“ROSE, napag usapan na natin ito di’ba? Ang pakasalan si Rocky ang kahilingan namin ng daddy mo. Hindi namin ito ginagawa para sa sarili namin. Muntik ka nang mawala sa amin noon at bilang magulang ay natatakot kami na baka maulit ‘yon. Kaya ito lang ang naiisip namin na paraan ng daddy mo para hindi ka na masaktan tulad ng nangyari sayo noon.” Yumuko si Rose. She understands her mother’s point. Naiintindihan niya ang mommy niya. Alam niya na inaalala lang siya nito. Pero hindi niya kaya na mawala si Mike sa kanya. “I’m sorry, mommy. Pero hindi ko kayang mawala sa akin si Mike. A-akala ko lang kaya ko pero hindi pala.” Nagulat siya ng abutin ng mommy niya ang kamay niya. “Ipangako mo na magiging masaya ka na this time, princess.” “Mommy…” naiyak siya. Akala niya ay magagalit ito pero suporta nito ang nakuha niya ngayon. ********* “PINUNTAHAN kami ni Rocky kahapon, anak. Sinabi niya sa amin na umatras ka sa kasal. Akala namin ng daddy mo ay ipipilit niya sa amin na pil
“Ano ang ibig niyong sabihin na hindi pa bumabalik si ninang?” “Yun ang totoo, Ma’am Rose. Akala nga ho namin nasa hospital si Ma’am Raven.” Tugon sa kanya ng kasambahay nila Mike. Anim na araw ng nasa hospital si Mike at bukas nga ay uwi na nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadalaw si Ninang Raven sa hospital. Hindi na niya alam ang idadahilan kay Mike kaya naman pumunta na siya dito sa bahay ng ninang niya. Pero ayon sa kasambahay ay hindi pa rin ito bumabalik simula ng puntahan si Mike sa hospital. Nasaan na si Ninang Raven? Ito ang katanungan sa isip niya habang pabalik siya ng hospital. Nag aalala na tuloy siya. Imposible naman kasi na umalis ito ng hindi nagsasabi kay Mike. Lalo na at nasa hospital pa ang anak nito, Kung tanungin kaya niya si Sofia? Nang makapasok siya sa silid ni Mike ay naabutan niya itong hindi maipinta ang mukha. Kaya naman nag aalala na lumapit siya dito. “Masakit ba ang sugat mo? Sandali ‘tatawag ako ng doktor,” nabigla siya ng hata
Agad na pumunta sila ni Mike sa Police station. Naabutan nila dito si Sofia na umiiyak. Nang makita si Mike, agad na yumakap ito. Gusto man niya itong itulak palayo kay Mike ay hinayaan nalang muna niya. Hindi ito ang panahon para pairalin ang galit niya dito. Ang mahalaga sa ngayon ay malaman nila kung nasaan si Ninang Raven. Alam niya na ito din anh iniisip ni Mike ngayon. “K-kuya Mike! H-hindi ako naniniwala na aalis si mommy ng hindi nagpapaalam sa atin. K-kuya Please, hanapin mo si mommy!” Iyak nang iyak si Sofia, halos maglumpasay ito at mawalan ng malay. Inalalayan nila ito ni Mike na umupo. Kahit galit siya dito ay hindi niya mapigilan na maawa dito. Alam niya sobrang nag aalala na ito sa mommy nito ngayon at natatakot na baka may nangyaring masama dito. “Ibig sabihin ay hindi niyo na nakita Ma’am Raven simula ng umalis siya ng hospital?” Tumango siya. “Opo, Chief. Then after that, wala na akong natanggap na tawag o message mula sa kanya. Kaya nga pumunta na ako kahap
Lihim na napangisi si Sofia. Paniwalang-paniwala ang lahat na sobra siyang nag aalala sa pagkawala ng mommy nila. Ang hindi alam ng mga ito ay siya mismo ang may pakana ng pagkawala nito. Oo, siya ang nagpadukot sa mommy nila. Bakit hindi? Alam niya na kapag nawala ito ay hindi siya matitiis ng Kuya Mike niya, sa ayaw at gusto nito ay wala itong magagawa kundi ang damayan siya. Pero hindi niya inaasahan na hindi parang balewala lang para dito ang nakikita na pagdadalamhati niya. Buti nalang at napaniwala niya si Rose at tinulungan pa siya na makasama ngayon ang kuya niya sa bahay nila. At iyon ang pagkakamali nito. Habang nilalagyan niya ng pampatulog ang tinitimplang kape sa Kuya Mike niya ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya. Sisiguraduhin niya na ngayong gabi ay mapapasakanya ito at wala na itong magagawa. Bago pumasok sa kwarto ng ukupado ng kuya niya ay inalis niya muna ang ngiti sa labi niya at pinagmukhang napakalungkot ng kanyang mukha. Nang handa na siya ay saka
