Lahat ng Kabanata ng SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY: Kabanata 131 - Kabanata 140

213 Kabanata

131. Utos

Pagkasakay sa kotse, nawala ang ngiti ni Sofia sa labi. “Kung tinulungan mo lang sana ako, mommy. Hindi na sana aabot sa ganito. Di bale, ang mahalaga, babalik na si Kuya Mike sa bahay pagkatapos ng ipapagawa ko. Hindi na ako mapipigilan ng kahit sino para magawa ang plano ko.”Kinuha ni Sofia ang kanyang wallet, mula rito ay inilabas niya ang larawan nilang dalawa ng kuya niya.“Konting panahon nalang at makukuha na kita, Kuya Mike. Wala ka ng kawala sa akin kapag nangyari ‘yon… wala ng magagawa ang pagmamahalan ninyo ni Rose.” Aniya at saka parang baliw na tumawa. Pinarada ni Sofia ang sasakyan, pagkababa ay pumasok ito sa makipot na eskinita. Sumalubong ang mabaho at nakakasulasok na amoy kaya napatakip siya ng ilong.“Si Sofia ang babaeng ‘yan di’ba? Aba, totoo nga ang balita na inampon daw yan ng mayaman na doktor. Kapag sinuswerte ka nga naman, oh. Aba, hindi sinuwerte sa magulang pero sinuwerte naman sa umampon.” Tumayo ang mga nagsusugal na matatanda at lumapit rito. “Hoy, Sof
Magbasa pa

132. Gigil

"Kailan mo balak ipadukot ang babaeng 'to?" Kumuha si Sofia ng stick ng sigarilyo, pagkatapos itong sindihan ay binuga niya ang usok nito, bago nakangiting sumagot, "hintayin mo ang tawag ko." "Siya nga pala... ang kapatid mo, wala ka bang balak alisin siya sa pamilyang 'yon? Aba, mukhang kawawa siya don. Mayaman ka naman na, pwede mo na siyang makuha." Ngumiti ang matanda. "Tutulungan kita, kaso lang alam mong hindi libre ang serbisyo ko." Inikutan ito ng mata ni Sofia. "Hindi ako tanga para kunin siya don. Pinag iinitan na nga ako ng stepsister niya dahil magkapatid kami, magdadagdag pa ako ng problema? Ayokong pati ang ama niya ay mapag initan ako." Tumayo na si Sofia pagkaraan ng ilang sandali. "Aalis na ako, Tiyo... wag mong kalimutan ang bilin ko, hindi kayo kikilos ng wala ang tawag ko. Maliwanag ba?" Nakangising inamoy muna ng lalaki ang pera bago sumagot. "Aba oo naman, madali akong kausap." Malaki ang ngiti na nilisan ni Sofia ang lugar. Napakaimportante talaga ng pera
Magbasa pa

133. Pinili

"Hindi ko alam kung bakit ganyan ka magsalita, Rose. Pero wag mo sanang kalimutan na kapatid ako ni Kuya Mike. Kaya ilagay mo sa lugar ang ugali mo."Alam mo dapat ang lugar mo. Bakit parang narinig na 'to noon ni Rose? Pinatitigan niya ang kapatid ni Mike. Kung umarte ito ay parang inosente at hindi makabasag pinggan. Bakit ibang-iba ito umarte sa harapan ng lahat, lalo na kapag nari'yan si Mike? Kung pakikinggan at titingnan ay mukha siyang masama na inaapi ang kaharap dahil mamula-mula na ang mga mata nito ngayon.Nakangiting nilapitan ni Rose ang babae, saka niya ito binulungan sa tenga. "Ang sagwa mo ng arte mo, pakigalingan naman sa susunod ang pagpapaawa." Aniya bago naunang pumasok sa opisina ni Mike. Una pa lamang ay mabigat na talaga ang dugo niya kay Sofia, sinabi nito sa kanya na hindi sila magkasundo noon pa man, at mukhang alam na niya ang dahilan, may ugali itong itinatago na marahil ay alam na niya noon pa man. Kahit nawalan siya ng alaala ay hindi nawalana ang pagkai
Magbasa pa

