Isang dakilang nakatatandang kapatid kung ilarawan Celes ng maraming nakakakilala sa kanya bukod sa maraming sakripisyong ginawa niya upang mabigyan lamang ng magandang buhay at mapag-aral ang mga kapatid na halos makalimutan na niya ang sarili, lahat 'yon ay ginusto niya dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Ngunit isang pangyayari ang gumimbal sa kanya nang may isang pangyayari ang naghatid ng matinding takot sa kanya na maaaring nasa kapahamakan ang mga ito. Dahil doon ay nagmamadaling bumalik siya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito nang mapag-alaman niyang ilang araw ng nawawala ang mga ito. Agad naman niyang hinanap ang mga ito hanggang sa napadpad siya sa isang malaking mansyon sa kanilang kabayanan. Sabi ng may-ari niyon ay hawak nito ang kanyang mga kapatid at hindi umano ibabalik kapag 'di niya sinunod ang gusto nito—na magpanggap siyang isa sa kanyang mga kapatid. Hanggang saan aabot ang pagsasakripisyo niya mabawi lamang ang mga kapatid, gayong kaakibat niyon ay lolokohin niya ang lalaking naiwan din noon sa Maynila?
View More"MR. Toledo made a promise to his late wife that he will protect all of you. Kahit ano'ng mangyari. Labis na nag-alala para sa kaligtasan n'yo ang employer ko. Nawa'y mapatawad n'yo siya sa pagkakamaling 'yon," paliwanag ni Tobias.May kung ano'ng tila pinapaabot ito sa isang kasamahan nito sa trabaho na noon lamang napansin ni Celes.Inabot naman sa kanya ni Tobias ang kulay itim na folder. Sandaling nag-alinlangan siyang buksan 'yon nang agad tumambad sa kanya ang tila bank notes na nakasulat doon.May agad na sumagi sa isip niya kung para saan ang nakasulat doon.Kung magugulat pa ba siya sa halagang naroon.Ilang numero ang nakita niyang nakasulat.Nakagat na lamang niya ang ibabang labi. "Ito ba ang utang ni Kristine sa lalaking 'yon?" naiusal na lamang niya."No. It's your sister's money."Agad nanlaki ang mga mata niya sa labis na gulat.Ang higit sampung milyon na nakasulat doon? Sa kapatid niyang si Kristine? Na
IPINANGANAK na mahirap, kasalanang mamatay ding mahirap.Simula bata pa lamang sina Celes. Wala pang muwang ang dalawa pa niyang kapatid. 'Di lingid sa kanya ang katotohanan na maraming kayang gawin ang pera, at isa na roon na gawing miserable ang buhay nilang magkakapatid.Habang nagkakaisip siya sa pagdaan ng panahon, kasabay niyon ang pagkalayo rin ng loob ng ina sa kanilang ama lalo na sa kanilang magkakapatid dahil sa kasalatan nila ng buhay. Nakatira lamang sila sa squatter area, kaya madalas na kung 'di mula sa barangay ang mga taong magtataboy at magpapalayas sa kanila ay minsan ay dinadampot na sila ng pulis.Ang akala niya ay ayos lamang 'yon dahil likas na mahirap sila. Ngunit hindi para sa kanilang mga magulang.Sa hirap ng buhay, ilang uri ng trabaho ang kanyang pinapasok at kung ano rin ang mabigyan ng pagkakataon na 'di malalagay sa alanganin ang puri at buhay niya, ay kanilang pinapasok. Lalo na kung 'yon ang sugal na bukod na malaki ang t
MATAGAL na nakipagtitigan si Celes sa kawalan. Tila namanhid ang buong katawan niya ang huling mensaheng 'yon na hindi sa kanya dumating.Gaano katagal na ba 'yon? 'Di na rin niya alam dahil ngayon ang hanapin ang mga kapatid ay tila nawala na rin sa sistema niya.Hindi na niya namalayan pa ang oras habang naroon siya sa loob ng silid ni Levi. Nang unti-unti niyang nabawi ang sariling composure. Dahan-dahan na tumayo siya. Maiging inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong 'yon. Hanggang sa isang picture frame na malapit sa fireplace ang nakita niya.Larawan 'yon ni Kristine. Pinatunayan lamang niyon na ikinasal nga talaga ang kapatid sa lalaking nagpakilalang asawa ng kapatid niya.Humigpit ang hawak niya sa huli na yatang larawan na kanyang makikitang nakangiti ang kapatid. Katabi naman niyon ang isang maliit na papel na kanyang binasa ang nakasulat. Kabisado niya ang sulat kamay ng kapatid, mula sa pagkakasulat nito ng letrang ”a” na
