Home / Romance / POSSESSION OF LOVE / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng POSSESSION OF LOVE: Kabanata 71 - Kabanata 80

118 Kabanata

Chapter 68

Ilang linggo na ang lumipas mula nang makalabas si Darrius sa ospital. Sa bawat araw na dumaan, ibinuhos niya ang natitirang lakas sa pagpapagaling ng kanyang katawan at isipan. Hindi ito naging madali, lalo na’t ang sakit ng pagkawala ni Kariel, ay parang aninong sumusunod sa kaniya saan man siya magpunta. Bagaman, patuloy siyang nagpakasubsob sa mga responsibilidad na iniwan sa kaniya, sinisikap niya na bumangon mula sa matinding dagok na iyon. At isa sa mga naging paraan para makalimutan ang sakit ay ang pagtanggap sa alok na magpunta sa Itay. "Nandito na tayo, Boss," wika ni Mark habang bumababa sila ng taxi. Napasulyap si Darrius sa paligid, tinatanaw ang malawak na airport. He Heaved a sigh. “Simula na ng bagong kabanata, Mark. Kahit anong mangyari, kailangan nating gawin ito.” Tahimik nilang binaybay ang daan papasok ng paliparan. Bitbit ang ilang bagahe, napapaligiran sila ng maraming tao na tila ba abala rin sa kani-kanilang mga buhay. Sa dami ng mga naglalakad, pakiramda
last updateHuling Na-update : 2024-10-07
Magbasa pa

Chapter 69

SA KABILANG DAKU, patuloy na lumalaban si Kariel, sa bawat hampas ng alon ng kapalaran. Ang bawat araw ay tila isang mahabang pag-akyat sa isang matarik na bundok, ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy. Isang maulan na hapon, naramdaman na ni Kariel ang pagsakit ng kaniyang tiyan. Ilang buwan na rin sila naninirahan sa bahay ng kaniyang tiyahin. “Mommy! Arayy! Aghh! Mommy!” namimilipit sa sakit na tawag niya sa ina. “Mommy! Tulong!” Maya-maya pa ay kumaripas na nang takbo ang ina papasok sa kaniyang silid. “Anak! Anong nangyari?” natarantang anito. “Oh my God! Manganganak ka na yata,” usal nito at dali-daling tinawag ang kanilang driver. Bumalik naman ito agad para, alalayan siya palabas ng silid. “Kalma lang anak, okay. Huwag ka munang iire hangga’t ‘di tayo nakakarating ng ospital,” wika ng ina habang patuloy na inalalayan siya papasok ng sasakyan. “Araay Mom, ‘di ko na talaga kaya, aghh! Ang sakit na po talaga!” “God! Please huwag na muna n
last updateHuling Na-update : 2024-10-08
Magbasa pa

Chapter 70

Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital, tuluyan nang nakalabas si Kariel, kasama ang kanyang ina at ang isinilang na sanggol. Pagkarating nila sa bahay ng tiyahin, ay nagulat na lamang siya nang makita ang isang van na nakaparada sa harap ng bahay.Nagtaka siya sa una kung sino ang dumating o bisita ng tiyahin, sapagkat parang isang engrandeng handaan ang theme. Sa labas pa lang ng pinto ay mga mga nakasabit ng mga balloon. Napangiti na lamang siya nang makita niyang lumabas si Kieth, at dali-daling nagtungo sa sasakyan, at agad silang pinagbuksan ng pinto. Nang makababa siya ay mabilis siyang niyakap ng kapatid. “I miss you, Bunso. I'm sorry, for what we've done. Sana mapatawad mo kami,” naiiyak na ani Kieth.“Its okay Kuya, I understand.”“Siya na ba ang pamangkin ko?” masayang wika nito. Tumango naman siya bilang tugon. “Can I carry my niece fo a while?” paalam nito. Buong ingat niyang pinakarga ang anak sa kapatid. Tuwang-tuwa naman si Kieth, habang naglalakad sila pa
last updateHuling Na-update : 2024-10-09
Magbasa pa

