Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2021-08-01 08:54:50

Kabanata IV

DAMANG-DAMA ni Celes ang pananakit ng buong katawan. Kung hindi mula sa pagod dahil sa ilang araw na trabaho ay sa stress dulot ng nangyaring gulo sa pagitan ng among si Liezel sa dati nitong nobyo na si Nathan.

Kahit nagpapahinga buhat sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Swerte na siyang may kaibigan na si Sabel na walang palya kung i-update siya sa mga nangyari lalo na sa kalagayan ng butihing amo.

Plano sana ng dalaga na komprontahin ito sa reunion na 'yon sa sariling mansyon ng mga magulang upang itigil na rin ng dating nobyo ang walang humpay na pagpapadala nito ng mga death threats. Nagkataon lamang na hindi naging maganda ang kinahantungan ng pag-uusap ng mga ito habang mag-isa ito sa entertainment room. Na-corner ang dalaga habang abala naman sa baba ang ibang mga kaibigan.

Laking pasasalamat ng kanyang mga amo na ina at ama ni Liezel na wala siyang pag-aalinlangan na tinulungan ang anak ng mga ito. Hindi na bago 'yon sa kanya at kahit sino marahil na babaeng inaapi ay kapareho rin ang kanyang gagawin, lalong-lalo na siguro kung ang mahal niyang mga kapatid ang malalagay sa ganoong sitwasyon baka nakapatay na siya.

Galos lamang ang natamo ni Nathan at ilang araw lang mamamalagi sa ospital. Dahil likas ng mabuting tao si Liezel balak pa sana nitong bigyang ng ikalawang pagkakataon ang dating nobyo pero nang makita ang nangyari sa kanya ay tuluyan ng nabuo ang pasya nito na ipakulong ang binata.

Napukaw ang atensyon niya ng katok mula sa pintuan. Nakita niyang nakatayo roon ang mayordoma. Kahit takang-taka sa dahilan kung bakit ito naroon sa kanyang kwarto ay tumayo siya at nilapitan ito.

"Magandang gabi ho," bati niya. Bahagyang yumuko siya upang magbigay galang. "Bakit ho?" tanong niya kalaunan.

"Ma'am Liz is calling for you," tipid na sagot nito. Sandaling tinapunan nito ng tingin ang suot niya. Mabuti na lang pala ay hindi pa siya nakapagpapalit ng pantulog. "Follow me," utos nito.

Sanay na siya sa mga maiiksi nitong sagot kaya agad niya na lamang itong sinundan nang magsimulang maglakad ito.

Pagbukas pa lamang nito nang pinto ng silid ni Liezel ay agad siyang sinalubong ng dalaga ng mahigpit na yakap. Masaya siyang makitang maayos na ang lagay nito at mapapansing unti-unti na ring nawawala ang mga pasa sa mukha. 

"I'm happy to see you again Ate Celes!" sabik nitong wika habang nakayakap sa kanya.

"Ako rin po Ma'am," aniya.

Sandaling binalingan nito ang direksyon kung saan nakatayo si Lorna, ang mayordoma. Bahagyang tumango lang ito at nagpaalam.

Naiwan siyang kasama si Liezel. Hawak nito ang isa niyang kamay na tulad din ng mga galos nito sa mukha ay naghihilom na rin ang mga natamo niyang sugat.

Sa katunayan, sa sobrang dami ng nangyari sa kanya parang nawala na rin sa isip niya ang mga sugat na natamo. Pero may kaunting nagbago, hindi na ganoon karami ang trabahong ina-assign sa kanya. Ang iba pa sa mga 'yon ay madadali na lamang tulad ng pagpapalit ng bedsheet at pillowcase. Nagbago pati ang pakikitungo sa kanya ng lahat maliban syempre kay Sabel na madalas pa rin siyang putaktihin tungkol kay Joseph.

Muntik na niyang makalimutan ang binatang tumulong sa kanila. Gusto sana niyang tanungin si Liz, kaya lang pinangunahan na siya ng hiya.