Bumaling si Rose sa mga kasambahay. “Pagtulungan niyo na ilabas ang babaeng ‘yan dito. From now on bawal na siyang pumasok dito. Maliwanag ba?” “Yes, ma’am!” Sagot ng mga ito. Pinagtulungan ng mga ito na dalhin si Sofia na walang malay. Tumingin siya sa kamao niya habang nakangiwi. She doesn’t know she has a strong fist. Kung noon pa sana niya ginamit ‘to sa babaeng ‘yon baka matagal na itong natauhan sa kabaliwan. Pumikit siya at ilang beses na bumuga ng hangin. Dama pa rin niya hanggang ngayon ang gigil kay Sofia. Pagkapasok niya sa kwarto ni Mike ay agad na isinara niya ang pinto. Wala na itong pang itaas. Mabuti nalang talaga dumating siya bago pa magawa nito ang balak. Muli na naman nag init ang ulo niya ng maalala ang nadatnan niya kanina. Wala ng ginawa si Sofia kundi pakuluin ang dugo niya. “I swear ‘I will punch you again when I see you ‘bitch!” Baka hindi na siya makapagpigil sa susunod at tuluyan ng mabasag ang mukha nito. My god! All this time she thought Sof
NANG MAGISING si Mike ay sinabi agad ni Rose sa kanya ang lahat. “Damn!” Napasabunot itonsa buhok. Naisahan na naman siya ni Sofia. Paano kung hindi dumating si Rose? “Where’s Frank? Nahuli na ba si Sofia?” Tanong niya ng maalala ang plano nila ngayon. Nang umiling ito ay malakas siyang napamura. “Damn! Ang tanga tanga ko! Dahil sa akin kaya nakawala pa siya!” “Don’t blame yourself, Mike. Ako ang nagpalayas sa kanya kaya wala siya dito ngayon. Hinawakan ni Rose ang kamay niya at pinisil. Napansin niya na namumula ang mga mata nito. Halata na galing ito sa pag iyak. “Frank told me everything, Mike. W-why you didn’t tell me anything? Kung sinabi mo sana sa akin ang lahat ay hindi mo sasarilin ang lahat ng mag isa. Nadamayan sana kita.” Tumulo ang luha ni Rose. Halatang nasasaktan ito para sa kanya at naaawa. This is the reason why he didn’t want her to know any of this. Ayaw niya na makita na umiiyak ito dahil sa kanya. Saka gusto din nila na makasiguro ni Frank kaya nilihim mu
Ilang beses si Rose sinipat ni Rose ang sarili sa salamin suot ang isang Red Dress above her knee. Ngayong araw kasi ay may date sila ni Mike. One week na ang nakakalipas simula ng mangyari ang lahat. Hindi naman pwede na maghintay nalang sila ni Mike at magmukmok hanggang sa mahuli si Sofia para maging masaya. Naglagay siya ng manipis make up sa mukha. Hindi niya maiwasan na mapangiti habang nakatingin siya sa salamin. Kung kumilos kasi siya ay parang hindi sila magkasama ni Mike sa iisang bahay ngayon. Oo, magkasama na sila ni Mike ngayon. Dito na siya umuuwi sa ‘dati nilang bahay’ noong mag asawa pa sila. Nasa baba na ito at hinihintay siya pero hindi siya mapakali sa sobrang excitement ngayon dahil lalabas sila after one week. ‘Relax, Rose. It just a date, okay. Wag ka ngang kabahan!’ Suway ng isip niya. Paano ay sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Feeling niya ay may mangyayari na maganda ngayon. ‘Magpo-propose na naman siguro ‘to’ kanina kasing umaga ay palagi nitong
PAGDATING nila sa Italian Restaurant na paborito niya ay pinarada ni Mike ang kotse nito parking lot. Pagkatapos ay bumaba si Mike at umikot para pagbuksan siya ng pinto. “Shall we, my princess?” Nakangiting tinanggap niya ang nakalahad na palad nito. Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasan na mapangiti. Daig pa nila ang teenager ni Mike dahil magkahawak ang kamay nila habang naglalakad sila. Napapatingin sa gawi nila ang halos lahat ng tao sa paligid, alam niya na nakilala sila ng mga ito dahil naririnig nila ang pinag uusapan ng mga ito. “Totoo pala ang bali-balita na hindi talaga sila totoong naghiwalay.” “Nagkabalikan lang daw ang dalawa ayon sa kakilala ko.” “Sila pa rin pala. Totoo pala ang tsismis!” Hindi nila pinansin ni Mike ang naririnig nila. Hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga ay pareho silang masaya ngayon dalawa. Pagdating sa kanilang mesa ay pinaghila pa siya ni Mike ng upuan. Akala niya ay sa dulo ang pwesto nila, pero nasa pinaka