Matapos ang mahaba at malalim na kuwentuhan ni Kariel at Kiarah, napagpasyahan nilang tapusin ang kanilang usapan. Lumalim na rin ang gabi, at tila napasarap ang kanilang kuwentuhan, at hindi na nila namalayang gabi na pala. Habang naglalakad palabas ng café, hindi maiwasan ni Kariel, ang ngumiti habang pinagmamasdan si Kiarah, na abala sa pag-ayos ng kanyang shoulder bag. “Marami akong nami-miss sa buhay, pero salamat sa pag-share mo kanina. Natutuwa akong naging okay kayo ni Mark doon sa Italy,” ani Kariel na ikinangiti ni Kiarah. “Oo, marami akong natutunan, at ‘yun nga... Si Darrius, lagi rin kaming nag-uusap noon, pero...” saglit itong tumigil at pumakawala ng malalim na buntonghininga bago pa nagpatuloy. “Hindi ko siya masyadong makontak ngayon. Siguro nga, busy lang talaga siya. Alam mo na, malaki na ang papel niya sa kompanya.” Pilit na ngiti na lamang ang itinugon niya sa sinabi ng kausap. Ngumiti naman si Kiarah, at nagpatuloy na sila sa paglalakad patungo sa parking
Matapos matiyak na nakatulog na nang maayos si Darielle, tahimik na bumalik si Kariel sa kanilang sala. Nais niyang kumuha ng tubig para sa sarili bago rin humiga at magpahinga. Naglakad siya nang dahan-dahan pababa ng hagdan, ngunit sa kanyang pagbaba, napansin niyang maliwanag pa sa kanilang veranda. Subalit hindi niya iyon binigyang pansin, bagkus tahimik siyang humakbang at tumungo sa kusina, ngunit natanaw niyang nang akma na siyang umakyat ay narinig niya ang boses ng ama. Dala ng kuryusidad, dahan-dahan siyang nagtungo at bahagyang sumilip sa nakaawang na pinto. Nagtaka siya bigla, dahil nandun pa rin si Nanon. Hindi niya inaasahan na magtatagal pa ito, lalo pa't malalim na ang gabi. Tahimik niyang pinakinggan ang usapan ng dalawa. "Hindi ko akalaing ganito ang magiging sitwasyon, Tito. Pero ako, handa akong sumunod sa usapan. Hindi na rin naman iba ang tingin ko sa kaniya eh," narinig niyang sabi ni Nanon. "Mabuti naman at alam mong may tungkulin kang dapat gampanan. Alam
MATAPOS ang kanilang sagutan ng ama, mas pinili na lamang ni Kariel, na tumalikod at umalis para hindi pa humaba ang kanilang pagtatalo. Ayaw niyang makapagbitaw pa ng mga masasakit na salita laban sa ama dahil kahit papaano. Mataas pa rin ang respito niya rito. Ngunit, tila yata sumosobra na ang ama bagay na iniyak na lamang niya at agad na binuksan ang dating silid ni Darrius, upang doon ibuhos ang lahat ng hinanakit niya. Muli niyang hinawakan ang dating painting na tila sumisimbolo sa katauhan niya."Darrius..." bulong niya, habang patuloy sa pag-agos ng kaniyang mga luha. “Bakit? Bakit ganito ang naging kapalaran ko? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya?” Gusto niyang sumigaw, gusto niyang labanan ang mga plano ng kanyang ama, pero pakiramdam niya’y nakagapos siya sa mga tali ng nakaraan at sa mga inaasahan ng mga tao sa paligid niya. "Bakit kailangan ko pang dumaan sa ganito?" humihikbing tanong niya sa sarili. Mahigpit niyang niyakap ang painting at doon na lamang ibinuh
KINAUMAGAHAN, nagising na lamang si Kariel sa mahinang pagtapik sa kanya ni Kieth. Nanlalabo ang mga matang tinitiigan ang kapatid at tila mabigat ang pakiramdam—marahil dahil sa gabing ginugol sa pag-iisip at pagluha. Napagtanto niyang nakatulog pala siya sa bangko ng gallery room at hindi na nagawang bumalik sa kwarto nilang mag-ina. Dahil sa bigat nang naramdaman niya kagabi "Bunso, ano bang ginagawa mo rito? Hinahanap ka na ni Darielle, wala ka raw kasi nang magising siya kanina. At saka bakit diti ka natulog?” nag-aalalang tanong ni Kieth, dahil sa nakitang sitwasyon. Dahan-dahang umayos si Kariel sa pagkakaupo, pinilit niyang ngumiti nang mahina sa kapatid upang mapawi ang pag-aalala nito. "Wala kuya, napagod lang siguro ako," bulong niya, pilit na tinatago ang bigat ng damdamin na kanina pa nagpapabigat sa kanyang dibdib. “Alam ko bunso, kaya h’wag ka na ring magkaila. Naiintindihan kita, nag-usap na rin kami ni Nanon kagabi,” wika ni Kieth, saka tumabi sa pagkakaupo sa kan
