Share

Chapter 65

Author: Calut qho
last update Huling Na-update: 2024-10-03 10:27:22

SA KABILANG DAKU, ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang tuluyan nang nagbago ang buhay ni Darrius. Wala na siyang negosyo, wala na rin ang dating karangyaan na bumabalot sa kanyang pagkatao. Ang yaman na minsang ipinagmamalaki niya ay naglaho, at sa halip ay napalitan ng paghihirap at pangungulila. Ngayon, nakikita siyang naglalakad sa kalsada, hindi na suot ang mga mamahaling damit kundi uniporme ng isang delivery boy—trabahong kinuha niya upang kahit papaano’y may makain siya at si Mark.

Sa kabila ng lahat, si Mark, ay nakahanap rin ng trabaho. Bagama't hindi kalakihan ang kita, sapat na ito para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Ngunit sa gabi, si Darrius ay bumabalik sa kanyang dating bisyo—ang alak. Sa bawat bote na kanyang iniinom, pilit niyang tinatakasan ang kirot ng pagkatalo, ng mga alaala kay Kariel, at ng pangarap na tila naging abo.

ISANG gabi, mag-isa si Darrius sa isang maliit na bar sa tabi ng eskinita. Kakaunti ang mga tao, at ang liwanag mula sa malili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
wagmawalan Ng pg asa.. kayanin m babalik k dn s dati m buhay ..
goodnovel comment avatar
Calut qho
laban lang po ...️...️
goodnovel comment avatar
Calut qho
thank you ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 66: Shattered Hope

    Nakahiga sa malamig na semento si Darrius, halos hindi na niya maramdaman ang buong katawan. Ang mga sugat at pasa sa kanyang mukha ay tila ba manhid na, at ang dating matinding sakit ay napalitan ng tila isang malalim na pamamanhid. Ramdam niya ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang mga sugat, ngunit higit pa roon, ang tanging naririnig niya ay ang mabibigat na yabag ng kanyang puso—mabagal, parang nag-aagaw-buhay. Pumikit siya, at handa nang tuluyan na lamang siyang lamunin ng dilim, nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanya. Hindi na niya magawang igalaw ang kanyang katawan upang makita kung sino ang paparating, ngunit alam niyang may isang tao na huminto sa kanyang tabi. “Diyos ko… Darrius?” Ang boses na iyon. Hindi siya sigurado kung totoo ba iyon o bahagi na lang ng kanyang imahinasyon. Malabo na ang kanyang paningin at ang mga tunog ay tila ba lumalabo rin. Isang pamilyar na boses ang naririnig niya, ngunit hindi niya matukoy kung sino. Bago siya tuluyang mawalan ng

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • POSSESSION OF LOVE   chapter 67

    Matapos ang ilang araw na pagpapahinga, nagising si Darrius sa isang malamig na silid ng ospital. At sa kabila ng pananakit ng kanyang katawan, nagdesisyon siyang bumangon. Pinilit niyang igalaw ang mga binti at ibinaba ang mga ito sa higaan. Ang bawat hakbang ay tila mabigat, ngunit hindi niya iyon inalintana. Tanaw niya mula sa binata ng ospital ang malaking gusali na noon ay siya ang namamahala. Ang gusaling iyon ay naging saksi sa kanyang mga tagumpay at pagkatalo. Ngunit sa kabila ng lahat, may isang bagay ang hindi niya pinagsisihan, ang pagbubukas ng kanyang puso sa totoong nararamdaman. Ang pag-amin niya sa babaeng minamahal na ngayo'y biglang nawala ay nagbigay sa kanya ng isang masakit na alaala at dahilan upang mawalan siya ng ganang mabuhay. “I miss you, Kariel. Sana nasa maayos at mabuting kalagayan ka,” naluluhang naisatinig ng kanyang isipan. Habang nag-iisip, ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Mark, kasama si Kiarah. “Kiarah!?” gulat na naisatinig n

    Huling Na-update : 2024-10-05
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 68

