NAGKAGULO ang mga bisita ng makita si Sofia na duguan at walang malay, si Raven ay nawalan ng malay sa labis na pag aalala at dala ng kanina pa masama na pakiramdam. Akmang hahabulin ni Mike si Rose nang pigilan ito Dana. "Mike, do something about your sister's condition. Mas mapapasama si Rose kung mamamatay ang bitch na 'yan ngayon!" Galit man kay Sofia, hindi pa rin gusto ni Dana na mamatay ito sa loob ng kanilang pamamahay, alam niya na mas mapapasama ang kaibigan niya kapag nangyari 'yon. "Damn!" Mura ni Mike. Tama si Dana, mas mapapasama si Rose kapag hinayaan niya ang kalagayan ng kapatid. Sumalubong kay Mike ang ina na may malay na ngayon, maging ang pamilya ng Tito David niya. Bakas ang labis na pag aalala ni Raven kay Sofia. Narito na sila ngayon sa pinakamalapit na hospital kung saan dinala si Sofia. "Anak, kamusta na ang kapatid mo?" Tanong ni Raven, bagama't namumutla ay nakuha na tumayo upang alamin ang kalagayan ng anak. "Nagkaro'n siya ng mga fractured sa ka
TUMAMBAD sa paningin ni Mike ang makalat na kwarto ni Rose. Para itong binagyo, nagkalat ang bubog galing sa nabasag na vase at iba pang mga kagamitan sa loob, Para dinibdiban si Mike ng makita niya si Rose. Nakatayo ito sa gilid ng bintana at halatang inaabangan siya. Umiiyak si Rose bakas sa mukha niya ang hindi matawaran na sakit na alam niya na siya ang dahilan. "Rose..." Gusto itong yakapin ni Mike, ikulong sa bisig niya at sabihin na tumahan na at huwag umiyak. Subalit sino ba ang dahilan kaya umiiyak ito ngayon? Siya at wala nang iba. May hinanakit na nagtanong si Rose. "B-bakit, Mike?" Napaiksing tanong subalit para itong patalim na humiwa sa puso ni Mike. "A-ang sabi ko, ayaw ko pang mamamatay, nagmakaawa ako sayo... tanggap ko at naintindihan ko naman kung bakit hindi mo ako gustong iligtas." Gumagaralgal ang boses ni Rose, nag unahan sa pagpatak ang luha niya sa sakit ng kalooban niya. "P-pero bakit pati ang anak natin ay hinayaan mo lang na mamatay? P-pwede ka naman
Ilang beses na bumuntong-hininga si Rose bago binuksan ang pintuan ng kanyang kotse. Ngayong araw ang balik ng mommy at daddy niya galing ng Switzerland. Nagpaskil siya ng ngiti sa kanyang labi ng makita ito. Ayaw niya na mahalata ng mommy at daddy niya na malungkot siya. Ilang minuto pa si Rose na naghintay sa kanyang magulang. Nakasakay kasi ng private chopper anh mga ito kaya nasa rooptop siya ng kanilang mansion naghihintay ngayon. Galing pa siya sa bahay-bakasyunan nila sa norte kaninanat dito nga siya sa rooptop ng kanilang mansion dumiretso ng dumating siya. “Mommy! Daddy!” Parang bata na tumakbo siya at yumakap sa dalawa. Ilang buwan din sila na hindi nagkita kaya miss na miss niya ang dalawa. “I miss you, mommy, dad.” Alexander chuckled and Freya smiled. Parehong natuwa ang mag asawa sa sinabi ng anak. “We missed you too, princess. Hindi pa rin kami sanay na hindi kayo makita ng matagal ni Frank kaya bumalik na kami kahit next month pa dapat ang uwi namin. Saka itong m
“Wag kang magpadalos-dalos ng desisyon, Rose. Alam kong galit ka lang kay Mike kaya nasasabi mo ‘yan.” Gumuhit ang sakit sa mata ni Rose bago siya tumingin sa kapatid. “Galit? Hindi lang ako galit, Frank. I loathed him to the core of hell. Alam mo kung gaaano ko siya kamahal noon di’ba? Natauhan lang ako, Frank. Kung patuloy mong babanggitin ang pangalan ng lalaking ‘yan mabuti pa na umalis ka nalang.“ May talim na taboy ni Rose sa kapatid niya. Napabuntong-hininga nalang si Frank. Mukhang hindi na talaga mapipigilan si Rose sa pasya nito. Pagkalabas ni Frank sa kwarto ni Rose ay nagpaalam siya sa magulang na aalis na pauwi sa pad niya. Hindi na siya namamalagi dito sa mansion dahil marami siyang penthouses, condos, at Villa na inuuwian. Pero sa loob ng isang buwan, kailangan niyang umuwi sa mansion na ito para makasama at madalaw na rin ang magulang kapag narito ito. Napapailing na bumaba si Frank ng kotse pagkalabas niya ng kanilang gate. Nakita na naman niya ang sasakyan ni M
Nanlilisik ang mata na binato ni Sofia ang cellphone na hawak niya. Sobrang sama ng loob niya dahil hindi mam lang siya dinalaw o kinamusta ni Mike pagkatapos siyang dalhin sa hospital. Ni ang tawagan o itext man lang siya ay hindi nito ginawa. Wala ba itong pakialam sa kanya? No! "Kasalanan ito ng pesteng babaeng 'yon!" Pinaandar niya ang wheelchair niya palabas ng kwarto. Nang makita niya ang kasambahay nila ay tinawag ito ni Sofia. "Ipatawag mo ang driver may pupuntahan ako." Nag aalangan na kumamot sa kilay ang kasambahay. Bilin ng mommy nito na huwag payagan si Ma'am Sofia na umalis. Baka mapagalitan siya. "Bingi ka na?! Ang sabi ko sabihin mo sa driver na ihatid ako!" "Pero, Ma'am Sofia, ang bilin kasi ng mommy mo ay— "Isa ka pang peste! Gusto mong tanggalin kita sa trabaho mo?!" Nang umiling ito sa sinabi ni Sofia ay muli niya itong binulyawan. "Iyon naman pala, eh. Ano pa ang hinihintay mo? Sundi mo na ang utos ko!" Walang nagawa ang kasambahay kundi ang sumunod
"Umalis ka na dahil wala kang mapapala na tulong mula sa akin." Taboy kay Sofia ng matanda. Galit na galit na lumabas si Sofia ng opisina. Hayop kang matanda ka. "Pagkatapos mong magpakasasa sa katawan ko." Gusto niyang magwala sa sobrang galit. Ang matanda na iyon nalang ang inaasahan niya na tutulong sa kanya dahil alam niya na mangyayari ito. Alam niya na kapag nalaman ng ibang mga abogado na isang Evans ang balak niyang idemanda ay aatras ang mga ito. Pero hindi niya akalain na pati ang matandang na 'yon ay aatras at mababahag ang buntot katulad ng iba. "Ahhh! Punyèta talaga!" Aniya habang pinapaandar ang wheelchair palayo sa opisina ng matanda. Napahinto si Sofia ng may pares ng Red Stiletto ang humarang sa kanyang harapan. Bilang modelo, alam niya na mamahalin at limited edition ito. Sino ang babaeng 'to para harangan ang daraanan niya?! Lalo lang nadagdagan ang kanyang inis. Nag angat siya ng tingin. Handa na sana siyang bulyawan ang nakaharang sa kanyang daraanan ng mati
Ramdam ni Rose ang matalim na tingin ni Sofia sa kanya habang papalayo siya rito. Matalas talaga ang dila nito at mukhang wala itong balak magbago. ‘Ako pa ang peste, huh?’ Ang kapal talaga. Sinundan niya ito ng malaman niya na pupunta ito dito. Sinabi sa kanya ng taong inutusan niya na bantayan ito na sabihin sa kanya kung saan ito pupunta. May hinala kasi siya na maghahanap ito ng abogado at tama nga siya. Ang malas lang ni Sofia dahil wala siyang balak na hayaan itong makahanap ng abogado para masampahan siya ng kaso. Kung kinakailangan niyang bilhin ang lahat ng Law firm sa buong bansa ay gagawin niya maipakita lang dito na nagkamali ito ng kinalaban. Kinuha ni Rose ang cellphone upang tinawagan ang tauhan na nagbabantay kay Sofia. “Pwede ka ng umuwi, bukas mo na siya sundan dahil tapos na ako sa kanya ngayong araw.” Pagkababa ng tawag ay binuksan niya ang kotse para pumasok—ngunit bago pa siya makapasok ay may kamay na pumigil sa kanyang braso niya. “Rose, please let’
Of all people, bakit dito pa siya bumangga? “Rose Grayson? Oh, wait, Rose Evans. Hiwalay na nga pala kayo.” When Rhian noticed her sharp look, she immediately apologized. “I’m sorry, I didn’t mean to offend you or anything. Can we talk?” WALA silang dapat pag usapan pero natagpuan ni Rose ang sarili na kaharap si Rhian dito sa isang Coffee Shop malapit sa restaurant kung saan sila kumakain ni Frank. “I’m sorry for what I’ve done to you and Mike.” Halatang nagulat ito sa sinabi niya pero agad din itong ngumiti sa kanya. Ngunit ang ngiti nito ay dagling nabura sa sunod na sinabi niya. “But kissing someone else's husband is wrong. You know that, right?” Namumutlang napalunok ito, ngunit pagkaraan ay bumuntong-hininga. “I’m sorry about that, Rose. Ginawa ko lang naman ‘yon dahil ang sabi sa akin ni Sofia ay mahal pa ako ni Mike at handa ka niyang hiwalayan. Sofia told me na kailangan kong gumawa ng hakbang para mapadali ang hiwalayan niyo. So, I kissed Mike when I saw you coming.