Nagmano ako sa Papa ni Noah nang madatnan ko siya sa kanilang sala. Abala siya sa laptop na kaharap niya.Parehong araw nang makalabas ako. Nagpumilit na rin ako na makalabas ng hospital mabuti na lang at inasikaso na rin ako agad ni Nurse Trina.Ang totoo ay iniisip ko ang bill na babayaran ko dahil paniguradong sobrang laki noon. Sa sobrang tagal ko sa hospital ay hindi naman na bago sa akin na talagang mabubutas ang laman ng bulsa ko pero nang makita ang bill ay fully paid na ang nakalagay.It was already paid by Lucas. Gayunpaman ay ayaw ko na rin magkaroon ng koneksiyon kay Lucas. Ayaw ko rin na madagdagan pa ang utang ng loob ko sa kaniya kaya aasikasuhin ko rin iyon bukas o sa lalong madaling panahon para maibalik sa kaniya ang pera.Ang pera ay nababawi at napag-iipunan. Ang hindi ko lang maaatim ay magkautang sa iba na hindi ko naman hiniling.Mukhang hindi niya ako inaasahan pero kahit ganoon ay nanatili siya na nakaupo."Aurora," banggit niya sa pangalan ko. "Kailan ka pa n
Ramdam ko ang pagod ng katawan ko pero hindi man lang ako dinalaw ng antok. Nakatingin lang ako sa kisame habang pinakikinggan ang ugong ng aircon sa loob ng silid.Hindi ako pinatutulog sa dami nang tumatakbo sa isipan ko. I just don't know how to act lalo na ngayon na parang may kakaiba talaga sa kinikilos ni Auntie Gia.The first thing was she was being distant with me and now, nagsisinungaling siya kay uncle which is super unusual.Although, there are instances that someone can change, naniniwala ako na si Auntie Gia pa rin na kinalakihan ko ang kasama ko ngayon.Pero kilala ko pa nga ba talaga siya? Sa ilang taon namin na nanatili ni Noah sa ibang bansa, I had barely have communication with them. Si Noah lang ang madalas na kausap nila at mga anak ko.At ngayon naman na umuwi kami rito sa Pilipinas ay hindi man lang tumagal ng isang buwan na magkakasama kami dahil ang sana na pag-unwind namin sa resort ay nauwi naman sa hindi inaasahan na pangyayari.Inabot ko ang cellphone nila
"Aurora," tawag sa akin ni Auntie Gia nang makita niya akong pababa sa hagdan.Sinilip ko ang sana upang hanapin si uncle pero wala na siya roon. Mukhang nauna na iyon umakyat. Hindi ko na nga alam kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila ni Auntie Gia pero mukhang ayos naman dahil wala naman bakas ng galit sa kaniyang mga mata. Isa pa ay wala naman na dapat akong pakialam doon. Problema nilag mag-asawa iyon at labas na ako sa kung anuman ang mapag-uusapan nilang dalawa.Iyon nga lang ay nang ituon ko ang buong atensiyon ko sa kaniya ay para bang hindi niya kayang tagalan ang mga titig ko. Bahagya na nag-iiwas iyon at kung saan-saan nalilipat."Totoo po ba?" tanong ko sa kaniya.Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Nagtatanong ang kaniyang mga mata."Totoo po ba na nasa kulungan si Noah?" pagtutuloy ko nang makita sa kaniyang mga mata na hindi maintindihan kung ano ang gusto kong sabihin."Sinong nasa kukungan?"Halos sabay kami na napatingin ni Auntie Gia sa kalalabas lang ng kusina n
Matapos ang pag-uusap namin ni Auntie Gia noong gabing iyon ay minabuti ko na manatili muna sa bahay nila dahil baka iba na naman ang maging dating sa kaniya kung pipilitin ko na bumalik na sa bahay namin.Mayroong ilangan pagsapit ng umaga ngunit siniguro ko rin na makakahingi ako ng tawad sa mga nasabi ko. Ayaw ko rin na magkalamat ang samahan namin nang dahil lamang doon.Inaasahan ko na magtatampo siya o kaya magagalit kaya naman napaghandaan ko na iyon bago pa mangyari. Mabuti na lamang nga ay tinanggap niya ang sorry ko.Humingi rin ako ng sorry kay uncle at aniya ay huwag ko na lamang uulitin. Aaminin ko rin na may bumabagabag pa rin sa akin.Palaisipan pa rin sa akin na sa paglipas ng mga araw ay walang Noah na nagpaparamdam sa akin. I asked Auntie Gia if Noah knows that I woke up and already discharged from the hospital at ang sagot naman niya ay oo. Alam ni Noah na gising na ako at nakalabas na yet hindi pa rin siya umuuwi para kumustahin man lang ako o kaya puntahan sila Li
