Home / Romance / POSSESSION OF LOVE / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of POSSESSION OF LOVE: Chapter 81 - Chapter 90

118 Chapters

Chapter 78

MAKALIPAS ang ilang linggong pamamalagi ni Kariel sa Pilipinas, unti-unti nang gumaan ang pakiramdam niya. Tama ang kapatid, hindi siya bumalik sa Pilipinas para masaktan ulit. Bumalik siya para tuluyang maghilom at unti-unting kalimutan ang sakit na ilang taon niyang kinimkim.Naging maayos ang lahat, at pinilit niyang gampanan nang mabuti ang binigay ng kaniyang ama na responsibilidad bilang CEO at presidente ng kanilang kompanya. Okay na rin iyon para malibang siya at hindi na mabagot sa bahay. Pina-enroll na rin niya ang anak sa isang pribadong paaralan. Ang ina niya ang naghahatid at sumusundo rito, kaya kahit papaano, nakakahinga siya nang maluwag dahil hindi na niya kailangang maghanap pa ng magbabantay sa anak.Sa gitna ng kaniyang pagmumuni-muni, napatingin siya sa pinto nang bumukas ito. Pumasok ang sekretaryang si Laine at lumapit sa kaniya.“Good morning po, Ma'am. Narito na po ang pinapaayos niyong dokumento,” nakangiting bati ni Laine habang iniabot ang hawak na folder.
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more

chapter 79

MATAPOS ang masasayang kuwentuhan ng magkapatid muling nagsalita si Kenneth at may inabot na isa pang bagay kay Kariel. Sa pagkabigla, tiningnan niya ang hawak ng kapatid—isang makulay na ticket na agad niyang kinilala bilang para sa isang children's play center."Ano 'to, kuya?" tanong ni Kariel habang tinititigan ang ticket. Hindi niya maiwasang ngumiti sa mga makukulay na disenyo ng mga lobo, carousel, at mga laruan na nakalimbag sa ticket."Surprise ulit! Alam kong medyo marami kang iniisip sa trabaho, kaya naisip ko na baka gusto mong mag-relax ng konti kasama si Darielle. Ito, binilhan kita ng tickets para sa Funville Play Park. Sobrang saya doon, especially para sa mga bata. Alam kong matagal-tagal na ring hindi kayo nakakalabas ni Darielle ng ganito." Turan ng kapatid habang nakangiti.Napangiti na rin si Kariel sa narinig. Matagal na nga niyang iniisip na dalhin si Darielle sa isang lugar na masaya, ngunit hindi niya magawa dahil sa dami ng trabaho at responsibilidad sa kompa
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more

Chapter 80

MATAPOS ang mahabang linggo ng trabaho, sa wakas ay nagkaroon ng oras si Kariel upang dalhin si Darielle sa Funville Play Park. Tulad ng ipinangako ni Kenneth, ito ang naging perpektong pagkakataon para makapagpahinga at makapag-bonding silang mag-ina. Pagkarating nila sa entrance, agad na napansin ni Kariel ang kislap sa mga mata ng kaniyang anak. Halatang tuwang-tuwa si Darielle, at halatang excited ito sa lahat ng makikita at mararanasan sa loob. "Mommy, it has a lot of balloons! And rides!" masayang sigaw ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. "Where do we go first, Mommy? I want the one that looks like a castle!" Napangiti naman si Kariel habang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa at ang taas ng energy. "Kalma lang, anak. Marami tayong oras. Isa-isahin natin," sagot niya at hinaplos ang pisngi ng anak. Kinuha niya ang kamay nito at hinayaan itong pangunahan siya papasok sa masayang mundo ng mga rides at laro. Una nilang tinungo ang malaking carousel na may mga ka
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 81: Chasing Shadow

