Share

TMUW 101: Talk

Matagal akong nakahinto sa hindi kalayuan. Nakapasok na nang tuluyan si Auntie Gia sa loob pero para akong nahahapo habang nakatingin sa malaking city police station na nasa harapan ko.

Si Noah ba ang pupuntahan niya? Dahil kung oo ay hindi nga talaga nagsisinungaling ang mga anak ko.

Naniniwala ako na hindi marunong magsinungaling ang mga anak ko dahil ako mismo ang nag-alaga at nagpalaki sa kanila mula nang isilang ko sila sa mundong ito.

Matunog ang naging paglunok ko bago tuluyan na nabuo ang desisyon na pinaandar ang sasakyan upang i-park iyon doon sa mas malapit.

Hindi ko na alam kung ano ang tapang na sumanib sa akin upang magtungo sa loob. Hinanap ng mga mata ko si Auntie Gia pero tulad ng inaasahan ko ay hindi iyon naging madali para sa akin.

Nang dahil na rin sa lawak nitong police station na ito at nagkataon na maraming tao ang nagkakagulo sa loob ay naging mahirap sa akin ang paghahanap.

Napakadali na tanungin na lamang kung may Noah nga ba na nakakulong sa isa sa mga pris
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status