134. Yakap

AKALA ni Rose ay dadalhin siya ni Mike sa isang restaurant, pero sa isang playground siya nito dinala. Tanghali at mainit, kaya wala na masyadong batang naglalaro, hindi na masama kung dito gustong kumain ni Mike. Sa maliit na mesa na gawa sa semento, inilapag nito ang lunchbox at saka ito binuksan. Hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Mike ng makita ang mga pagkain na niluto niya. “Lahat ng pagkain na gusto, alam mo talaga ang lahat.” “Talaga? Noon ba palagi kitang pinaglulutuan?” hindi na siya magtataka kung tumango si Mike. May palagay naman kasi siya na hindi na kailangan itanong, dahil may hinala na siya kung ano ang sagot. Pero gusto niya parin na malaman at marinig mula sa labi ni Mike na tama ang hinala niya. “Yes.” Tumingin si Mike ng matagal sa pagkain na parang may inaalala. “Hindi ka nagsasawa na lutuan ako.” Napangiwi si Rose bigla. Ibig bang sabihin ay kahit na nagkaasawa si Mike ay hindi siya huminto? Kung oo, nakakahiya naman kung ga
Magbasa pa

135. Sender

Nang makauwii, agad na tinawagan ni Rose ang kapatid niyang si Frank upang tanungin ito kung may nalalaman ba ito tungkol sa kanilang dalawa ni Mike noon. Pero hindi niya ito makontak. Napabuga siya ng malalim na buntong-hininga. Kung kailan naman kailangan niya, saka naman ito hindi makontak. Eh kung sa mommy niya kaya? Umiling si Rose. hindi magandang idea ang matanong dito. Sigurado kasi na magagalit ito dahil hindi siya sumunod sa bilin nito na huwag makikipaglapit sa mga taong hindi ko naman naaalala. Tinaas niya ang kamay at hinaplos ang palasingsingan. Napansin niya na isa ito sa hobby niya ng magising siya… ang haplusin ang daliri niya na para bang may nakasuot na singsing dito. “Ma’am Rose, may bisita ka.” Imporma ni manang, kapansin-pansin ang hindi maipinta nitong mukha. Pagdating niya sa sala ay naabutan niya si Sofia, prente itong nakaupo sa sofa. Ngumiti ito ng makita siya at tumayo. “Rose, alam kong magaspang ang pinakita kong ugali sayo.” Bumuntong-hininga ito, nak
Magbasa pa

136. Record

Binuksan ni Rose ang kotse. Pagkapasok ay nahahapo siyang sumandal dito. Hanggang ngayon ay palaisipan sa kanya kung sino ang nagpadala ng kanyang confidential records dito sa law firm kung saan siya nagtatrabaho. Hindi mabilang ni Rose kung ilang beses siyang bumuntong-hininga habang iniisip ang tungkol sa bagay na 'to. Kinuha ni Rose ang cellphone, ngunit agad din binalik ito sa bag. Kung sasabihin niya 'to ama, tiyak na malalaman ito ng mommy niya. Mag aalala lang ito at pipilitin na bumalik siya sa Switzerland. Pinilig ni Rose ang ulo. No, hindi pwede. Imbes na tawagan ang ama, pinili ni Rose na tawagan si Frank. "Finally, nakontak din kita. Frank, I need your help—" napahinto sa pagsasalita si Rose ng may kumatok sa salamin ng kanyang sasakyan. Pamilyar ang babae, kung hindi nagkakamali si Rose, isa ang babaeng 'to sa mga babaeng kasama ni Sofia sa bar noong nagpunta siya ro'n kasama ang kanyang mga kaibigan. Bago binaba ang bintana ng sasakyan, nagpaalam muna si Rose sa kapat
Magbasa pa

137. Bakit?

Kanina pa nilalaro ni Rose ang cellphone na hawak. Tama ba ang gagawin niya? O palalagpasin nalang ang ginawa ni Sofia sa kanya? Bumuga siyang muli ng hangin. Sa ngayon ay palalagpasin muna niya ang ginawa ng babae, pero kapag naulit pa ito, hindi na niya mapapalagpas ang gagawin nito. "Ma'am Rose, tumatawag ang mommy niyo, nasa kabilang linya siya ngayon." Saka lamang napukaw si Rose ng marinig ang sinabi ng kasambahay. Nakadama siya ng pagkasabik ng kanyang marinig ang boses ng mommy at daddy niya. "How's my princess?" bungad na tanong ni Alexander sa anak. "I'm good, dad. Kayo ni mommy? Miss na miss ko na po kayong dalawa." Inagaw ni Freya ang telepono sa asawa ng hindi makatiis. "You have a chance to be with us, pero pinili mong bumalik di'yan. Anak, bumalik ka na dito... baka nakakalimutan mo na may naghihintay sayo. Ano ba ang gusto mong malaman? Hindi pa ba sapat ang mga sinabi namin ng daddy mo sayo? We are just protecting you from any harm, kaya hindi ka namin gusto
Magbasa pa

