Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung
最終更新日 : 2024-09-24 続きを読む