"Maupo ka, Ate Celes," alok ni Liz sa kanya.

Malawak ang silid nito na bahagyang inspired sa mga european queen suite. Malapit sa kama nito ang couch at sa tapat n'on ay bubungad ang napakalaking flat screen TV na daig pa ang nasa entertainment room.

Naupo siya sa inuwestra nitong upuan. Saka niya napansing may nakahanda ng inumin sa mesita na para sa kanilang dalawa.

Mayamaya'y naupo rin ito sa couch na nasa tapat lamang niya. 'Di niya maiwasang magtaka at mapaisip sa dahilan kung bakit siya nito personal na ipatawag.

"Pasensya ka na Ate Celes kung ngayon ko lang kayo mapapasalamatan sa pagliligtas n'yo sa akin last time. Buong buhay po akong magpapasalamat sa inyo," simula nito.

"Naku, hindi na po Ma'am Liezel. Kahit sino ay gagawin din 'yon?" aniya.

"No, they wouldn't. Nathan has a knife at that time."

Tila may kung ano'ng bumara sa lalamunan siya matapos na marinig ang bagay na 'yon. Ibig sabihi'y muntik na siyang mapatay ng mga oras na 'yon. Hindi niya napansing may hawak palang kutsilyo si Nathan nang pumagitna siya sa mga ito, marahil dahil na rin sa takot at pagpapanic niya.

"Nalaman ko pala kay ‘Nay Lorna na hindi ka raw po nakapagtapos ng kolehiyo, Ate Celes," wika nito.

"Opo, hanggang hayskul lang po ang natapos ko," aniya.

Halatang may sumagi sa isip nito at bumukas ang isang maaliwalas na ngiti sa mga labi. "Naisip ko sanang habang narito kayo sa Maynila ay makapag-aral na rin kayo."

Napamaang siya. "Po?"

Kumislap ang mga mata nito matapos na makita ang reaksyon niya.

"Halos tatlong taon na kayong nagtatrabaho sa pamilya namin. Alam ko pong mahalaga pa rin sa inyo ang makapagtrabaho dahil mag-isa ninyong itinataguyod ang dalawa n'yo pong kapatid. Gusto ko po sanang matulungan kayo na makapag-aral para kahit papaano'y sabay na kayo ng kapatid ninyong si Kristine na makapagtapos ng kolehiyo."

Hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig. "Pero, Ma'am Liz."

"Ito po ay tulong ko na rin sa inyo dahil kitang-kita ko po ang pagsusumikap n'yo. ‘Wag na rin kayong mag-alala dahil nakausap ko na rin sina mom at dad, masaya nga silang malaman ang plano ko."

Nag-init ang mga sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang naramdaman sa kanyang balikat ang kamay ng butihing dalaga. Kung nagpaulan ng swerte ang Diyos noon, marahil ay gising na gising siya at nasalo ang lahat ng 'yon.

Wala siyang rason para tumanggi sa alok ni Liezel at para sa kanya ay kahangalan na kung tatanggihan pa niya ang ganoong grasya na napakabihira lamang na dumating sa buhay niya.

Sandaling pinag-usapan nila ang magiging set-up ng trabaho kasabay ng pag-aaral niya. Walang paglugaran ang galak sa puso niya nang sa haba ng panahon na hindi niya nagawang makatuntong ng kolehiyo ay ngayon ay maisasakatuparan na niya.

Hindi na bago kung minsan ay napagbubulungan siya ng mga katrabaho at nagsimulang nang gumawa ng kanya-kanyang kwento para lamang maibsan ang inggit at sama ng loob na nadarama ng iba sa mga ito. Likas na sa kanyang hindi iyon pagtuunan ng pansin pero madalas lang talagang naaabutan niya ang mga itong sinisiraan siya.

Tatlo hanggang limang oras lamang ang klase niya sa isang araw at apat naman sa isang linggo ang pasok. Malaki ang pasalamat niyang karaniwan sa mga major subject niya ay panggabi at bago ang mismong pasahan ng mga gawain niya sa paaralan ay agad na rin niyang tinatapos para hindi sumabay sa trabaho niya.

