HABANG naglalakad patungo sa paaralan ni Darielle, hindi maiwasan ni Kariel na isipin ang bigat ng sitwasyong kinasusuungan. Iniisip niya kung paano niya ipapaliwanag sa anak ang tungkol sa paparating na kasal na hindi naman niya ginusto. Alam niyang darating ang araw na magtatanong si Darielle tungkol sa ama nito, at hindi na sapat ang alibi niyang nagtatrabaho ito para sa kinabukasan nila dahil hindi na ito bumabata.Nang makarating siya sa gate ng paaralan, pansin ni Kariel ang bigat sa kanyang dibdib. Lutang ang isip niya, malalim ang kanyang iniisip. Hanggang sa makita niya ang anak papalabas ng silid nito, habang umiiyak. Agad siyang nataranta at mabilis na tinungo ang anak.“Darielle, baby, bakit ka umiiyak?” tanong niya habang dahan-dahang hinaplos ang likod ng anak.Mahina at halos nauutal ang sagot ni Darielle habang pinupunasan ang mga luha sa mata, “Mommy… tinutukso po ako ng mga kaklase ko… sabi nila… bastarda daw po ako… dahil wala akong Daddy…” humihikbing anito, sabay
SAMANTALA, nakailang pindot na si Darrius sa doorbell ng gate ng bahay ng Tita ni Kariel sa Australia. Ilang taon na ang nakalipas simula nang huli silang magkita, at sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na puntahan ang babaeng minamahal.Ilang saglit pa, bumukas ang pinto at lumabas ang katiwala. “Magandang hapon po,” bati nito, medyo may pag-aalangan.“Ano pong maipaglilingkod namin? May hinahanap po ba kayo?” nakangiting tanong ng katiwala.Agad niyang sinabi ang dahilan ng pagpunta. “Narito po ba si Kariel? Kariel Montgomery po,” ani Darrius, pilit pinipigil ang pagkasabik.Saglit na natigilan ang katiwala bago ito bumuntong-hininga. “Naku, Sir, wala na po sila rito... Bumalik na po ng Pilipinas si Ms. Kariel, kasama ang anak niya,” tugon nito, mabagal at tila nag-aalangan, ngunit tapat.Nagulat si Darrius sa narinig. Anak? Parang biglang bumaligtad ang mundo niya, at ramdam niya ang pagsakit ng ulo. Napaakap siya sa sentido habang pilit inaalala ang mga panahong nakalipas—
NASA kalagitnaan ng kaniyang plpag-iimpake si Darrius l, nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad naman niyang sinagot iyon ng makitang si Mark ang tumatawag.Hello,” usal ni Mark, sa kabilang linya.“Oh, Mark? Ano’ng problema?” seryusong tanong niya agad sa kaibigan."Darrius, bro, pasensya na pero kailangan kita ngayon. Nagka-aberya sa shipment natin rito," mabilis na tugonni Mark, halatang hindi mapakali. "Nakita sa container natin ang ilang pakete ng illegal drugs. Kailangan mo talagang pumunta rito at asikasuhin ito."“Ano! Paano nangyari iyon?” gulat na tanong niya l. At saka naikuyom ang mga kamao. “Napaalam mo na ba sa taas iyan?” “Yes Bro, kaya kailangan mo nang bumalik rito asap.”“Paano nangyari iyon, Mark?” tiimbagang tanong niya at halatang iritado na ang tono."Hindi pa namin alam, pero malaki ang epekto nito sa negosyo at kompanya kung hindi natin maaayos agad," tugon ni Mark, malalim ang hinga. "Puwede tayong makasuhan at maharap sa seryosong mga kaso kung hin
KINABUKASAN, agad namang pinatawag si Darrius ni mr Lombardi, upang pag-usapan ang sitwasyon. Kinakabahan man ngunit pinilit niyang pakalmahin ang ang sarili. Nagpakawala na muna siya nang malalim na buntonghininga bago pa pinihit ang seradura ng opisina ni mr Lombardi. Pagpasok niya pa lang sa opisina nakita niya ang malamig at matalim na titig ng chairman na bumungad sa kanya. Na “Buongiorno, signore,” nakayukong bati niya.(“Good morning, sir.”)“Buongiorno,” malamig na tugon ng presidente, at saka isinandal ang ulo sa swivel chair nito. “Siediti.”(“Good morning. Sit down.”)“Come è successo questo, Darrius? Un’azienda come la nostra, con standard di sicurezza così elevati, e ora c’è un’inchiesta per droga? Spiegamelo!” galit na sabi ni Mr. Lombardi, habang nakatitig sa kaniya, at tila binabasa ang kanyang kalooban.(“How did this happen, Darrius? A company like ours, with such high security standards, and now there's a drug investigation? Explain it to me!”)Umayos naman sa pagk
HABANG naglalakad palabas ng gusali. Agad niyang dinukot ang kanyang cellphone nang maramdamang nag-vibrate ito. Tanda na may mensaheng dumating. Agad niyang itong binuksan, kasabay nun ay ang muling pagtunog nito. Numero iyong ni Mark, bagay na kaagaran niya itong sinagot. “Hello, Mark. May balita na ba?” usisa niya agad sa kabilang linya. "Yes Bro, may balita na tayo," ani Mark, ramdam ang pagkabahala sa boses nito. "Nahuli na si Hector. Nasa kustodiya na siya ng mga pulis, pero ayaw pa rin niyang aminin kung sino talaga ang boss niya. At kung sino source niya." “Hay*p talaga iyang Hector na ‘yan! Sinasabi ko na nga iba! Iba kasi ang dating niya sa akin,” halos pumutok ang ugat sa leeg ni Darrius sa sobrang galit at pagkainis mula sa narinig na sinabi ng kaibigan. “Calm down Bro, papunta na rin ako. Malapit na ako, sabay na lang tayong pumunta.” Saad ng kausap na ikinatango niya. “Okay Bro,” naisaad na lamang niya saka ibinaba ang tawag. Ilang minuto ang lumipas at dumatin
