MAGKAHAWAK ang kamay silang umalis. Pagdating sa opisina, wala sa sariling nakatingin si Rose sa singsing na nasa daliri niya. Ang bilis ng usad ng relasyon nila Mike, para siyang nananaginip. Noon, gusto niya na magtagal sa opisina para libangin ang sarili at ubusin ang oras. Pero ngayon, wala pang uwian ay naeexcite na siyang makita si Mike.Napailing na lamang si Mrs. Pillar habang nakatingin sa kanyang amo. Hindi mapagkakaila na mukhang in love ito ngayon."Bye, Mrs. Pillar, I'll go ahead." Paalam ni Rose ng sumapit ang alas singko. Nagmamadali na tumakbo ito sa restroom para magretouch ng make up at ayusin ang sarili. Gusto niyang fresh at maganda siyang haharap kay Mike. Matagal na tinitigan ni Rose ang sarili sa salamin. Mukhang masyadong makapal ang red lipstick na pinahid niya sa labi. Ah bahala na nga. Basta maganda ayos na 'to. Pagkalabas ay nakita niya si Mike na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa kanya na papalapit sa pwesto nito.Nilagay ni Rose ang ilang hi
Kanina pa nakatingin sa Rose sa cake na nasa kanyang harapan. "Hmm, may kulang pa ba? Ano sa palagay mo, manang?" "Naku, Ma'am Rose, walang kulang. Masarap na, made with love pa!" Kinikilig na wika ng matanda habang yakap ang spatula. Nang matauhan ay umayos ito ng tayo at yumuko. "Pasensya na, Ma'am, nadala lang. Sa inyo nalang kasi ako kinikilig ni Sir Mike." Napahawak si Rose sa namumulang pisngi bago humarap sa matanda. "Manang, ganito rin ba ako kiligin noon sa mga ex ko?"Napipilan ang matanda at nautal. "A-ah... e-eh..." Mahigpit na bilin ng ina ni Rose na huwag magkukwento tungkol sa nakaraan nito. Kaya hindi masabi ng kasambahay na hindi naman ito kinilig noon sa iba, tanging kay Mike lang. "M-mga bago lang kaming lahat dito, kaya wala kaming alam, Ma'am."Tumaas ang kilay ni Rose. "Eh sabi mo no'ng nakaraan matagal ka ng nagtatrabaho dito—sandali, manang!" Tawag ni Rose sa matanda na nagmamadaling umalis."M-maglilinis pa pala ako ng kwarto sa itaas." Paalam nito.Napapan
Hindi niya maalis ang ngiti sa labi niya habang nakatingin kay Mike. Nakakabilib talaga ito, sa kabila kasi ng pagiging tanyag na doktor, wala itong pinipili na gamutin. Mayaman man o mahirap ay handa nitong gamutin. "Hoy, Rose. Baka matunaw si Doctor Grayron sa mga tingin mo ni'yan. Aba, kulang nalang ay hubaran mo siya sa tingin mo. Kung lapitan mo na kaya at lapain." Tudyo ni Lina kay Rose ng mapansin na kanina pa ang paninitig nito. Imbes umiwas ng tingin, pinagsawa ni Rose ang mata kay Mike habang abala ito sa pagcheck up ng mga mamamayan dito sa isang bayan kung saan nagkaroon ng Medical Mission. Nang malaman ni Mike na may kumalat na epedemya sa lugar ay sinadya talaga nito na sumama para personal na masuri ang mga tao dito. "Ang gwapo na, napakabait pa. Ibang klase talaga ang nobyo ko, completed package na. Ang swerte ko talaga sa kanya." Napangiti na lamang si Lina habang nakatingin sa kaibigan niyang si Rose. Para itong nananaginip ng gising habang nakatingin kay Mik
“Tapos na kayo mang inggit?” Nang lumingon sila ni Mike ay pareho silang nagulat. Napakarami palang mga tao s paligid, kabilang si Lina na may panunudyong nakatingin sa kanila. “Aba, respeto naman sa walang jowa dito.” Apela pa nito. Kanina naman sila lang ni Mike ang tao dito, ah. Namumula na napakamot siya sa pisngi. Hindi namam makapaniwala ang ibang kapwa doktor ni Mike, maski ibang nurses na naroon. Nasaksikhan nila kung gaano kasungit ang CEO nila, kaya hindi ang mga ito makapaniwala sa nasaksihan ngayon. Nagmistula itong ibang tao. NAKAKAPAGOD man ang araw na ‘to. Pero dahil kasama naman niya si Mike, ay sulit naman. Habang pabalik sila ng maynila, hindi niya inaalis ang tingin niya dito habang abala ito sa pagmamaneho. Wala lang… gusto lang niya itong titigan. Hanggang ngayon kasi ay hindi siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Nitong mga nakaraang buwan lang ay malungkot siya dahil hindi siya makaalala. Pero ngayon, wala ng pagsidlan ang tuwa niya sa puso. "Nakatit