"Magpahinga ka na, Celes. Mayroon akong naitabing hapunan sa ibabaw ng drawer mo," wika ng mayordoma, si Manang Lorna nang maabutan siyang kauuwi lamang galing ng paaralan.

Sa isang iglap lang ay nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, naging mabait at maaalalahanin ito. Sobra na yatang sabihin niyang sa tuwing nararamdaman ang malasakit nito ay daig pa ang tunay niyang ina.

"Maraming salamat po, Manang Lorna," magalang niyang pasasalamat.

Ang akala niya ay mauuna na itong pumasok sa loob nang mapansing nakatingin lamang ito sa kanya.

"‘Wag mo na lamang pansinin ang mga sinasabi sa 'yo nina Deng at Jenny." Tinutukoy ang dalawang bagong katulong.

"Oho." Wala rin naman siyang balak na sayangin ang oras na patulan ang dalawang 'yon na binanggit dahil alam niya sa sariling magsasayang lang siya ng oras.

Nagtaka siya ng sumenyas ito na sabay na silang pumasok sa loob ng mansyon. 'Di niya maiwasang masabik sa ganoon, dahil halos gabi-gabi ay mag-isa siyang pumapasok doon. 

"Kumusta ang school mo?" biglang tanong nito. Hindi na maging napakapormal ng tono ng boses nito 'di tulad dati kaya iwas siyang makipag-usap dito kung hindi rin lang trabaho ang mapag-uusapan.

"Ayos lang po, mababait din po mga kaklase ko," aniya na may ngiti sa labi.

Nagulat siyang makitang ngumiti rin ito. Muntik na siyang mapasigaw sa matinding gulat. Higit animnapu na ang edad nito, kung hindi nakakunot ay nakasigaw lamang ang mga reaksyong nakikita niya mula rito. 

"Kapag may problema ka ‘wag kang mag-aalinlangan na agad magsabi sa 'kin. Hindi ko rin matanggal pa sa trabaho sina Deng at Jenny dahil gipit din sa pera ang mga pamilya nila," paliwanag nito.

Matagal na niyang alam na mabait ito, nagkataon lang na ang unang bumungad sa kanya ay ang pagiging mahigpit nito sa trabaho na maraming beses noong bagong pasok siya roon ay napagsabihan nito.

"Ayos lang ho, sanay naman na ako sa mga ganoon," katwiran niya.

Sandaling natahimik ito na pinagtakahan niya. "Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa 'yo sa pagliligtas mo kay Madam Liz."

Saka niya naalala na napakalaking pagbabago ng trato sa kanya noong iligtas niya si Liz. Wala naman siyang ibang sagot sa mga taong nagpapasalamat sa kanyang ginawa kung hindi isang munting ngiti.

Minsan hindi niya maiwasang maalala ang binatang tunay na nagligtas sa kanya at kay Liz. Hindi na rin kasi niya ito nakita matapos ang mga nangyari marahil naging busy na ito. 'Di na niya tuloy ito napasalamatan. 

"Bago ko pala makalimutan, Celes," pukaw nito sa kanyang atensyon. "Nagpunta nga pala rito kanina si Sir Joseph at hinahanap ka," anito.

"Bakit raw ho?" usisa niya.

"Tinatanong niya kung libre ka raw bukas. Hindi ba day-off mo 'yon?"

Nagsalubong ang kilay niya. Ano naman kaya ang kailangan sa kanya ng binata? 

"Nakiusap siya kay Ma'am Liezel kung pwede ka raw bang ayain na lumabas."

Nasamid yata siya sa sariling laway. Umubo-ubo muna siya bago hinarap si Manang Lorna. Baka mali rin kasi ang dinig niya dahil sa pagod. 

"Ano raw ho? Ayain lumabas?" Kailan pa sila naging close ng binata? 

Iniisip pa lamang 'yon ay kinikilabutan na siya.

