Share

Chapter 76

"Totoo?" gulat na gulat na tanong ni Rick kay Ludwig. Lumabas silang dalawa upang mag usap. Hindi available si Arvie dahil may duty pa sa ospital.

"Ayun sa nakausap kong babae, malandi daw ang babaeng itinapon doon.." sagot ni Ludwig.

'Subukan kaya nating magtanong tanong ulit doon?" suhestiyon niRick.

Muli, napagkasunduan nilang magpunta ng batangas. At sa hindi inaasahang pagkakataon, may mga dumadaan sa lugar na iyon. Kaya marami silang natanong.

"Yung itinapon na bangkay ng babae diyan? sabi asawa daw ng mayaman yun, kaso, nangalia pa. Hindi mo rin talaga masabi ang kakontentuhan ng mga tao sa mundo."

Hanggang sa huling taong tinanong nila, iisa din ang kwento..

"Sir?" isang babae ang lumapit sa kanila, "nag iimbestiga ba kayo, tungkol kay-- kay Estella?"

Bigla silang nabuhayan ng loob. Nagkatinginan sila ni Rick sa narinig.

'Kilala niyo siya?" tanong ni Ludwig sa matanda.

"Umupa siya sa akin noon, mga isang linggo rin, kaso, pinaalis ko siya," may kaunting galit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status