SAMANTALA, Sa isang malawak na opisina sa itaas ng isang marangyang gusali, isang babae ang nakaupo sa isang leather na upuan, at ang silweta niya’y nagpapakita ng kapangyarihan at kasanayan sa bawat detalye ng kanyang pananamit. At ang malapad at itim nitong sombrero ay bahagyang nakatakip sa kanyang mata, ngunit hindi maitatago ang mapanlinlang at mapang-uyam nitong ngiti sa kanyang labi. Hindi niya maiwasang pumakawala ng isang mala-demonyong halakhak, habang hawak hawak ang isang baso na may lamang mamahaling alak, na marahan pa niya itong pinapaikot sa kaniyang kamay at tila nag-iisip ng mga hakbang sa isang kumplikadong laro. “Diablo, andito na po ang lahat ng kakailanganin niyo, nalinis ko na rin ang lahat at nakakasiguro akong wala ni isang bakas na maiiugnay sayo. Pati na rin ang mga importanteng impormasyon tungkol ‘yo na linis na rin ng mga top hacker natin,” mahina ngunit buong tapang na balita ng kaniyang tapat na tauhan nang makapasok ito sa opisina. “Darrius… Darriu
SAMANTALA Sa kalagitnaan ng engagement party nina Nanon at Kariel, magarbo ang dekorasyon at maririnig ang musika ng mga nag-uumpugang baso at halakhakan ng mga bisita. Ngunit sa kabila ng engrandeng selebrasyon, ramdam ni Kariel ang bigat sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa gitna ng kasiyahan. Habang naglalakad siya papunta sa dance floor, tila kinakalma ang sarili mula sa bigat ng sitwasyon, naramdaman niya ang kabog sa kanyang dibdib na parang nagbabadya ng isang hindi inaasahang pangyayari. Sumayaw si Kariel nang may kasamang lungkot, sinusubukan na ilabas ang alanganin at agam-agam sa kanyang puso. Ngunit bago pa siya makalayo sa kaniyang iniisip, biglang bumukas ang pinto ng bulwagan. Isang babaeng may malaking tiyan ang pumasok, malakas ang loob na humakbang palapit sa gitna. Agad na humupa ang musika, at ang mga mata ng lahat ay napako sa kanya. May bakas ng pagod at determinasyon ang mukha ng babae, ngunit malinaw na hindi siya naparito upang umatras.
MATAPOS makaalis sa bulwagan ay agad na dumeretso si Kariel sa kanilang kuwarto sa hotel, kung saan pansamantalang natutulog ang anak. Ayaw rin niya kasing masaksihan ng anak ang eksenang magaganap kanina kaya mas pinili na lang niyang iwan muna ito sa katiwala nilang lumabas na pagkatapos niyang pumasok.Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan. At saka agad na nagpalit ng damit. Ang tahimik ang tanging ang malambing na ilaw ng bedside lamp ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid at ang nagbibigay liwanag na natangalaw sa natutulog na anak sa kama. Sa gitna ng katahimikan, naramdaman ni Kariel ang pagkapagod mula sa mahaba at mapanlinlang na gabing nagdaan. Ang bigat ng lahat ng inisip at ikinilos niya sa harap ng mga bisita ay nag-uumapaw, ngunit sa loob-loob niya ay may kakaibang tuwa na dulot ng tagumpay ng kanilang plano.Pagkatapos magbihis ay dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama, at pinagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng kanyang anak. Sa kabila ng kan
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p
Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. “Kariel...”Agad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.“Salamat,” basag ni Darrius sa katahimikan.“Sa alin?” mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.“Sa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,” tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. “Hindi mo alam kung gaano ko ‘to pinangarap, Kariel.”Hindi naman nagawang sumagot ni Ka
Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. “Si Darielle,” mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.“Huwag mo na patagalin. Sagutin mo na,” ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.“Mommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!” bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.“Sorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.”“Ganon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,” wika pa ng anak.“Wait, sino ba kasama mo riyan?” tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.“Ako
PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. “Hi.” Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. “Hmm… Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam ko–” Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na s’yang halikan sa labi ni Kariel. “Hanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? I’ve waited you so long. I’ve waited this day, tapos patorpe-torpe ka
MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.“Grabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!” masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. “Naku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, ” pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.“Naku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,” sagot ni Kiarah, kasabay