Share

Chapter 59

Author: Calut qho
last update Last Updated: 2024-09-29 12:54:29

Lumipas ang ilang linggo mula nang halos lahat ay nawala kay Darrius—ang kanyang posisyon sa kompanya, mga ari-arian, at pati na ang kanyang mga kaibigan at kakilala. Wala na siyang natirang iba kundi ang assistant niyang si Mark, na siyang naging tanging kasama niya sa mga panahong ito. Si Mark, na palaging nasa tabi ni Darrius sa mga tagumpay, ay siya ring nanatili sa kabila ng pagkabagsak nito.

Nangungupahan si Mark sa isang maliit na apartment sa gilid ng siyudad, malayo sa magagarang bahay at opisina kung saan dati’y karaniwang naroon si Darrius. Ang dating marangya at maaliwalas na buhay ni Darrius ay napalitan ng simpleng pamumuhay—isang maliit na kuwartong kasyang-kasya lang para sa kanila. Walang mamahaling kasangkapan, walang malalaking bintana na may tanawin ng siyudad, at walang mga inuman o party na nagaganap sa gabi. Tila naging ibang tao si Darrius, at ang kanyang dating marangyang mundo ay isang malayong alaala na lamang ngayon.

Isang gabi, nagkakape si Darrius sa mali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Edmarie Don Pison Etnegap
Next po pls.. Kawawa nman si Darius.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 60

    Hindi mapakali si Kariel, habang nakahiga sa kanyang kama, dagdag pa ang pagkalam ng kanyang sikmura. Napagpasyahan niyang bumaba at kumuha ng pagkain, pariwar’y nakatulog na ang lahat dahil malalim na ang gabi. Bumalikwas siya ng bangon at bumaba ng kama, saka dahan-dahang lumabas ng silid. Nang makarating siya sa may sala, narinig niya ang mga pabulong na pag-uusap ng kanyang mga magulang. Tumigil siya sa tapat ng pintuan at pinakinggan ang bawat salita, at ang mga narinig niya ay parang mga palasong tumama nang diretso sa kanyang puso. "Nakagawa na ako ng mga plano," seryusong ani Manolo, sa kanyang ina. "Kailangan na niyang umalis bago pa man siya makipag-ugnayan ulit kay Darrius. Hindi na ako papayag na mangyari ulit ang dati. Ipapaayos ko ang lahat ng papeles, at kapag handa na, aalis siya papuntang Australia." Nanginginig ang buo niyang katawan sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang ama niya, na minsang naging mapagmahal at protektibo, ay gagawin ito sa kanya. Pilit

    Last Updated : 2024-09-30
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 61:

    Habang nakaupo sa upuang kahoy si Darrius, ay hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari sa pagitan nila ni Kariel. Ilang taon rin niyang kinimiim ang lahat. Ayaw niyang masira ang pamilyang kinalakihan niya. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Alam niyang mahirap ang sitwasyon nila, ngunit hindi niya akalain na aabot ito sa puntong siya rin pala ang sisira niyon."Boss," tawag ni Mark, na pumukaw sa kanyang atensyon. "May kailangan kang malaman." "Ano iyon, Mark?" usisa niya ng matuon ang kanyang atensyon sa dating assistant."Narinig ko kanina mula sa mga kaibigan ni Kariel. Aalis na siya papuntang Australia kasama ang ina niya," diretsong sabi ni Mark.Parang tumigil ang oras kay Darrius. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Ano? Kailan? Bakit hindi ko alam ito?" Tumindi ang kaba sa kanyang dibdib, ramdam niyang hindi siya pwedeng magpatumpik-tumpik."Ngayon na. Papunta na sila sa airport, boss. Nagmamadali na sila, at mukhang hindi nila ito pinlano, at mukhang biglaan para ila

    Last Updated : 2024-10-01
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 62: The Flight that Away from Love

    Sa loob ng eroplano, tahimik na umiiyak si Kariel, naka-upo malapit sa bintana. Puno ng luha ang kanyang mga mata, kahit pa ilang ulit niya nang pinunasan ang mga ito. Ang malamig na salamin ng bintana ay tila nagiging salamin ng kanyang damdamin — malamig, madaling mabasag, at nag-iisa. "Kariel, hindi mo pwedeng ipilit ang hindi na pwedeng ituloy," mahinang sabi ng kanyang ina, na ngayon ay nakatingin sa kanya. Pilit nitong hinahaplos ang kanyang kamay, ngunit nararamdaman ni Kariel ang pagkabalisa sa mga galaw nito. "Mom, hindi niyo ako naiintindihan," sagot ni Kariel, pilit na iniiwas ang mga mata. Pilit niyang pinipigil ang hikbi, ngunit hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang boses. "Si Darrius lang ang nagpapasaya sa'kin. Bakit kailangan niyong agawin siya sa akin?" "Anak," buntonghininga ng kanyang ina, "alam kong mahal mo siya. Pero hindi sapat ‘yan sa mundong ginagalawan natin. Hindi mo pa naiintindihan ang mga responsibilidad na kasama ng pagmamahal. Hindi lang b