138. Mahal

Dahil gabi na rin naman ay inalok ni Rose si Mike na sumabay na sa kanya magdinner. Imbes na sa pagkain niya ituon ang atensyon niya, hindi maalis kay Mike ang mga mata niya. "May gayuma ka sigurong pinainom sa akin noon, noh. Kasi parang... gustong-gusto talaga kita, eh." aniya habang nakatingin ng may panunudyo kay Mike. Uminom muna si Mike ng tubig bago nagsalita. "Hindi ko na kailangan painumin ka ng gayuma." Pinasadahan ni Rose ng tingin ang kabuuhan nito. "Hmm, dahil gwapo ka?" Ngumisi ito bago sumagot. "Dahil matagal ka ng patay na patay sa akin." Muntik ng maibuga ni Rose ang tubig na iniinom. Namumula ang pisngi na tinuro pa niya ang sarili. "Ako? Patay na patay sayo? Wow ha, ang taas ng self confidence mo." Hindi niya alam na marunong din palang magbiro si Mike. Napahinto si Rose sa pagtawa ng mapansin na nakatitig si Mike sa kanya. Aware naman siya na maganda talaga siya, in fact, marami ang nagsasabi nito sa kanya noon pa man, at lahat 'yon ay balewala kay R
Magbasa pa

139. Pangako

Hindi mapigilan ni Rose na titigan si Mike habang nagmamaneho ito. Ang lakas talaga ng dating ni Mike. Mukhang malinis at mabango, amoy laging bagong paligo."Stop staring at me, Rose. Baka hindi tayo umabot ng office mo." Namumula ang pisngi na inirapan ito ni Rose. Sa bahay nila ito natulog kagabi, dahil may dala naman itong extrang damit sa sasakyan, didiretso na ito ng pasok ngayon pagkatapos ihatid si Rose sa trabaho. Bago bumaba ng kotse ni Mike, nagpaalam muna si Rose dito."Bye, Doc. Mahal kita." Hindi mapigilan ni Mike ang ngumiti dulot ng malambing na pagkakasabi ni Rose ng salitang 'yon."I love you more, Rose. Sunduin kita, sabay tayo maglunch mamaya." Tumango si Rose kay Mike, ngunit napahinto din ito ng tawagin ng lalaki. "Where's my goodbye kiss? Paano ako gaganahan magtrabaho kung wala ang kiss ng... mahal ko?" Gustong sabihin ni Mike na 'asawa ko' ngunit nagpigil ito. Hindi mapigilan ni Mike ang mapangiti ng namumula ang pisngi na ngumuso ang asawa niya na animo'y n
Magbasa pa

140. Anniversary

MAGKAHAWAK ang kamay silang umalis. Pagdating sa opisina, wala sa sariling nakatingin si Rose sa singsing na nasa daliri niya. Ang bilis ng usad ng relasyon nila Mike, para siyang nananaginip. Noon, gusto niya na magtagal sa opisina para libangin ang sarili at ubusin ang oras. Pero ngayon, wala pang uwian ay naeexcite na siyang makita si Mike.Napailing na lamang si Mrs. Pillar habang nakatingin sa kanyang amo. Hindi mapagkakaila na mukhang in love ito ngayon."Bye, Mrs. Pillar, I'll go ahead." Paalam ni Rose ng sumapit ang alas singko. Nagmamadali na tumakbo ito sa restroom para magretouch ng make up at ayusin ang sarili. Gusto niyang fresh at maganda siyang haharap kay Mike. Matagal na tinitigan ni Rose ang sarili sa salamin. Mukhang masyadong makapal ang red lipstick na pinahid niya sa labi. Ah bahala na nga. Basta maganda ayos na 'to. Pagkalabas ay nakita niya si Mike na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa kanya na papalapit sa pwesto nito.Nilagay ni Rose ang ilang hi
Magbasa pa
PREV
1
...
1213141516
...
22
DMCA.com Protection Status