KINAUMAGAHAN, nagising si Kariel ng marahang paggalaw ng kanilang kama. Bagay na baahagya niyang idinilat, ang kaniyang mga mata at sa malabong liwanag ng umaga ay naaninag niya ang pamilyar na pigura ng kanyang ama,kasama ang kanyang ina. Na tahimik na nakatayo sa gilid ng kama. Dahil dito, agad siyang bumalikwas ng bangon at inayos ang sarili. âDaddy⊠Mommy, good morning po,â marahang sambit ni Kariel, dahil tila alam na niya ata ang dahilan kung bakit naroon ang mga magulang. Lumapit naman ang ama at saka umupo sa hinihigaan nilang kama. âKariel⊠anak, patawarin mo ako. Alam kong hindi naging madali para saâyo ang lahat ng pinapasan mo dahil sa desisyon ko. Pero sana⊠sana maunawaan mo na lahat ng iyon ay ginawa ko para sa ikabubuti mo at ng ating pamilya.â Turan ng ama bakas sa boses nito ang malungkot at puno ng pagsisisi. Ngumiti at tahimik na nakinig si Kariel, at pinipilit niyang intindihin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanyang ama. Sa kabila ng lahat ng mga n
NANG sumunod na araw maagang naghanda si Kariel para sa kaniyang pag-alis patungong France. Bagaman puno ng pangarap ang dala niyang balak para sa kanilang kumpanya, mabigat pa rin sa kaniyang dibdib ang iwanan ang anak na si Darielle, lalo naât hindi pa niya nasasabi rito ang tunay na dahilan ng kaniyang pag-alis. Tahimik siyang nag-ipon ng lakas ng loob habang pinagmamasdan ang kanyang anak na mahimbing pang natutulog sa kanyang maliit na kama. Habang tinititigan ang inosenteng mukha ni Darielle, napapikit na lamang si Kariel at isang buntonghininga ang kaniyang pinakawalan, pinipilit na hindi magpadaig sa lungkot na nararamdaman. Habang nagsusuot ng huling piraso ng kaniyang sapatos, biglang dumilat ang mga mata ni Darielle, at marahang sumilip ito mula sa kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. âMommy⊠aalis ka na po ba?â mahinang tanong ni Darielle, habang hawak-hawak ang dulo ng kumot. Agad na lumapit si Kariel at naupo sa gilid ng kama ng anak, at saka hinaplos ang malambo
MATAPOS mailagay ang lahat ng gamit sa sasakyan, ay dahan-dahan nang pumasok si Kariel sa sasakyan. Ngunit bago pa niya buksan ang pinto ay saglit siyang huminto upang muling masulyapan ang kanyang anak na karga-karga ng lola nito sa harapan ng kanilang garahe, masuyo itong kumakaway ngunit bakas sa mga mata nito ang pangungulila kahit hindi pa man siya nakakaalis. Ngunit kahit masakit isang matamis na ngiti ang kaniyang pinakawalan sa pamilyang maiiwan bago pa tuluyang binuksan at sumampa ng sasakyan. Agad namang binuhay ng kanilang driver ang makina at agad na pinatakbo ito palayo sa bahay nila. Habang papalayo ang sasakyan, hindi maiwasang linugunin ni kariel ang anak mula sa bintana ng sasakyan at muling tinitigan ang maliit nitong pigura na karga-karga pa rin ng kaniyang ina, at patuloy pa rin ito sa pag-kaway. Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nais kumawala, subalit tila ba hindi nito kayang labanan ang bigat ng damdaming bumabalot sa kaniyang puso. Kayaât bumuntonghini
KINABUKASAN, habang nakahanda na si Kariel para sa meeting, biglang kumatok si Kiarah sa kwarto niya, may bitbit na bulaklak na tila nanggaling sa garden ng hotel. "Good morning, good luck sa meeting mo," biro ni Kiarah sabay abot ng bulaklak kay Kariel."Thank you, Kiar! Ikaw talaga, ang sweet mo naman," ani Kariel na may halong saya at kaba. Alam niyang isang mahalagang pagkakataon ang meeting na ito, hindi lang para sa expansion ng kumpanya kundi bilang tanda ng kanyang kakayahan.âSige, salamat. Paalis na rin kasi ako, ilagay ko na lang âtoh sa vase bago umalis,â aniya saka kinuha ang lagayan ng bulaklak at inayos saka naghanda para umalis ng hotel.âIkaw ba, ano gagawin mo? Habang hindi pa dumadating ang araw ng expo?â usisa ni Kariel sa kaibigan.âWell, magiging Disney princess na muna ako habang hindi pa nagsisimula ang expo. Sa susunod na araw na din âyon kaya ihahanda ko na rin ang mga ka-kailanganin ko,â tugon ni Kiarah na ikinangiti niya.âO siya sige na baka mahuli ka na s
NANG sumunod na gabi, sa wakas ay dumating na ang pinakahihintay na exposition. Habang naglalakad si Kariel sa loob ng malawak at marangyang venue, napansin niya ang eleganteng dekorasyon at ang engrandeng set-up na talaga namang pinaghandaan ng mga organizer. Nagsalimbayan sa paligid ang mga negosyante, investors, at kinatawan ng iba't ibang kumpanya mula sa iba't ibang panig ng mundo, lahat abala sa pakikipag-usap at pakikipagpalitan ng ideya.Suot ni Kariel, ang isang classy ngunit simpleng dress na bumagay sa okasyon, ay piniling libutin ang venue habang umaasang masisilayan si Kiarah sa gitna ng mga bisita. Madalas silang magkasama sa mga ganitong event, kayaât inasahan niyang sa gabing ito ay makakapiling niya ang kaibigan bilang moral support. Ngunit sa bawat liko niya, bawat grupo ng tao na nilapitan, ay tila walang bakas ni Kiarah. Lumalim ang kunot sa kanyang noo habang pinagmamasdan ang paligidâpilit niyang binabaybay ang mga mata sa karamihan, ngunit wala talaga ang kaibig
Habang muling tinatanaw ni Kariel ang kanyang mga naging pag-uusap sa gabing iyon, biglang naramdaman niya ang isang magaan ngunit matatag na paghaplos sa kanyang balikat. Agad siyang napalingon, at doon ay bumungad sa kaniya ang kaibigan. Halos mapanganga siya sa sorpresa, dahil malinaw ang huling mensahe ng kaibigan na hindi ito makakarating. "Akala ko ba hindi ka darating?" bulalas ni Kariel, habang kitang-kita ang pag-aliwalas ng kanyang mukha habang nakatitig kay Kiarah. "Surprise!" sagot ni Kiarah na hindi naman mawaksi ang ngiti sa labi nito. "Hindi ko kayang palampasin ang gabi na 'to! Alam mo namang kailangan mong kasama mo ang iyong best friend sa ganitong mga event. But wait⊠there's moreâŠ" Ngunit bago pa man siya makapagtanong sa kaibigan tungkol sa isang surprisa nito. Biglang nagkaroon ng anunsyo mula sa emcee sa entablado, at kasabay nito ang pagtahimik ng buong paligid. Agad na naglaho ang mga ingay ng mga pag-uusap, at lahat ng mata ay napako sa harap. ""Ladies an
