Share

Kabanata 2

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-16 08:18:28

Kabanata II

"NARINIG mo na ba na sa bahay raw gaganapin ang reunion ng batch ni Ma'am Liezel?" biglang wika ni Sabel kay Celes habang abala sila sa paglilinis ng bodega.

Sa totoo lang matagal na ni Celes na alam ang bagay na 'yon dahil minsang nahagip ng pandinig niya ang usapan ng mayordoma at ng anak ng kanyang amo na si Liezel na nangangailangan umano ang mga ito ng iba pang tao para sa nalalapit na reunion na gaganapin sa main house ng mga Villacorta, ang pinapasukan niyang pamilya sa Maynila.

Inisang buhat niya ang malaking box na kanina pa walang pumapansin para ilabas. Kaya nang marinig niyang lilinisin ang isang bodega ay hindi na siya nagulat na gagamitin 'yon para paglagyan ng mga gamit ng mag-i-stay na bisita.

Kapwa madaling-madali na ang lahat ng kasamahang katulong na malinis na rin ang ilan pang mga silid kung saan mananatili ang mga bisita, lalo na sa mga magpapasyang mag-overnight dahil karamihan sa mga ito ay kagagaling lamang sa ibang bansa at pumasyal lamang ng bansa para sa reunion na 'yon.

Tiyak siyang hindi lamang isang linggo na magiging abala ang mga araw niya. Kaya dapat magawa na niyang makapagpaalam sa mayordoma na aalis lang muna siya sandali para makapagpadala ng pera sa mga kapatid. Baka kasi kapag nagtuloy-tuloy na trabaho ay mawala na 'yon sa loob niya, kailangan na kailangan pa naman ni Kristine ang pera pambili ng bagong uniporme.

Tila naglahong parang bula ang pagod na kaninang nararamdaman nang maalala ang mga kapatid. Ginanahan tuloy siyang magtrabaho. Kapag napapasaya ang mga kapatid, nagiging masaya na rin siya.

"Ba't ka ngumiti-ngiti ka riyan? Naalala mo na naman ba 'yong gwapong lalaking tinulungan mo sa mall?" tukso ni Sabel sa kanya nang marahil mapansing bigla na lamang siyang nangingiti nang hindi namamalayan.

Sandaling tinapunan niya ng tingin ang kaibigan. Matagal nang nangyari ang bagay na 'yon pero mukhang hindi pa rin nakakamove on ito dahil sa bastang pag-iwan niya rito sa mall. Ang akala niya nga ay magagalit ito, pero nagulat siyang makitang tawa lamang ito nang tawa habang hinahampas ang likod niya.

Nawala rin sa loob niya ang kagagahang ginawa kasi mas nangibabaw ang sakit na dulot ng hampas nito kaysa sa takot niya. Palibhasa'y batid niyang hindi naman mag-aaksaya ng oras ang lalaking 'yon na hanapin siya.

"Malalim na naman ang iniisip mo. Siguro miss mo na 'yon, ano! Ikaw ha, 'di ko tuloy maiwasang manghinayang kung bakit ba naman kasi nag-cr ako n'on. Sayang 'di ko nakita ang hitsura ng lalaking nagagawang mapangiti ang isang mailap na si Celes Sorella!" tumatawang kantyaw na nito.

Malalim na bumuntong-hininga siya. "Ano ka ba naman Sabel? Tigil-tigilan mo na ang kababasa ng mga pocketbooks at kung saan-saan ka na tuloy dinadala ng imahinasyon mo," wika niya binalewala ang nauna nito patutsada.

Wala na siyang oras sa mga lalaki ngayong mas mahalagang matugunan niya ang pangangailangan ng mga kapatid. Sa katunayan, wala na rin sa plano niyang mag-asawa pa.

"Ang kj mo naman Celes. Syempre kilala na kitang wala sa isip mo ang mga lalaki. Kahit siguro iharap sa 'yo ang pinakagwapong lalaki sa mundo ni hindi mo 'yon tatapunan panigurado ng tingin!" ani Sabel. Iyon ang mali nito dahil totoong nahumaling siya sa gandang lalaki ng tinulungan.

"Mabuti naman," tipid niyang tugon.

Naramdaman niyang lumapit ito sa tabi niya. "Pero malay mo, destiny mo na pala 'yong lalaking 'yon."

"Sabel!"