SA KABILANG DAKU, sa gitna ng malalim na tulog ni Darrius, naramdaman niyang may malamig na hangin na dumarampi sa kanyang balat. Ngunit ang malamig na hanging iyon ay unti-unting napapalitan ng mainit na hangin, at tila hinahatak siya sa isang di-maipaliwanag na direksyon. Nang magising siya, napagtanto niyang nasa isang mundo siyang hindi pamilyar. Nasa isang malawak na damuhan siya, at nababalot ng fog. Naguguluhan, napakunot ang kanyang noo, wondering kung paano siya napunta roon. Sa gitna nang pag-iisip bigla siyang nakarinig ng mga yabag mula sa kaniyang likuran, papalapit, patungo sa kanya. Nang lumingon siya, laking gulat niya nang makita si Kariel, ang babaeng matagal na niyang gustong makita. Ngunit nang makita niyang may hawak itong bata, tila naguluhan siya. Pero may parte sa kaniyang puso ang nabuhay, tila ang batang iyon ay may malaking parte sa pagkatao niya. Gustong nang kumawala ng kanyang puso sa saya nang makita si Kariel. Ngunit, hindi niya maiwasang magtanong sa
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

Chapter 82: Passport

HABANG nakaupo si Darrius sa kanyang swivel chair, sa loob ng kaniyang opisina, ngunit hindi mawala sa kaniyang isipan ang napanaginipan niya kagabi. Balisa at panay ang hilamos niya dahil sa imahe ng batang katabi ni Kariel. Noon pa man gusto na niyang mapanaginipan ang babae ngunit, nang mapanaginipan niya ito, marami nang tanong sa kaniyang isipan. Sino ang batang iyon? Mga tanong na pabalik-balik sa kaniyang isipan. Pilit man niyang inaalis ngunit tila hindi ito mawala-wala. Nabalik na lamang siya sa kaniyang huwisyo nang magsalita ang kaniyang sekretarya. Hindi na pala niya namalayang nakapasok na ito sa kaniyang opisina."Padrone Darrius?" Untag ng kaniyang assistant."Signore, stavo dicendo che il progetto della nostra nuova cantina sta andando avanti a gonfie vele. Abbiamo scelto i terreni e le uve sono in ottima condizione," patuloy ni Sofie, nagsasalita sa kanyang likas na Italian accent. Hawak nito ang ilang blueprints at mga papel tungkol sa kanilang bagong proyekto, na
last updateLast Updated : 2024-10-21
Read more

Chapter 83

SA KABILANG DAKU, suot ang itim na blazer at pencil skirt, si Kariel ay tila walang bahid ng kaba o anumang pahiwatig ng kanyang mga iniisip habang nakaupo sa kanyang executive chair sa loob ng conference room. Nakatutok ang kanyang paningin sa nagpi-present, ngunit sa kabila ng kanyang mahinahong itsura, biglang may gumulo sa kanyang isipan. Anuman iyon, hindi niya agad matukoy. Nagtapos na ang presentasyon ng kanyang kasamahan, ngunit pakiramdam ni Kariel ay parang wala siya sa sarili."Okay, so we will finalize the numbers and send the proposal within the week," sabi ng isa sa mga kasamahan niya habang nag-aayos ng gamit."Yes, let's stick to that timeline. Meeting adjourned. You may now leave," kalmadong ani Kariel, sabay tango ng kanyang mga kasamahan bago nagsilabas ng conference room."Thank you, Ma'am. Mauna na po kami," sabay-sabay na paalam ng mga dumalo.Naiwan siyang mag-isa sa loob ng silid. Habang nakatingin sa kabuuan ng conference room, nagpakawala siya ng isang malal
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Chapter 84

MAGMULA ng makatanggap si Kariel ng message mula kay Kiarah, ay naging kaswal na ang kanilang pag-uusap. Bumalik ang dating sigla sa puso niya dahil sa mga kuwento at mga biro nito. Ngunit, may mga bagay pa talaga na parang hindi nila in-oopen up sa isa't Isa at ramdam nila iyon. Siguro nga, may mga bagay na hindi nila dapat pinag-uusapan sa chat lang. Mabilis na lumipas ang mga araw sa isang cozy café na malapit sa baybayin, ang napagpasyahan nilang lugar kung saan sila magkikita. Habang nakaupo sa isang sulok inaayos ni Kariel ang kanyang blouse habang tinitingnan ang kanyang relo. At inaantay si Kiarah. Maya-maya pa’y may nakita s’yang babae na palapit sa kanyang puwesto. Kumakaway, habang malapad ang ngiting naka-rehistro sa labi nito. Si Kiarah iyon, sa una ay hindi niya nakilala dahil—tila ibang tao na ito mula sa Kiarah na kilalal niya noon. Si Kiarah na noo’y simple ngunit ngayon, may taglay ng alindog at karenyo. Suot nito ang isang eleganteng beige na dress at shades, ang
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Chapter 85

