Kabanata V
LAKAS ng loob ni Celes sabihin sa sariling hindi niya type si Joseph. Pero kung maglaway siya ngayon habang pinapanood itong maglakad patungo sa direksyon niya. Parang sa isang iglap ay kinain niya rin ang lahat ng sinabi noong nagdaang gabi. Hindi lang pala gwapo ang binata, total package din ito. Tall, charismatic and yummy. Parang gusto na rin niya tuloy na makisigaw ng ‘oppa, saranghae’ na kanina pa bukambibig ng kaibigang Sabel noong lumabas ng sasakyan ang bisita nila.
Teka, ang buong akala niya ay lalabas lang silang dalawa. Bakit may bitbit din itong bulaklak?
Para yatang mali ang dinig niya kagabi. Mamanhikan yata ito sa amo niyang si Liz.
Bago pa siyang umasa na siya ang pakay ng binata at para sa kanya ang bulaklak. Gumilid at binigyan niya ng daan ito para makapasok sa loob.
Napansin niyang sinundan siya ng tingin ng kaibigan. Sinenyasan niya rin itong umalis sa gitna ng pinto dahil daraan doon ang bisita.
Nang mapatitig siya sa mga mata ng kaibigan, nabasa niya mula roon na ‘bakit niya ginawa 'yon’. Hindi niya mawari kung ano'ng “’yon” ang tinutukoy nito lalo na noong rinig na rinig niyang mapasinghap ang lahat ng taong naroon nang huminto sa harap niya si Joseph.
Mali yata ng genre ang nobela ng buhay niya.
"Hi." Dinig niyang pamilyar na boses ng binata. Nang dahan-dahan na idinilat niya ang mga mata, bumungad sa harap niya ang bungkos ng pulang rosas na kaninang nakitang dala ni Joseph. "Good morning," bati nito.
Nagsalubong ang kilay niya nang mapatitig sa napakagwapong mukha ng lalaking kaharap.
Bulag na ba ito? Mukha ba siyang si Ma'am Liezel?
Pinagpalitan niya ng tingin si Sabel at Manang Lorna.
"Para sa 'kin ba 'yan?" kunwa'y tanong niya kay Joseph tinutukoy ang bungkos na bulaklak.
Halatang pati ito ay nagulat sa tanong niyang 'yon.
"Yes, of course." Inabot nito ang kamay niya at maingat na inilagay roon ang bulaklak.
Gusto niyang tanungin ito kung ano'ng nakain nito at bigla na lamang nagbago pati at mga tinging ibinibigay nito sa kanya. Mukhang hindi lang simpleng paglabas ang gagawin nila base pa lamang sa suot nitong puting polo at asul na jeans may kasama pang bulaklak na dala ang hudyo.
Hanggang ngayon ba ay tulog pa rin siya. Naku, sana naman ay magising na siya dahil baka maniwala na siya sa mga nangyayari.
"Shall we?" biglang aya ng binata at inuwestra ang kotse na kaninang sinakyan habang nakapaskil sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti. Kitang-kita niya tuloy ang pantay-pantay na puting ngipin nito. Unique din pati ang hugis ng mukha nito na lalong nagiging kaakit-akit pagmasdan. Kung marahil naging babae lamang ito ay daig pa nito ang mga 'yon sa taglay nitong pamatay na karisma, dagdag pa ang itim na itim nitong mata na tila hinihipnotismo siya ngayon.
Sa tagal niyang naging bato na yata sa lahat ng emosyong pilit niyang na ibinaon sa hukay ng kanyang lolang namatay. May panibagong emosyon ang pilit na bumabangon sa buong sistema niya.
Tumikhim siya. Napukaw n'on ang atensyon ng lahat ng taong naroon.
"Alam ko panaginip lang 'tong lahat. Kailangan ko ng magising dahil wala sa mga 'to ang totoo," wika niya.
***
"CELES."
Napapitlag si Celes sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang pangalan.
Ilang beses niyang ipinikit ang mga mata upang tiyaking hindi na siyang nananaginip ng gising. Inilibot niya maging ang paningin nang mapagtanto na nakatayo siya sa labas ng mansyon na pinagtatrabahuhan.