    Ilang linggo na ang lumipas mula nang makalabas si Darrius sa ospital. Sa bawat araw na dumaan, ibinuhos niya ang natitirang lakas sa pagpapagaling ng kanyang katawan at isipan. Hindi ito naging madali, lalo na’t ang sakit ng pagkawala ni Kariel, ay parang aninong sumusunod sa kaniya saan man siya magpunta. Bagaman, patuloy siyang nagpakasubsob sa mga responsibilidad na iniwan sa kaniya, sinisikap niya na bumangon mula sa matinding dagok na iyon. At isa sa mga naging paraan para makalimutan ang sakit ay ang pagtanggap sa alok na magpunta sa Itay. "Nandito na tayo, Boss," wika ni Mark habang bumababa sila ng taxi. Napasulyap si Darrius sa paligid, tinatanaw ang malawak na airport. He Heaved a sigh. “Simula na ng bagong kabanata, Mark. Kahit anong mangyari, kailangan nating gawin ito.” Tahimik nilang binaybay ang daan papasok ng paliparan. Bitbit ang ilang bagahe, napapaligiran sila ng maraming tao na tila ba abala rin sa kani-kanilang mga buhay. Sa dami ng mga naglalakad, pakiramda

    Huling Na-update : 2024-10-07
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 69

    SA KABILANG DAKU, patuloy na lumalaban si Kariel, sa bawat hampas ng alon ng kapalaran. Ang bawat araw ay tila isang mahabang pag-akyat sa isang matarik na bundok, ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy. Isang maulan na hapon, naramdaman na ni Kariel ang pagsakit ng kaniyang tiyan. Ilang buwan na rin sila naninirahan sa bahay ng kaniyang tiyahin. “Mommy! Arayy! Aghh! Mommy!” namimilipit sa sakit na tawag niya sa ina. “Mommy! Tulong!” Maya-maya pa ay kumaripas na nang takbo ang ina papasok sa kaniyang silid. “Anak! Anong nangyari?” natarantang anito. “Oh my God! Manganganak ka na yata,” usal nito at dali-daling tinawag ang kanilang driver. Bumalik naman ito agad para, alalayan siya palabas ng silid. “Kalma lang anak, okay. Huwag ka munang iire hangga’t ‘di tayo nakakarating ng ospital,” wika ng ina habang patuloy na inalalayan siya papasok ng sasakyan. “Araay Mom, ‘di ko na talaga kaya, aghh! Ang sakit na po talaga!” “God! Please huwag na muna n

    Huling Na-update : 2024-10-08
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 70

    Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital, tuluyan nang nakalabas si Kariel, kasama ang kanyang ina at ang isinilang na sanggol. Pagkarating nila sa bahay ng tiyahin, ay nagulat na lamang siya nang makita ang isang van na nakaparada sa harap ng bahay.Nagtaka siya sa una kung sino ang dumating o bisita ng tiyahin, sapagkat parang isang engrandeng handaan ang theme. Sa labas pa lang ng pinto ay mga mga nakasabit ng mga balloon. Napangiti na lamang siya nang makita niyang lumabas si Kieth, at dali-daling nagtungo sa sasakyan, at agad silang pinagbuksan ng pinto. Nang makababa siya ay mabilis siyang niyakap ng kapatid. “I miss you, Bunso. I'm sorry, for what we've done. Sana mapatawad mo kami,” naiiyak na ani Kieth.“Its okay Kuya, I understand.”“Siya na ba ang pamangkin ko?” masayang wika nito. Tumango naman siya bilang tugon. “Can I carry my niece fo a while?” paalam nito. Buong ingat niyang pinakarga ang anak sa kapatid. Tuwang-tuwa naman si Kieth, habang naglalakad sila pa

    Huling Na-update : 2024-10-09
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 71

    Habang hinihele ni Kariel, ang kanyang anak sa loob ng kanyang silid, matapos ang kanilang kaunting salo-salo. Dahan-dahan niyang pinapadulas ang kanyang mga daliri sa makinis na pisngi ng kanyang anak. "Kapag lumaki ka, anak gagawin kong lahat para makuha mo ang lahat ng pangarap mo. Huwag kang mag-alala, darating ang araw na makikita rin natin si daddy. Hindi man ngayon, pero darating ang tamang panahon." Hindi niya maiwasang maluha habang sinasambit ang mga katagang ‘yon.“Kariel,” mahinang tawag sa kaniya sa labas ng kanilang silid. “Bukas lang po iyan kuya,” hiyaw niya ngunit nasapo niya kaagad ang bibig nang bahagyang gumalaw ang anak.“Shhhh…”“Pasensya ka na huh, may gusto lang akong ipakita sayo. Matagal na ‘toh sa akin, kaso humahanap lang ako nang tiyempo,” wika ng kapatid, habang nakangiting lumalapit sa kaniya.“Here.”Nag-aalangan man si Kariel, ngunit tinanggap niya ang inaabot ng kapatid. "Anong meron dito?" tanong niya, habang nakakunot ang noo.Pagkabukas niya nang

