Home / Romance / My Billionaire Ex-husband Regrets / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of My Billionaire Ex-husband Regrets: Chapter 81 - Chapter 90

118 Chapters

Chapter 81

""Nakakatuwa ka talaga," sagot ni Ram, "alam mo, kahit na anong gawin mo, hindi ka pwedeng magalit sa mga bata. Hindi mo yata napapansin na kahit anong gawin nila, gusto nilang pasayahin ka." "Eh, parang ang dami nilang gustong gawin pero ayaw sumunod sa mga patakaran," sabi ni Estella, kahit na napansin niyang hindi niya mapigilan ang pagngiti sa kabutihan ni Ram sa kanyang mga anak. "Hindi ba't minsan ang hirap silang kontrolin?" Ram ay tumawa. "Ang mga bata, may mga pangarap din sila. Kaya naman, hindi mo rin puwedeng pigilan ang kanilang kasiyahan, di ba? Isa lang ang ibig sabihin niyan—nagmamalasakit sila sa iyo." Nakangiti si Estella, sumang-ayon sa sinabi ni Ram. Hindi niya maikakaila ang ligaya na dulot ng pagkakaroon ng Ram sa kanilang buhay. Ang kanyang suporta at malasakit ay nagbigay sa kanya ng lakas at inspirasyon na patuloy na magsikap para sa kanilang pamilya. "Salamat, Ram," sabi ni Estella ng may pagpapahalaga. "Minsan kasi, nawawala ako sa tamang direksyon, pero
last updateLast Updated : 2024-09-18
Read more

Chapter 82

"Kids, may ibabalita si mommy sa inyo," masaya niyang tinawag ang kanyang mga anak. Hatid ni Estella ang isang balitang nais marinig ng mga bata. "Ano po yun mommy?" makasabay na tanong ng mga ito kay Estella. "Papasok na kayo sa regular school.." nakangiti niyang sabi sa mga ito. Agad nagtalunan ang kambal at niyakap siya, "yehey!!!!! mommy thank you po!!" Masayang-masaya ang kambal nang marinig ang balita. Halos hindi mapatid ang kanilang saya habang paulit-ulit silang yumakap kay Estella. "Ang tagal po naming hinintay 'to, mommy!" sabi ng isa, halos hindi makapaniwala. "Oo nga po, mommy! Sa wakas, magkakaroon na kami ng mga bagong kaklase at kaibigan!" dagdag ng isa pa, puno ng tuwa sa kanyang tinig. Nakangiti si Estella habang pinagmamasdan ang mga anak. Kitang-kita niya ang kagalakan sa kanilang mga mata, at alam niyang ito na ang simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay. Habang yakap-yakap pa rin ng kambal si Estella, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ram. N
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Chapter 83

PAGKALIPAS ng isang linggo, maaga pa lang ay abala na si Estella sa paghahanda ng mga gamit ng kambal para sa kanilang unang araw ng klase. Habang nagsasaayos siya ng mga bag at damit, biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Ram ang tumatawag.“Good morning,” masayang bati ni Estella.“Good morning din,” sagot ni Ram mula sa kabilang linya. “Handa na ba ang kambal? Gusto ko sanang sumama para ihatid sila sa unang araw nila sa school, kung okay lang.”Napangiti si Estella. "Siyempre, Ram. Mas magiging espesyal ang araw na ito para sa kanila kung nandito ka.”"Perfect! Dadating ako sa inyo in a few minutes,” sagot ni Ram.Pagkatapos ng ilang minuto, dumating si Ram sa bahay nila Estella. Nakangiti siyang sinalubong ng kambal na may bitbit na mga bag, excited na sa kanilang unang araw ng paaralan. Nakaayos na ang lahat, at ramdam na ramdam ang excitement sa hangin."Wow, ang gwapo niyo sa uniform niyo!" bati ni Ram sa kambal habang iniabot niya sa mga ito ang tig-isang maliit na lunchb
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Chapter 84