KAGAT-KAGAT ni Celes ang ibabang labi. Alam niyang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa nang tila patunayan niya lamang sa huling tanong niyang ‘yon kay Joseph na hind inga ito nagkakamali nang makilala siya.Pero naroon na rin naman siya. Wala na siyang dapat pang itago sa lalaki. Ngayong nangingibabaw na sa kanya ang takot na kaninang naramdaman, at habang nasa isip pa rin niya ang pag-aalala para sa mga kapatid na ang pangako sa kanya ni Levi ay ibabalik sa kanya kapag sinamahan niya ito sa party na ‘yon at kung saan nakatagpo niya ang hindi inaasahang tao.Naghintay siyang sagutin ng lalaki ang tanong niya subalit lumipas ang ilang sandal na natahimik ito.“Ang mga magulang namin ang nagtulak sa ‘min sa ganoong klaseng buhay. Pero nang makita nilang wala na kaming silbi, lalo na akong sinadyang magpatalo sa mga huli kong laro para tigilan na nila ang pag-uudyok sa ‘min na maglaro ng mga computer games. Ang buong akala ko tulu
Kabanata 11HINDI nagkakamali ng dinig si Celes nang marinig niyang banggitin ng nagngangalang Levi ang pangalan ng isa niyang kapatid na si Kristine habang nakatitig sa kanya. Sa kabilang bahagi ng isipan niya ang katanungan kung bukod sa tinutukoy nitong utang ng kapatid, imposibleng mula sa natunghayan niyang mga mata kanina na wala ng ibang bagay mula roon kung hindi ang utang lang ng kapatid.“We’ll be leaving this evening…” wika nito nang ipatawag siya sa kaninang tauhan na sumundo sa kanya mula sa kanyang silid kung saan siya nanatili. “The place is not that far from here…”“Ang mga kapatid ko… wala silang pareho rito?” Tinutukoy ang malaking kabahayan na ‘yon na ni anino ng dalawang kapatid ay hindi man lamang nakita.Wala nan ga yata siyang ibang bukambibig kung hindi ang dalawang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang natitiyak na nasa maayos na lagay.Sandali
IT was like a nightmare for Joseph that night when his father brought a woman to their house twenty-five years ago. Hindi niya rin alam kung doon nagsimula ang kakaibang takot na gabi-gabi siya kung dalawin.Nang bumaba siya mula sa sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ni Levi ang anak ng kanyang stepmother na si Lea. Batid niyang oras na buksan ang pinto kung saan nanggagaling ang malakas na panaghoy sa taas ng hagdan, isa iyon na magiging panibagong bangungot para sa kanya. "Kristine, sweetheart. Wake up! Open your eyes, please! Fuck! Open your eyes!" Tila bumaligtad ang sikmura niyang unang bumungad sa kanya ang nagkalat na dugo sa sahig maging ang isang baril na nasa paanan niya ng mga oras na 'yon. May iba ring mga katawan ng tao na naroon sa bahagi niyang batid niyang pinatay ng kapatid.Bumakas ang matinding takot at sindak sa buong sistema niya nang unang masaksihan niyang umiyak at patuloy na magmakaawa ang kapatid para lamang ang gising