Sabi sa kanya ay susunduin daw siya ni Joseph noong umagang 'yon. Pero dahil ayaw niyang maabala ang binata na maghintay ay nauna na siyang mag-abang sa labas sa pagdating nito.
"Kanina ka pa? Sana sa loob mo na lang ako hinintay," wika ni Joseph nang lapitan siya.
Tinitigan niya muna ito nang maigi bago kinurap ang mga mata.
"What's wrong?" salubong ang kilay na tanong sa kanya ng binata marahil nagtaka sa naging reaksyon niya.
"Ehem," kunwa'y tanggal niya sa ano mang bara sa lalamunan. "Nandiyan ka na pala," aniya.
Tingnan nga naman ang pagkakataon, kaparehong-kapareho ng suot nito ngayon ang nasa panaginip niya kanina. Ngunit magkagayonman, nahigit niya ang sariling hininga dahil wala sa hinuha niyang hahanga siya ng sobra sa hairstyle ng isang lalaki. Naka-slick back ang buhok nito dahilan upang umangat at maging kapansin-pansin ang mala-perpekto nitong hugis oval na jawline.
"Kumain ka na ba ng agahan? Gusto mo kumain na muna tayo?" tanong nito.
"Ah, hindi ba. Ikaw ba? Ipagluto na muna kita sa loob," aya niya.
Huh? Mali yata ang naging sagot niya.
Nagsalubong na naman ang itim na itim na kilay nito.
"No, there's no need. Sa labas na lang tayo kumain, may alam akong café na nagse-serve ng breakfast meal."
Sinundan niya lamang ito ng tingin nang maglakad ito patungo sa nakaparadang sasakyan.
Sabay silang kakain ng breakfast sa labas?
Mamaya na siguro siya mag-isip ng kung ano-anong bagay dahil sa totoo lang kumukulo na ang tiyan niya sa gutom. Marahil narinig 'yon kanina ng binata kaya nagtanong ito kung kumain na ba siya. Medyo natuwa naman siyang maisip ang bagay na 'yon.
Narinig niyang tumikhim ang binata sa 'di kalayuan, tiyak na kanina pa siya hinihintay.
Dali-dali siyang lumapit dito at nang akmang aalalayan siya nitong makasakay ay hindi niya 'yon pinansin bagkus ay pumasok siya sa loob na walang salitang binibigkas.
'Di pa niya alam kung ano'ng pag-uusapan nilang dalawa. Lalo na noong hinimpil nito ang sasakyan sa tapat ng isang café. Nang akmang ito ang magbubukas ng pinto ay inunahan na naman niya ito.
Sandaling sinulyapan niya ang binatang walang imik na nauna na lamang naglakad papasok sa loob habang maliksing sumunod siya. Ayaw niyang muling paghintayin na naman ito.
Agad siyang humanga sa lugar kung saan siya dinala nito. Katangi-tangi ang kulay beige na kulay ng lugar maging ang mga wooden display at ambiance ng lugar para sa katulad niyang bago lamang doon, hindi niya madamang out of place siya.
"Here," ani Joseph.
Inuwestra nito ang isang bakanteng silya saka inabot sa kanya ang menu.
"Um-order ka ng kahit ano'ng gusto mong kainin," wika nito.
Iyon naman talaga ang balak niya nang matigilan siya sandali upang kunin sa dala niyang bag ang brown na sobre na kung saan niya nilagay ang kulang niya noong nakaraan.
"Ito pala," aniya.
Inilagay niya sa harap nito ang kinuhang sobre sa bag.
"What's this?" takang tanong nito.
"‘Di ba no'ng nakaraan, ‘di ko nabayaran ng buo ang ibinayad mo sa ospital nang dalhin mo ako ro'n. Nasa loob niyan ang kulang na anim na libo, kung kulang pa rin 'yan. Ibigay mo na lang sa 'kin ang bill's payment para talagang wala ng kulang sa susunod."
Malay ba niya kung magkano pa talaga ang kulang niya ang mahalaga naman ay inuunti-unti niya ang bayad kaysa hayaan na lamang 'yon, saka ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa antipatikong lalaking 'to. Lalo't mahirap mabasa ang tumatakbo sa isipan nito.
Nagtaka siya nang makitang humalukipkip at sumandal ito sa kinauupuan.
Umangat ang paningin nito sa kanyang mga mata. "Don't you have any idea why I asked you out?" biglang tanong nito.
Rumehistro sa kanyang mukha ang kalituhan. "Pwede ba, medyo bagalan mo 'yong sinabi mo ngayon-ngayon lang. Masyado kasing mabilis, ‘di pa kasi ako magamay sa ingles." Sinabayan niya 'yon ng munting ngiti. Ayaw niya kasi itong ma-offend kung sakali.
Nanlalaki ang mga mata nito sa narinig at nagsimulang mamula ang mukha sa hindi niya malamang dahilan.
May masama ba sa hiling niya?
Hanggang sa pumailanlang ang nakahuhumaling na tawa ng lalaking kasama.
Napukaw n'on ang atensyon ng lahat ng taong naroon sa lugar. Pero wala na siyang pakialam sa bagay na 'yon.
Para kasing may kung sino'ng kupidong pumana ng puso niya ng mga sandaling 'yon.
Lagot siya.
***
Kabanata VI"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ni Celes kay Joseph. May iba pa raw itong dahilan kaya siya inaya na lumabas. Napapaisip na tuloy siya, sa napakaiksing panahon na dalawang beses silang nagkita. May iba pa ba itong dahilan upang magkita sila bukod sa kulang niyang marahil na nais nitong singilin.Tiniyak pa naman niyang magdala ng pera.Ipinatong ni Joseph ang siko sa mesa at lumiyad malapit sa kanya."Maniniwala ka ba kapag sinabi kong na-attract agad ako nang unang beses kitang nakita?" anas nito.Kumurap-kurap siya. "Ano?" gulat na usal niya.Gusto niyang matawa ng pagak sa naririnig mula sa binata dahil hindi siya makapaniwala sa narinig. Uso pa ba ang love at first sight sa panahong 'to?Pero agad niya ring sinaway ang sarili, ayaw niyang ma-offend ito kaya pinili niyang iiwas na lamang ang paningin sa binata."Kun
Kabanata 7KAKAIN lang si Celes sa labas kasama si Joseph. Walang label. Higit sa lahat hindi sila nagde-date, masyado lang talagang exaggerated ang kaibigan niyang si Sabel kaya kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa isip niyon. Gusto na rin niyang linawin ang anomang namumuo sa pagitan nila ng binata dahil imposibleng may gusto ito sa kanya at siya rin para rito. Kaya habang sikat pa ang araw maputol na ang kung ano mang malabong ugnayan na mayroon sila.Nakaayos na siya. Pinahiram na naman siya ng maayos na dress ng pobreng kaibigan na kahit inis siya roon ay nagawa niyang isantabi para lang tulungan siyang makapamili ng maayos na maisusuot. Ayaw naman niyang magmukhang katulong kapag kasama siya ng binata.Napag-isip-isip niyang bumili na rin ng mga damit lalo na sa mga ganoong lakad. Hindi kasi 'yon kahit kailan sumagi sa isip niya noon, para kasi sa kanya luho na kung maituturing na makapagsuot siya ng mga magagarang damit. Ngunit sa huli mahalaga pa r
MAHILO-HILO pa si Celes nang bumangon siya. Tila pamilyar ang silid kung nasaan siya nang napabalikwas na siya ng bangon. Sapo ang nasaktang pang-upo ay muling inilibot niya ang paningin sa buong silid kung nasaan siya. "Ayos ka lang ba Celes? Para kang nakakita ng multo riyan?" biglang lapit sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Sabel. Bakas pa ang kalituhan sa mukha niya nang 'di mawari kung ano'ng una niyang gagawin nang matuklasang nasa loob na siya ng kwarto kung saan siya nagtatrabaho at naroon din ang kaibigang inihahanda na ang susuotin at gagamitin sa araw na 'yon. Subalit hindi siya mapakali. Alam niya sa sariling totoo ang lahat ng nasaksihan at narinig niya sa dalawang lalaki sa isang restaurant kung saan sila dapat magkikita ni Joseph. Ngayon, naguguluhan siyang mapagtanto na tila