Malakas na tumili si Rose ng buhusan siya ni Mike ng tubig sa katawan. Ang lamig! Narito sila ngayon sa likurang poso ng bahay, dito sila naligo ni Mike. Akala niya kanina ay sa banyo sila maliligo, pero hindi pala. Palikuran lang pala talaga ang mga banyo dito. Nakakahiya dahil iba talaga ang nasa isip niya kanina. Lumapit si Mike sa asawa at mahina na pinisil ang pisngi nito. “Ikaw ha, pinagnanasaan mo ako.” Lalong namula si Rose. “N-no, I’m not.” Namewang ito para takpan ang pagkapahiya. “Alam mo ba na pwede kitang kasuhan sa pagbibintang mo—“ “Alam mo din ba na… pwede kitang kasuhan dahil pinagnanasaan mo ako?” Ganting biro ni Mike. “Arghh! Ang kulit mo! Sinabi ng hindi kita p-pinagnanasaan eh.” Bumalik sa pagbobomba ng poso si Mike. Nang mapuno ang balde, muli nitong binuhusan si Rose sa ulo ng tubig. Parang bata na lumayo si Rose sa kanya. “Ano bang klaseng tubig ‘to. Ang lamig!” Malamig na ang patak ng ulan, pero mas malamig ang tubig na galing sa poso, para itong may y
Hindi mawala sa isip ni Rose ang mga nalaman niya kay Darla. Apat ng taon ang asawa ni Mike ayon dito, kaya malabo na ang asawa nito ang may gawa noon. Sino kaya ang babaeng ‘yon? Niyakap ni Rose ang sarili, nakadama siya ng kilabot. Baliw lang ang taong gagawa ng gano’n. Napatili si Rose sa gulat ng bigla siyang buhatin ni Mike. “M-mike, baka madapa ka, my god!” Aniya ng tumakbo ito habang buhat-buhat siya. Tawa naman ito nang tawa nang kanya itong paghahampasin sa dibdib, dahil sa nerbiyos na baka matisod ito at magpagulong-gulong sila sa lupa. “Mike, naman eh! Kapag nadapa ka, wala kang kiss mamaya!” Ngumisi si Mike sa narinig. “Kiss lang?” Humalakhak ito ng kurutin siya ni Rose sa dibdib ng mahina. “A-ang dami mong kalokohan sa isip—ahhh!” Muling tili ni Rose ng mabilis itong tumakbo. Kung buhatin siya nito ay parang napakagaan lang niya na bagay. Takot na takot na kumapit siya sa leeg nito habang tumatawa. Aba, ang loko, ang talas ng mata sa dilim. Hindi man lang ito nada
May ngiti sa labi na iniligpit ni Rose ang kanilang gamit. Ngayong araw ang kanilang alis sa bayan. Tuluyan ng naalis ang gumuhong lupa at natumbang naglalakihan na puno sa daan. “Mag iingat kayo, Doc. Grayson at Mrs. Grayson. Sana ay makabalik kayo sa susunod pang mga taon.” Wika ng kapitan, kasama nito na nagpaalam ang mga kababayan, kabilang ang asawa at anak. Bumaling ito kay Rose. “Bumalik sana kayo sa susunod na kasama ang ‘yong asawa, Mrs. Grayson. Ikinagagalak namin kayong makilala.” Ngumiti si Rose. “Maraming salamat din po sa mainit na pagtanggap. Hayaan niyo sa susunod ay babalik ako kasama ang… asawa ko.” Namumula si Rose, na hindi nakaligtas sa mata ni Mike kaya napangiti ito. Bago umalis, tinudyo pa sila ng mga naroon na baka sa kanilang pagbalik ay hindi na lamang silang dalawa ng asawa. Baka mayro’n na silang anak. Sa daan, napansin ni Rose ang pananahimik ng nobyo. Simula ng umalis sila sa bayan at tudyuin na baka may anak na sila sa sunod na balik, hindi na i
“Narito ang impormasyon tungkol sa taong nakabangga sa kapatid mo, Sir.” Nilapag ng private investigator ang mga papeles sa mesa ni Frank. “Napag alaman ko na isa siyang adik sa sugal. Baon siya sa utang at umabot ng milyon ang halaga no’n. Dahil sa mahirap na pamumuhay, hindi niya ‘yon magawang bayaran. Hanggang sa tinatakot ba siya ng mga pinagkakautangan na papatayin siya at ang pamilya niya kapag hindi siya nakapagbayad.” Kumunot ang noo ni Frank. “It doesn’t make sense. Ano ang rason niya at ginawa niya ‘yon sa kapatid ko?” May kinuha na papeles ang imbestigador, ipinakita ito ng matanda kay Frank. “Hindi takot mamatay ang suspect. Pero ng pagbantaan na papatayin pati ang pamilya niya… doon na ito natakot at humanap ng paraan para makapagbayad. Pero hindi sapat ang pambayad nila kahit na naibenta na nila ang maliit na bahay nila. Ang nakapagtataka, Sir Evans, bago niya nabangga ang kapatid mo… nakapagbayad siya sa lahat ng utang niya, nabilhan pa ng bahay ang pamilya niya bag