Share

141. Cake

Kanina pa nakatingin sa Rose sa cake na nasa kanyang harapan. "Hmm, may kulang pa ba? Ano sa palagay mo, manang?"

"Naku, Ma'am Rose, walang kulang. Masarap na, made with love pa!" Kinikilig na wika ng matanda habang yakap ang spatula. Nang matauhan ay umayos ito ng tayo at yumuko. "Pasensya na, Ma'am, nadala lang. Sa inyo nalang kasi ako kinikilig ni Sir Mike."

Napahawak si Rose sa namumulang pisngi bago humarap sa matanda. "Manang, ganito rin ba ako kiligin noon sa mga ex ko?"

Napipilan ang matanda at nautal. "A-ah... e-eh..." Mahigpit na bilin ng ina ni Rose na huwag magkukwento tungkol sa nakaraan nito. Kaya hindi masabi ng kasambahay na hindi naman ito kinilig noon sa iba, tanging kay Mike lang. "M-mga bago lang kaming lahat dito, kaya wala kaming alam, Ma'am."

Tumaas ang kilay ni Rose. "Eh sabi mo no'ng nakaraan matagal ka ng nagtatrabaho dito—sandali, manang!" Tawag ni Rose sa matanda na nagmamadaling umalis.

"M-maglilinis pa pala ako ng kwarto sa itaas." Paalam nito.

Napapan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Ylref Arat Elub No
please po author update na
goodnovel comment avatar
Ylref Arat Elub No
please update na po..salmat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status