Sumandal si Rose sa kanyang swivel chair pagkatapos ifinalized ang lahat ng papeles na ipapasa nila ng kanyang team bukas. Parang pagod na pagod siya palagi nitong mga nakaraan. Simula ng maghiwalay sila ni Mike ay ganito nalang palagi ang nararamdaman niya. Para siyang pagod palagi at nanghihina. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang lunchbox na nasa dulo ng mesa niya. Nilagay siguro ito ni Mrs. Pillar ng hindi niya napapansin kanina dahil busy siya sa mga papeles na binabasa niya. Samantala nang makita siya ni Mrs. Pillar na tapos na kanyang ginagawa ay lumapit ito sa kanya. Kinuha nito ang lunchbox sa gilid at ipinatong sa tapat niya. "Tapos ka na pala, Ma'am Rose, sa ginagawa mo. Mabuti pa ay kumain ka na muna. Pasado ala una na pero hindi ka parin kumakain. Heto, may libreng pagkain binigay sa lahat kanina, tinanggap ko na para sayo dahil healthy foods naman." Binuksan nito ang lunchbox. Kumunot ang noo ni Rose habang nakatitig sa mga pagkain na laman ng lunchbox. Pa
Nakangiting lumapit si Rocky sa kanya at yumakap. Hindi niya magawang gumanti ng yakap dahil alam niya na nakatingin sa kanila si Mike. Ewan ba niya. Dapat wala na siyang pakialam sa nararamdaman nito dahil hiwalay na sila pero hindi niya gusto na masaktan ito. Nang bumitaw si Rocky ng yakap sa kanya ay sinapo nito ang kanyang mukha. Nanlaki ang mata niya ng unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya para halikan siya. ‘Oh no!’ Tili ng isip niya. Hinarang niya ang kamay sa labi niya. "A-ah ano kasi... nasa simbahan tayo, nakakahiya." Hinawakan niya ang kamay ni Rocky at hinila palabas ng simbahan. Mabuti pa ay umalis na sila. Feeling niya kasi ay may hindi magandang mangyayari kapag tumagal pa sila dito. Ramdam niya ang matalim ni Mike sa kanila, mali, kay Rocky lang pala. Pero nagulat siya dahil may humawak sa braso niya bigla bago pa sila makalayo. Si Mike, pigil nito ang braso niya habang madilim ang mukha na nakatingin kay Rocky. "Oh, Mr. Grayson, ikaw pala—" Nagtagis ang bag
Pagadating sa tapat ng kanyang kotse ay hinila ni Rose ang kamay sa kanya. Alam ni Rocky na wala na sa mood ngayon si Rose dahil nakabusangot ito ng mukha. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya sa Mike na ‘yon. Pero totoo naman ang sinabi niya sa lalaking ‘yon. Sinayang nito si Rose. Matagal na siyang may gusto kay Rose. Unang nakita pa lamang niya ito noon ay minahal na niya ito. Saksi siya kung paano ito umiiyak sa gag0ng Mike na ‘yon. Ang hindi lang alam ni Rose, sa tuwing nakikita niya itong umiiyak kapag naglalakad sa pasilyo ng hospital noon ay parang dinudurog ang puso niya. Noong napadaan siya sa kwarto nito noon ay narinig niya mismo sa magulang ni Rose na hiwalay na ito at si Mike. At may balak ang mga ito na dalhin sa ibang bansa si Rose. Kaya naman sinunggaban niya ang chance para magustuhan siya ni Rose. Mahal niya ito kaya iniwan niya ang bansa at lola niya at pinili na magtrabaho sa Switzerland kung nasaan ito. Ang kaso lang, kahit na ano ang gawin niya ay na
Hinanda ni Mike ang mga pagkain na niluto niya para kay Rose at sa paralegal nito na si Mrs. Pilar. Nalaman niya kasi na hindi kumakain sa tamang oras si Rose kaya naman naghahatid siya ng pagkain para dito. Kakutsaba niya si Mrs. Pilar na wag sabihin kay Rose na siya ang nagpapadala ng mga ito kaya naman kinakain ito ni Rose. Kapag nalaman kasi nito na siya ang nagluto ng pagkain ay baka masayang lang at hindi nito kainin. Kahit man lang sa ganitong bagay ay napapakita niya pa rin na mahal niya si Rose kahit wala itong alam at maalagaan niya ang kalusugan nito. Alam naman niya na hindi lang siya ang naaapektuhan ng paghihiwalay nila. Alam niyang ito din ang apektado. Napansin niya yun dahil madalas niya itong nakita na wala sa sarili at tulala. “Doc Mike, wala si Ma’am Rose ngayon, kasama niya si Doc Fortesa kaya masasayang lang hindi niya makakain ang pagkain na dala mo.” impormang bungad ni Mrs. Pilar kay Mike ng makita ito. Naawa ang matanda ng makita na nalungkot ito sa sinab