"Beinte-syete ka na Celes pero balita ko kay Sabel ay wala ka pang naging nobyo kahit isa. Malay mo, si Sir Joseph na pala ang tinadhana para sa 'yo."

Parang gusto niyang kaltukan ang sarili. Hindi niya mawari kung nananaginip lang siya pero animo'y naririnig niya si Sabel kay Manang Lorna. 

Ito na naman ang tadhana kuno na ilang beses na niyang naririnig simula noong magkita sila ni Joseph. 

Saka niya napansing tila kinikilig pa si Manang Lorna habang sinasabi 'yon. Tumanda na kasi itong dalaga. Pero hindi lang siya sanay makita itong ganoon.

Teka, maganda rin palang pagkakataon 'yon para mapasalamatan niya ang binata at mabayaran ang kulang niya.

Destiny. Tadhana. Siguradong war lang sila bukas ng binata kaya walang love story na maasahan ang mga ito sa kanila.

Gwapo lang si Joseph, pero 'di niya type ugali n'on.

***

Related chapters

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 5

    Kabanata VLAKAS ng loob ni Celes sabihin sa sariling hindi niya type si Joseph. Pero kung maglaway siya ngayon habang pinapanood itong maglakad patungo sa direksyon niya. Parang sa isang iglap ay kinain niya rin ang lahat ng sinabi noong nagdaang gabi. Hindi lang pala gwapo ang binata, total package din ito. Tall, charismatic and yummy. Parang gusto na rin niya tuloy na makisigaw ng ‘oppa, saranghae’ na kanina pa bukambibig ng kaibigang Sabel noong lumabas ng sasakyan ang bisita nila.Teka, ang buong akala niya ay lalabas lang silang dalawa. Bakit may bitbit din itong bulaklak?Para yatang mali ang dinig niya kagabi. Mamanhikan yata ito sa amo niyang si Liz.Bago pa siyang umasa na siya ang pakay ng binata at para sa kanya ang bulaklak. Gumilid at binigyan niya ng daan ito para makapasok sa loob.Napansin niyang sinundan siya ng tingin ng kaibigan. Sinenyasan niya rin itong umalis sa gitna ng pinto dahil daraan doon ang bisita.

    Last Updated : 2021-08-01
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 6

    Kabanata VI"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ni Celes kay Joseph. May iba pa raw itong dahilan kaya siya inaya na lumabas. Napapaisip na tuloy siya, sa napakaiksing panahon na dalawang beses silang nagkita. May iba pa ba itong dahilan upang magkita sila bukod sa kulang niyang marahil na nais nitong singilin.Tiniyak pa naman niyang magdala ng pera.Ipinatong ni Joseph ang siko sa mesa at lumiyad malapit sa kanya."Maniniwala ka ba kapag sinabi kong na-attract agad ako nang unang beses kitang nakita?" anas nito.Kumurap-kurap siya. "Ano?" gulat na usal niya.Gusto niyang matawa ng pagak sa naririnig mula sa binata dahil hindi siya makapaniwala sa narinig. Uso pa ba ang love at first sight sa panahong 'to?Pero agad niya ring sinaway ang sarili, ayaw niyang ma-offend ito kaya pinili niyang iiwas na lamang ang paningin sa binata."Kun

    Last Updated : 2021-08-01
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 7

    Kabanata 7KAKAIN lang si Celes sa labas kasama si Joseph. Walang label. Higit sa lahat hindi sila nagde-date, masyado lang talagang exaggerated ang kaibigan niyang si Sabel kaya kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa isip niyon. Gusto na rin niyang linawin ang anomang namumuo sa pagitan nila ng binata dahil imposibleng may gusto ito sa kanya at siya rin para rito. Kaya habang sikat pa ang araw maputol na ang kung ano mang malabong ugnayan na mayroon sila.Nakaayos na siya. Pinahiram na naman siya ng maayos na dress ng pobreng kaibigan na kahit inis siya roon ay nagawa niyang isantabi para lang tulungan siyang makapamili ng maayos na maisusuot. Ayaw naman niyang magmukhang katulong kapag kasama siya ng binata.Napag-isip-isip niyang bumili na rin ng mga damit lalo na sa mga ganoong lakad. Hindi kasi 'yon kahit kailan sumagi sa isip niya noon, para kasi sa kanya luho na kung maituturing na makapagsuot siya ng mga magagarang damit. Ngunit sa huli mahalaga pa r