Kapwa binalingan nila ang nakatayong mayordoma sa labas ng pintuan na nakapamaywang.

"Kanina pa kayo riyan, 'di na kayo matapos-tapos dahil sa tsismisan! Lalo ka na Sabel, dinig na dinig ko sa baba ang boses mo!" dikit ang mga kilay na sikmat nito.

Bumaba ang tingin ni Sabel. "Pasensya na po," agad na hinging paumanhin nito at dinampot ang walis at dustpan. Kunwa'y nagsimulang magwalis-walis kahit sa totoo lang ay kanina pa nito iyon tapos gawin.

Nang mapansing umalis na ang mayordoma.

"Mainit na naman ulo niya, siguradong tamad na naman ang mga nakuha niyang katulong," reklamo ni Sabel. Padabog nitong inilagay sa gilid ang mga hawak. "Tulungan na kita riyan," anito.

Saka niya naalala ang binanggit nito. Iyon pa ang kaninang bumabagabag sa kanya. Kung babagal-bagal sa trabaho ang mga bagong kinuhang katulong, pati siya at ni Sabel ay apektado. Hindi na kataka-kataka na ilang araw nang mainit ang ulo ng mayordoma sa kanila.

***

ILANG araw ng pagod at kulang sa tulog si Celes. Nag-aalala na kasi siya sa mga kapatid na marahil matagal ng naghihintay sa padala niyang pera. Sinubukan naman niyang magtungo sa pinakamalapit na outlet ng pera padala kahapon pero nakalimutan niyang holiday pala n'on kaya maagang nagsara.

Ngayon pang kasalukuyang nagkakagulo sa loob ng mansyon ng mga Villacorta dahil dumating na ang mga bisita ng among si Liezel. Mukhang malabo na para sa kanyang makapuslit mamaya para makalabas.

"Celes, pakidala raw ito sa kwarto ni Ma'am Liezel," biglang wika ni Diane, isa sa mga bagong katulong na kinuha kamakailan lamang para sa dagdag na tao ng mansyon.

Hindi pa kasi pinapayagan ang mga itong umakyat sa ikatlong palapag dahil off limits pa ito sa mga bagong katulong. Pero dahil siya ay matagal ng nagtatrabaho roon ay hindi na bago sa kanyang ipasa ang ganoong trabaho sa kanya.

"Sige," aniya. Kinuha niya ang itim na maletang kanina ay tulak-tulak nito.

Nagtaka siya nang mahagip ng paningin ang bahagyang pag-angat ng isang sulok ng labi nito. Pero agad niya rin 'yon na ipinagsawalangbahala.

Muntik na siyang mapamura nang mapagtanto na may kabigatan pala ang maletang ipapanhik niya sa taas.

Balak sana niyang humingi ng tulong kay Diane nang mahalata na agad 'yon ng una.

"Bawal daw kami ro'n sa taas, Ate Celes," agad na tanggi nito. "Sige ho, marami pa sa 'king pinapagawa ang mayordoma," paalam nito.

"T—Teka..."

"Celes, pakibilisan mo r'yan, marami pang gawain sa kusina!" sigaw ni Jenny, isa rin sa mga bagong katulong na kinuha.

Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin. Iiling-iling na lamang siya nang simulang hatakin ang maleta patungo sa grand staircase. May tatlong palapag ang malaking bahay na pinapasukan niya sa Maynila. Sa unang palapag matatapuan ang kusina, sala, dining room at nakahiwalay naman ang maid's quarter na matatagpuan sa bandang likod ng mansyon. Habang nasa ikalawang palapag naman ang mga guest at entertainment room. Off limits naman ang third floor na para lamang sa mga anak ng mag-asawang Villacorta.

Sa tagal na niyang nagtatrabaho roon, parang nawalan na rin siya ng gana na magreklamo pa dahil noong huli niyang ginawa 'yon ay halos mawalan siya ng trabaho. Kung 'di lang sana niya kailangang pakisamahan ang mga bagong katrabaho ay baka may nasabi na siyang hindi maganda kanina.

Malaki naman kasi ang sahod niya sa pinapasukan at kompleto pa ang benifits kaya hindi siya lugi sa pagod at oras. Bihira lang sa mga tulad niyang hindi nakatapos ng pag-aaral na dumapo ang ganoong pagkakataon kaya ayaw niyang sayangin.

