Share

Chapter 74

"Sa opisina niyo ako ihatid.." nabubulol ni Ludwig kina Arvie, "ayokong umuwi sa bahay.. maalala ko lang ang asawa ko doon."

Agad namang pumayag sina Ric na dalahin siya sa opisina niya. Inupo siya ng mga ito sa sofa.

'Okay ka lang ba dito?" tanong ni Rick sa kanya.

Hindi na sumagot si Ludwig. Nakatulog na siya ng tuluyan.

"Mas safe naman siya dito," sabi ni Arvie. "Hayaan natin siyang gamutin ang sugatan niyang puso.. Pero sayang si Estella."

"Oo nga.." saka sila nagkatinginan at napatawa, " wala eh, ang lokong ito ang pinili."

"Ludwig.. aalis na kami.." paalam ni Arvie sa lalaki, "tara na pare, mukhang tulog na siya.."

Umalis na ang dalawa, habang nahihimbing na natutulog si Ludwig sa sofa.

ALAM ni Raquel na ito na ang tamang pagkakataon. Mula nang mawala si Estella, alam niyang unti-unti na siyang nagkakaroon ng puwang sa buhay ni Ludwig. Pero ngayon, sa kalagayan ni Ludwig, lasing at balisa, tila ito na ang perpektong oras para tuluyang alisin siya mula sa kadiliman at ibalik sa k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status