Home / Romance / My Billionaire Ex-husband Regrets / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng My Billionaire Ex-husband Regrets: Kabanata 71 - Kabanata 80

118 Kabanata

Chapter 71

Isang tawag mula sa kanyang inang si Marsha ang natanggap ni Ludwig ng umagang iyon. 'Hello, ma, bakit na naman?" natatamad siyang kausapin ito, sapagkat wala naman itong sinasabing maganda sa kanya, puro na lang negative. "Anak!" umiiyak ito, kaya bigla siyang nag alala. "Ano yun?" napapunta siya sa kanyang upuan, " ano? bakit kayo umiiyak?" "Ma-may natagpuang.. babae sa parte ng Batangas... buntis din iyon at-- at kagaya ng damit ni Estella ang kanyang suot." kwento nito. Bigla siyang naaalarma sa sinabi ng ina, at agad na hiningi kung saan niya iyon matatagpuan. Pagkasabi ni Marsha ng lugar, agad niyang pinutol ang tawag at nagmamadaling umalis. Samantalang lihim na napangiti si Marsha. Alam niya na tagumpay ang planong ito. Hindi na makikita ni Ludwig si Estella. Agad niyang tinawagan si Raquel. "Hello, hija, nasabi ko na kay Ludwig, at mukhang magtatagumpay ang planong ito." "Talaga mommy?" masayang sabi ni Raquel. "Oo, kaya ihanda mo na ang sarili mo na maging
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 72

Habang si Ludwig ay papalayo mula sa crime scene, ang bigat ng kanyang mga hakbang ay sumasalamin sa pighating bumabalot sa kanyang puso. Ang bawat paghinga ay parang mabigat, tila nilalamon siya ng sakit at kalungkutan. Hindi siya makapaniwala na ang buhay niya ay biglang bumagsak nang ganoon kabilis. Kaninang umaga lamang, umaasa pa siyang baka may magandang balita, ngunit ngayon, ang lahat ay parang natapos na. Si Estella, ang kanyang pinakamamahal na asawa, ay wala na.Ang kalsadang dinaraanan niya ay tila walang patutunguhan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung paano siya magsisimula muli. Ang buong mundo niya ay umiikot kay Estella at sa kanilang magiging anak. Pero ngayon, ang mga pangarap na iyon ay naglaho kasabay ng buhay ni Estella. Nais niyang umiyak, ngunit parang naubos na ang mga luha niya. Sa halip, isang masakit na tahimik ang bumalot sa kanya, na para bang iniwan na siya ng lahat ng emosyon.Nakarating siya sa kanyang sasakyan ngunit hindi niya magawang pih
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 73

Lasing na lasing si Ludwig ng matagpuan nina Arvie at Rick. Nagulat sila sa kawawa awang sinasapit ng buhay nito. Ang isang linggo buhat noong mailibing si Estella ay hindi pa sapat upang makayanan nitong tanggapin ang lahat."Ludwig, tinawagan mo kami, tapos, lasing ka na pala?" Sabi ni Arvie. Alam niya ang nararamdaman ng kaibigan. Ganito din siya noong mamatay si Lala, yun nga lang, nag uumpisa pa lang sila noon, si Ludwig, asawa niya ang namatay."Ludwig, bro, tama na," sabi ni Rick habang inaakay si Ludwig papunta sa sofa. Halos hindi na ito makatayo ng maayos dahil sa kalasingan. Kitang-kita sa mukha ni Ludwig ang pagod at sakit. Ang mga mata niya ay namumugto, at kahit lasing, ramdam na ramdam ng dalawa ang bigat ng kanyang nararamdaman."Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, mga tol," sabi ni Ludwig, medyo nabubulol dahil sa alak. "Si Estella... si Estella... wala na talaga siya." Puno ng luha ang kanyang mga mata, ngunit wala nang lakas ang kanyang katawan upang patuloy na
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 74