Saka niya namalayang nasa labas na siya ng kwarto ng among si Liezel. Naalala na naman niya ang kasabihan ng kanyang yumaong lola na kaysa magsalita siya at magreklamo ay mas mabilis niya 'yon na matatapos kung agad niyang sisimulan.

Balak sana niyang pihitin na ang seradura ng pinto nang bumukas 'yon.

"Ate Celes, ikaw pala," bungad ng anak nang among si Ma'am Liezel. Dumapo ang paningin nito sa hila-hila niya kaninang maleta. "Hala, mabigat ho 'yan ah? Kayo lang ba ang nag-akyat mag-isa?" gulat na usal nito.

Dagdag pa na ayaw niyang umalis sa trabahong 'yon na napakabait ng mga amo niya.

Dali-dali na kinuha nito ang maleta sa kanya at ito na rin ang nagpasok sa loob ng kwarto.

"Dapat si Mang Joey na lang ang nagpanhik nito kaysa kayo Ate Celes, pasensya na ho," hinging paumanhin nito. Mababakas ang iritasyon sa magandang mukha nito nang ilagay sa gilid ng kama ang maleta. Twenty-four years old na ito subalit hindi halata dahil sa napakabatang mukha. Kamakailan lamang nang umuwi ito ng bansa at manatili na roon nang marahil makakita ng magandang offer sa trabaho.

"Okay lang ho Ma'am Liezel," aniya, tinutukoy kasi ng amo na makakatikim na naman ng sermon ang mga tauhan mamaya.

Salubong ang kilay nito nang balingan siya. "Hindi okay para sa 'kin." May kung ano'ng kinuha ito sa loob ng drawer. "Oo nga pala, tamang-tama. Narito ka na rin naman Ate Celes, may ibibigay nga pala ako sa 'yo."

Inabot nito sa kanya ang isang puting sobre. Bakas ang pag-aalinlangan nang buksan niya 'yon at agad bumungad sa kanya ang ilang pirasong asul na pera na laman n'on.

Nahigit niya ang hininga. "Ay, Ma'am Liezel."

"Siguradong ilang araw din ho kayong napagod sa paglilinis ng buong mansyon. Bonus ko na ho 'yan sa inyo at kung mayroon pa ho kayong ibang kailangan, 'wag kayong mahihiyang agad na magsabi sa 'kin," anito.

Kahit naman hindi siya makatanggap n'on ay malaki naman ang kanyang natatanggap na sahod. Balak sana niyang ibalik 'yon nang agad siyang pigilan ng butihing amo.

"Sa inyo ho 'yan. Mamaya rin ay bibigyan ko sina Ate Sabel," dagdag pa nito.

"Maraming salamat po Ma'am Liezel," pasasalamat niya.

Hindi na niya magawang tumanggi, una na marahil na dahilan wala na siyang lakas para roon at ikalawa malaking bagay 'yon pandagdag sa ipon niya.

"Sige na ho, baka may gagawin pa kayo. ‘Wag kayong mahihiyang sabihan ako kung may kailangan kayo."

Saka niya naalala ang planong pakikipag-usap sa mayordoma na paglabas. Mukha kasing matagal pa bago lumamig ang ulo n'on, at ilang beses na rin siyang hindi payagang lumabas dahil sa tambak na trabahong kailangan munang matapos.

"Ay, Ma'am Liezel," aniya nang muling balingan ang amo na kasalukuyang inilalabas ang laman ng kaninang dala niyang maleta.

"Bakit po Ate Celes?"

Binanggit niya ang tungkol sa paglabas niya mamaya para makapagpadala ng pera sa kapatid. Noong una medyo natakot siyang hindi ito pumayag, pero ito pa mismo ang nagplano para hindi siya mahuli ng mayordoma at pagalitan. Todo-todo ang pasasalamat niya sa among babae, napakabait at napakamapagbigay. Kaya nagtataka siya kung bakit ito iniwan ng dating nobyo samantalang total package naman ang amo niya, maganda, mayaman, matalino at higit sa lahat mabait.

Pero wala na siyang dapat na sayanging oras. Mahalagang matapos na niya ang lahat ng gagawin para magawa niya na ang kunwaring utos nito na may ipabibili lamang sa kanya sa labas.

Tuwang-tuwa siyang bumaba at tinungo ang kusina.