Matapos ang date naming tatlo ng mga anak ko ay inuwi ko muna sila sa bahay nila Noah pero wala naman tao roon. Wala akong choice kung hindi ang pumunta sa family house at iwan muna sila sa kapitbahay. I just need to meet Lucas right now.What is the sense of lying about who saved my kids? Bakit sinabi niya na si Noah ang nagligtas sa mga anak ko kung siya naman pala?"Babalik din si Mommy agad. Liam, I trust you," pagkausap ko kay Liam.Liam is a brother figure of Luna. Alam ko na hindi niya pababayaan si Luna. Alam kong mas may control siya sa lahat ng bagay kaysa rito kay Luna kaya naman ay sa kaniya ko lagi sinasabi na bantayan si Luna sa halip na si Luna ang magbantay kay Liam."Hindi po ba talaga kami puwede sumama, Mommy?" tanong ni Liam.Malungkot ang kaniyang mukha at talagang nagpapaawa. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi p'wede. Alam ko na nagkita na sila ng totoong ama nila pero hindi ako papayag na mapalapit pa sila kay Lucas. I just don't want to think that they are c
Matagal akong nakahinto sa hindi kalayuan. Nakapasok na nang tuluyan si Auntie Gia sa loob pero para akong nahahapo habang nakatingin sa malaking city police station na nasa harapan ko.Si Noah ba ang pupuntahan niya? Dahil kung oo ay hindi nga talaga nagsisinungaling ang mga anak ko.Naniniwala ako na hindi marunong magsinungaling ang mga anak ko dahil ako mismo ang nag-alaga at nagpalaki sa kanila mula nang isilang ko sila sa mundong ito.Matunog ang naging paglunok ko bago tuluyan na nabuo ang desisyon na pinaandar ang sasakyan upang i-park iyon doon sa mas malapit.Hindi ko na alam kung ano ang tapang na sumanib sa akin upang magtungo sa loob. Hinanap ng mga mata ko si Auntie Gia pero tulad ng inaasahan ko ay hindi iyon naging madali para sa akin.Nang dahil na rin sa lawak nitong police station na ito at nagkataon na maraming tao ang nagkakagulo sa loob ay naging mahirap sa akin ang paghahanap.Napakadali na tanungin na lamang kung may Noah nga ba na nakakulong sa isa sa mga pris
Tahimik lang siya sa harapan ko. Nakatingin sa kaniyang mga kamay na magkasalikop at nakapatong sa lamesa. He was just there waiting me to say something.Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nagbuga ako muli ng hangin. I was trying to fix my mind and arrange all the questions that I want to ask.Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pakiramdam ko ay naghahalo-halo na lahat ang mga katanungan na siyang bumabagabag sa akin.Ngunit sa huli... "Kumusta ka na?" Iyon ang naging tanong ko.Tiningnan ko lang siya nang bahagya siyang tumawa. "Ano ang pag-uusapan natin? Tumatakbo ang oras. Hindi ako puwedeng magtagal dito sa labas," seryosong sagot niya.Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatungo na rin. Nangangapa ako. Nakikiramdam kung paano siya kakausapin."I wasn't aware na nakulong ka. Hinintay kita na puntahan mo ako sa hospital kasama ng mga bata pero hindi ka dumating. Auntie Gia never mentioned this—""Because I tell her not to," pagputol niya sa akin.Tumango ako. "Did you tell her as
Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak