Nanlilisik ang mata na binato ni Sofia ang cellphone na hawak niya. Sobrang sama ng loob niya dahil hindi mam lang siya dinalaw o kinamusta ni Mike pagkatapos siyang dalhin sa hospital. Ni ang tawagan o itext man lang siya ay hindi nito ginawa. Wala ba itong pakialam sa kanya? No! "Kasalanan ito ng pesteng babaeng 'yon!" Pinaandar niya ang wheelchair niya palabas ng kwarto. Nang makita niya ang kasambahay nila ay tinawag ito ni Sofia. "Ipatawag mo ang driver may pupuntahan ako." Nag aalangan na kumamot sa kilay ang kasambahay. Bilin ng mommy nito na huwag payagan si Ma'am Sofia na umalis. Baka mapagalitan siya. "Bingi ka na?! Ang sabi ko sabihin mo sa driver na ihatid ako!" "Pero, Ma'am Sofia, ang bilin kasi ng mommy mo ay— "Isa ka pang peste! Gusto mong tanggalin kita sa trabaho mo?!" Nang umiling ito sa sinabi ni Sofia ay muli niya itong binulyawan. "Iyon naman pala, eh. Ano pa ang hinihintay mo? Sundi mo na ang utos ko!" Walang nagawa ang kasambahay kundi ang sumunod
"Umalis ka na dahil wala kang mapapala na tulong mula sa akin." Taboy kay Sofia ng matanda. Galit na galit na lumabas si Sofia ng opisina. Hayop kang matanda ka. "Pagkatapos mong magpakasasa sa katawan ko." Gusto niyang magwala sa sobrang galit. Ang matanda na iyon nalang ang inaasahan niya na tutulong sa kanya dahil alam niya na mangyayari ito. Alam niya na kapag nalaman ng ibang mga abogado na isang Evans ang balak niyang idemanda ay aatras ang mga ito. Pero hindi niya akalain na pati ang matandang na 'yon ay aatras at mababahag ang buntot katulad ng iba. "Ahhh! Punyèta talaga!" Aniya habang pinapaandar ang wheelchair palayo sa opisina ng matanda. Napahinto si Sofia ng may pares ng Red Stiletto ang humarang sa kanyang harapan. Bilang modelo, alam niya na mamahalin at limited edition ito. Sino ang babaeng 'to para harangan ang daraanan niya?! Lalo lang nadagdagan ang kanyang inis. Nag angat siya ng tingin. Handa na sana siyang bulyawan ang nakaharang sa kanyang daraanan ng mati
Ramdam ni Rose ang matalim na tingin ni Sofia sa kanya habang papalayo siya rito. Matalas talaga ang dila nito at mukhang wala itong balak magbago. ‘Ako pa ang peste, huh?’ Ang kapal talaga. Sinundan niya ito ng malaman niya na pupunta ito dito. Sinabi sa kanya ng taong inutusan niya na bantayan ito na sabihin sa kanya kung saan ito pupunta. May hinala kasi siya na maghahanap ito ng abogado at tama nga siya. Ang malas lang ni Sofia dahil wala siyang balak na hayaan itong makahanap ng abogado para masampahan siya ng kaso. Kung kinakailangan niyang bilhin ang lahat ng Law firm sa buong bansa ay gagawin niya maipakita lang dito na nagkamali ito ng kinalaban. Kinuha ni Rose ang cellphone upang tinawagan ang tauhan na nagbabantay kay Sofia. “Pwede ka ng umuwi, bukas mo na siya sundan dahil tapos na ako sa kanya ngayong araw.” Pagkababa ng tawag ay binuksan niya ang kotse para pumasok—ngunit bago pa siya makapasok ay may kamay na pumigil sa kanyang braso niya. “Rose, please let’
Of all people, bakit dito pa siya bumangga? “Rose Grayson? Oh, wait, Rose Evans. Hiwalay na nga pala kayo.” When Rhian noticed her sharp look, she immediately apologized. “I’m sorry, I didn’t mean to offend you or anything. Can we talk?” WALA silang dapat pag usapan pero natagpuan ni Rose ang sarili na kaharap si Rhian dito sa isang Coffee Shop malapit sa restaurant kung saan sila kumakain ni Frank. “I’m sorry for what I’ve done to you and Mike.” Halatang nagulat ito sa sinabi niya pero agad din itong ngumiti sa kanya. Ngunit ang ngiti nito ay dagling nabura sa sunod na sinabi niya. “But kissing someone else's husband is wrong. You know that, right?” Namumutlang napalunok ito, ngunit pagkaraan ay bumuntong-hininga. “I’m sorry about that, Rose. Ginawa ko lang naman ‘yon dahil ang sabi sa akin ni Sofia ay mahal pa ako ni Mike at handa ka niyang hiwalayan. Sofia told me na kailangan kong gumawa ng hakbang para mapadali ang hiwalayan niyo. So, I kissed Mike when I saw you coming.