Salubong ang kilay niya nang bumungad ang tambak na hugasin. Ipinagsawalangbahala niya na lamang 'yon at sinimulan na lang na gawin. Saka na siyang maghihimutok sa galit at gaganti sa mga kasamahan kapag nagawa na niya ang mga 'yon.

***

GAYA ng mungkahing plano ng amo ni Celes. Nagpaalam siyang lalabas lang muna sandali para bumili ng mga kailangan ni Ma'am Liezel. Wala namang ibang sinabi sa kanya ang mayordoma kanina kaya laking pasasalamat niya.

Agad siyang sumakay sa isang tricycle na dumaan sa labas ng village.

Inuna muna niya ang kunwaring pinabibili ng amo saka tinungo ang pakay na outlet ng pera padala. Bagsak pareho ang balikat niya nang maabutang mahaba ang pila. Hindi na dapat siya magulat dahil holiday kahapon at maaga 'yon na nagsara.

Sandaling nag-fill up siya ng form at pumila. Panaka-nakang dumadako ang paningin ng mga tao roon dahil sa suot niya. Hindi na kasi niya nagawang makapagpalit ng damit dahil sa pagmamadali kung iisiping bibili lamang siya dapat sa botika. Sinadya rin niyang hindi magpahatid sa driver dahil tiyak magsasabi 'yon sa head main nila. Iniiwasan pa naman niyang makagalitan, oras pa kasi ng trabaho.

Hindi niya alam kung talagang mainit lang ang panahon nang magsimulang umiikot ang paningin niya. May air-conditioning naman ang lugar. Pero init na init ang pakiramdam niya. Iisa lamang kasi ang pinakamalapit na M. Lhuillier sa lugar na pinapasukan niya.

Nang tawagin na ang pangalan niya agad siyang lumapit sa counter at pumirma. Itinext niya ang transaction code sa number ng kapatid at lumabas sa lugar.

Dumampi sa balat niya mainit na ihip ng hangin noong hapon na 'yon at nakadagdag sa sakit ng ulo na kanina pa niya nararamdaman.

"Baka nabigla lang ang katawan ko," aniya sa sarili nang luminga-linga sa kalsada bago tumawid. Pakiramdam niya ano mang oras ay bibigay na ang katawan niya dahil sa hilo.

Unang beses 'yon na nangyari sa kanya marahil sa puyat at pagod na parehong nagsama.

Nanlambot ang mga tuhod niya at tuluyang natumba. Unti-unting nawalan siya ng ulirat habang may kung sino'ng nag-angat ng katawan niya mula sa matigas na kalsada.

Nang pilit niyang ulinganin ang taong bumuhat sa kanya, gusto na lamang niyang matawa na mapansing kamukha 'yon ng lalaking nakilala sa mall na pinuntahan kamakailan lamang.

Ano nga ba ulit ang pangalan nito? Pamilyar maging ang amoy nito at init ng mga kamay sa kanyang balat. Napakakomportable ng pakiramdam niya sa bisig nito.

Kailan ba noong huli niyang naranasan ang ganoong pakiramdam. The feeling of safeness and calmness.

"Joseph..." mahinang usal niya. Saka tuluyang ipinikit ang mga mata.

***

Bab terkait

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 3

    Kabanata III MABIGAT ang buong katawan ni Celes nang idilat niya ang mga mata at bumungad ang mukha ng lalaki wala sa hinuha niyang muling makikita. Teka, bakit napakalapit ng mukha nito sa kanya kulang na lang ay magdikit ang mga labi nilang dalawa? Napabalikwas tuloy siya ng bangon at dali-daling lumayo rito. Agad niyang inilibot ang paningin sa buong lugar kung nasaan siya ngayon. "Nasaan ako?" agad na tanong niya. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Nagsimulang magpanic siya. Muling binalingan niya ang lalaki kung hindi siya nagkakamali ay Joseph ang pangalan nito base sa pakilala nito noong una silang nagkita. "I saw you unconscious in the middle of the road so I brought you in the hospital," sagot nito. May kung ano'ng inabot ito sa kanya. Natuon ang atensyon niya sa cell phone na nasa kamay. "Tinawagan ko na ang number ng kapatid mo na nakaregister sa contact l

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-01
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 4