SA WAKAS natunton ni Celes ang tinutukoy na mansyon kung saan huling nakita ang kapatid niyang si Mila. Madilim na niyon at halos ang mga poste na lamang ng ilaw na nakapalibot sa buong bakuran ang nagsisilbing liwanag. Nakatayo lamang siya sa labas niyon habang tinatanaw ang loob niyon. Mukha namang maayos na malaking bahay 'yon, wala naman siyang ibang nararamdaman na kahit na ano'ng negatibo mula roon. Nang silipin niya kung ano'ng oras na ay saka lamang niya napagtanto ang oras na alanuewebe na ng gabi. Alangan na siyang magdoorbell pa subalit mas matimbang kaysa sa hiya niya ang sumigaw siya at tawagin ang kapatid. Kaya lamang ilang minuto na ang nagdaan ngunit walang kapatid niya ang lumabas maging tao mula sa loob niyon. "Mila!" muling sigaw niya. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon hangga't wala siyang kapatid na nakikitang lumalabas. Kung sa lugar na 'to huling nakita ang bunso niyang kapatid walang dudang maaaring naroon lamang
IT was like a nightmare for Joseph that night when his father brought a woman to their house twenty-five years ago. Hindi niya rin alam kung doon nagsimula ang kakaibang takot na gabi-gabi siya kung dalawin.Nang bumaba siya mula sa sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ni Levi ang anak ng kanyang stepmother na si Lea. Batid niyang oras na buksan ang pinto kung saan nanggagaling ang malakas na panaghoy sa taas ng hagdan, isa iyon na magiging panibagong bangungot para sa kanya. "Kristine, sweetheart. Wake up! Open your eyes, please! Fuck! Open your eyes!" Tila bumaligtad ang sikmura niyang unang bumungad sa kanya ang nagkalat na dugo sa sahig maging ang isang baril na nasa paanan niya ng mga oras na 'yon. May iba ring mga katawan ng tao na naroon sa bahagi niyang batid niyang pinatay ng kapatid.Bumakas ang matinding takot at sindak sa buong sistema niya nang unang masaksihan niyang umiyak at patuloy na magmakaawa ang kapatid para lamang ang gising
Kabanata 11HINDI nagkakamali ng dinig si Celes nang marinig niyang banggitin ng nagngangalang Levi ang pangalan ng isa niyang kapatid na si Kristine habang nakatitig sa kanya. Sa kabilang bahagi ng isipan niya ang katanungan kung bukod sa tinutukoy nitong utang ng kapatid, imposibleng mula sa natunghayan niyang mga mata kanina na wala ng ibang bagay mula roon kung hindi ang utang lang ng kapatid.“We’ll be leaving this evening…” wika nito nang ipatawag siya sa kaninang tauhan na sumundo sa kanya mula sa kanyang silid kung saan siya nanatili. “The place is not that far from here…”“Ang mga kapatid ko… wala silang pareho rito?” Tinutukoy ang malaking kabahayan na ‘yon na ni anino ng dalawang kapatid ay hindi man lamang nakita.Wala nan ga yata siyang ibang bukambibig kung hindi ang dalawang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang natitiyak na nasa maayos na lagay.Sandali
