SA KABILANG DAKU, suot ang itim na blazer at pencil skirt, si Kariel ay tila walang bahid ng kaba o anumang pahiwatig ng kanyang mga iniisip habang nakaupo sa kanyang executive chair sa loob ng conference room. Nakatutok ang kanyang paningin sa nagpi-present, ngunit sa kabila ng kanyang mahinahong itsura, biglang may gumulo sa kanyang isipan. Anuman iyon, hindi niya agad matukoy. Nagtapos na ang presentasyon ng kanyang kasamahan, ngunit pakiramdam ni Kariel ay parang wala siya sa sarili."Okay, so we will finalize the numbers and send the proposal within the week," sabi ng isa sa mga kasamahan niya habang nag-aayos ng gamit."Yes, let's stick to that timeline. Meeting adjourned. You may now leave," kalmadong ani Kariel, sabay tango ng kanyang mga kasamahan bago nagsilabas ng conference room."Thank you, Ma'am. Mauna na po kami," sabay-sabay na paalam ng mga dumalo.Naiwan siyang mag-isa sa loob ng silid. Habang nakatingin sa kabuuan ng conference room, nagpakawala siya ng isang malal
MAGMULA ng makatanggap si Kariel ng message mula kay Kiarah, ay naging kaswal na ang kanilang pag-uusap. Bumalik ang dating sigla sa puso niya dahil sa mga kuwento at mga biro nito. Ngunit, may mga bagay pa talaga na parang hindi nila in-oopen up sa isa't Isa at ramdam nila iyon. Siguro nga, may mga bagay na hindi nila dapat pinag-uusapan sa chat lang. Mabilis na lumipas ang mga araw sa isang cozy café na malapit sa baybayin, ang napagpasyahan nilang lugar kung saan sila magkikita. Habang nakaupo sa isang sulok inaayos ni Kariel ang kanyang blouse habang tinitingnan ang kanyang relo. At inaantay si Kiarah. Maya-maya pa’y may nakita s’yang babae na palapit sa kanyang puwesto. Kumakaway, habang malapad ang ngiting naka-rehistro sa labi nito. Si Kiarah iyon, sa una ay hindi niya nakilala dahil—tila ibang tao na ito mula sa Kiarah na kilalal niya noon. Si Kiarah na noo’y simple ngunit ngayon, may taglay ng alindog at karenyo. Suot nito ang isang eleganteng beige na dress at shades, ang
Matapos ang mahaba at malalim na kuwentuhan ni Kariel at Kiarah, napagpasyahan nilang tapusin ang kanilang usapan. Lumalim na rin ang gabi, at tila napasarap ang kanilang kuwentuhan, at hindi na nila namalayang gabi na pala. Habang naglalakad palabas ng café, hindi maiwasan ni Kariel, ang ngumiti habang pinagmamasdan si Kiarah, na abala sa pag-ayos ng kanyang shoulder bag. “Marami akong nami-miss sa buhay, pero salamat sa pag-share mo kanina. Natutuwa akong naging okay kayo ni Mark doon sa Italy,” ani Kariel na ikinangiti ni Kiarah. “Oo, marami akong natutunan, at ‘yun nga... Si Darrius, lagi rin kaming nag-uusap noon, pero...” saglit itong tumigil at pumakawala ng malalim na buntonghininga bago pa nagpatuloy. “Hindi ko siya masyadong makontak ngayon. Siguro nga, busy lang talaga siya. Alam mo na, malaki na ang papel niya sa kompanya.” Pilit na ngiti na lamang ang itinugon niya sa sinabi ng kausap. Ngumiti naman si Kiarah, at nagpatuloy na sila sa paglalakad patungo sa parking
Matapos matiyak na nakatulog na nang maayos si Darielle, tahimik na bumalik si Kariel sa kanilang sala. Nais niyang kumuha ng tubig para sa sarili bago rin humiga at magpahinga. Naglakad siya nang dahan-dahan pababa ng hagdan, ngunit sa kanyang pagbaba, napansin niyang maliwanag pa sa kanilang veranda. Subalit hindi niya iyon binigyang pansin, bagkus tahimik siyang humakbang at tumungo sa kusina, ngunit natanaw niyang nang akma na siyang umakyat ay narinig niya ang boses ng ama. Dala ng kuryusidad, dahan-dahan siyang nagtungo at bahagyang sumilip sa nakaawang na pinto. Nagtaka siya bigla, dahil nandun pa rin si Nanon. Hindi niya inaasahan na magtatagal pa ito, lalo pa't malalim na ang gabi. Tahimik niyang pinakinggan ang usapan ng dalawa. "Hindi ko akalaing ganito ang magiging sitwasyon, Tito. Pero ako, handa akong sumunod sa usapan. Hindi na rin naman iba ang tingin ko sa kaniya eh," narinig niyang sabi ni Nanon. "Mabuti naman at alam mong may tungkulin kang dapat gampanan. Alam