Habang patuloy na ipinagkakaloob ni Darrius ang kanyang talumpati, ramdam niyang may kakaibang tensyon sa hangin. Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila nawawala sa mga bagay na tumutok sa kanyang isipan. Hindi siya makapag-concentrate sa mga detalyeng binibigkas niya dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa isang sulok ng silid. Ang mga mata niya ay hindi kayang iwasan ang patuloy na pagsulyap kay Kariel sa audience. "Makakaya ko ba ito?" tanong niya sa kaniyang sarili habang binabaybay ang kanyang talumpati. Halos hindi na rin siya makatagal sa mga mata ni Kariel na tila nakakapit sa bawat galaw niya. Naramdaman niyang mabilis ang pintig ng kanyang puso, at hindi niya kayang iwasan ang nararamdaman na unti-unting bumabalik. Matapos ang ilang minuto, natapos din siya sa kanyang pagsasalita. Ngunit hindi agad siya nagmadali na bumaba. Pinipilit niyang magmukhang kalmado habang nakatayo pa sa harap, ngunit ang isip niya ay patuloy na bumabalik kay Kariel. Gusto na niy
"Kariel," wika ni Darrius nang magtagpo silang dalawa sa gitna ng dance floor. "Pwede ba kitangâŠyayaing sumayaw?" Saglit na natigilan si Kariel, ramdam ang alon ng emosyon na bumabalot sa kanilang dalawa, parang ang buong silid ay unti-unting lumabo, at tanging sila na lamang ang naroroon. Habang nakatitig sa mga mata ni Darrius, nagdadalawang-isip siya kung isusuko ba niya ang kanyang palad o pipigilan pa rin. Mabilis na tumitibok ang kanyang puso dulot ng saya at damdaming nag-uumapaw. Nag-aatubili man, ngumiti siya at tinanguan si Darrius, saka inabot ang kanyang kamay. Hindi napigilan ni Kariel ang mga luha na kanina pa niyang pinipigilan. Napangiti si Darrius at dahan-dahang inilapit si Kariel sa kanyang bisig. Nang magkalapit na ang kanilang mga katawan, dama nila ang init na dulot ng pagkalapit ng kanilang mga balat. Agad inalalayan ni Darrius ang bewang ni Kariel gamit ang isang kamay, habang ang kanilang mga palad ay magkahawak, at ang isang kamay ni Kariel ay nasa balikat
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. âMagiging okay din ang lahat,â saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. âYeah, magiging okay din ang lahat.â Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, laloât alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. âMukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.ââOo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,â nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.â
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.âDar,â tawag niya, âano bang nangyari?âNapalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.âDarr, kausapin mo naman ako,â dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. âAno bang problima?âHuminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. âKariel,â panimula niya, âmay isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.ââAnong ibig mong sabihin? May nangyari ba?â tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay sâya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli sâyang dinala sa langit kung saan ilang taon na nâyang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam nâya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. âI've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.â âMe too,â tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. âJust moaned my name, at ako na ang bahalang magdala saâyo sa langit.â âLoko,â nakangising aniya. âKung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing âto para naman makasama pa kita nang matagal.â Ngumiti p
Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. âKariel...âAgad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.âSalamat,â basag ni Darrius sa katahimikan.âSa alin?â mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.âSa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,â tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. âHindi mo alam kung gaano ko âto pinangarap, Kariel.âHindi naman nagawang sumagot ni Ka
Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. âSi Darielle,â mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.âHuwag mo na patagalin. Sagutin mo na,â ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.âMommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!â bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.âSorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.ââGanon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,â wika pa ng anak.âWait, sino ba kasama mo riyan?â tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.âAko
PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. âHi.â Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. âHmm⊠Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam koââ Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na sâyang halikan sa labi ni Kariel. âHanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? Iâve waited you so long. Iâve waited this day, tapos patorpe-torpe ka
MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.âGrabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!â masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. âNaku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, â pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.âNaku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,â sagot ni Kiarah, kasabay