Pagkatapos ng ilang oras sa paaralan, excited na tumakbo sina Caleb at Calvin palabas ng gate nang makita nila sina Estella at Ram na naghihintay."Mommy! Papa Ram!" sigaw ni Caleb habang masayang tumatakbo patungo sa kanila. Si Calvin naman ay hindi rin nagpahuli at mabilis na yumakap sa kanilang dalawa."Kumusta ang unang araw niyo?" tanong ni Estella, puno ng kasabikan. Gusto niyang malaman kung paano ang naging karanasan ng kambal sa kanilang unang araw sa regular school."Ang saya po, Mommy!" sabi ni Caleb, nangingiti nang malaki. "Ang daming bagong kaibigan, tapos ang teacher namin mabait!""Oo nga, Mommy!" dagdag ni Calvin. "May bago po kaming mga laro sa playground, at may bagong libro sa library na pwede naming hiramin."Masaya ang pakiramdam ni Estella habang nakikinig sa mga kwento ng kambal. Natutuwa siya na tila hindi nahirapan sina Caleb at Calvin sa kanilang unang araw. Hindi rin maiwasang mapansin ni Ram kung gaano kasaya ang kambal sa kanilang mga karanasan.“Masaya k
Isang araw, hindi inaasahan ni Estella ang mangyayari. Maaga pa lamang, nag-text si Ram at sinabi niyang may pupuntahan siya, kaya hindi muna siya makakapagkita sa kanila. Hindi na nagtanong si Estella, iniisip niyang baka abala si Ram sa ibang bagay. Habang nag-aayos siya ng bahay at naghahanda ng tanghalian para kina Caleb at Calvin, patuloy ang kanyang isip sa mga gawain. Biglang may kumatok sa pinto. Inisip ni Estella na isa lang ito sa mga kaibigan ng kambal kaya hindi na niya ito pinansin agad. "Mommy, may tao po!" sigaw ni Calvin mula sa sala, kaya’t nagmadali siyang magpunta sa pinto. Pagbukas niya, bumungad sa kanya si Ram, may hawak na isang malaking bouquet ng mga bulaklak at isang kahon na mukhang mamahalin. Napanganga si Estella, hindi makapaniwala sa nakikita. “Ram! Ano 'to?” tanong niya, habang unti-unting pumupuno ng tuwa ang kanyang puso. Ngumiti si Ram, iniabot ang mga bulaklak sa kanya. “Surpresa! Gusto kong pasayahin ka ngayong araw na 'to.” Tila hindi makapa
Kinabukasan, matapos ang kanilang usapan ni Estella, dumating sina Caleb at Calvin mula sa eskwelahan. Masaya silang tumakbo papunta kay Ram, na madalas nilang tinatawag na "Papa Ram" kahit hindi pa opisyal na ama ng mga ito. Ramdam ni Ram ang saya ng kambal, at tuwing kasama niya sila, tila nawawala ang mga alalahanin sa buhay. "Papa Ram! May request po kami!" sabay na sabi ng kambal habang nakangiti. Ngumiti si Ram, sabik na malaman kung ano ang hinihiling ng mga bata. "Ano na naman 'yan, mga kulit? Ano ba ang gusto niyo?" "Pwede po ba tayong mag-camping?" tanong ni Caleb, na hindi mapakali sa excitement. "Oo nga, Papa Ram! Yung camping na overnight! Gusto po namin maranasan 'yon, please?" dagdag ni Calvin, na parang mas nangungulit pa kaysa sa kapatid. Nagulat si Ram, pero agad din itong ngumiti. "Camping? Aba, mukhang maganda 'yan! Pero kailangan nating itanong muna kay mommy niyo kung papayag siya." Agad na tumakbo ang kambal papunta kay Estella na nasa kusina. "Mommy! Pwed
ESTELLA: "Hindi ako magpapakasal sa matandang ‘yon, Papa," ang mariing sabi ni Estella, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit at hinanakit. "Hindi ko kayang tanggapin ang hinihiling mo sa akin." Ang kanyang boses ay nanginginig sa pagpigil ng mga luha, ngunit hindi niya hahayaang makita ng mga impakta na umiiyak siya. "Bakit ako magpapakasal sa matandang ‘yon? Gusto mo bang masira ang buhay ko? Papa, masyadong matanda si Don Lucas para sa akin… mas matanda pa siya sa’yo!" Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at puno ng hinanakit na tumingin sa ama. "D-Daig mo pa akong binenta sa matanda na ‘yon.” “Exactly, sis, ” Nakangising singit ni Luna, ang kanyang kapatid sa ama, “bakit hindi ka nalang pumayag? Matanda na siya at hindi hindi na magtatagal, mababalo ka rin naman ng maaga kaya sumunod ka nalang sa gusto ni papa.” Ang kanyang mga salita ay puno ng pang-uuyam at kawalang-interes sa tunay na kalagayan ni Estella. "Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal? Kayo naman ang naka
