Nakangiting pinagmasdan ni Rose ang picture nilang magkasama ni Mike sa cellphone niya. Nababawasan ang pagkamiss niya sa nobyo sa tuwing tinititigan niya ‘to. Pagkatapos ng trabaho, nagmamadaling naghanda si Rose sa pag uwi. Ayaw niyang paghintayin si Mike ng matagal sa labas. ‘Iyon lang ba ang dahilan?’ Kastisgo ng utak niya. Hindi ni Rose maiwasan ang mapangiti habang hawak ang pisngi. Dahilan lang niya ‘yon, ang totoo, sabik na sabik siyang makita at makasam ‘to. Hindi sapat ang oras na magkasama sila sa isang araw. Ganito yata talaga kapag masyadong inlove. Agad siyang napangiti ng abutan siya ni Mike ng bouquet ng red roses. Simula ng magkausap ito at si Frank. Lalo ‘tong naging sweet. May sinabi siguro si Frank para lalo siyang mahalin ni Mike. “Mike, bukas na pala ang alis natin papunta kila Tito David. Sigurado ka ba na mauuna na tayo doon at hindi na sasabay kay Ninang Raven?” Binuksan ni Mike ang pinto ng kotse at inalalayan siyang pumasok. Sinupil niya ang ngiti
“D-Diyos ko! Awatin niyo si Sir Mike!” Utos ni manang na kalalabas lang ng tarangkahan. Mabuti na lamang at naisipan ng matanda na lumabas para mag usisa kung bakit hindi pa rin pumapasok sa gate ang sasakyan ng amo. Kung hindi ay hindi nila maaabutan si Sofia na sakal ng kanilang amo. Nangingitim na ang mukha nito at nawalan na nang malay. Natatakot na napaatras ang lahat upang bigyan daan si Mike na ngayon ay napakadilim ng ekspresyon ng mukha dahil sa galit. Wala itong pakialam na iniwan lang ang kapatid na si Sofia, kaya naman napilitan ang mga tauhan na dalhin na lamang ito sa hospital. Mukhang galit na galit talaga ang amo nila dahil hindi man lang ito nag alala sa kapatid at basta na lamang itong iniwan na walang malay ay kinakapos sa paghinga. “Damn! Ahhh!” Lahat ng madaanan ni Mike, mahawakan, at makita ay pinagsisira niya at winawasak. Galit na galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niya na mapaikot siya nito ng matagal. Hindi lang ang babaeng mahal niya ang nawala sa
Nakangiting bumaba ng sasakyan si Rose at sumagap ng sariwang hangin. Naalala niya noon, tuwing bakasyon ay hindi pwedeng hindi sila magbakasyon dati ng pamilya noon. Narito sila ngayon ni Mike sa bahay-bakasyunan ng kani-kanilang pamilya. Sa probinsya kung saan na naninirahan ang kaibigan ng mommy niya na si Tito David kasama ang pamilya nito. Parang kailan lang bata pa sila ni Frank at nila… Napahawak si Rose sa ulo ng may alaalang bilang lumitaw sa kanyang balintataw. Sila nila Frank, Sofia, Dana at… Mike. Yumakap si Mike mula sa kanyang likuran. “I remembered when we were kids back then. Paborito mong utusan ako na umakyat ng puno para lang kuhaan ka ng mga duhat.” Humarap siya kay Mike at ikinawit ang braso sa leeg nito. “Bigla akong may naalala. Hmm, payat ka pala noon at… iyakin.” “Pero minahal mo.” May ngisi sa labi na sagot nito. Namumula ang pisngi na hinampas ni Rose si Mike sa dibdib. “Tse! Ipagyabang ba naman.” Ingos niya. Bago pumunta si Mike sa sariling ba
Gabi na, at dahil walang kasama si Rose sa kanila dahil bukas pa ang dating ni Frank, hindi na ito pinauwi ni Mike. Kinabukasan ay maaga na nagising ang dalawa at umalis para pumunta ng bayan. “Rose? Iha, ikaw ba ‘yan?” Nanlaki ang mata ni Rose ng marinig ang boses ng matanda. “Ikaw nga, Rose. Akala ko ba ay hindi ka pa babalik? Ang sabi sa akin ni—“ “P-pasensya na po, Lola pero nagkakamali kayo.” Sagot ni Rose. Malaki ang hakbang at nagmamadali na iniwan nito ang matanda ng hindi ito nililingon. Kumunot ang noo ni Mike nang sa kanyang paglingon ay hindi niya nakita si Rose. Binitiwan ni Mike ang mga gulay na hawak, nagmamadaling bumalik ito sa sasakyan. Nakahinga ito ng maluwag ng makita si Rose sa loob. “M-mike, umuwi na tayo, sumama kasi ang pakiramdam ko.” Dahilan ni Rose, nag alala naman si Mike ng mapansin na namumutla ito. Sumakay ito ng sasakyan at pinaandar agad ito paalis ng lugar. Pagdating sa bahay, bumaba si Mike ng sasakyan upang alalayan si Rose na bumaba subalit
Tuwang-tuwa ang ama ni Dana na si David ng makita sina Mike at Rose. Hindi ito pumayag na umalis ang dalawa, kaya naman sa bahay ng mga ito na naglunch sila Mike at Rose. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating sina Raven at Sofia. Hindi maipita ang mukha ni Dana ng makita ang babaeng kinaiinisan, maging ang ina nito na si Celine ay kapansin-pansin ang pagiging pormal ng ekspresyon. Hindi gusto ng mag ina si Sofia, noon pa man ay mabigat ang dugo ng mag ina dito. Masayang yumakap si David kay Raven, bakas ang kasiyahan sa mukha ng dalawa ng magkita muli. Matagal-tagal din sila na hindi nagkita. Yumakap din si Raven sa asawa nito na si Celine, maging sa anak na kay Dana. “Rose, I’m glad to see you here.” “Same here po, Ninang Raven.” Tugon ni Rose at gumanti ng yakap sa ginang. Maging si Mike ay yumakap sa ina. Hindi pinansin o binati man lang ni Mike si Sofia, kaya naman nagtaka ang lahat ng naroon, maliban kay Raven na inasahan na ito. “Ano ang ginagawa ng babaeng
Nagbukas-sara ang labi ni Rose. No! Hindi totoo ang sinasabi ni Sofia, nagsisinungaling ito. Iyon ang gusto niyang paniwalaan ng isip niya. Galit na lumapit si Dana kay Sofia at may babala ito na tiningnan. “Tumigil ka na, Sofia!” Ngumisi si Sofia. “At bakit ako titigil? Sinasabi ko lang naman ang totoo!“ Parehong natigil ang dalawa sa pagtatalo ng marinig ang pagbagsak ni Rose sa lupa. “Rose!” MASAKIT ang ulo na umupo si Rose sa kama. Si Frank ang una niyang nakita ng magmulat siya ng mata. “I’m glad you’re awake. How’s your feeling?” Tanong nito sa kapatid. Humawak si Rose sa ulo. Mabuti nalang at hindi na ito kasing sakit katulad kahapon. “I’m fine.” “Good. Nasabi nga ni Mike na ayos lang ang lagay mo. But to make sure you’re fine ipapa-CT scan ka namin pag uwi.” Kumunot ang noo ni Frank ng hindi sumagot si Rose. “F-Frank, gusto kong mapag isa. I-iwan mo muna ako.” Frank didn’t budge to move, nanatili na nakaupo ang binata habang mataman na nakatingin sa kapatid. The lo
NAGKAGULO ang mga bisita ng makita si Sofia na duguan at walang malay, si Raven ay nawalan ng malay sa labis na pag aalala at dala ng kanina pa masama na pakiramdam. Akmang hahabulin ni Mike si Rose nang pigilan ito Dana. "Mike, do something about your sister's condition. Mas mapapasama si Rose kung mamamatay ang bitch na 'yan ngayon!" Galit man kay Sofia, hindi pa rin gusto ni Dana na mamatay ito sa loob ng kanilang pamamahay, alam niya na mas mapapasama ang kaibigan niya kapag nangyari 'yon. "Damn!" Mura ni Mike. Tama si Dana, mas mapapasama si Rose kapag hinayaan niya ang kalagayan ng kapatid. Sumalubong kay Mike ang ina na may malay na ngayon, maging ang pamilya ng Tito David niya. Bakas ang labis na pag aalala ni Raven kay Sofia. Narito na sila ngayon sa pinakamalapit na hospital kung saan dinala si Sofia. "Anak, kamusta na ang kapatid mo?" Tanong ni Raven, bagama't namumutla ay nakuha na tumayo upang alamin ang kalagayan ng anak. "Nagkaro'n siya ng mga fractured sa ka
TUMAMBAD sa paningin ni Mike ang makalat na kwarto ni Rose. Para itong binagyo, nagkalat ang bubog galing sa nabasag na vase at iba pang mga kagamitan sa loob, Para dinibdiban si Mike ng makita niya si Rose. Nakatayo ito sa gilid ng bintana at halatang inaabangan siya. Umiiyak si Rose bakas sa mukha niya ang hindi matawaran na sakit na alam niya na siya ang dahilan. "Rose..." Gusto itong yakapin ni Mike, ikulong sa bisig niya at sabihin na tumahan na at huwag umiyak. Subalit sino ba ang dahilan kaya umiiyak ito ngayon? Siya at wala nang iba. May hinanakit na nagtanong si Rose. "B-bakit, Mike?" Napaiksing tanong subalit para itong patalim na humiwa sa puso ni Mike. "A-ang sabi ko, ayaw ko pang mamamatay, nagmakaawa ako sayo... tanggap ko at naintindihan ko naman kung bakit hindi mo ako gustong iligtas." Gumagaralgal ang boses ni Rose, nag unahan sa pagpatak ang luha niya sa sakit ng kalooban niya. "P-pero bakit pati ang anak natin ay hinayaan mo lang na mamatay? P-pwede ka naman