Pagkatapos ng ilang oras sa paaralan, excited na tumakbo sina Caleb at Calvin palabas ng gate nang makita nila sina Estella at Ram na naghihintay."Mommy! Papa Ram!" sigaw ni Caleb habang masayang tumatakbo patungo sa kanila. Si Calvin naman ay hindi rin nagpahuli at mabilis na yumakap sa kanilang dalawa."Kumusta ang unang araw niyo?" tanong ni Estella, puno ng kasabikan. Gusto niyang malaman kung paano ang naging karanasan ng kambal sa kanilang unang araw sa regular school."Ang saya po, Mommy!" sabi ni Caleb, nangingiti nang malaki. "Ang daming bagong kaibigan, tapos ang teacher namin mabait!""Oo nga, Mommy!" dagdag ni Calvin. "May bago po kaming mga laro sa playground, at may bagong libro sa library na pwede naming hiramin."Masaya ang pakiramdam ni Estella habang nakikinig sa mga kwento ng kambal. Natutuwa siya na tila hindi nahirapan sina Caleb at Calvin sa kanilang unang araw. Hindi rin maiwasang mapansin ni Ram kung gaano kasaya ang kambal sa kanilang mga karanasan.“Masaya k
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Chapter 85

Isang araw, hindi inaasahan ni Estella ang mangyayari. Maaga pa lamang, nag-text si Ram at sinabi niyang may pupuntahan siya, kaya hindi muna siya makakapagkita sa kanila. Hindi na nagtanong si Estella, iniisip niyang baka abala si Ram sa ibang bagay. Habang nag-aayos siya ng bahay at naghahanda ng tanghalian para kina Caleb at Calvin, patuloy ang kanyang isip sa mga gawain. Biglang may kumatok sa pinto. Inisip ni Estella na isa lang ito sa mga kaibigan ng kambal kaya hindi na niya ito pinansin agad. "Mommy, may tao po!" sigaw ni Calvin mula sa sala, kaya’t nagmadali siyang magpunta sa pinto. Pagbukas niya, bumungad sa kanya si Ram, may hawak na isang malaking bouquet ng mga bulaklak at isang kahon na mukhang mamahalin. Napanganga si Estella, hindi makapaniwala sa nakikita. “Ram! Ano 'to?” tanong niya, habang unti-unting pumupuno ng tuwa ang kanyang puso. Ngumiti si Ram, iniabot ang mga bulaklak sa kanya. “Surpresa! Gusto kong pasayahin ka ngayong araw na 'to.” Tila hindi m
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Chapter 86

Kinabukasan, matapos ang kanilang usapan ni Estella, dumating sina Caleb at Calvin mula sa eskwelahan. Masaya silang tumakbo papunta kay Ram, na madalas nilang tinatawag na "Papa Ram" kahit hindi pa opisyal na ama ng mga ito. Ramdam ni Ram ang saya ng kambal, at tuwing kasama niya sila, tila nawawala ang mga alalahanin sa buhay. "Papa Ram! May request po kami!" sabay na sabi ng kambal habang nakangiti. Ngumiti si Ram, sabik na malaman kung ano ang hinihiling ng mga bata. "Ano na naman 'yan, mga kulit? Ano ba ang gusto niyo?" "Pwede po ba tayong mag-camping?" tanong ni Caleb, na hindi mapakali sa excitement. "Oo nga, Papa Ram! Yung camping na overnight! Gusto po namin maranasan 'yon, please?" dagdag ni Calvin, na parang mas nangungulit pa kaysa sa kapatid. Nagulat si Ram, pero agad din itong ngumiti. "Camping? Aba, mukhang maganda 'yan! Pero kailangan nating itanong muna kay mommy niyo kung papayag siya." Agad na tumakbo ang kambal papunta kay Estella na nasa kusina. "Mommy! Pwed
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Chapter 87

Habang nag go grocery sina Ludwig at ang kanyang ina, nakakita siya ng cute na kambal na magkasamang namimili ng mga pagkain. Marahil, kung hindi nawala ang kanyang mga anak, kasing edad na iyon ng mga ito. "Ma, bakit ba dito niyo pa naisipang mag grocery? pwede namang pag uwi na lang natin ng bataan," reklamo niya sa ina. "Mura ang mga gulay at meat dito, kasi nga yung supplier nila, mura magbagsak. Kita mo naman, ang daming tao. Wag ka ng magreklamo diyan," sagot ni Marsha kay Ludwig. "Bilisan mo, doon tayo," itinulak niya ang cart at sumunod sa kanyang ina. Napansin niya ang isang familiar na bulto sa bandang snack section. Nangunot ang kanyang noo. Sinundan niya ito. Iniwan niya ang kanyang ina na namimili ng gulay. Pumunta ito malapit sa mga batang namimili kanina. "Papa, gusto ko po nito," narinig niyang sabi ng bata dito. "Ram?" tawag niya sa lalaki, upang masigurong ito nga ang kanyang nakita. Lumingon ang kanyang tinawag. Halata sa mukha nito ang pagkabigla, at pagpa
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Chapter 88