Hindi si Rose mapakal, iniisip niya hanggang ngayon ang mga kasinungalingan ni Sofia. May iba pa ba itong motibo bukod sa hindi siya nito gusto para sa kapatid nito? Hindi siya nakatiis at kinuha ang cellphone niya sa bag para tawagan si Frank. Pero hindi niya tinuloy ang pagtawag. Ano ang sasabihin niyang dahilan kaya tumawag siya? Baka isipin nito ay nag aalala siya kay Mike. ‘Bakit hindi nga ba, Rose?’ Tanong ng isip niya. Bumuntong-hininga siya bago muling binalik ang cellphone sa bag niya. Pagkalabas niya ng kotse ay sumalubong sa kanya ang kasambahay nilang si manang. “Ma’am Rose, may bisita kayo.” Imporma nito sa kanya. Pagkapasok niya sa loob ay naabutan niya ang Ninang Raven niya. Nang makita siya nito ay agad itong yumakap sa kanya kaya naman gumanti siya ng yakap dito. Hindi naman siya galit sa ninang niya. Masama lang ang loob niya pero hindi sapat ‘yon para hindi niya ito kausapin. Naiintindihan niya kung mas paniwalaan nito si Sofia kesa sa kanya. Bukod kasi sa mag
“ANONG sabi mo? Anong pack up?! Ngayon ang shoot ko kaya anong kalokohan ito?!” Galit na singhal ni Sofia sa babaeng assistant niya. “Miss Sofia, iyon po ang utos ng photographer. Wala na daw magaganap na shoot ngayon—“ malakas na tinabig ito ni Sofia kaya naman natumba ito at napaaray sa sakit. Nang makita ni Sofia ang mga professional na photographer na makakatrabaho niya ngayon araw ay nilapitan niya ito at tinanong.“Halos five months na pinaghandaan natin ang shoot na ito, kaya bakit titigil tayo? Come on, let’s start asap para makauwi na ako after nito.”“Pasensya na, Miss Sofia, pero nakahanap na sila ng new model para sa project na ‘to.” Mababa ang tono na sagot ng isa sa photographer na kaharap niya.“What do you mean?” Bumaling si Sofia sa katabi nito para dito kumuha ng sagot, pero gano’n din ang sagot na natanggap niya.“Pasensya na, Miss Sofia, pero tama si Allan ‘hindi na ikaw ang model na kailangan para sa project na ‘to.”Naiwan si Sofia na hindi nakapagsalita sa pa
Sumandal si Rose sa kanyang swivel chair pagkatapos ifinalized ang lahat ng papeles na ipapasa nila ng kanyang team bukas. Parang pagod na pagod siya palagi nitong mga nakaraan. Simula ng maghiwalay sila ni Mike ay ganito nalang palagi ang nararamdaman niya. Para siyang pagod palagi at nanghihina. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang lunchbox na nasa dulo ng mesa niya. Nilagay siguro ito ni Mrs. Pillar ng hindi niya napapansin kanina dahil busy siya sa mga papeles na binabasa niya. Samantala nang makita siya ni Mrs. Pillar na tapos na kanyang ginagawa ay lumapit ito sa kanya. Kinuha nito ang lunchbox sa gilid at ipinatong sa tapat niya. "Tapos ka na pala, Ma'am Rose, sa ginagawa mo. Mabuti pa ay kumain ka na muna. Pasado ala una na pero hindi ka parin kumakain. Heto, may libreng pagkain binigay sa lahat kanina, tinanggap ko na para sayo dahil healthy foods naman." Binuksan nito ang lunchbox. Kumunot ang noo ni Rose habang nakatitig sa mga pagkain na laman ng lunchbox. Pa
Nakangiting lumapit si Rocky sa kanya at yumakap. Hindi niya magawang gumanti ng yakap dahil alam niya na nakatingin sa kanila si Mike. Ewan ba niya. Dapat wala na siyang pakialam sa nararamdaman nito dahil hiwalay na sila pero hindi niya gusto na masaktan ito. Nang bumitaw si Rocky ng yakap sa kanya ay sinapo nito ang kanyang mukha. Nanlaki ang mata niya ng unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya para halikan siya. ‘Oh no!’ Tili ng isip niya. Hinarang niya ang kamay sa labi niya. "A-ah ano kasi... nasa simbahan tayo, nakakahiya." Hinawakan niya ang kamay ni Rocky at hinila palabas ng simbahan. Mabuti pa ay umalis na sila. Feeling niya kasi ay may hindi magandang mangyayari kapag tumagal pa sila dito. Ramdam niya ang matalim ni Mike sa kanila, mali, kay Rocky lang pala. Pero nagulat siya dahil may humawak sa braso niya bigla bago pa sila makalayo. Si Mike, pigil nito ang braso niya habang madilim ang mukha na nakatingin kay Rocky. "Oh, Mr. Grayson, ikaw pala—" Nagtagis ang bag