MATAPOS makalabas ng kapatid sa gallery room, agad namang kinuha ni Kieth, ang kaniyang cellphone at agad na tinawagan ang mga kaibigan para sa isang malaking plano. Agad naman silang nagtipon-tipon sa kanilang tambayan. Kumpleto ang grupo at pawang nakaupo sa isang gilid at nag-iisip nang magandang alibi para ikansela ang kasalang magaganap. “Any idea?” basag ng katahimikan ni Lee, isa sa kaibigan nila. Nagpalitan naman ng tingin sina Kieth, Nanon, pati na ang ibang kasamahan nila. Na tila lutang at hindi alam ang gagawin.“May naisip na ba kayo?” dagdag pa nito nang hindi sila makaimik.Napatikhim naman si Nanon, at saka umayos nang upo bago pa nagsalita.“Kahit na itinakda ng mga magulang namin ang kasunduang ito, ayaw kong ituloy kung magdurusa si Kariel— ang kapatid mo part,” ani Nanon, sabay tingin kay Kieth, kita ang sinseridad sa kanyang mga mata. At saka nagpakawala ng malalim na buntonghininga bago pa nagpatuloy. “Kung may paraan para makansela ito nang hindi masisira ang
HABANG naglalakad patungo sa paaralan ni Darielle, hindi maiwasan ni Kariel na isipin ang bigat ng sitwasyong kinasusuungan. Iniisip niya kung paano niya ipapaliwanag sa anak ang tungkol sa paparating na kasal na hindi naman niya ginusto. Alam niyang darating ang araw na magtatanong si Darielle tungkol sa ama nito, at hindi na sapat ang alibi niyang nagtatrabaho ito para sa kinabukasan nila dahil hindi na ito bumabata.Nang makarating siya sa gate ng paaralan, pansin ni Kariel ang bigat sa kanyang dibdib. Lutang ang isip niya, malalim ang kanyang iniisip. Hanggang sa makita niya ang anak papalabas ng silid nito, habang umiiyak. Agad siyang nataranta at mabilis na tinungo ang anak.“Darielle, baby, bakit ka umiiyak?” tanong niya habang dahan-dahang hinaplos ang likod ng anak.Mahina at halos nauutal ang sagot ni Darielle habang pinupunasan ang mga luha sa mata, “Mommy… tinutukso po ako ng mga kaklase ko… sabi nila… bastarda daw po ako… dahil wala akong Daddy…” humihikbing anito, sabay
SAMANTALA, nakailang pindot na si Darrius sa doorbell ng gate ng bahay ng Tita ni Kariel sa Australia. Ilang taon na ang nakalipas simula nang huli silang magkita, at sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na puntahan ang babaeng minamahal.Ilang saglit pa, bumukas ang pinto at lumabas ang katiwala. “Magandang hapon po,” bati nito, medyo may pag-aalangan.“Ano pong maipaglilingkod namin? May hinahanap po ba kayo?” nakangiting tanong ng katiwala.Agad niyang sinabi ang dahilan ng pagpunta. “Narito po ba si Kariel? Kariel Montgomery po,” ani Darrius, pilit pinipigil ang pagkasabik.Saglit na natigilan ang katiwala bago ito bumuntong-hininga. “Naku, Sir, wala na po sila rito... Bumalik na po ng Pilipinas si Ms. Kariel, kasama ang anak niya,” tugon nito, mabagal at tila nag-aalangan, ngunit tapat.Nagulat si Darrius sa narinig. Anak? Parang biglang bumaligtad ang mundo niya, at ramdam niya ang pagsakit ng ulo. Napaakap siya sa sentido habang pilit inaalala ang mga panahong nakalipas—