“H-Hindi mo dapat hinahawakan ang kamay ko, Mike. b-baka nakakalimutan mo, ikakasal na ako sa iba. Mali ang ginagawa mo… hiwalay na tayo kay magkakaroon na tayo ng kanya-kanyag buhay. Masanay ka na dapat na… wala ako.” Sabi niya kay Mike. Tumingin siya sa kamay nila ni Mike na magkahawak. May lakad sila ngayon ni Rocky para bisitahin ang lola nito. Pero parang ayaw niyang umalis ngayon dahil mas gusto niya na ganito lang sila ni Mike. Galit dapat siya pero bakit ganito? Ang galit niya sa puso niya ay nalulusaw na. Alam naman kasi niya na talagang mahal na siya ni Mike at nagsisisi ito. Natatakot lang siya na magtiwala dito dahil baka masaktan lang siyang muli. “Rose, hindi ako susuko kasi alam ko naman na mahal ko ako. Saka wala ang hirap ng paghahabol ko sayo ngayon kumpara sa effort na ginawa mo noon para sa akin. Mahal kita kaya hindi kita susukuan, ipapakita ko sayo na hindi lang ikaw ikaw ang kaya na mag effort para sa ating dalawa. Lalambot din ang puso mo sa akin dahil alam
Katulad nga ng sinabi ni Mike ay hindi siya tinigilan nito. Wala itong ginawa kundi ang sumulpot kahit saan man siya magpunta. Nakita niya si Mike at Mrs. Pilar na magkausap. Agad siyang nagtago sa gilid ng pader upang hindi siya makita ng mga ito."Kinain ba niya ang pinadala ko kahapon, Mrs. Pilar?""Aba, oho, Doc. Naubos nga ni Ma'am Rose kahit hindi naman masarap–" natuptop ng matanda ang bibig ng madulas ang kanyang dila. Natawa naman si Mike sa sinabi nito. 'Pasensya ka, doc, ha. Hindi na talaga ako magaling magsinungaling ngayon na matanda na ako hehe." Tumatawang sabi pa nito.Napakamot naman si Mike sa kilay. Aminado ang lalaki sa sinabi ng matanda kaya napatango-tango ito. "Thank you for helping me to gave this food for Rose, Mrs. Pilar. I really appreciate it." Pasasalamat pa nito sa matanda.Kay Mike pala galing ang lunchbox na binibigay ni Mrs. Pilar sa kanya. Kaya pala pamilyar ang lasa. Sigurado siya na si Mike ang nagluto nito. Pero imbes na magalit ay napangiti siya.
Pagdating ni Rose sa hospital ay agad niyang inalam kung saan ang kwarto ni Mike. Nang malaman niya kung saan ang kwarto nito ay halos tumakbo siya para makarating dito. Napansin niya na lahat ng kanyang madaanan ay napapatingin sa kanya, lalo na ang mga lalaki. Alam niya na dahil ito sa suot niyang roba. Hindi na siya nakapagbihis dahil sa sobrang pag aalala kay Mike. Binuksan niya ang pintuan ng ukupadong kwarto ni Mike ng makarating siya dito. Nanginginig pa ang tuhod at kamay niya sa nerbiyos. “Mike!” Lumapit siya agad dito at hinawakan ang kamay nito. Napaiyak agad siya dahil wala itong malay. “Ninang, ano ang nangyari sa kanya! B-bakit wala siyang malay? Ano ba ang nangyari sa kanya?!” Akala niya ay kaya niya na tikisin ang sarili na hindi na mag alala dito pero hindi pala. Hanggang ngayon talaga, si Mike lang ang may kaya na ilabas ang lahat ng emosyon niya. At ngayon nga ay halos hindi siya makahinga sa kakaiyak dahil nakita niya na may malaki itong benda sa bandang tiyan
KANINA pa si Rose palakad-lakad sa silid kung nasaan naka-confine si Mike. hanggang ngayon kasi ay hindi pa rimn bumabalik ang Ninang Raven niya kaya nag aalala na siya. Tapos hindi pa niya ito ma-contact, kaya lalo siyang nag aalala. Kilala niya ang ninang niya. Hindi ito bumabali ng salita. Saka hindi nito ugali ang hindi tumawag kung hindi man magkaroon ng emergency. Umupo siya sa tabi ni Mike at hinawakan ang kamay nito. “Mike, please gumising ka na. Sige ka ‘hindi na kita babalikan kapag hindi ka pa bumangon d’yan.” pinisil niya ang kamay nito. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata niya ng gumanti ng pisil ito. “M-mike!” nagmamadali siyang tumayo para pindutin ang red button sa silid na nagsisilbong emergency button. Napahinto si Rose ng pigilan siya ni Mike sa kamay. “R-Rose, sandali. T-totoo ba ang sinabi mo kanina? Babalikan mo na ako?” Ngali-ngali na batukan ito ni Rose. “Nasasaktan ka na tapos iniisip mo pa ang sinabi ko?” ngumisi pa ang loko sa kanya kaya napailing nal