    Kabanata IVDAMANG-DAMA ni Celes ang pananakit ng buong katawan. Kung hindi mula sa pagod dahil sa ilang araw na trabaho ay sa stress dulot ng nangyaring gulo sa pagitan ng among si Liezel sa dati nitong nobyo na si Nathan.Kahit nagpapahinga buhat sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Swerte na siyang may kaibigan na si Sabel na walang palya kung i-update siya sa mga nangyari lalo na sa kalagayan ng butihing amo.Plano sana ng dalaga na komprontahin ito sa reunion na 'yon sa sariling mansyon ng mga magulang upang itigil na rin ng dating nobyo ang walang humpay na pagpapadala nito ng mga death threats. Nagkataon lamang na hindi naging maganda ang kinahantungan ng pag-uusap ng mga ito habang mag-isa ito sa entertainment room. Na-corner ang dalaga habang abala naman sa baba ang ibang mga kaibigan.Laking pasasalamat ng kanyang mga amo na ina at ama ni Liezel na wala siyang pag-aalinlangan na tinulungan ang anak ng mga ito. Hindi na bago 'yon sa kanya a

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-01
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 5

    Kabanata VLAKAS ng loob ni Celes sabihin sa sariling hindi niya type si Joseph. Pero kung maglaway siya ngayon habang pinapanood itong maglakad patungo sa direksyon niya. Parang sa isang iglap ay kinain niya rin ang lahat ng sinabi noong nagdaang gabi. Hindi lang pala gwapo ang binata, total package din ito. Tall, charismatic and yummy. Parang gusto na rin niya tuloy na makisigaw ng ‘oppa, saranghae’ na kanina pa bukambibig ng kaibigang Sabel noong lumabas ng sasakyan ang bisita nila.Teka, ang buong akala niya ay lalabas lang silang dalawa. Bakit may bitbit din itong bulaklak?Para yatang mali ang dinig niya kagabi. Mamanhikan yata ito sa amo niyang si Liz.Bago pa siyang umasa na siya ang pakay ng binata at para sa kanya ang bulaklak. Gumilid at binigyan niya ng daan ito para makapasok sa loob.Napansin niyang sinundan siya ng tingin ng kaibigan. Sinenyasan niya rin itong umalis sa gitna ng pinto dahil daraan doon ang bisita.

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-01
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 6

    Kabanata VI"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ni Celes kay Joseph. May iba pa raw itong dahilan kaya siya inaya na lumabas. Napapaisip na tuloy siya, sa napakaiksing panahon na dalawang beses silang nagkita. May iba pa ba itong dahilan upang magkita sila bukod sa kulang niyang marahil na nais nitong singilin.Tiniyak pa naman niyang magdala ng pera.Ipinatong ni Joseph ang siko sa mesa at lumiyad malapit sa kanya."Maniniwala ka ba kapag sinabi kong na-attract agad ako nang unang beses kitang nakita?" anas nito.Kumurap-kurap siya. "Ano?" gulat na usal niya.Gusto niyang matawa ng pagak sa naririnig mula sa binata dahil hindi siya makapaniwala sa narinig. Uso pa ba ang love at first sight sa panahong 'to?Pero agad niya ring sinaway ang sarili, ayaw niyang ma-offend ito kaya pinili niyang iiwas na lamang ang paningin sa binata."Kun

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-01
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 7

    Kabanata 7KAKAIN lang si Celes sa labas kasama si Joseph. Walang label. Higit sa lahat hindi sila nagde-date, masyado lang talagang exaggerated ang kaibigan niyang si Sabel kaya kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa isip niyon. Gusto na rin niyang linawin ang anomang namumuo sa pagitan nila ng binata dahil imposibleng may gusto ito sa kanya at siya rin para rito. Kaya habang sikat pa ang araw maputol na ang kung ano mang malabong ugnayan na mayroon sila.Nakaayos na siya. Pinahiram na naman siya ng maayos na dress ng pobreng kaibigan na kahit inis siya roon ay nagawa niyang isantabi para lang tulungan siyang makapamili ng maayos na maisusuot. Ayaw naman niyang magmukhang katulong kapag kasama siya ng binata.Napag-isip-isip niyang bumili na rin ng mga damit lalo na sa mga ganoong lakad. Hindi kasi 'yon kahit kailan sumagi sa isip niya noon, para kasi sa kanya luho na kung maituturing na makapagsuot siya ng mga magagarang damit. Ngunit sa huli mahalaga pa r

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-14
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 8