MATAPOS ang kanilang sagutan ng ama, mas pinili na lamang ni Kariel, na tumalikod at umalis para hindi pa humaba ang kanilang pagtatalo. Ayaw niyang makapagbitaw pa ng mga masasakit na salita laban sa ama dahil kahit papaano. Mataas pa rin ang respito niya rito. Ngunit, tila yata sumosobra na ang ama bagay na iniyak na lamang niya at agad na binuksan ang dating silid ni Darrius, upang doon ibuhos ang lahat ng hinanakit niya. Muli niyang hinawakan ang dating painting na tila sumisimbolo sa katauhan niya."Darrius..." bulong niya, habang patuloy sa pag-agos ng kaniyang mga luha. “Bakit? Bakit ganito ang naging kapalaran ko? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya?” Gusto niyang sumigaw, gusto niyang labanan ang mga plano ng kanyang ama, pero pakiramdam niya’y nakagapos siya sa mga tali ng nakaraan at sa mga inaasahan ng mga tao sa paligid niya. "Bakit kailangan ko pang dumaan sa ganito?" humihikbing tanong niya sa sarili. Mahigpit niyang niyakap ang painting at doon na lamang ibinuh
KINAUMAGAHAN, nagising na lamang si Kariel sa mahinang pagtapik sa kanya ni Kieth. Nanlalabo ang mga matang tinitiigan ang kapatid at tila mabigat ang pakiramdam—marahil dahil sa gabing ginugol sa pag-iisip at pagluha. Napagtanto niyang nakatulog pala siya sa bangko ng gallery room at hindi na nagawang bumalik sa kwarto nilang mag-ina. Dahil sa bigat nang naramdaman niya kagabi "Bunso, ano bang ginagawa mo rito? Hinahanap ka na ni Darielle, wala ka raw kasi nang magising siya kanina. At saka bakit diti ka natulog?” nag-aalalang tanong ni Kieth, dahil sa nakitang sitwasyon. Dahan-dahang umayos si Kariel sa pagkakaupo, pinilit niyang ngumiti nang mahina sa kapatid upang mapawi ang pag-aalala nito. "Wala kuya, napagod lang siguro ako," bulong niya, pilit na tinatago ang bigat ng damdamin na kanina pa nagpapabigat sa kanyang dibdib. “Alam ko bunso, kaya h’wag ka na ring magkaila. Naiintindihan kita, nag-usap na rin kami ni Nanon kagabi,” wika ni Kieth, saka tumabi sa pagkakaupo sa kan
MATAPOS makalabas ng kapatid sa gallery room, agad namang kinuha ni Kieth, ang kaniyang cellphone at agad na tinawagan ang mga kaibigan para sa isang malaking plano. Agad naman silang nagtipon-tipon sa kanilang tambayan. Kumpleto ang grupo at pawang nakaupo sa isang gilid at nag-iisip nang magandang alibi para ikansela ang kasalang magaganap. “Any idea?” basag ng katahimikan ni Lee, isa sa kaibigan nila. Nagpalitan naman ng tingin sina Kieth, Nanon, pati na ang ibang kasamahan nila. Na tila lutang at hindi alam ang gagawin.“May naisip na ba kayo?” dagdag pa nito nang hindi sila makaimik.Napatikhim naman si Nanon, at saka umayos nang upo bago pa nagsalita.“Kahit na itinakda ng mga magulang namin ang kasunduang ito, ayaw kong ituloy kung magdurusa si Kariel— ang kapatid mo part,” ani Nanon, sabay tingin kay Kieth, kita ang sinseridad sa kanyang mga mata. At saka nagpakawala ng malalim na buntonghininga bago pa nagpatuloy. “Kung may paraan para makansela ito nang hindi masisira ang
