Nag-aadjust ang mga mata ko nang puting ilaw ang bumungad sa akin. Amoy ng pamilyar na gamot ang siyang sumiksik sa ilong ko. Ang tunog ng mga makina ang pumuno sa mga tainga ko.Pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Sinubukan ko na gumalaw ngunit bigo ako dahil sa kawalan ng lakas.Ramdam ko ang pagkatamlay ng katawan ko. Para akong lanta na gulay na pinabayaan na.Napadaing ako sa sakit nang sinubukan ko na gumalaw kahit papaano. Ang brace na nasa leeg ko ay ang nagpapahirap sa akin upang makita ang kalagayan ko.Matagal akong nakatitig sa malaking orasan na nasa harapan ko bago tuluyan na tumunog ang pinto, hudyat na may papasok.Nakatingin lang ako roon at hinintay na may pumasok. Hindi nagtagal nang tumambad sa akin ang isang nurse. Animo'y nagulat pa siya nang makita ako na gising."Gising ka na po pala, Ms. Aurora," nakangiting bungad niya. Kalmado ang kaniyang aura na nakadagdag dahilan kung bakit kalmado lang din ako."Check ko lang po muna vital niyo," paalam niya.
Last Updated : 2024-08-14 Read more