    Last Updated : 2024-10-02
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 63: Shattered in Silence

    Sa loob ng isang madilim at halos walang buhay na bar, nakaupo si Darrius sa dulo ng counter. Ang kanyang mga mata’y nagpupungay sa dami na ng kanyang nainom, ngunit hindi pa rin niya magawang maalis sa isip ang mukha ni Kariel. Ang ingay ng mga bote at baso na nagbabanggaan ay tila ba nagiging background noise lamang sa kanyang isipan, na puno ng alaalang sinusubukang takasan. Ngunit habang patuloy ang agos ng alak sa kanyang lalamunan, bumabalik nang bumabalik ang mga alaala.Kasama niya si Mark, ang dating assistant na kanina pa pilit umaawat sa kanya. Ngunit sa dami ng tangkang pagpigil, tila nawalan na rin ng lakas si Mark. Nakatitig lamang ito kay Darrius, kitang-kita ang pagkaubos ng pag-asa sa kanyang mga mata."Boss..." simula ni Mark, na naupo sa tabi ng dating amo. "Hindi ito ang tamang paraan para kalimutan si miss Kariel."Napahinga nang malalim si Darrius bago sumagot, sabay lagok ng panibagong baso ng whiskey. "Sino ba nagsabi na gusto kong kalimutan siya? Hindi ko siya

    Last Updated : 2024-10-02
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 64

    PAGKALUPAS ng ilang buwan mula nang lumipad patungong Australia, unti-unting natutunan ni Kariel na tanggapin ang katotohanang wala na si Darrius sa buhay niya. Masakit man, lalo na sa mga unang linggo, pero para sa anak nila, pilit siyang nagpakatatag. Ilang linggo na lang, at isisilang na niya ang kanilang anak. Pero sa bawat gabi, sa katahimikan ng silid na pinaghahandaan niya para sa sanggol, bumabalik ang mga alaala ni Darrius—mga sandaling puno ng pagmamahal at pangarap na magkasama nilang hinubog, ngunit ngayo’y naging alaalang nagpapabigat sa kanyang dibdib. “Mom, I’m fine,” saad ni Kariel sa ina, habang nakahiga sa kama at hinihimas ang kanyang tiyan. “Konting sakit lang, normal naman daw ‘to sa ganitong stage ng pagbubuntis, sabi ng doktor.” Nakaupo sa gilid ng kama ang kanyang ina, bakas sa mukha ang pagkabahala. “Alam kong sinasabi mo ‘yan, anak, pero nakikita ko rin ‘yung lungkot sa mga mata mo. Hindi lang ‘to tungkol sa pagbubuntis, hindi ba?” Napangiti si Kariel

    Last Updated : 2024-10-03
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 65

    SA KABILANG DAKU, ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang tuluyan nang nagbago ang buhay ni Darrius. Wala na siyang negosyo, wala na rin ang dating karangyaan na bumabalot sa kanyang pagkatao. Ang yaman na minsang ipinagmamalaki niya ay naglaho, at sa halip ay napalitan ng paghihirap at pangungulila. Ngayon, nakikita siyang naglalakad sa kalsada, hindi na suot ang mga mamahaling damit kundi uniporme ng isang delivery boy—trabahong kinuha niya upang kahit papaano’y may makain siya at si Mark. Sa kabila ng lahat, si Mark, ay nakahanap rin ng trabaho. Bagama't hindi kalakihan ang kita, sapat na ito para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Ngunit sa gabi, si Darrius ay bumabalik sa kanyang dating bisyo—ang alak. Sa bawat bote na kanyang iniinom, pilit niyang tinatakasan ang kirot ng pagkatalo, ng mga alaala kay Kariel, at ng pangarap na tila naging abo. ISANG gabi, mag-isa si Darrius sa isang maliit na bar sa tabi ng eskinita. Kakaunti ang mga tao, at ang liwanag mula sa malili

    Last Updated : 2024-10-03
  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 66: Shattered Hope

    Nakahiga sa malamig na semento si Darrius, halos hindi na niya maramdaman ang buong katawan. Ang mga sugat at pasa sa kanyang mukha ay tila ba manhid na, at ang dating matinding sakit ay napalitan ng tila isang malalim na pamamanhid. Ramdam niya ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang mga sugat, ngunit higit pa roon, ang tanging naririnig niya ay ang mabibigat na yabag ng kanyang puso—mabagal, parang nag-aagaw-buhay. Pumikit siya, at handa nang tuluyan na lamang siyang lamunin ng dilim, nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanya. Hindi na niya magawang igalaw ang kanyang katawan upang makita kung sino ang paparating, ngunit alam niyang may isang tao na huminto sa kanyang tabi. “Diyos ko… Darrius?” Ang boses na iyon. Hindi siya sigurado kung totoo ba iyon o bahagi na lang ng kanyang imahinasyon. Malabo na ang kanyang paningin at ang mga tunog ay tila ba lumalabo rin. Isang pamilyar na boses ang naririnig niya, ngunit hindi niya matukoy kung sino. Bago siya tuluyang mawalan ng