SA WAKAS natunton ni Celes ang tinutukoy na mansyon kung saan huling nakita ang kapatid niyang si Mila. Madilim na niyon at halos ang mga poste na lamang ng ilaw na nakapalibot sa buong bakuran ang nagsisilbing liwanag. Nakatayo lamang siya sa labas niyon habang tinatanaw ang loob niyon. Mukha namang maayos na malaking bahay 'yon, wala naman siyang ibang nararamdaman na kahit na ano'ng negatibo mula roon. Nang silipin niya kung ano'ng oras na ay saka lamang niya napagtanto ang oras na alanuewebe na ng gabi. Alangan na siyang magdoorbell pa subalit mas matimbang kaysa sa hiya niya ang sumigaw siya at tawagin ang kapatid. Kaya lamang ilang minuto na ang nagdaan ngunit walang kapatid niya ang lumabas maging tao mula sa loob niyon. "Mila!" muling sigaw niya. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon hangga't wala siyang kapatid na nakikitang lumalabas. Kung sa lugar na 'to huling nakita ang bunso niyang kapatid walang dudang maaaring naroon lamang
MAHILO-HILO pa si Celes nang bumangon siya. Tila pamilyar ang silid kung nasaan siya nang napabalikwas na siya ng bangon. Sapo ang nasaktang pang-upo ay muling inilibot niya ang paningin sa buong silid kung nasaan siya. "Ayos ka lang ba Celes? Para kang nakakita ng multo riyan?" biglang lapit sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Sabel. Bakas pa ang kalituhan sa mukha niya nang 'di mawari kung ano'ng una niyang gagawin nang matuklasang nasa loob na siya ng kwarto kung saan siya nagtatrabaho at naroon din ang kaibigang inihahanda na ang susuotin at gagamitin sa araw na 'yon. Subalit hindi siya mapakali. Alam niya sa sariling totoo ang lahat ng nasaksihan at narinig niya sa dalawang lalaki sa isang restaurant kung saan sila dapat magkikita ni Joseph. Ngayon, naguguluhan siyang mapagtanto na tila
Kabanata 7KAKAIN lang si Celes sa labas kasama si Joseph. Walang label. Higit sa lahat hindi sila nagde-date, masyado lang talagang exaggerated ang kaibigan niyang si Sabel kaya kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa isip niyon. Gusto na rin niyang linawin ang anomang namumuo sa pagitan nila ng binata dahil imposibleng may gusto ito sa kanya at siya rin para rito. Kaya habang sikat pa ang araw maputol na ang kung ano mang malabong ugnayan na mayroon sila.Nakaayos na siya. Pinahiram na naman siya ng maayos na dress ng pobreng kaibigan na kahit inis siya roon ay nagawa niyang isantabi para lang tulungan siyang makapamili ng maayos na maisusuot. Ayaw naman niyang magmukhang katulong kapag kasama siya ng binata.Napag-isip-isip niyang bumili na rin ng mga damit lalo na sa mga ganoong lakad. Hindi kasi 'yon kahit kailan sumagi sa isip niya noon, para kasi sa kanya luho na kung maituturing na makapagsuot siya ng mga magagarang damit. Ngunit sa huli mahalaga pa r
SORELLA SERIES: Celestine's Sorrowful Heartby Carmela BeaufortKabanata 1Tulak-tulak pababa ni Celestine ang kaniyang maleta na naglalaman ng lahat ng damit at gamit na dadalhin niya sa pupuntahang bahay na pagtatrabahuhan sa Maynila.Umiiyak na nilapitan siya ng kaniyang bunsong kapatid na si Mila upang yakapin. Ramdam niyang wala itong balak na paalisin siya. Nanginginig ang buong katawan nito marahil pinipigilan ang sariling paluin siya. Natural na iyon dito na mamalo sa tuwing naiinis subalit hindi nito magawa ngayon marahil natatakot na magalit siya at hindi na maisipan pang bumalik."Ate, sigurado ka na po bang aalis?" garalgal ang boses na tanong nito."Hindi ba, sinabi ko ng sigurado na 'ko? Tumawag na rin ang amo ko na magpunta na ako ro'n. Saka natanggap ko na rin ang pera na pamasahe na gagamitin ko," paliwanag niya.Nagsimulang mag-init ang sulok ng kani
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments