SAMANTALA, Sa isang malawak na opisina sa itaas ng isang marangyang gusali, isang babae ang nakaupo sa isang leather na upuan, at ang silweta niya’y nagpapakita ng kapangyarihan at kasanayan sa bawat detalye ng kanyang pananamit. At ang malapad at itim nitong sombrero ay bahagyang nakatakip sa kanyang mata, ngunit hindi maitatago ang mapanlinlang at mapang-uyam nitong ngiti sa kanyang labi. Hindi niya maiwasang pumakawala ng isang mala-demonyong halakhak, habang hawak hawak ang isang baso na may lamang mamahaling alak, na marahan pa niya itong pinapaikot sa kaniyang kamay at tila nag-iisip ng mga hakbang sa isang kumplikadong laro. “Diablo, andito na po ang lahat ng kakailanganin niyo, nalinis ko na rin ang lahat at nakakasiguro akong wala ni isang bakas na maiiugnay sayo. Pati na rin ang mga importanteng impormasyon tungkol ‘yo na linis na rin ng mga top hacker natin,” mahina ngunit buong tapang na balita ng kaniyang tapat na tauhan nang makapasok ito sa opisina. “Darrius… Darriu
SAMANTALA Sa kalagitnaan ng engagement party nina Nanon at Kariel, magarbo ang dekorasyon at maririnig ang musika ng mga nag-uumpugang baso at halakhakan ng mga bisita. Ngunit sa kabila ng engrandeng selebrasyon, ramdam ni Kariel ang bigat sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa gitna ng kasiyahan. Habang naglalakad siya papunta sa dance floor, tila kinakalma ang sarili mula sa bigat ng sitwasyon, naramdaman niya ang kabog sa kanyang dibdib na parang nagbabadya ng isang hindi inaasahang pangyayari. Sumayaw si Kariel nang may kasamang lungkot, sinusubukan na ilabas ang alanganin at agam-agam sa kanyang puso. Ngunit bago pa siya makalayo sa kaniyang iniisip, biglang bumukas ang pinto ng bulwagan. Isang babaeng may malaking tiyan ang pumasok, malakas ang loob na humakbang palapit sa gitna. Agad na humupa ang musika, at ang mga mata ng lahat ay napako sa kanya. May bakas ng pagod at determinasyon ang mukha ng babae, ngunit malinaw na hindi siya naparito upang umatras.
MATAPOS makaalis sa bulwagan ay agad na dumeretso si Kariel sa kanilang kuwarto sa hotel, kung saan pansamantalang natutulog ang anak. Ayaw rin niya kasing masaksihan ng anak ang eksenang magaganap kanina kaya mas pinili na lang niyang iwan muna ito sa katiwala nilang lumabas na pagkatapos niyang pumasok.Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan. At saka agad na nagpalit ng damit. Ang tahimik ang tanging ang malambing na ilaw ng bedside lamp ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid at ang nagbibigay liwanag na natangalaw sa natutulog na anak sa kama. Sa gitna ng katahimikan, naramdaman ni Kariel ang pagkapagod mula sa mahaba at mapanlinlang na gabing nagdaan. Ang bigat ng lahat ng inisip at ikinilos niya sa harap ng mga bisita ay nag-uumapaw, ngunit sa loob-loob niya ay may kakaibang tuwa na dulot ng tagumpay ng kanilang plano.Pagkatapos magbihis ay dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama, at pinagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng kanyang anak. Sa kabila ng kan
KINAUMAGAHAN, nagising si Kariel ng marahang paggalaw ng kanilang kama. Bagay na baahagya niyang idinilat, ang kaniyang mga mata at sa malabong liwanag ng umaga ay naaninag niya ang pamilyar na pigura ng kanyang ama,kasama ang kanyang ina. Na tahimik na nakatayo sa gilid ng kama. Dahil dito, agad siyang bumalikwas ng bangon at inayos ang sarili. “Daddy… Mommy, good morning po,” marahang sambit ni Kariel, dahil tila alam na niya ata ang dahilan kung bakit naroon ang mga magulang. Lumapit naman ang ama at saka umupo sa hinihigaan nilang kama. “Kariel… anak, patawarin mo ako. Alam kong hindi naging madali para sa’yo ang lahat ng pinapasan mo dahil sa desisyon ko. Pero sana… sana maunawaan mo na lahat ng iyon ay ginawa ko para sa ikabubuti mo at ng ating pamilya.” Turan ng ama bakas sa boses nito ang malungkot at puno ng pagsisisi. Ngumiti at tahimik na nakinig si Kariel, at pinipilit niyang intindihin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanyang ama. Sa kabila ng lahat ng mga n
NANG sumunod na araw maagang naghanda si Kariel para sa kaniyang pag-alis patungong France. Bagaman puno ng pangarap ang dala niyang balak para sa kanilang kumpanya, mabigat pa rin sa kaniyang dibdib ang iwanan ang anak na si Darielle, lalo na’t hindi pa niya nasasabi rito ang tunay na dahilan ng kaniyang pag-alis. Tahimik siyang nag-ipon ng lakas ng loob habang pinagmamasdan ang kanyang anak na mahimbing pang natutulog sa kanyang maliit na kama. Habang tinititigan ang inosenteng mukha ni Darielle, napapikit na lamang si Kariel at isang buntonghininga ang kaniyang pinakawalan, pinipilit na hindi magpadaig sa lungkot na nararamdaman. Habang nagsusuot ng huling piraso ng kaniyang sapatos, biglang dumilat ang mga mata ni Darielle, at marahang sumilip ito mula sa kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. “Mommy… aalis ka na po ba?” mahinang tanong ni Darielle, habang hawak-hawak ang dulo ng kumot. Agad na lumapit si Kariel at naupo sa gilid ng kama ng anak, at saka hinaplos ang malambo