Habang abala si Ram sa pag-iisip ng mga susunod na hakbang, narinig niyang bumukas ang pintuan. Pumasok si Estella, pagod ngunit may ngiti sa kanyang mukha. Agad itong lumapit sa kambal, binigyan sila ng halik sa noo, at pagkatapos ay lumapit kay Ram. "Anong plano natin?" seryosong tanong ni Estella habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "Iniisip ko kung paano natin maiiwasan na matagpuan tayo ni Ludwig at ni Marsha," sagot ni Ram. "Pero sa totoo lang, kailangan ko silang kausapin. Kailangang tapusin na ito, para hindi na nila kayo habulin." Nag-aalangan si Estella. "Pero Ram, paano kung—" Hinawakan ni Ram ang kamay ni Estella, pinipilit siyang pakalmahin. "Hindi ako papayag na masaktan ka ulit. Haharapin ko sila, at titiyakin kong hindi na sila magiging problema natin." "Sigurado ka ba?" tanong ni Estella nang may pagdududa. "Baka lalo lang silang magalit." Alam ni Ram na may punto si Estella, ngunit handa siyang ilagay ang sarili sa a
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Chapter 89

Isang linggo ang lumipas, buo na ang desisyon ni Ram. Hindi niya sasabihin kay Ludwig ang totoo tungkol kina Estella at sa kambal. Gagawin niya ang lahat upang protektahan ang mga ito, kahit pa magsinungaling siya. Kaya't sinadya niya si Ludwig sa opisina nito upang ipaliwanag ang kanyang kwento. Pagdating niya sa opisina ni Ludwig, tahimik niyang tinapik ang pintuan. Bumukas ito, at bumungad sa kanya ang kapatid, abalang-abala sa trabaho ngunit agad na napatingin sa kanya nang makita siya. "Ram," bati ni Ludwig na may halong gulat. "Anong ginagawa mo rito?" Huminga nang malalim si Ram, sinusubukang panatilihing kalmado ang sarili. "Kailangan kitang makausap, Ludwig. Tungkol ito sa nakita mo noong nakaraan—ang kambal." Agad na nagbago ang ekspresyon ni Ludwig. Nakita niya ang interes sa mukha ng kapatid. "Oo, Ram. Matagal ko nang gustong itanong—sila ba talaga ang mga anak mo?" Tumango si Ram, pilit na tinatago ang kaba sa kanyang dibdib. "Oo, anak ko sila," sagot niya nang
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Chapter 90

"Matagal ng wala si Estella. Nung umalis ako, patungo sa Singapore, iniwan niya na ako at sumama sa ibang lalaki.. hanggang.. hanggang matagpuan soyang wala ng buhay.." malungkot na kwento ni Ludwig. Nagulat si Ram sa kwento nito. Bukod pala sa pagkukunwaring namatay si Estella, may iba pa palang pinalabas na issue ang kanilang ina Napakasasama talaga. "Paano siya manlalalaki?" may halong inis ang kanyang tinig. "Sana, nag imbestiga ka muna.." "Wag na nating pag usapan ang nakaraan. Tapos na naman iyon, ang mahalaga ay ang ngayon.." ngumiti si Ludwig sa kapatid, 'ikaw ang dapat nating pag usapan at ang mga anak mo.." Nakatitig lang si Ram kay Ludwig, na parang sinisipat kung hanggang saan ang sinseridad ng kausap. "Okay naman kami," naupo siya ng maayos. "Sana, hindi mo na kami taguan sa sunod. Hinanap kita. Kahit magkapatid lang tayo sa ina, Ikaw ay totoong kapatid para sa akin.." ngumiti si Ludwig, "buti ka pa, may mga anak na.. sana, makabuo na rin kami ni Raquel.."
last updateLast Updated : 2024-09-21
Read more
PREV
1
...
789101112
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status