    Last Updated : 2024-10-04
  • POSSESSION OF LOVE   chapter 67

    Matapos ang ilang araw na pagpapahinga, nagising si Darrius sa isang malamig na silid ng ospital. At sa kabila ng pananakit ng kanyang katawan, nagdesisyon siyang bumangon. Pinilit niyang igalaw ang mga binti at ibinaba ang mga ito sa higaan. Ang bawat hakbang ay tila mabigat, ngunit hindi niya iyon inalintana. Tanaw niya mula sa binata ng ospital ang malaking gusali na noon ay siya ang namamahala. Ang gusaling iyon ay naging saksi sa kanyang mga tagumpay at pagkatalo. Ngunit sa kabila ng lahat, may isang bagay ang hindi niya pinagsisihan, ang pagbubukas ng kanyang puso sa totoong nararamdaman. Ang pag-amin niya sa babaeng minamahal na ngayo'y biglang nawala ay nagbigay sa kanya ng isang masakit na alaala at dahilan upang mawalan siya ng ganang mabuhay. “I miss you, Kariel. Sana nasa maayos at mabuting kalagayan ka,” naluluhang naisatinig ng kanyang isipan. Habang nag-iisip, ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Mark, kasama si Kiarah. “Kiarah!?” gulat na naisatinig n

    Last Updated : 2024-10-05

Latest chapter

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 119

    MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 118

    MAAGANG nagising si Kariel kinaumagahan. Agad niyang kinapa ang tabi ngunit wala doon ang anak kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naroon ang anak. "Darielle, anak?" dahil walang bakas na naroon ang anak, lumabas siya ng kwarto. Pagtapat niya sa veranda, natanaw niya ang anak na masayang naglalaro sa hardin kasama si Darrius. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa. Para silang matagal nang magkasama. Panay ang hagikgik ng anak habang buhat-buhat ito ng ama. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa, at ngayon ay unti-unti silang bumabalik sa buhay ng isa’t isa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin siyang nakatingin si Darrius. Ngumiti ito bago ibinaba si Darielle at tumawag, “Mommy, halika rito! Maglaro tayo kasama si Daddy, mommy!” "Oo nga, pumarini ka na at samahan kami rito!" Napasinghap siya saka napangiti. Hindi niya alam

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 117

    Matapos ang emosyonal na muling pagtatagpo nina Darrius at Darielle, dinala ng pamilya si Kariel at Darrius sa dining area para sa isang espesyal na hapunan. Halatang pinaghandaan ito ng kanyang mga magulang, na tila isang paraan ng pagsuporta at tahimik na pagtanggap sa nangyari. Sa mahabang mesa, naupo si Darielle sa pagitan nina Kariel at Darrius. Panay ang kwento ng bata habang kumakain, walang tigil sa pagsasalaysay ng mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Hindi naman iyon nagawang pigilan ni Kariel dahil alam niyang sobra ang pagkasabik ng bata bagay na napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. “Daddy, marunong ka bang magtayo ng kastilyong buhangin?” Puno ng excitement na tanong ng anak na ikinangiti ni Darrius. “Oo naman, baby. Gusto mo bang turuan kita?” Tumango naman si Darielle, bakas ang kasabikan sa kanyang mukha. “Yes! Gusto ko po! Pwede po ba bukas? Isama natin si mommy sa pagpunta sa beach resort na itinayo ni tito Kieth.”

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 116

    Matapos ang emosyonal na pagtanggap ng mga magulang ni Kariel sa kanilang pagbabalik, dama pa rin ni Darrius ang kaunting tensyon sa pagitan nila. Hindi naman siya nagtataka, alam niyang hindi ganoon kadali para sa pamilya ni Kariel na naging pamilya na rin niya ng ilang taon na bigla siyang muling tanggapin sa buhay ng anak nila matapos ang lahat ng nangyari. Subalit, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mawawala at paninindigan ang desisyong napili sa kabila ng lahat. Habang nagmimiryenda sila sa sala, tahimik lang si Darrius na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Kariel. Panay ang abot niya ng pagkain sa babae, tila ba paraan niya iyon ng pagpapakita ng pag-aalaga. "Nga pala, pinasundo ko muna si Darielle sa school. Maya-maya lang ang narito na ang mga 'yon," wika ng ina na ikinatango ni Kariel. Ilang sandali pa, tanaw nila mula sa sala ang pagparada ng puting van sa harap ng mansyon at bumaba mula roon ang kanilang anak. "Mommy!" Agad na tumayo at sinalubong

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 115

    Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 114

    SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 113

    Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 112

    Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali

  • POSSESSION OF LOVE   chapter 111

    Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status