    MAHILO-HILO pa si Celes nang bumangon siya. Tila pamilyar ang silid kung nasaan siya nang napabalikwas na siya ng bangon. Sapo ang nasaktang pang-upo ay muling inilibot niya ang paningin sa buong silid kung nasaan siya. "Ayos ka lang ba Celes? Para kang nakakita ng multo riyan?" biglang lapit sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Sabel. Bakas pa ang kalituhan sa mukha niya nang 'di mawari kung ano'ng una niyang gagawin nang matuklasang nasa loob na siya ng kwarto kung saan siya nagtatrabaho at naroon din ang kaibigang inihahanda na ang susuotin at gagamitin sa araw na 'yon. Subalit hindi siya mapakali. Alam niya sa sariling totoo ang lahat ng nasaksihan at narinig niya sa dalawang lalaki sa isang restaurant kung saan sila dapat magkikita ni Joseph. Ngayon, naguguluhan siyang mapagtanto na tila

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-06
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 9

    SA WAKAS natunton ni Celes ang tinutukoy na mansyon kung saan huling nakita ang kapatid niyang si Mila. Madilim na niyon at halos ang mga poste na lamang ng ilaw na nakapalibot sa buong bakuran ang nagsisilbing liwanag. Nakatayo lamang siya sa labas niyon habang tinatanaw ang loob niyon. Mukha namang maayos na malaking bahay 'yon, wala naman siyang ibang nararamdaman na kahit na ano'ng negatibo mula roon. Nang silipin niya kung ano'ng oras na ay saka lamang niya napagtanto ang oras na alanuewebe na ng gabi. Alangan na siyang magdoorbell pa subalit mas matimbang kaysa sa hiya niya ang sumigaw siya at tawagin ang kapatid. Kaya lamang ilang minuto na ang nagdaan ngunit walang kapatid niya ang lumabas maging tao mula sa loob niyon. "Mila!" muling sigaw niya. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon hangga't wala siyang kapatid na nakikitang lumalabas. Kung sa lugar na 'to huling nakita ang bunso niyang kapatid walang dudang maaaring naroon lamang

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-07
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 10

    IT was like a nightmare for Joseph that night when his father brought a woman to their house twenty-five years ago. Hindi niya rin alam kung doon nagsimula ang kakaibang takot na gabi-gabi siya kung dalawin.Nang bumaba siya mula sa sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ni Levi ang anak ng kanyang stepmother na si Lea. Batid niyang oras na buksan ang pinto kung saan nanggagaling ang malakas na panaghoy sa taas ng hagdan, isa iyon na magiging panibagong bangungot para sa kanya. "Kristine, sweetheart. Wake up! Open your eyes, please! Fuck! Open your eyes!" Tila bumaligtad ang sikmura niyang unang bumungad sa kanya ang nagkalat na dugo sa sahig maging ang isang baril na nasa paanan niya ng mga oras na 'yon. May iba ring mga katawan ng tao na naroon sa bahagi niyang batid niyang pinatay ng kapatid.Bumakas ang matinding takot at sindak sa buong sistema niya nang unang masaksihan niyang umiyak at patuloy na magmakaawa ang kapatid para lamang ang gising

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-14

Bab terbaru

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 15

    "MR. Toledo made a promise to his late wife that he will protect all of you. Kahit ano'ng mangyari. Labis na nag-alala para sa kaligtasan n'yo ang employer ko. Nawa'y mapatawad n'yo siya sa pagkakamaling 'yon," paliwanag ni Tobias.May kung ano'ng tila pinapaabot ito sa isang kasamahan nito sa trabaho na noon lamang napansin ni Celes.Inabot naman sa kanya ni Tobias ang kulay itim na folder. Sandaling nag-alinlangan siyang buksan 'yon nang agad tumambad sa kanya ang tila bank notes na nakasulat doon.May agad na sumagi sa isip niya kung para saan ang nakasulat doon.Kung magugulat pa ba siya sa halagang naroon.Ilang numero ang nakita niyang nakasulat.Nakagat na lamang niya ang ibabang labi. "Ito ba ang utang ni Kristine sa lalaking 'yon?" naiusal na lamang niya."No. It's your sister's money."Agad nanlaki ang mga mata niya sa labis na gulat.Ang higit sampung milyon na nakasulat doon? Sa kapatid niyang si Kristine? Na