KAGAT-KAGAT ni Celes ang ibabang labi. Alam niyang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa nang tila patunayan niya lamang sa huling tanong niyang ‘yon kay Joseph na hind inga ito nagkakamali nang makilala siya.Pero naroon na rin naman siya. Wala na siyang dapat pang itago sa lalaki. Ngayong nangingibabaw na sa kanya ang takot na kaninang naramdaman, at habang nasa isip pa rin niya ang pag-aalala para sa mga kapatid na ang pangako sa kanya ni Levi ay ibabalik sa kanya kapag sinamahan niya ito sa party na ‘yon at kung saan nakatagpo niya ang hindi inaasahang tao.Naghintay siyang sagutin ng lalaki ang tanong niya subalit lumipas ang ilang sandal na natahimik ito.“Ang mga magulang namin ang nagtulak sa ‘min sa ganoong klaseng buhay. Pero nang makita nilang wala na kaming silbi, lalo na akong sinadyang magpatalo sa mga huli kong laro para tigilan na nila ang pag-uudyok sa ‘min na maglaro ng mga computer games. Ang buong akala ko tulu
MATAGAL na nakipagtitigan si Celes sa kawalan. Tila namanhid ang buong katawan niya ang huling mensaheng 'yon na hindi sa kanya dumating.Gaano katagal na ba 'yon? 'Di na rin niya alam dahil ngayon ang hanapin ang mga kapatid ay tila nawala na rin sa sistema niya.Hindi na niya namalayan pa ang oras habang naroon siya sa loob ng silid ni Levi. Nang unti-unti niyang nabawi ang sariling composure. Dahan-dahan na tumayo siya. Maiging inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong 'yon. Hanggang sa isang picture frame na malapit sa fireplace ang nakita niya.Larawan 'yon ni Kristine. Pinatunayan lamang niyon na ikinasal nga talaga ang kapatid sa lalaking nagpakilalang asawa ng kapatid niya.Humigpit ang hawak niya sa huli na yatang larawan na kanyang makikitang nakangiti ang kapatid. Katabi naman niyon ang isang maliit na papel na kanyang binasa ang nakasulat. Kabisado niya ang sulat kamay ng kapatid, mula sa pagkakasulat nito ng letrang ”a” na
"MR. Toledo made a promise to his late wife that he will protect all of you. Kahit ano'ng mangyari. Labis na nag-alala para sa kaligtasan n'yo ang employer ko. Nawa'y mapatawad n'yo siya sa pagkakamaling 'yon," paliwanag ni Tobias.May kung ano'ng tila pinapaabot ito sa isang kasamahan nito sa trabaho na noon lamang napansin ni Celes.Inabot naman sa kanya ni Tobias ang kulay itim na folder. Sandaling nag-alinlangan siyang buksan 'yon nang agad tumambad sa kanya ang tila bank notes na nakasulat doon.May agad na sumagi sa isip niya kung para saan ang nakasulat doon.Kung magugulat pa ba siya sa halagang naroon.Ilang numero ang nakita niyang nakasulat.Nakagat na lamang niya ang ibabang labi. "Ito ba ang utang ni Kristine sa lalaking 'yon?" naiusal na lamang niya."No. It's your sister's money."Agad nanlaki ang mga mata niya sa labis na gulat.Ang higit sampung milyon na nakasulat doon? Sa kapatid niyang si Kristine? Na
IPINANGANAK na mahirap, kasalanang mamatay ding mahirap.Simula bata pa lamang sina Celes. Wala pang muwang ang dalawa pa niyang kapatid. 'Di lingid sa kanya ang katotohanan na maraming kayang gawin ang pera, at isa na roon na gawing miserable ang buhay nilang magkakapatid.Habang nagkakaisip siya sa pagdaan ng panahon, kasabay niyon ang pagkalayo rin ng loob ng ina sa kanilang ama lalo na sa kanilang magkakapatid dahil sa kasalatan nila ng buhay. Nakatira lamang sila sa squatter area, kaya madalas na kung 'di mula sa barangay ang mga taong magtataboy at magpapalayas sa kanila ay minsan ay dinadampot na sila ng pulis.Ang akala niya ay ayos lamang 'yon dahil likas na mahirap sila. Ngunit hindi para sa kanilang mga magulang.Sa hirap ng buhay, ilang uri ng trabaho ang kanyang pinapasok at kung ano rin ang mabigyan ng pagkakataon na 'di malalagay sa alanganin ang puri at buhay niya, ay kanilang pinapasok. Lalo na kung 'yon ang sugal na bukod na malaki ang t