    Last Updated : 2021-09-14
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 8

    MAHILO-HILO pa si Celes nang bumangon siya. Tila pamilyar ang silid kung nasaan siya nang napabalikwas na siya ng bangon. Sapo ang nasaktang pang-upo ay muling inilibot niya ang paningin sa buong silid kung nasaan siya. "Ayos ka lang ba Celes? Para kang nakakita ng multo riyan?" biglang lapit sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Sabel. Bakas pa ang kalituhan sa mukha niya nang 'di mawari kung ano'ng una niyang gagawin nang matuklasang nasa loob na siya ng kwarto kung saan siya nagtatrabaho at naroon din ang kaibigang inihahanda na ang susuotin at gagamitin sa araw na 'yon. Subalit hindi siya mapakali. Alam niya sa sariling totoo ang lahat ng nasaksihan at narinig niya sa dalawang lalaki sa isang restaurant kung saan sila dapat magkikita ni Joseph. Ngayon, naguguluhan siyang mapagtanto na tila

    Last Updated : 2021-12-06
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 9

    SA WAKAS natunton ni Celes ang tinutukoy na mansyon kung saan huling nakita ang kapatid niyang si Mila. Madilim na niyon at halos ang mga poste na lamang ng ilaw na nakapalibot sa buong bakuran ang nagsisilbing liwanag. Nakatayo lamang siya sa labas niyon habang tinatanaw ang loob niyon. Mukha namang maayos na malaking bahay 'yon, wala naman siyang ibang nararamdaman na kahit na ano'ng negatibo mula roon. Nang silipin niya kung ano'ng oras na ay saka lamang niya napagtanto ang oras na alanuewebe na ng gabi. Alangan na siyang magdoorbell pa subalit mas matimbang kaysa sa hiya niya ang sumigaw siya at tawagin ang kapatid. Kaya lamang ilang minuto na ang nagdaan ngunit walang kapatid niya ang lumabas maging tao mula sa loob niyon. "Mila!" muling sigaw niya. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon hangga't wala siyang kapatid na nakikitang lumalabas. Kung sa lugar na 'to huling nakita ang bunso niyang kapatid walang dudang maaaring naroon lamang

    Last Updated : 2021-12-07
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 10

    IT was like a nightmare for Joseph that night when his father brought a woman to their house twenty-five years ago. Hindi niya rin alam kung doon nagsimula ang kakaibang takot na gabi-gabi siya kung dalawin.Nang bumaba siya mula sa sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ni Levi ang anak ng kanyang stepmother na si Lea. Batid niyang oras na buksan ang pinto kung saan nanggagaling ang malakas na panaghoy sa taas ng hagdan, isa iyon na magiging panibagong bangungot para sa kanya. "Kristine, sweetheart. Wake up! Open your eyes, please! Fuck! Open your eyes!" Tila bumaligtad ang sikmura niyang unang bumungad sa kanya ang nagkalat na dugo sa sahig maging ang isang baril na nasa paanan niya ng mga oras na 'yon. May iba ring mga katawan ng tao na naroon sa bahagi niyang batid niyang pinatay ng kapatid.Bumakas ang matinding takot at sindak sa buong sistema niya nang unang masaksihan niyang umiyak at patuloy na magmakaawa ang kapatid para lamang ang gising

    Last Updated : 2021-12-14
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 11