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 14

    IPINANGANAK na mahirap, kasalanang mamatay ding mahirap.Simula bata pa lamang sina Celes. Wala pang muwang ang dalawa pa niyang kapatid. 'Di lingid sa kanya ang katotohanan na maraming kayang gawin ang pera, at isa na roon na gawing miserable ang buhay nilang magkakapatid.Habang nagkakaisip siya sa pagdaan ng panahon, kasabay niyon ang pagkalayo rin ng loob ng ina sa kanilang ama lalo na sa kanilang magkakapatid dahil sa kasalatan nila ng buhay. Nakatira lamang sila sa squatter area, kaya madalas na kung 'di mula sa barangay ang mga taong magtataboy at magpapalayas sa kanila ay minsan ay dinadampot na sila ng pulis.Ang akala niya ay ayos lamang 'yon dahil likas na mahirap sila. Ngunit hindi para sa kanilang mga magulang.Sa hirap ng buhay, ilang uri ng trabaho ang kanyang pinapasok at kung ano rin ang mabigyan ng pagkakataon na 'di malalagay sa alanganin ang puri at buhay niya, ay kanilang pinapasok. Lalo na kung 'yon ang sugal na bukod na malaki ang t

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 13

    MATAGAL na nakipagtitigan si Celes sa kawalan. Tila namanhid ang buong katawan niya ang huling mensaheng 'yon na hindi sa kanya dumating.Gaano katagal na ba 'yon? 'Di na rin niya alam dahil ngayon ang hanapin ang mga kapatid ay tila nawala na rin sa sistema niya.Hindi na niya namalayan pa ang oras habang naroon siya sa loob ng silid ni Levi. Nang unti-unti niyang nabawi ang sariling composure. Dahan-dahan na tumayo siya. Maiging inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong 'yon. Hanggang sa isang picture frame na malapit sa fireplace ang nakita niya.Larawan 'yon ni Kristine. Pinatunayan lamang niyon na ikinasal nga talaga ang kapatid sa lalaking nagpakilalang asawa ng kapatid niya.Humigpit ang hawak niya sa huli na yatang larawan na kanyang makikitang nakangiti ang kapatid. Katabi naman niyon ang isang maliit na papel na kanyang binasa ang nakasulat. Kabisado niya ang sulat kamay ng kapatid, mula sa pagkakasulat nito ng letrang ”a” na

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 12

    KAGAT-KAGAT ni Celes ang ibabang labi. Alam niyang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa nang tila patunayan niya lamang sa huling tanong niyang ‘yon kay Joseph na hind inga ito nagkakamali nang makilala siya.Pero naroon na rin naman siya. Wala na siyang dapat pang itago sa lalaki. Ngayong nangingibabaw na sa kanya ang takot na kaninang naramdaman, at habang nasa isip pa rin niya ang pag-aalala para sa mga kapatid na ang pangako sa kanya ni Levi ay ibabalik sa kanya kapag sinamahan niya ito sa party na ‘yon at kung saan nakatagpo niya ang hindi inaasahang tao.Naghintay siyang sagutin ng lalaki ang tanong niya subalit lumipas ang ilang sandal na natahimik ito.“Ang mga magulang namin ang nagtulak sa ‘min sa ganoong klaseng buhay. Pero nang makita nilang wala na kaming silbi, lalo na akong sinadyang magpatalo sa mga huli kong laro para tigilan na nila ang pag-uudyok sa ‘min na maglaro ng mga computer games. Ang buong akala ko tulu

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 11

    Kabanata 11HINDI nagkakamali ng dinig si Celes nang marinig niyang banggitin ng nagngangalang Levi ang pangalan ng isa niyang kapatid na si Kristine habang nakatitig sa kanya. Sa kabilang bahagi ng isipan niya ang katanungan kung bukod sa tinutukoy nitong utang ng kapatid, imposibleng mula sa natunghayan niyang mga mata kanina na wala ng ibang bagay mula roon kung hindi ang utang lang ng kapatid.“We’ll be leaving this evening…” wika nito nang ipatawag siya sa kaninang tauhan na sumundo sa kanya mula sa kanyang silid kung saan siya nanatili. “The place is not that far from here…”“Ang mga kapatid ko… wala silang pareho rito?” Tinutukoy ang malaking kabahayan na ‘yon na ni anino ng dalawang kapatid ay hindi man lamang nakita.Wala nan ga yata siyang ibang bukambibig kung hindi ang dalawang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang natitiyak na nasa maayos na lagay.Sandali