NASA kalagitnaan ng kaniyang plpag-iimpake si Darrius l, nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad naman niyang sinagot iyon ng makitang si Mark ang tumatawag.Hello,” usal ni Mark, sa kabilang linya.“Oh, Mark? Ano’ng problema?” seryusong tanong niya agad sa kaibigan."Darrius, bro, pasensya na pero kailangan kita ngayon. Nagka-aberya sa shipment natin rito," mabilis na tugonni Mark, halatang hindi mapakali. "Nakita sa container natin ang ilang pakete ng illegal drugs. Kailangan mo talagang pumunta rito at asikasuhin ito."“Ano! Paano nangyari iyon?” gulat na tanong niya l. At saka naikuyom ang mga kamao. “Napaalam mo na ba sa taas iyan?” “Yes Bro, kaya kailangan mo nang bumalik rito asap.”“Paano nangyari iyon, Mark?” tiimbagang tanong niya at halatang iritado na ang tono."Hindi pa namin alam, pero malaki ang epekto nito sa negosyo at kompanya kung hindi natin maaayos agad," tugon ni Mark, malalim ang hinga. "Puwede tayong makasuhan at maharap sa seryosong mga kaso kung hin
MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i
MAAGANG nagising si Kariel kinaumagahan. Agad niyang kinapa ang tabi ngunit wala doon ang anak kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naroon ang anak. "Darielle, anak?" dahil walang bakas na naroon ang anak, lumabas siya ng kwarto. Pagtapat niya sa veranda, natanaw niya ang anak na masayang naglalaro sa hardin kasama si Darrius. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa. Para silang matagal nang magkasama. Panay ang hagikgik ng anak habang buhat-buhat ito ng ama. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa, at ngayon ay unti-unti silang bumabalik sa buhay ng isa’t isa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin siyang nakatingin si Darrius. Ngumiti ito bago ibinaba si Darielle at tumawag, “Mommy, halika rito! Maglaro tayo kasama si Daddy, mommy!” "Oo nga, pumarini ka na at samahan kami rito!" Napasinghap siya saka napangiti. Hindi niya alam
Matapos ang emosyonal na muling pagtatagpo nina Darrius at Darielle, dinala ng pamilya si Kariel at Darrius sa dining area para sa isang espesyal na hapunan. Halatang pinaghandaan ito ng kanyang mga magulang, na tila isang paraan ng pagsuporta at tahimik na pagtanggap sa nangyari. Sa mahabang mesa, naupo si Darielle sa pagitan nina Kariel at Darrius. Panay ang kwento ng bata habang kumakain, walang tigil sa pagsasalaysay ng mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Hindi naman iyon nagawang pigilan ni Kariel dahil alam niyang sobra ang pagkasabik ng bata bagay na napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. “Daddy, marunong ka bang magtayo ng kastilyong buhangin?” Puno ng excitement na tanong ng anak na ikinangiti ni Darrius. “Oo naman, baby. Gusto mo bang turuan kita?” Tumango naman si Darielle, bakas ang kasabikan sa kanyang mukha. “Yes! Gusto ko po! Pwede po ba bukas? Isama natin si mommy sa pagpunta sa beach resort na itinayo ni tito Kieth.”
Matapos ang emosyonal na pagtanggap ng mga magulang ni Kariel sa kanilang pagbabalik, dama pa rin ni Darrius ang kaunting tensyon sa pagitan nila. Hindi naman siya nagtataka, alam niyang hindi ganoon kadali para sa pamilya ni Kariel na naging pamilya na rin niya ng ilang taon na bigla siyang muling tanggapin sa buhay ng anak nila matapos ang lahat ng nangyari. Subalit, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mawawala at paninindigan ang desisyong napili sa kabila ng lahat. Habang nagmimiryenda sila sa sala, tahimik lang si Darrius na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Kariel. Panay ang abot niya ng pagkain sa babae, tila ba paraan niya iyon ng pagpapakita ng pag-aalaga. "Nga pala, pinasundo ko muna si Darielle sa school. Maya-maya lang ang narito na ang mga 'yon," wika ng ina na ikinatango ni Kariel. Ilang sandali pa, tanaw nila mula sa sala ang pagparada ng puting van sa harap ng mansyon at bumaba mula roon ang kanilang anak. "Mommy!" Agad na tumayo at sinalubong
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p