    Kabanata 11HINDI nagkakamali ng dinig si Celes nang marinig niyang banggitin ng nagngangalang Levi ang pangalan ng isa niyang kapatid na si Kristine habang nakatitig sa kanya. Sa kabilang bahagi ng isipan niya ang katanungan kung bukod sa tinutukoy nitong utang ng kapatid, imposibleng mula sa natunghayan niyang mga mata kanina na wala ng ibang bagay mula roon kung hindi ang utang lang ng kapatid.“We’ll be leaving this evening…” wika nito nang ipatawag siya sa kaninang tauhan na sumundo sa kanya mula sa kanyang silid kung saan siya nanatili. “The place is not that far from here…”“Ang mga kapatid ko… wala silang pareho rito?” Tinutukoy ang malaking kabahayan na ‘yon na ni anino ng dalawang kapatid ay hindi man lamang nakita.Wala nan ga yata siyang ibang bukambibig kung hindi ang dalawang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang natitiyak na nasa maayos na lagay.Sandali

    Last Updated : 2021-12-14
  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 12

    KAGAT-KAGAT ni Celes ang ibabang labi. Alam niyang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa nang tila patunayan niya lamang sa huling tanong niyang ‘yon kay Joseph na hind inga ito nagkakamali nang makilala siya.Pero naroon na rin naman siya. Wala na siyang dapat pang itago sa lalaki. Ngayong nangingibabaw na sa kanya ang takot na kaninang naramdaman, at habang nasa isip pa rin niya ang pag-aalala para sa mga kapatid na ang pangako sa kanya ni Levi ay ibabalik sa kanya kapag sinamahan niya ito sa party na ‘yon at kung saan nakatagpo niya ang hindi inaasahang tao.Naghintay siyang sagutin ng lalaki ang tanong niya subalit lumipas ang ilang sandal na natahimik ito.“Ang mga magulang namin ang nagtulak sa ‘min sa ganoong klaseng buhay. Pero nang makita nilang wala na kaming silbi, lalo na akong sinadyang magpatalo sa mga huli kong laro para tigilan na nila ang pag-uudyok sa ‘min na maglaro ng mga computer games. Ang buong akala ko tulu

    Last Updated : 2021-12-29

Latest chapter

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 15

    "MR. Toledo made a promise to his late wife that he will protect all of you. Kahit ano'ng mangyari. Labis na nag-alala para sa kaligtasan n'yo ang employer ko. Nawa'y mapatawad n'yo siya sa pagkakamaling 'yon," paliwanag ni Tobias.May kung ano'ng tila pinapaabot ito sa isang kasamahan nito sa trabaho na noon lamang napansin ni Celes.Inabot naman sa kanya ni Tobias ang kulay itim na folder. Sandaling nag-alinlangan siyang buksan 'yon nang agad tumambad sa kanya ang tila bank notes na nakasulat doon.May agad na sumagi sa isip niya kung para saan ang nakasulat doon.Kung magugulat pa ba siya sa halagang naroon.Ilang numero ang nakita niyang nakasulat.Nakagat na lamang niya ang ibabang labi. "Ito ba ang utang ni Kristine sa lalaking 'yon?" naiusal na lamang niya."No. It's your sister's money."Agad nanlaki ang mga mata niya sa labis na gulat.Ang higit sampung milyon na nakasulat doon? Sa kapatid niyang si Kristine? Na

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 14

    IPINANGANAK na mahirap, kasalanang mamatay ding mahirap.Simula bata pa lamang sina Celes. Wala pang muwang ang dalawa pa niyang kapatid. 'Di lingid sa kanya ang katotohanan na maraming kayang gawin ang pera, at isa na roon na gawing miserable ang buhay nilang magkakapatid.Habang nagkakaisip siya sa pagdaan ng panahon, kasabay niyon ang pagkalayo rin ng loob ng ina sa kanilang ama lalo na sa kanilang magkakapatid dahil sa kasalatan nila ng buhay. Nakatira lamang sila sa squatter area, kaya madalas na kung 'di mula sa barangay ang mga taong magtataboy at magpapalayas sa kanila ay minsan ay dinadampot na sila ng pulis.Ang akala niya ay ayos lamang 'yon dahil likas na mahirap sila. Ngunit hindi para sa kanilang mga magulang.Sa hirap ng buhay, ilang uri ng trabaho ang kanyang pinapasok at kung ano rin ang mabigyan ng pagkakataon na 'di malalagay sa alanganin ang puri at buhay niya, ay kanilang pinapasok. Lalo na kung 'yon ang sugal na bukod na malaki ang t