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 10

    IT was like a nightmare for Joseph that night when his father brought a woman to their house twenty-five years ago. Hindi niya rin alam kung doon nagsimula ang kakaibang takot na gabi-gabi siya kung dalawin.Nang bumaba siya mula sa sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ni Levi ang anak ng kanyang stepmother na si Lea. Batid niyang oras na buksan ang pinto kung saan nanggagaling ang malakas na panaghoy sa taas ng hagdan, isa iyon na magiging panibagong bangungot para sa kanya. "Kristine, sweetheart. Wake up! Open your eyes, please! Fuck! Open your eyes!" Tila bumaligtad ang sikmura niyang unang bumungad sa kanya ang nagkalat na dugo sa sahig maging ang isang baril na nasa paanan niya ng mga oras na 'yon. May iba ring mga katawan ng tao na naroon sa bahagi niyang batid niyang pinatay ng kapatid.Bumakas ang matinding takot at sindak sa buong sistema niya nang unang masaksihan niyang umiyak at patuloy na magmakaawa ang kapatid para lamang ang gising

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 9

    SA WAKAS natunton ni Celes ang tinutukoy na mansyon kung saan huling nakita ang kapatid niyang si Mila. Madilim na niyon at halos ang mga poste na lamang ng ilaw na nakapalibot sa buong bakuran ang nagsisilbing liwanag. Nakatayo lamang siya sa labas niyon habang tinatanaw ang loob niyon. Mukha namang maayos na malaking bahay 'yon, wala naman siyang ibang nararamdaman na kahit na ano'ng negatibo mula roon. Nang silipin niya kung ano'ng oras na ay saka lamang niya napagtanto ang oras na alanuewebe na ng gabi. Alangan na siyang magdoorbell pa subalit mas matimbang kaysa sa hiya niya ang sumigaw siya at tawagin ang kapatid. Kaya lamang ilang minuto na ang nagdaan ngunit walang kapatid niya ang lumabas maging tao mula sa loob niyon. "Mila!" muling sigaw niya. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon hangga't wala siyang kapatid na nakikitang lumalabas. Kung sa lugar na 'to huling nakita ang bunso niyang kapatid walang dudang maaaring naroon lamang

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 8

    MAHILO-HILO pa si Celes nang bumangon siya. Tila pamilyar ang silid kung nasaan siya nang napabalikwas na siya ng bangon. Sapo ang nasaktang pang-upo ay muling inilibot niya ang paningin sa buong silid kung nasaan siya. "Ayos ka lang ba Celes? Para kang nakakita ng multo riyan?" biglang lapit sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Sabel. Bakas pa ang kalituhan sa mukha niya nang 'di mawari kung ano'ng una niyang gagawin nang matuklasang nasa loob na siya ng kwarto kung saan siya nagtatrabaho at naroon din ang kaibigang inihahanda na ang susuotin at gagamitin sa araw na 'yon. Subalit hindi siya mapakali. Alam niya sa sariling totoo ang lahat ng nasaksihan at narinig niya sa dalawang lalaki sa isang restaurant kung saan sila dapat magkikita ni Joseph. Ngayon, naguguluhan siyang mapagtanto na tila

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 7

    Kabanata 7KAKAIN lang si Celes sa labas kasama si Joseph. Walang label. Higit sa lahat hindi sila nagde-date, masyado lang talagang exaggerated ang kaibigan niyang si Sabel kaya kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa isip niyon. Gusto na rin niyang linawin ang anomang namumuo sa pagitan nila ng binata dahil imposibleng may gusto ito sa kanya at siya rin para rito. Kaya habang sikat pa ang araw maputol na ang kung ano mang malabong ugnayan na mayroon sila.Nakaayos na siya. Pinahiram na naman siya ng maayos na dress ng pobreng kaibigan na kahit inis siya roon ay nagawa niyang isantabi para lang tulungan siyang makapamili ng maayos na maisusuot. Ayaw naman niyang magmukhang katulong kapag kasama siya ng binata.Napag-isip-isip niyang bumili na rin ng mga damit lalo na sa mga ganoong lakad. Hindi kasi 'yon kahit kailan sumagi sa isip niya noon, para kasi sa kanya luho na kung maituturing na makapagsuot siya ng mga magagarang damit. Ngunit sa huli mahalaga pa r

DMCA.com Protection Status