MATAPOS mailagay ang lahat ng gamit sa sasakyan, ay dahan-dahan nang pumasok si Kariel sa sasakyan. Ngunit bago pa niya buksan ang pinto ay saglit siyang huminto upang muling masulyapan ang kanyang anak na karga-karga ng lola nito sa harapan ng kanilang garahe, masuyo itong kumakaway ngunit bakas sa mga mata nito ang pangungulila kahit hindi pa man siya nakakaalis. Ngunit kahit masakit isang matamis na ngiti ang kaniyang pinakawalan sa pamilyang maiiwan bago pa tuluyang binuksan at sumampa ng sasakyan. Agad namang binuhay ng kanilang driver ang makina at agad na pinatakbo ito palayo sa bahay nila. Habang papalayo ang sasakyan, hindi maiwasang linugunin ni kariel ang anak mula sa bintana ng sasakyan at muling tinitigan ang maliit nitong pigura na karga-karga pa rin ng kaniyang ina, at patuloy pa rin ito sa pag-kaway. Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nais kumawala, subalit tila ba hindi nito kayang labanan ang bigat ng damdaming bumabalot sa kaniyang puso. Kaya’t bumuntonghini
KINABUKASAN, habang nakahanda na si Kariel para sa meeting, biglang kumatok si Kiarah sa kwarto niya, may bitbit na bulaklak na tila nanggaling sa garden ng hotel. "Good morning, good luck sa meeting mo," biro ni Kiarah sabay abot ng bulaklak kay Kariel."Thank you, Kiar! Ikaw talaga, ang sweet mo naman," ani Kariel na may halong saya at kaba. Alam niyang isang mahalagang pagkakataon ang meeting na ito, hindi lang para sa expansion ng kumpanya kundi bilang tanda ng kanyang kakayahan.“Sige, salamat. Paalis na rin kasi ako, ilagay ko na lang ‘toh sa vase bago umalis,” aniya saka kinuha ang lagayan ng bulaklak at inayos saka naghanda para umalis ng hotel.“Ikaw ba, ano gagawin mo? Habang hindi pa dumadating ang araw ng expo?” usisa ni Kariel sa kaibigan.“Well, magiging Disney princess na muna ako habang hindi pa nagsisimula ang expo. Sa susunod na araw na din ‘yon kaya ihahanda ko na rin ang mga ka-kailanganin ko,” tugon ni Kiarah na ikinangiti niya.“O siya sige na baka mahuli ka na s
NANG sumunod na gabi, sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay na exposition. Habang naglalakad si Kariel sa loob ng malawak at marangyang venue, napansin niya ang eleganteng dekorasyon at ang engrandeng set-up na talaga namang pinaghandaan ng mga organizer. Nagsalimbayan sa paligid ang mga negosyante, investors, at kinatawan ng iba't ibang kumpanya mula sa iba't ibang panig ng mundo, lahat abala sa pakikipag-usap at pakikipagpalitan ng ideya.Suot ni Kariel, ang isang classy ngunit simpleng dress na bumagay sa okasyon, ay piniling libutin ang venue habang umaasang masisilayan si Kiarah sa gitna ng mga bisita. Madalas silang magkasama sa mga ganitong event, kaya’t inasahan niyang sa gabing ito ay makakapiling niya ang kaibigan bilang moral support. Ngunit sa bawat liko niya, bawat grupo ng tao na nilapitan, ay tila walang bakas ni Kiarah. Lumalim ang kunot sa kanyang noo habang pinagmamasdan ang paligid—pilit niyang binabaybay ang mga mata sa karamihan, ngunit wala talaga ang kaibig
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p
Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. “Kariel...”Agad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.“Salamat,” basag ni Darrius sa katahimikan.“Sa alin?” mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.“Sa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,” tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. “Hindi mo alam kung gaano ko ‘to pinangarap, Kariel.”Hindi naman nagawang sumagot ni Ka
Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. “Si Darielle,” mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.“Huwag mo na patagalin. Sagutin mo na,” ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.“Mommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!” bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.“Sorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.”“Ganon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,” wika pa ng anak.“Wait, sino ba kasama mo riyan?” tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.“Ako
PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. “Hi.” Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. “Hmm… Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam ko–” Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na s’yang halikan sa labi ni Kariel. “Hanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? I’ve waited you so long. I’ve waited this day, tapos patorpe-torpe ka
MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.“Grabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!” masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. “Naku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, ” pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.“Naku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,” sagot ni Kiarah, kasabay