Hinanda ni Mike ang mga pagkain na niluto niya para kay Rose at sa paralegal nito na si Mrs. Pilar. Nalaman niya kasi na hindi kumakain sa tamang oras si Rose kaya naman naghahatid siya ng pagkain para dito. Kakutsaba niya si Mrs. Pilar na wag sabihin kay Rose na siya ang nagpapadala ng mga ito kaya naman kinakain ito ni Rose. Kapag nalaman kasi nito na siya ang nagluto ng pagkain ay baka masayang lang at hindi nito kainin. Kahit man lang sa ganitong bagay ay napapakita niya pa rin na mahal niya si Rose kahit wala itong alam at maalagaan niya ang kalusugan nito. Alam naman niya na hindi lang siya ang naaapektuhan ng paghihiwalay nila. Alam niyang ito din ang apektado. Napansin niya yun dahil madalas niya itong nakita na wala sa sarili at tulala. “Doc Mike, wala si Ma’am Rose ngayon, kasama niya si Doc Fortesa kaya masasayang lang hindi niya makakain ang pagkain na dala mo.” impormang bungad ni Mrs. Pilar kay Mike ng makita ito. Naawa ang matanda ng makita na nalungkot ito sa sinab
“H-Hindi mo dapat hinahawakan ang kamay ko, Mike. b-baka nakakalimutan mo, ikakasal na ako sa iba. Mali ang ginagawa mo… hiwalay na tayo kay magkakaroon na tayo ng kanya-kanyag buhay. Masanay ka na dapat na… wala ako.” Sabi niya kay Mike. Tumingin siya sa kamay nila ni Mike na magkahawak. May lakad sila ngayon ni Rocky para bisitahin ang lola nito. Pero parang ayaw niyang umalis ngayon dahil mas gusto niya na ganito lang sila ni Mike. Galit dapat siya pero bakit ganito? Ang galit niya sa puso niya ay nalulusaw na. Alam naman kasi niya na talagang mahal na siya ni Mike at nagsisisi ito. Natatakot lang siya na magtiwala dito dahil baka masaktan lang siyang muli. “Rose, hindi ako susuko kasi alam ko naman na mahal ko ako. Saka wala ang hirap ng paghahabol ko sayo ngayon kumpara sa effort na ginawa mo noon para sa akin. Mahal kita kaya hindi kita susukuan, ipapakita ko sayo na hindi lang ikaw ikaw ang kaya na mag effort para sa ating dalawa. Lalambot din ang puso mo sa akin dahil alam
Katulad nga ng sinabi ni Mike ay hindi siya tinigilan nito. Wala itong ginawa kundi ang sumulpot kahit saan man siya magpunta. Nakita niya si Mike at Mrs. Pilar na magkausap. Agad siyang nagtago sa gilid ng pader upang hindi siya makita ng mga ito."Kinain ba niya ang pinadala ko kahapon, Mrs. Pilar?""Aba, oho, Doc. Naubos nga ni Ma'am Rose kahit hindi naman masarap–" natuptop ng matanda ang bibig ng madulas ang kanyang dila. Natawa naman si Mike sa sinabi nito. 'Pasensya ka, doc, ha. Hindi na talaga ako magaling magsinungaling ngayon na matanda na ako hehe." Tumatawang sabi pa nito.Napakamot naman si Mike sa kilay. Aminado ang lalaki sa sinabi ng matanda kaya napatango-tango ito. "Thank you for helping me to gave this food for Rose, Mrs. Pilar. I really appreciate it." Pasasalamat pa nito sa matanda.Kay Mike pala galing ang lunchbox na binibigay ni Mrs. Pilar sa kanya. Kaya pala pamilyar ang lasa. Sigurado siya na si Mike ang nagluto nito. Pero imbes na magalit ay napangiti siya.
