Share

Chapter 73

Lasing na lasing si Ludwig ng matagpuan nina Arvie at Rick. Nagulat sila sa kawawa awang sinasapit ng buhay nito. Ang isang linggo buhat noong mailibing si Estella ay hindi pa sapat upang makayanan nitong tanggapin ang lahat.

"Ludwig, tinawagan mo kami, tapos, lasing ka na pala?" Sabi ni Arvie. Alam niya ang nararamdaman ng kaibigan. Ganito din siya noong mamatay si Lala, yun nga lang, nag uumpisa pa lang sila noon, si Ludwig, asawa niya ang namatay.

"Ludwig, bro, tama na," sabi ni Rick habang inaakay si Ludwig papunta sa sofa. Halos hindi na ito makatayo ng maayos dahil sa kalasingan. Kitang-kita sa mukha ni Ludwig ang pagod at sakit. Ang mga mata niya ay namumugto, at kahit lasing, ramdam na ramdam ng dalawa ang bigat ng kanyang nararamdaman.

"Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, mga tol," sabi ni Ludwig, medyo nabubulol dahil sa alak. "Si Estella... si Estella... wala na talaga siya." Puno ng luha ang kanyang mga mata, ngunit wala nang lakas ang kanyang katawan upang patuloy na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status