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 72

    Pagkatapos nang halos isang buwang pagsasanay at paglinang ng kaniyang kakayahan na mamahala ng ubasan, ay pinatawag siya ng presidente ng kompanya. Si mr. Davide Lombardi. Habang papasok sa trabaho, ay nakasalubong niya ang isa sa kaniyang kasamahan. "Darrius, pupunta ka na ba sa opisina ng presidente ngayon?" tanong ng kasamahan niyang si Matteo, isang beteranong empleyado ng kumpanya. "Oo, pinatawag ako. Hindi ko alam kung bakit pero baka may gusto siyang sabihin," sagot ni Darrius habang inihahanda ang kanyang mga papeles na ipinahanda sa kaniya ng sekretarya."Baka, magkakaroon ka ng promotion," nakangiting saad nito."Naku! Bakit mo naman naisipan iyan?" "Magaling ka kasi. Maraming humahanga sa 'yo dito. Hindi lahat kaya ang ganitong klaseng pressure, pero ikaw, kinaya mo." Napangiti na lamang si Darrius, sa papuring natamo, nasanay na rin siya at halos ganoon na lamang ang naririnig niya sa kaniyang mga kasamahan. Mababait rin ang halos mga kasamahan niya sa trabaho, karam

    Huling Na-update : 2024-10-11
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 73

    Hindi pa rin makapaniwala si Darrius, na binigyan siya ng agarang promotion ng Presidente makalipas ang ilang buwan pamamahala niya sa ubasan. Promotion bilang isang ganap ng Director of Export Operations, baguhan pa lang siya sa kompanya, ngunit ipinagkatiwala sa kanya ang isa sa pinakamalalaking responsibilidad. Alam niyang malayo na ang narating niya mula nang magsimula siya, ngunit hindi niya inasahan na ganito kabilis ang mga pangyayari.Pagkalabas niya sa opisina ay agad siyang nag-message kay Mark, na kasama niya rin sa pamamahala sa ubasan.Darrius: Bro, promotion! Hindi ako makapaniwala! Celebrate tayo mamaya!Mark: What?! Wow, congrats! Anong plano mo?Darrius: Inom tayo. Bar na malapit sa planta, simplihan lang.Mark: Game ako diyan. Text ko rin si Matteo, baka gusto niyang sumama.Darrius:Ge.Mabilis na natapos ang araw, at kasalukuyan na silang nagtitipon sa loob ng simple ngunit magandang inuman malapit lang din sa pinagtatrabahuhan nila. May iilan din silang kasama na

    Huling Na-update : 2024-10-13

Pinakabagong kabanata

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 115

    Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 114

    SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 113

    Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 112

    Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 111

    Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 110

    Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. “Kariel...”Agad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.“Salamat,” basag ni Darrius sa katahimikan.“Sa alin?” mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.“Sa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,” tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. “Hindi mo alam kung gaano ko ‘to pinangarap, Kariel.”Hindi naman nagawang sumagot ni Ka

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 109

    Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. “Si Darielle,” mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.“Huwag mo na patagalin. Sagutin mo na,” ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.“Mommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!” bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.“Sorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.”“Ganon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,” wika pa ng anak.“Wait, sino ba kasama mo riyan?” tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.“Ako

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 108

    PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. “Hi.” Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. “Hmm… Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam ko–” Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na s’yang halikan sa labi ni Kariel. “Hanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? I’ve waited you so long. I’ve waited this day, tapos patorpe-torpe ka

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 107:

    MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.“Grabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!” masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. “Naku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, ” pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.“Naku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,” sagot ni Kiarah, kasabay

DMCA.com Protection Status