Matapos ang pag-uusap namin ni Auntie Gia noong gabing iyon ay minabuti ko na manatili muna sa bahay nila dahil baka iba na naman ang maging dating sa kaniya kung pipilitin ko na bumalik na sa bahay namin.Mayroong ilangan pagsapit ng umaga ngunit siniguro ko rin na makakahingi ako ng tawad sa mga nasabi ko. Ayaw ko rin na magkalamat ang samahan namin nang dahil lamang doon.Inaasahan ko na magtatampo siya o kaya magagalit kaya naman napaghandaan ko na iyon bago pa mangyari. Mabuti na lamang nga ay tinanggap niya ang sorry ko.Humingi rin ako ng sorry kay uncle at aniya ay huwag ko na lamang uulitin. Aaminin ko rin na may bumabagabag pa rin sa akin.Palaisipan pa rin sa akin na sa paglipas ng mga araw ay walang Noah na nagpaparamdam sa akin. I asked Auntie Gia if Noah knows that I woke up and already discharged from the hospital at ang sagot naman niya ay oo. Alam ni Noah na gising na ako at nakalabas na yet hindi pa rin siya umuuwi para kumustahin man lang ako o kaya puntahan sila Li
Matapos ang date naming tatlo ng mga anak ko ay inuwi ko muna sila sa bahay nila Noah pero wala naman tao roon. Wala akong choice kung hindi ang pumunta sa family house at iwan muna sila sa kapitbahay. I just need to meet Lucas right now.What is the sense of lying about who saved my kids? Bakit sinabi niya na si Noah ang nagligtas sa mga anak ko kung siya naman pala?"Babalik din si Mommy agad. Liam, I trust you," pagkausap ko kay Liam.Liam is a brother figure of Luna. Alam ko na hindi niya pababayaan si Luna. Alam kong mas may control siya sa lahat ng bagay kaysa rito kay Luna kaya naman ay sa kaniya ko lagi sinasabi na bantayan si Luna sa halip na si Luna ang magbantay kay Liam."Hindi po ba talaga kami puwede sumama, Mommy?" tanong ni Liam.Malungkot ang kaniyang mukha at talagang nagpapaawa. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi p'wede. Alam ko na nagkita na sila ng totoong ama nila pero hindi ako papayag na mapalapit pa sila kay Lucas. I just don't want to think that they are c
Matagal akong nakahinto sa hindi kalayuan. Nakapasok na nang tuluyan si Auntie Gia sa loob pero para akong nahahapo habang nakatingin sa malaking city police station na nasa harapan ko.Si Noah ba ang pupuntahan niya? Dahil kung oo ay hindi nga talaga nagsisinungaling ang mga anak ko.Naniniwala ako na hindi marunong magsinungaling ang mga anak ko dahil ako mismo ang nag-alaga at nagpalaki sa kanila mula nang isilang ko sila sa mundong ito.Matunog ang naging paglunok ko bago tuluyan na nabuo ang desisyon na pinaandar ang sasakyan upang i-park iyon doon sa mas malapit.Hindi ko na alam kung ano ang tapang na sumanib sa akin upang magtungo sa loob. Hinanap ng mga mata ko si Auntie Gia pero tulad ng inaasahan ko ay hindi iyon naging madali para sa akin.Nang dahil na rin sa lawak nitong police station na ito at nagkataon na maraming tao ang nagkakagulo sa loob ay naging mahirap sa akin ang paghahanap.Napakadali na tanungin na lamang kung may Noah nga ba na nakakulong sa isa sa mga pris
Tahimik lang siya sa harapan ko. Nakatingin sa kaniyang mga kamay na magkasalikop at nakapatong sa lamesa. He was just there waiting me to say something.Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nagbuga ako muli ng hangin. I was trying to fix my mind and arrange all the questions that I want to ask.Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pakiramdam ko ay naghahalo-halo na lahat ang mga katanungan na siyang bumabagabag sa akin.Ngunit sa huli... "Kumusta ka na?" Iyon ang naging tanong ko.Tiningnan ko lang siya nang bahagya siyang tumawa. "Ano ang pag-uusapan natin? Tumatakbo ang oras. Hindi ako puwedeng magtagal dito sa labas," seryosong sagot niya.Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatungo na rin. Nangangapa ako. Nakikiramdam kung paano siya kakausapin."I wasn't aware na nakulong ka. Hinintay kita na puntahan mo ako sa hospital kasama ng mga bata pero hindi ka dumating. Auntie Gia never mentioned this—""Because I tell her not to," pagputol niya sa akin.Tumango ako. "Did you tell her as
Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak
Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si
"What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap
"Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n