Matapos ang mahaba at malalim na kuwentuhan ni Kariel at Kiarah, napagpasyahan nilang tapusin ang kanilang usapan. Lumalim na rin ang gabi, at tila napasarap ang kanilang kuwentuhan, at hindi na nila namalayang gabi na pala. Habang naglalakad palabas ng café, hindi maiwasan ni Kariel, ang ngumiti habang pinagmamasdan si Kiarah, na abala sa pag-ayos ng kanyang shoulder bag. “Marami akong nami-miss sa buhay, pero salamat sa pag-share mo kanina. Natutuwa akong naging okay kayo ni Mark doon sa Italy,” ani Kariel na ikinangiti ni Kiarah. “Oo, marami akong natutunan, at ‘yun nga... Si Darrius, lagi rin kaming nag-uusap noon, pero...” saglit itong tumigil at pumakawala ng malalim na buntonghininga bago pa nagpatuloy. “Hindi ko siya masyadong makontak ngayon. Siguro nga, busy lang talaga siya. Alam mo na, malaki na ang papel niya sa kompanya.” Pilit na ngiti na lamang ang itinugon niya sa sinabi ng kausap. Ngumiti naman si Kiarah, at nagpatuloy na sila sa paglalakad patungo sa parking
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

Chapter 86:

Matapos matiyak na nakatulog na nang maayos si Darielle, tahimik na bumalik si Kariel sa kanilang sala. Nais niyang kumuha ng tubig para sa sarili bago rin humiga at magpahinga. Naglakad siya nang dahan-dahan pababa ng hagdan, ngunit sa kanyang pagbaba, napansin niyang maliwanag pa sa kanilang veranda. Subalit hindi niya iyon binigyang pansin, bagkus tahimik siyang humakbang at tumungo sa kusina, ngunit natanaw niyang nang akma na siyang umakyat ay narinig niya ang boses ng ama. Dala ng kuryusidad, dahan-dahan siyang nagtungo at bahagyang sumilip sa nakaawang na pinto. Nagtaka siya bigla, dahil nandun pa rin si Nanon. Hindi niya inaasahan na magtatagal pa ito, lalo pa't malalim na ang gabi. Tahimik niyang pinakinggan ang usapan ng dalawa. "Hindi ko akalaing ganito ang magiging sitwasyon, Tito. Pero ako, handa akong sumunod sa usapan. Hindi na rin naman iba ang tingin ko sa kaniya eh," narinig niyang sabi ni Nanon. "Mabuti naman at alam mong may tungkulin kang dapat gampanan. Alam
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

Chapter 87

MATAPOS ang kanilang sagutan ng ama, mas pinili na lamang ni Kariel, na tumalikod at umalis para hindi pa humaba ang kanilang pagtatalo. Ayaw niyang makapagbitaw pa ng mga masasakit na salita laban sa ama dahil kahit papaano. Mataas pa rin ang respito niya rito. Ngunit, tila yata sumosobra na ang ama bagay na iniyak na lamang niya at agad na binuksan ang dating silid ni Darrius, upang doon ibuhos ang lahat ng hinanakit niya. Muli niyang hinawakan ang dating painting na tila sumisimbolo sa katauhan niya."Darrius..." bulong niya, habang patuloy sa pag-agos ng kaniyang mga luha. “Bakit? Bakit ganito ang naging kapalaran ko? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya?” Gusto niyang sumigaw, gusto niyang labanan ang mga plano ng kanyang ama, pero pakiramdam niya’y nakagapos siya sa mga tali ng nakaraan at sa mga inaasahan ng mga tao sa paligid niya. "Bakit kailangan ko pang dumaan sa ganito?" humihikbing tanong niya sa sarili. Mahigpit niyang niyakap ang painting at doon na lamang ibinuh
last updateLast Updated : 2024-10-25
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status