Share

TMUW 99: Ice Cream

Matapos ang pag-uusap namin ni Auntie Gia noong gabing iyon ay minabuti ko na manatili muna sa bahay nila dahil baka iba na naman ang maging dating sa kaniya kung pipilitin ko na bumalik na sa bahay namin.

Mayroong ilangan pagsapit ng umaga ngunit siniguro ko rin na makakahingi ako ng tawad sa mga nasabi ko. Ayaw ko rin na magkalamat ang samahan namin nang dahil lamang doon.

Inaasahan ko na magtatampo siya o kaya magagalit kaya naman napaghandaan ko na iyon bago pa mangyari. Mabuti na lamang nga ay tinanggap niya ang sorry ko.

Humingi rin ako ng sorry kay uncle at aniya ay huwag ko na lamang uulitin. Aaminin ko rin na may bumabagabag pa rin sa akin.

Palaisipan pa rin sa akin na sa paglipas ng mga araw ay walang Noah na nagpaparamdam sa akin. I asked Auntie Gia if Noah knows that I woke up and already discharged from the hospital at ang sagot naman niya ay oo. Alam ni Noah na gising na ako at nakalabas na yet hindi pa rin siya umuuwi para kumustahin man lang ako o kaya puntahan sila Li
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status