"Sa opisina niyo ako ihatid.." nabubulol ni Ludwig kina Arvie, "ayokong umuwi sa bahay.. maalala ko lang ang asawa ko doon."Agad namang pumayag sina Ric na dalahin siya sa opisina niya. Inupo siya ng mga ito sa sofa.'Okay ka lang ba dito?" tanong ni Rick sa kanya.Hindi na sumagot si Ludwig. Nakatulog na siya ng tuluyan."Mas safe naman siya dito," sabi ni Arvie. "Hayaan natin siyang gamutin ang sugatan niyang puso.. Pero sayang si Estella.""Oo nga.." saka sila nagkatinginan at napatawa, " wala eh, ang lokong ito ang pinili.""Ludwig.. aalis na kami.." paalam ni Arvie sa lalaki, "tara na pare, mukhang tulog na siya.."Umalis na ang dalawa, habang nahihimbing na natutulog si Ludwig sa sofa.ALAM ni Raquel na ito na ang tamang pagkakataon. Mula nang mawala si Estella, alam niyang unti-unti na siyang nagkakaroon ng puwang sa buhay ni Ludwig. Pero ngayon, sa kalagayan ni Ludwig, lasing at balisa, tila ito na ang perpektong oras para tuluyang alisin siya mula sa kadiliman at ibalik sa k
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 75

Habang naglalakad palabas si Raquel, umiikot ang mga plano sa kanyang isip. Alam niyang hindi magiging madali ang susunod na hakbang, pero determinado siyang gawin ang lahat para tuluyang mapasakanya si Ludwig. Ang susi sa lahat ng ito ay ang tuluyan niyang alisin ang alaala ni Estella sa buhay ni Ludwig, at alam niya ang eksaktong paraan para magawa iyon. Pagdating sa kanyang sasakyan, tinawagan niya ang kanyang ina, si Marsha. “Mommy, hindi ko pa rin mapalapit nang tuluyan si Ludwig sa akin. Hanggang ngayon, si Estella pa rin ang laman ng isip niya,” sabi niya, nagpipigil ng luha. “Pero may naiisip ako. Kailangang mawala lahat ng bagay na nagpapaalala kay Ludwig kay Estella.” Nakangiti si Marsha sa kabilang linya, alam na niya kung saan patungo ang iniisip ng anak. "Tama ka, hija. Kapag nawala ang lahat ng alaala ni Estella, wala nang ibang matitirang pagpipilian si Ludwig kundi ikaw. Kailangan natin itong gawing maayos at walang makakahalata." Nagpatuloy sila sa pagbabalak, un
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 76

"Totoo?" gulat na gulat na tanong ni Rick kay Ludwig. Lumabas silang dalawa upang mag usap. Hindi available si Arvie dahil may duty pa sa ospital. "Ayun sa nakausap kong babae, malandi daw ang babaeng itinapon doon.." sagot ni Ludwig. 'Subukan kaya nating magtanong tanong ulit doon?" suhestiyon niRick. Muli, napagkasunduan nilang magpunta ng batangas. At sa hindi inaasahang pagkakataon, may mga dumadaan sa lugar na iyon. Kaya marami silang natanong. "Yung itinapon na bangkay ng babae diyan? sabi asawa daw ng mayaman yun, kaso, nangalia pa. Hindi mo rin talaga masabi ang kakontentuhan ng mga tao sa mundo." Hanggang sa huling taong tinanong nila, iisa din ang kwento.. "Sir?" isang babae ang lumapit sa kanila, "nag iimbestiga ba kayo, tungkol kay-- kay Estella?" Bigla silang nabuhayan ng loob. Nagkatinginan sila ni Rick sa narinig. 'Kilala niyo siya?" tanong ni Ludwig sa matanda. "Umupa siya sa akin noon, mga isang linggo rin, kaso, pinaalis ko siya," may kaunting galit
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 77

Ang mga tanong ni Ludwig ay tila pumipigil sa kanya na makapag-focus sa lahat ng nais niyang gawin. Ang pagkakaroon ng damdamin para kay Estella na kanyang asawa ay tila nagiging sagabal sa kanyang paghahanap ng katotohanan. Ang pagdududa sa sarili ay lumitaw na tila siya ay naguguluhan kung paano niya dapat hawakan ang sitwasyon.Hindi niya mawari kung ano talaga ang kanyang nararamdaman. Basta na lang niya naiisip na parang mali ang lahat, subalit sa lahat ng tanong nila, iisa ang lumalabas.. isang pakawalang babae si Estella. "Rick," sabi ni Ludwig habang nagmamaneho sila papuntang kanilang susunod na destinasyon, "nararamdaman ko na may pagkukulang ako sa sitwasyon na ito. Ako ang unang lalaki sa buhay ni Estella, at sa kabila ng lahat ng nangyari, parang may mga bagay na hindi ko napansin. Tama pa ba ang ginagawa ko? Dapat ko pa bang pahirapan ang aking sarili sa paghahanap ng kasagutan sa nangyari sa kanya? o kailangan ko ng sumuko dahil tapos na naman ang lahat?" "Alam mo," s
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 78