Chapter 71

Habang hinihele ni Kariel, ang kanyang anak sa loob ng kanyang silid, matapos ang kanilang kaunting salo-salo. Dahan-dahan niyang pinapadulas ang kanyang mga daliri sa makinis na pisngi ng kanyang anak. "Kapag lumaki ka, anak gagawin kong lahat para makuha mo ang lahat ng pangarap mo. Huwag kang mag-alala, darating ang araw na makikita rin natin si daddy. Hindi man ngayon, pero darating ang tamang panahon." Hindi niya maiwasang maluha habang sinasambit ang mga katagang ‘yon.“Kariel,” mahinang tawag sa kaniya sa labas ng kanilang silid. “Bukas lang po iyan kuya,” hiyaw niya ngunit nasapo niya kaagad ang bibig nang bahagyang gumalaw ang anak.“Shhhh…”“Pasensya ka na huh, may gusto lang akong ipakita sayo. Matagal na ‘toh sa akin, kaso humahanap lang ako nang tiyempo,” wika ng kapatid, habang nakangiting lumalapit sa kaniya.“Here.”Nag-aalangan man si Kariel, ngunit tinanggap niya ang inaabot ng kapatid. "Anong meron dito?" tanong niya, habang nakakunot ang noo.Pagkabukas niya nang
last updateHuling Na-update : 2024-10-10
Magbasa pa

Chapter 72

Pagkatapos nang halos isang buwang pagsasanay at paglinang ng kaniyang kakayahan na mamahala ng ubasan, ay pinatawag siya ng presidente ng kompanya. Si mr. Davide Lombardi. Habang papasok sa trabaho, ay nakasalubong niya ang isa sa kaniyang kasamahan. "Darrius, pupunta ka na ba sa opisina ng presidente ngayon?" tanong ng kasamahan niyang si Matteo, isang beteranong empleyado ng kumpanya. "Oo, pinatawag ako. Hindi ko alam kung bakit pero baka may gusto siyang sabihin," sagot ni Darrius habang inihahanda ang kanyang mga papeles na ipinahanda sa kaniya ng sekretarya."Baka, magkakaroon ka ng promotion," nakangiting saad nito."Naku! Bakit mo naman naisipan iyan?" "Magaling ka kasi. Maraming humahanga sa 'yo dito. Hindi lahat kaya ang ganitong klaseng pressure, pero ikaw, kinaya mo." Napangiti na lamang si Darrius, sa papuring natamo, nasanay na rin siya at halos ganoon na lamang ang naririnig niya sa kaniyang mga kasamahan. Mababait rin ang halos mga kasamahan niya sa trabaho, karam
last updateHuling Na-update : 2024-10-11
Magbasa pa

Chapter 73

Hindi pa rin makapaniwala si Darrius, na binigyan siya ng agarang promotion ng Presidente makalipas ang ilang buwan pamamahala niya sa ubasan. Promotion bilang isang ganap ng Director of Export Operations, baguhan pa lang siya sa kompanya, ngunit ipinagkatiwala sa kanya ang isa sa pinakamalalaking responsibilidad. Alam niyang malayo na ang narating niya mula nang magsimula siya, ngunit hindi niya inasahan na ganito kabilis ang mga pangyayari.Pagkalabas niya sa opisina ay agad siyang nag-message kay Mark, na kasama niya rin sa pamamahala sa ubasan.Darrius: Bro, promotion! Hindi ako makapaniwala! Celebrate tayo mamaya!Mark: What?! Wow, congrats! Anong plano mo?Darrius: Inom tayo. Bar na malapit sa planta, simplihan lang.Mark: Game ako diyan. Text ko rin si Matteo, baka gusto niyang sumama.Darrius:Ge.Mabilis na natapos ang araw, at kasalukuyan na silang nagtitipon sa loob ng simple ngunit magandang inuman malapit lang din sa pinagtatrabahuhan nila. May iilan din silang kasama na
last updateHuling Na-update : 2024-10-13
Magbasa pa

Chapter 74: Six years of Success

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Ngayon, anim na taon na ang nakaraan mula nang maging ganap siyang Director of Export Operations sa nasabing kompanya. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil sa bagong pag-asa na binigay sa kaniya, pati na rin kay Mr. Lombardi, Presidente ng kompanya. Kung hindi dahil sa tiwalang ibinigay nito, hindi niya maabot ang kinatatayuan niya ngayon. Bagamat naghirap naman siya bilang CEO sa dating kompanya ng mga Montgomery, pero iba talaga ang pakiramdam ng pinaghirapan mo ang posisyong tinutungtungan mo. Isang bagay na lubos niyang pinapasalamatan sa poong maykapal. Sa isang maluwang at modernong opisina ngayon nakaupo si Darrius, at hindi na siya sa vineyard naglalagi. Abalang-abala siya sa pag-aasikaso ng mga dokumentong kailangan niyang lagdaan para sa susunod niyang mga proyekto. Sa kabila ng lahat, natutunan niyang libangin ang sarili at ituon ang atensyon sa kanyang trabaho. Ngunit hindi naman niya lubos na kinalimutan ang babaeng mi
last updateHuling Na-update : 2024-10-14
Magbasa pa

Chapter 75

HINDI mapigilang mapalunok ni Kariel habang bumababa sila ng sasakyan. Nang muli siyang bumalik sa bahay kasama ang anak, sari-saring emosyon ang bumalot sa kaniya. Dito siya nakaranas ng pinakamasasayang sandali kasama si Darrius, ngunit ngayon, iyon ay parang isang malabong alaala na lang. Nag-iba na rin ang hitsura ng bakuran—puno ito ng iba't ibang uri ng bulaklak, at nakaayos na ang mga paso na nagbibigay ng ganda sa paligid. Kinuha niya ang huling hininga ng lakas ng loob bago humarap sa entrada ng bahay. “Mommy, are you okay?” tanong ni Darielle, na siyang sentro ng kaniyang buhay at dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban. Isang masayahin at bibo ang kaniyang anak, at ipinagpapasalamat niya sa Diyos na ligtas niya itong naipanganak sa kabila ng mga naging komplikasyon. Ngumiti siya kahit may bigat sa puso at binuhat ang anak papasok ng bahay. “I’m okay, baby. Let’s go meet Lolo and your titos. They’re really excited to see you.” Pagpasok nila, agad silang sinalubong ng
last updateHuling Na-update : 2024-10-15
Magbasa pa

Chapter 76

Pagkatapos ng masarap na hapunan, hinatid ni Kariel ang anak papunta sa kanilang silid. Malaki na rin ang pinagbago ng kaniyang silid, wala na ang mga luma niyang gamit at kahit ang mga simpleng alaala ng kanyang kabataan. Maging ang stuffed toy na ibinigay ni Darrius noon ay wala na. Hindi niya tuloy maiwasang maluha dahil, dito sa kuwarto niya ay may nabuong alala sa pagitan nilang dalawa. Napa-upo na lamang siya sa kama, at pinagmamasdan ang anak na nakahiga at mahimbing na natutulog. “We're home Anak, sana maging okay lang ang lahat,” bulong niya habang hinahaplos ang pisngi ng anak. Kahit pilit niyang kinakalma ang sarili, ramdam niya ang kirot na bumabalot sa kaniyang puso. Minsan na niyang naranasan ang kaligayahang kasama si Darrius, pero ngayon, tila ba naglaho na iyon tulad ng mga larawang pinalitan sa mga dingding ng kanilang bahay. Ang mga alala na tila na wala na sa isang iglap. Alam naman niyang hindi pa katapusan ng lahat. Kaya pinipilit niyang magpatuloy para sa an
last updateHuling Na-update : 2024-10-17
Magbasa pa

Chapter 77

MATAPOS ang masinsinang pag-uusap ng kapatid, ay nagpaalam na itong lumabas at iwan siyang magmuni-muni. Ilang minuto rin ang nakalipas magmula nang lumabas ang kapatid, napag-desisyunan niyang lumabas na rin. “Hanggang alaala na lang ang lahat,” usal niya. At saka nag-aalangang isarado ang silid. Ngunit, kalaunan ay dahan-dahan na niya itong isinara. Hindi siya sigurado kung talagang dapat na ba niyang iwan ang lahat ng mga alaala rito. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago muling binuksan ang pinto at bumalik sa loob. Minsan, pakiramdam niya’y kailangan niyang maramdaman ang sakit para lubos na makalaya sa bigat na kinikimkim ng kanyang puso. Muling sinulyapan ni Kariel ang mga pader na ngayo’y puno na ng mga bago at modernong artworks. Isa-isang dinaanan ng tingin ang mga canvas na pumalit sa dating mga litrato nilang dalawa ni Darrius. Bumuntong-hininga siya at lumapit sa isang larawan na nakasabit malapit sa bintana—isang abstract na painting na puno ng mad
last updateHuling Na-update : 2024-10-18
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status