kama ang kanyang ina, bakas sa mukha ang pagkabahala. “Alam kong sinasabi mo ‘yan, anak, pero nakikita ko rin ‘yung lungkot sa mga mata mo. Hindi lang ‘to tungkol sa pagbubuntis, hindi ba?” Napangiti si Kariel
Last Updated : 2024-10-03 Read more