Napapangiti si Raquel habang kausap ang mga taong binayaran niya sa lugar na iyon. Ang lahat ng impormasyong napag usapan nila upang siraan si Estela ay nagawa ng mga ito ng maayos."Magaling! May bonus kayo sa akin," nakangiti siya habang inooff ang tawag na iyon.Agad niyang tinawagan si Marsha."Mommy.. okay na, mukhang sa akin pa rin babagsak ang anak niyo," humahalakhak na sabi niya dito."Matalino ka talagang mag isip hija," masayang tugon ni Marsha habang nagdidilig ng halaman.Habang natutuwa si Raquel sa kanyang tagumpay, ang pag-uusap nila ni Marsha ay puno ng kasiyahan. Ang kanilang plano ay tila nagbubunga ng maganda para sa kanila."Alam mo, Mommy," patuloy ni Raquel, "ngayon na ang lahat ay nakaayos, sigurado akong ang kasunod na hakbang ay magiging mas madali na.""Oo, hija. Pero huwag tayong magpabaya. Dapat nating tiyakin na ang bawat detalye ay ayon sa plano para walang sagabal.""Oo naman, Mommy," sagot ni Raquel. "Lahat ay nasa kontrol ko. Baka mas maaga pa, magbub
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 79

Matuling lumipas ang anim na buwan, at unti unti, natanggap na ni Ludwig ang lahat. Bumalik na siya sa dati niyang buhay. Nasa loob siya ng opisina, ng magkaroon ng hindi inaasahang bisita, si Raquel. Kasama ng babae ang kanyang ina na si Marsha, nakangiti ito sa kanya. "Anak," niyakap siya ni Marsha," ang tagal na nating hindi nagkikita, kumusta ka na?" "Nagkikita tayo ma, hindi lang tayo nag uusap," sagot ni Ludwig. Bahagyang napangiwi ang kanyang ina sa kanyang isinagot. "Ikaw naman, napakapilosopo mo.." ibinalik ni Marsha ang ngiti sa labi. Aga "Hi Ludwig," bati ni Raquel sa kanya. Tinanguan niya lang ito. Naupo na ang mga bisita. "Aayain ka sana naming kumain anak," sabi ni Marsha, "wala ka bang napapansin kay Raquel?" Napatingin si Ludwig sa babae, bahagyang nangunot ang noo niya, "nagpaayos ka ba ng ilong?" "Hindi no!" napanguso si Raquel sa sinabi ni Ludwig. Naoffend siya ng konto, "namayat lang ako kaya mukhang tumangos ang aking ilong!" "Ah, okay.." saka ulit t
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa

Chapter 80

Limang taon ang matuling lumipas…"Mommy, bakit hindi kami sa regular school nag-aaral?" tanong ni Caleb kay Estella habang siya’y abala sa paghuhugas ng kanilang pinagkainan. Ang mga bata ay naglilinis ng lamesa matapos ang kanilang tanghalian.Napatingin siya sa kanyang anak. Mula nang magdesisyon siyang i-homeschool ang mga ito, madalas na nag-uungot si Caleb, at ngayon, tila muling nagtanong ang batang ito. Hindi niya masisisi ang kanyang mga anak sa pagnanais na maranasan ang buhay sa regular na paaralan—nagsimula na rin siyang mag-alinlangan kung tama ang ginawa niyang desisyon.Ang kanyang poultry at piggery business ay nagboboom. Salamat sa pamana ni Lala, na umabot ng halos anim na pung milyon ng maibenta niya ang lahat. Nagulat siya na sa kanya nito ipinamana ang lahat ng ari-arian nito, isang pamana na tila kumikilos sa sarili nitong paraan ng pagpapabuti ng kanilang buhay.Ipinagbili iyon lahat ni Ram. Ang lalaki ang nakakatulong niya sa lahat, hands-on siya sa business, a
last updateHuling Na-update : 2024-09-18
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
12
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status