HABANG naglalakad patungo sa paaralan ni Darielle, hindi maiwasan ni Kariel na isipin ang bigat ng sitwasyong kinasusuungan. Iniisip niya kung paano niya ipapaliwanag sa anak ang tungkol sa paparating na kasal na hindi naman niya ginusto. Alam niyang darating ang araw na magtatanong si Darielle tungkol sa ama nito, at hindi na sapat ang alibi niyang nagtatrabaho ito para sa kinabukasan nila dahil hindi na ito bumabata.Nang makarating siya sa gate ng paaralan, pansin ni Kariel ang bigat sa kanyang dibdib. Lutang ang isip niya, malalim ang kanyang iniisip. Hanggang sa makita niya ang anak papalabas ng silid nito, habang umiiyak. Agad siyang nataranta at mabilis na tinungo ang anak.“Darielle, baby, bakit ka umiiyak?” tanong niya habang dahan-dahang hinaplos ang likod ng anak.Mahina at halos nauutal ang sagot ni Darielle habang pinupunasan ang mga luha sa mata, “Mommy… tinutukso po ako ng mga kaklase ko… sabi nila… bastarda daw po ako… dahil wala akong Daddy…” humihikbing anito, sabay
Sa isang MAdilim na abandunadong resort, ay narinig ng mga tauhan ni Diablo ang kaniyang pagsisigaw sa kuwartong inukupa niya. Nagkatinginan ang mga ito dahil sa nangyayari sa kanilang amo. Ngunit wala silang lakas ng loob na pasukin ito dahil na rin sa kadahilanang sila naman ang malalagot kapag ginawa nila iyon. "Putcha, anong nangyayari sa loob? Gabi gabi na lang yatang binabangungot si boss," nagtatakang tanong ng isa sa mga tauhan nito. "Hayaan mo na," sagot ng mas matanda nilang kasama. "Alam mo namang walang gustong makialam sa kanya kapag ganiyan na ang nangyayari, 'di ba? Gusto mo bang mawalang ng hininga? Pwess! Kami hindi, may pamilya kami kaya hayaan na lang natin siya sa loob. Magiging din naman iyan Maya Maya lang kaya wala kang dapat ikabahala."Napakamot naman ito saka nagpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng silid nito. "BITAWAN N'YO SIYA!" sigaw ng batang si diablo sa kaniyang panaginip ngunit walang nakikinig. Hawak ng isa sa mga bully ang kanyang kuya sa k
MADALING ARAW pa ang nagising na si Kariel. Ni Hindi nga niya matandaan kung nakatulog ba siya dahil buhat nang pumasok sila ng villa ay iniisip pa rin niya ang bagay o taong nakita niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong gumising sa kanya—isang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Tahimik ang paligid, maririnig lang ang marahang paghampas ng alon sa pampang at ang mahinang huni ng mga kuliglig sa labas. Unti-unti siyang bumangon mula sa kama at tumingin sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang dagat na bahagyang sinisinagan ng buwan. Payapa at walang anumang bakas ng panganib o kung ano mang maaaring maging dahilan ng kanyang kaba.Ngunit hindi mapakali ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama, siniguradong hindi magigising si Darielle na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Lumabas siya ng kwarto, at sa di niya maipaliwanag na dahilan, dinala siya ng kanyang mga paa sa veranda. Doon, nagulat siya nang makitang naroon na si Darrius. Naka