Pagdating ni Rose sa hospital ay agad niyang inalam kung saan ang kwarto ni Mike. Nang malaman niya kung saan ang kwarto nito ay halos tumakbo siya para makarating dito. Napansin niya na lahat ng kanyang madaanan ay napapatingin sa kanya, lalo na ang mga lalaki. Alam niya na dahil ito sa suot niyang roba. Hindi na siya nakapagbihis dahil sa sobrang pag aalala kay Mike. Binuksan niya ang pintuan ng ukupadong kwarto ni Mike ng makarating siya dito. Nanginginig pa ang tuhod at kamay niya sa nerbiyos. “Mike!” Lumapit siya agad dito at hinawakan ang kamay nito. Napaiyak agad siya dahil wala itong malay. “Ninang, ano ang nangyari sa kanya! B-bakit wala siyang malay? Ano ba ang nangyari sa kanya?!” Akala niya ay kaya niya na tikisin ang sarili na hindi na mag alala dito pero hindi pala. Hanggang ngayon talaga, si Mike lang ang may kaya na ilabas ang lahat ng emosyon niya. At ngayon nga ay halos hindi siya makahinga sa kakaiyak dahil nakita niya na may malaki itong benda sa bandang tiyan
KANINA pa si Rose palakad-lakad sa silid kung nasaan naka-confine si Mike. hanggang ngayon kasi ay hindi pa rimn bumabalik ang Ninang Raven niya kaya nag aalala na siya. Tapos hindi pa niya ito ma-contact, kaya lalo siyang nag aalala. Kilala niya ang ninang niya. Hindi ito bumabali ng salita. Saka hindi nito ugali ang hindi tumawag kung hindi man magkaroon ng emergency. Umupo siya sa tabi ni Mike at hinawakan ang kamay nito. “Mike, please gumising ka na. Sige ka ‘hindi na kita babalikan kapag hindi ka pa bumangon d’yan.” pinisil niya ang kamay nito. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata niya ng gumanti ng pisil ito. “M-mike!” nagmamadali siyang tumayo para pindutin ang red button sa silid na nagsisilbong emergency button. Napahinto si Rose ng pigilan siya ni Mike sa kamay. “R-Rose, sandali. T-totoo ba ang sinabi mo kanina? Babalikan mo na ako?” Ngali-ngali na batukan ito ni Rose. “Nasasaktan ka na tapos iniisip mo pa ang sinabi ko?” ngumisi pa ang loko sa kanya kaya napailing nal
Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ni Mike ng makatulog ito. Paano ay nakayakap ito sa kanya at ayaw bumitaw. Mabuti nalang malaki ang kama kaya kasya silang dalawa. Tiningnan niya ang tiyan nito. Alam niya na sobrang nasasaktan ito kaya nagpatawag ito muli ng doktor para magpaturok ng anesthesia. Base sa pagdurugo ng sugat nito kahit tinahi na, mukhang malaki ang sugat na natamo. Hinaplos niya ang noo nito bago hinalikan. Lumabas siya ng silid para tinawagan ang ninang niya. Nakailang tawag siya subalit hindi ito parin ito ma-contact. Lalo tuloy siyang nag alala. Tumawag din siya sa kanila para magpahatid ng mga kailangan niya. Ayaw niyang umalis para iwan si Mike. Nang humarap siya sa dulo ng pasilyo nakita niya si Sofia na nagmamadali. Nang papasok na sana ito sa silid ni Mike ay hinarangan niya ito. “Tumabi ka!” Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Rhian. Hindi ito ang lugar at oras para magalit pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Kumukulo ang dugo niya sa mga kasinu
“ROSE, napag usapan na natin ito di’ba? Ang pakasalan si Rocky ang kahilingan namin ng daddy mo. Hindi namin ito ginagawa para sa sarili namin. Muntik ka nang mawala sa amin noon at bilang magulang ay natatakot kami na baka maulit ‘yon. Kaya ito lang ang naiisip namin na paraan ng daddy mo para hindi ka na masaktan tulad ng nangyari sayo noon.” Yumuko si Rose. She understands her mother’s point. Naiintindihan niya ang mommy niya. Alam niya na inaalala lang siya nito. Pero hindi niya kaya na mawala si Mike sa kanya. “I’m sorry, mommy. Pero hindi ko kayang mawala sa akin si Mike. A-akala ko lang kaya ko pero hindi pala.” Nagulat siya ng abutin ng mommy niya ang kamay niya. “Ipangako mo na magiging masaya ka na this time, princess.” “Mommy…” naiyak siya. Akala niya ay magagalit ito pero suporta nito ang nakuha niya ngayon. ********* “PINUNTAHAN kami ni Rocky kahapon, anak. Sinabi niya sa amin na umatras ka sa kasal. Akala namin ng daddy mo ay ipipilit niya sa amin na pil
“Ano ang ibig niyong sabihin na hindi pa bumabalik si ninang?” “Yun ang totoo, Ma’am Rose. Akala nga ho namin nasa hospital si Ma’am Raven.” Tugon sa kanya ng kasambahay nila Mike. Anim na araw ng nasa hospital si Mike at bukas nga ay uwi na nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadalaw si Ninang Raven sa hospital. Hindi na niya alam ang idadahilan kay Mike kaya naman pumunta na siya dito sa bahay ng ninang niya. Pero ayon sa kasambahay ay hindi pa rin ito bumabalik simula ng puntahan si Mike sa hospital. Nasaan na si Ninang Raven? Ito ang katanungan sa isip niya habang pabalik siya ng hospital. Nag aalala na tuloy siya. Imposible naman kasi na umalis ito ng hindi nagsasabi kay Mike. Lalo na at nasa hospital pa ang anak nito, Kung tanungin kaya niya si Sofia? Nang makapasok siya sa silid ni Mike ay naabutan niya itong hindi maipinta ang mukha. Kaya naman nag aalala na lumapit siya dito. “Masakit ba ang sugat mo? Sandali ‘tatawag ako ng doktor,” nabigla siya ng hata