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 13

    MATAGAL na nakipagtitigan si Celes sa kawalan. Tila namanhid ang buong katawan niya ang huling mensaheng 'yon na hindi sa kanya dumating.Gaano katagal na ba 'yon? 'Di na rin niya alam dahil ngayon ang hanapin ang mga kapatid ay tila nawala na rin sa sistema niya.Hindi na niya namalayan pa ang oras habang naroon siya sa loob ng silid ni Levi. Nang unti-unti niyang nabawi ang sariling composure. Dahan-dahan na tumayo siya. Maiging inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong 'yon. Hanggang sa isang picture frame na malapit sa fireplace ang nakita niya.Larawan 'yon ni Kristine. Pinatunayan lamang niyon na ikinasal nga talaga ang kapatid sa lalaking nagpakilalang asawa ng kapatid niya.Humigpit ang hawak niya sa huli na yatang larawan na kanyang makikitang nakangiti ang kapatid. Katabi naman niyon ang isang maliit na papel na kanyang binasa ang nakasulat. Kabisado niya ang sulat kamay ng kapatid, mula sa pagkakasulat nito ng letrang ”a” na

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 12

    KAGAT-KAGAT ni Celes ang ibabang labi. Alam niyang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa nang tila patunayan niya lamang sa huling tanong niyang ‘yon kay Joseph na hind inga ito nagkakamali nang makilala siya.Pero naroon na rin naman siya. Wala na siyang dapat pang itago sa lalaki. Ngayong nangingibabaw na sa kanya ang takot na kaninang naramdaman, at habang nasa isip pa rin niya ang pag-aalala para sa mga kapatid na ang pangako sa kanya ni Levi ay ibabalik sa kanya kapag sinamahan niya ito sa party na ‘yon at kung saan nakatagpo niya ang hindi inaasahang tao.Naghintay siyang sagutin ng lalaki ang tanong niya subalit lumipas ang ilang sandal na natahimik ito.“Ang mga magulang namin ang nagtulak sa ‘min sa ganoong klaseng buhay. Pero nang makita nilang wala na kaming silbi, lalo na akong sinadyang magpatalo sa mga huli kong laro para tigilan na nila ang pag-uudyok sa ‘min na maglaro ng mga computer games. Ang buong akala ko tulu

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 11

    Kabanata 11HINDI nagkakamali ng dinig si Celes nang marinig niyang banggitin ng nagngangalang Levi ang pangalan ng isa niyang kapatid na si Kristine habang nakatitig sa kanya. Sa kabilang bahagi ng isipan niya ang katanungan kung bukod sa tinutukoy nitong utang ng kapatid, imposibleng mula sa natunghayan niyang mga mata kanina na wala ng ibang bagay mula roon kung hindi ang utang lang ng kapatid.“We’ll be leaving this evening…” wika nito nang ipatawag siya sa kaninang tauhan na sumundo sa kanya mula sa kanyang silid kung saan siya nanatili. “The place is not that far from here…”“Ang mga kapatid ko… wala silang pareho rito?” Tinutukoy ang malaking kabahayan na ‘yon na ni anino ng dalawang kapatid ay hindi man lamang nakita.Wala nan ga yata siyang ibang bukambibig kung hindi ang dalawang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang natitiyak na nasa maayos na lagay.Sandali