"Saan ka pupunta?" Hinarangan si Estella ng kanyang madrasta sa pinto. Talagang nakabara ito sa kanyang dadaanan, para bang isang guard sa basketball na ayaw siyang makalagpas."Papasok, bakit?" Sagot niya dito. Hindi pa rin siya nakakamove on sa ginawa ng mga ito sa kanya noong nagdaang gabi. Parang gusto nilang gawin siyang robot at tau-tauhan sa kanilang pamamahay. "Wag niyong sabihing hindi niyo ako palalabasin?""Oo, hindi ka lalabas at dito ka lang sa kwarto mo!" Itinulak siya ng kanyang madrasta papasok ng kanyang kwarto dahilan para siya ay bumagsak sa sahig. Bago pa siya makabawi sa pagkatumba, naisara na at nai-lock na nito ang pintuan ng kanyang silid."Tita, buksan mo 'to!" Kinalampag niya ang pintuan at pinihit ang sendura para subukan na lumabas. "Tita! hindi niyo pwedeng gawin sa akin 'to!""Lalabas ka lang ri'yan kapag ikakasal na kayo ni Lucas! Masyado kang mapagmatigas, Estella! Kung ang daddy mo ay napapakiusapan ka. Pwes, ibahin mo ako! Hindi kita bibigyan ng pagk
LUDWIG:Nakipark muna siya sa paradahan ng mga taxi upang bumili ng tubig. Nakalimutan niya ang kanyang tumbler, may sakit din ang kanyang driver, kaya medyo nahihirapan siya. Tiningnan muna niya ang paligid, mukha namang safe ang lugar na iyon. Saka pa siya bumaba ng sasakyan."Boss, makikipark lang, bibili lang akong tubig," paalam niya sa isang maedad na lalaking naroroon malapit sa may tindahan, abala ito sa kanyang ginagawa.'Sige lang boss," sagot nito, na itinuloy ang pagbibilang ng mga bariyang malamang ay butaw ng mga taxi driver."Manang, isa pong mineral water na malaki at malamig, magkano ho?" tanong niya sa tindera na noon ay abala pakikipagtsismisan sa isang bumibili rin sa kanya."Ilan?" tanong nito, na patuloy pa rin ang pagdaldal sa kausap. Ni hindi man lang siya nakuhang lingunin."Isa lang ho, " nakita niya ng umalis ito at nagbukas ng ref. Subalit ang bibig nito, ay diretso pa rin sa pagsasalita habang nililingon ang katsismisan."Bente singko," inabot nito sa kany
ESTELLA:Manghang mangha si Estella sa ganda ng club na iyon. Mga sosyal ang mga taong naroroon. May mga artista, at may mga tinitingala sa larangan ng negosyo. Nakatayo lang siya sa gilid at nagmamasid sa mga taong naglalabas masok doon. Ang mga mamahaling alahas na nakapulupot sa katawan ng bawat dumarating ay kumikinang sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa center stage.May mga dumarating na grupo, o kung minsan ay nag -iisa lang. Dito niya napatunayan, na may mundo palang ganito ang mga rich people, yung tipong makakapagwalwal sila ng walang camera, o maiipakita nila, kung sino talaga sila.May isang lalaking lumapit sa kanya. May dala itong baso ng alak, at sigurado siya, na para iyon sa kanya. Tumigil ito sa kanyang harapan, saka ngumiti ng malapad. Ang ngipin nitong may bakod na bakal ang una niyang napansin."Hi miss, alone? kanina pa kita nakikita dito. Paano kang nakapasok?" tanong nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Amoy paminta ang isang ito. Sa mga pitik ng daliri
LUDWIG:Dala marahil ng alak, nag-init siya sa offer ni Estella. "You can take me home". Umaalingawngaw iyon sa kanyang utak. Parang tumatakbo iyon sa buong isipan niya. Anong naiisipan ng babaeng ito, at iniooffer ang sarili sa kanya? Bigla siyang nag doubt kung sino talaga ito. Baka mamaya, gawa gawa lang ni Estella ang kwentong ipinagkasundo siya, at ang totoo, isa din siyang professional pokpok.Napangisi siya. Mukhang magi-enjoy siya ngayong gabi. Marahil, isa rin ito sa uri ng babae na mayaman nga, subalit tamad magtrabaho. Hindi na bibenta sa kanya ang ganitong klase ng pinagdadaanan. Pang-ilang babae na ito, na ang gusto lang pala, ay ang makabingwit agad ng customer na hindi halatang pokpok siya.Pinapanood niya ang kaharap na babae. Hindi niya mawari, kung lasing na ba ito, o naglalasing lasingan lang. Pinatagay niya ito ng dalawa pang ulit, hanggang mabuksan nila ang isa pang bote ng alak. Hindi na inabot ni Estella ang huling baso na tinagay niya, dahil lupaypay na ito.Di