MALAMIG ang simoy ng hangin nang lumabas si Kariel mula sa villa kinagabihan. Pupuntahan niya kasi si Darrius dahil nagpaalam ito saglit dahil may tatawagan daw ito. Naglakad-lakad siya hanggang makita niya ang lalaki, nakaupo sa isang wooden bench malapit sa dalampasigan. Nakatingin ito sa malawak na dagat, tila malalim ang iniisip. Sa pagtanaw niya rito, bumalik ang mga alaala—ang mga panahong akala niya'y hindi na sila muling magkakasama nang ganito. Nag-aatubili man, nilapitan niya ito. "Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," puna niya, habang dahan-dahang umupo sa tabi nito. Nag-angat ng tingin si Darrius at bahagyang ngumiti. "Wala, iniisip ko lang . . . kung paano natin naabot ang puntong ito." Napayuko si Kariel. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng taon na nawala sa kanila. Kahit ilang beses na nilang mapag-usapan ang bagay na 'to magmula nang muli silang magtagpo ngunit tila hindi pa rin iyon nawawala sa isipan nila. "Hindi ko ri
MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i
MAAGANG nagising si Kariel kinaumagahan. Agad niyang kinapa ang tabi ngunit wala doon ang anak kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naroon ang anak. "Darielle, anak?" dahil walang bakas na naroon ang anak, lumabas siya ng kwarto. Pagtapat niya sa veranda, natanaw niya ang anak na masayang naglalaro sa hardin kasama si Darrius. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa. Para silang matagal nang magkasama. Panay ang hagikgik ng anak habang buhat-buhat ito ng ama. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa, at ngayon ay unti-unti silang bumabalik sa buhay ng isa’t isa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin siyang nakatingin si Darrius. Ngumiti ito bago ibinaba si Darielle at tumawag, “Mommy, halika rito! Maglaro tayo kasama si Daddy, mommy!” "Oo nga, pumarini ka na at samahan kami rito!" Napasinghap siya saka napangiti. Hindi niya alam
Matapos ang emosyonal na muling pagtatagpo nina Darrius at Darielle, dinala ng pamilya si Kariel at Darrius sa dining area para sa isang espesyal na hapunan. Halatang pinaghandaan ito ng kanyang mga magulang, na tila isang paraan ng pagsuporta at tahimik na pagtanggap sa nangyari. Sa mahabang mesa, naupo si Darielle sa pagitan nina Kariel at Darrius. Panay ang kwento ng bata habang kumakain, walang tigil sa pagsasalaysay ng mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Hindi naman iyon nagawang pigilan ni Kariel dahil alam niyang sobra ang pagkasabik ng bata bagay na napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. “Daddy, marunong ka bang magtayo ng kastilyong buhangin?” Puno ng excitement na tanong ng anak na ikinangiti ni Darrius. “Oo naman, baby. Gusto mo bang turuan kita?” Tumango naman si Darielle, bakas ang kasabikan sa kanyang mukha. “Yes! Gusto ko po! Pwede po ba bukas? Isama natin si mommy sa pagpunta sa beach resort na itinayo ni tito Kieth.”
Matapos ang emosyonal na pagtanggap ng mga magulang ni Kariel sa kanilang pagbabalik, dama pa rin ni Darrius ang kaunting tensyon sa pagitan nila. Hindi naman siya nagtataka, alam niyang hindi ganoon kadali para sa pamilya ni Kariel na naging pamilya na rin niya ng ilang taon na bigla siyang muling tanggapin sa buhay ng anak nila matapos ang lahat ng nangyari. Subalit, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mawawala at paninindigan ang desisyong napili sa kabila ng lahat. Habang nagmimiryenda sila sa sala, tahimik lang si Darrius na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Kariel. Panay ang abot niya ng pagkain sa babae, tila ba paraan niya iyon ng pagpapakita ng pag-aalaga. "Nga pala, pinasundo ko muna si Darielle sa school. Maya-maya lang ang narito na ang mga 'yon," wika ng ina na ikinatango ni Kariel. Ilang sandali pa, tanaw nila mula sa sala ang pagparada ng puting van sa harap ng mansyon at bumaba mula roon ang kanilang anak. "Mommy!" Agad na tumayo at sinalubong
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na