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 10

    IT was like a nightmare for Joseph that night when his father brought a woman to their house twenty-five years ago. Hindi niya rin alam kung doon nagsimula ang kakaibang takot na gabi-gabi siya kung dalawin.Nang bumaba siya mula sa sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ni Levi ang anak ng kanyang stepmother na si Lea. Batid niyang oras na buksan ang pinto kung saan nanggagaling ang malakas na panaghoy sa taas ng hagdan, isa iyon na magiging panibagong bangungot para sa kanya. "Kristine, sweetheart. Wake up! Open your eyes, please! Fuck! Open your eyes!" Tila bumaligtad ang sikmura niyang unang bumungad sa kanya ang nagkalat na dugo sa sahig maging ang isang baril na nasa paanan niya ng mga oras na 'yon. May iba ring mga katawan ng tao na naroon sa bahagi niyang batid niyang pinatay ng kapatid.Bumakas ang matinding takot at sindak sa buong sistema niya nang unang masaksihan niyang umiyak at patuloy na magmakaawa ang kapatid para lamang ang gising

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 9

    SA WAKAS natunton ni Celes ang tinutukoy na mansyon kung saan huling nakita ang kapatid niyang si Mila. Madilim na niyon at halos ang mga poste na lamang ng ilaw na nakapalibot sa buong bakuran ang nagsisilbing liwanag. Nakatayo lamang siya sa labas niyon habang tinatanaw ang loob niyon. Mukha namang maayos na malaking bahay 'yon, wala naman siyang ibang nararamdaman na kahit na ano'ng negatibo mula roon. Nang silipin niya kung ano'ng oras na ay saka lamang niya napagtanto ang oras na alanuewebe na ng gabi. Alangan na siyang magdoorbell pa subalit mas matimbang kaysa sa hiya niya ang sumigaw siya at tawagin ang kapatid. Kaya lamang ilang minuto na ang nagdaan ngunit walang kapatid niya ang lumabas maging tao mula sa loob niyon. "Mila!" muling sigaw niya. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon hangga't wala siyang kapatid na nakikitang lumalabas. Kung sa lugar na 'to huling nakita ang bunso niyang kapatid walang dudang maaaring naroon lamang

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 8

    MAHILO-HILO pa si Celes nang bumangon siya. Tila pamilyar ang silid kung nasaan siya nang napabalikwas na siya ng bangon. Sapo ang nasaktang pang-upo ay muling inilibot niya ang paningin sa buong silid kung nasaan siya. "Ayos ka lang ba Celes? Para kang nakakita ng multo riyan?" biglang lapit sa kanya ng kaibigan at katrabahong si Sabel. Bakas pa ang kalituhan sa mukha niya nang 'di mawari kung ano'ng una niyang gagawin nang matuklasang nasa loob na siya ng kwarto kung saan siya nagtatrabaho at naroon din ang kaibigang inihahanda na ang susuotin at gagamitin sa araw na 'yon. Subalit hindi siya mapakali. Alam niya sa sariling totoo ang lahat ng nasaksihan at narinig niya sa dalawang lalaki sa isang restaurant kung saan sila dapat magkikita ni Joseph. Ngayon, naguguluhan siyang mapagtanto na tila

  • Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart   Kabanata 7

    Kabanata 7KAKAIN lang si Celes sa labas kasama si Joseph. Walang label. Higit sa lahat hindi sila nagde-date, masyado lang talagang exaggerated ang kaibigan niyang si Sabel kaya kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa isip niyon. Gusto na rin niyang linawin ang anomang namumuo sa pagitan nila ng binata dahil imposibleng may gusto ito sa kanya at siya rin para rito. Kaya habang sikat pa ang araw maputol na ang kung ano mang malabong ugnayan na mayroon sila.Nakaayos na siya. Pinahiram na naman siya ng maayos na dress ng pobreng kaibigan na kahit inis siya roon ay nagawa niyang isantabi para lang tulungan siyang makapamili ng maayos na maisusuot. Ayaw naman niyang magmukhang katulong kapag kasama siya ng binata.Napag-isip-isip niyang bumili na rin ng mga damit lalo na sa mga ganoong lakad. Hindi kasi 'yon kahit kailan sumagi sa isip niya noon, para kasi sa kanya luho na kung maituturing na makapagsuot siya ng mga magagarang damit. Ngunit sa huli mahalaga pa r

DMCA.com Protection Status