“Ano ang ibig niyong sabihin na hindi pa bumabalik si ninang?” “Yun ang totoo, Ma’am Rose. Akala nga ho namin nasa hospital si Ma’am Raven.” Tugon sa kanya ng kasambahay nila Mike. Anim na araw ng nasa hospital si Mike at bukas nga ay uwi na nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadalaw si Ninang Raven sa hospital. Hindi na niya alam ang idadahilan kay Mike kaya naman pumunta na siya dito sa bahay ng ninang niya. Pero ayon sa kasambahay ay hindi pa rin ito bumabalik simula ng puntahan si Mike sa hospital. Nasaan na si Ninang Raven? Ito ang katanungan sa isip niya habang pabalik siya ng hospital. Nag aalala na tuloy siya. Imposible naman kasi na umalis ito ng hindi nagsasabi kay Mike. Lalo na at nasa hospital pa ang anak nito, Kung tanungin kaya niya si Sofia? Nang makapasok siya sa silid ni Mike ay naabutan niya itong hindi maipinta ang mukha. Kaya naman nag aalala na lumapit siya dito. “Masakit ba ang sugat mo? Sandali ‘tatawag ako ng doktor,” nabigla siya ng hata
Agad na pumunta sila ni Mike sa Police station. Naabutan nila dito si Sofia na umiiyak. Nang makita si Mike, agad na yumakap ito. Gusto man niya itong itulak palayo kay Mike ay hinayaan nalang muna niya. Hindi ito ang panahon para pairalin ang galit niya dito. Ang mahalaga sa ngayon ay malaman nila kung nasaan si Ninang Raven. Alam niya na ito din anh iniisip ni Mike ngayon. “K-kuya Mike! H-hindi ako naniniwala na aalis si mommy ng hindi nagpapaalam sa atin. K-kuya Please, hanapin mo si mommy!” Iyak nang iyak si Sofia, halos maglumpasay ito at mawalan ng malay. Inalalayan nila ito ni Mike na umupo. Kahit galit siya dito ay hindi niya mapigilan na maawa dito. Alam niya sobrang nag aalala na ito sa mommy nito ngayon at natatakot na baka may nangyaring masama dito. “Ibig sabihin ay hindi niyo na nakita Ma’am Raven simula ng umalis siya ng hospital?” Tumango siya. “Opo, Chief. Then after that, wala na akong natanggap na tawag o message mula sa kanya. Kaya nga pumunta na ako kahap
Lihim na napangisi si Sofia. Paniwalang-paniwala ang lahat na sobra siyang nag aalala sa pagkawala ng mommy nila. Ang hindi alam ng mga ito ay siya mismo ang may pakana ng pagkawala nito. Oo, siya ang nagpadukot sa mommy nila. Bakit hindi? Alam niya na kapag nawala ito ay hindi siya matitiis ng Kuya Mike niya, sa ayaw at gusto nito ay wala itong magagawa kundi ang damayan siya. Pero hindi niya inaasahan na hindi parang balewala lang para dito ang nakikita na pagdadalamhati niya. Buti nalang at napaniwala niya si Rose at tinulungan pa siya na makasama ngayon ang kuya niya sa bahay nila. At iyon ang pagkakamali nito. Habang nilalagyan niya ng pampatulog ang tinitimplang kape sa Kuya Mike niya ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya. Sisiguraduhin niya na ngayong gabi ay mapapasakanya ito at wala na itong magagawa. Bago pumasok sa kwarto ng ukupado ng kuya niya ay inalis niya muna ang ngiti sa labi niya at pinagmukhang napakalungkot ng kanyang mukha. Nang handa na siya ay saka
Bumaling si Rose sa mga kasambahay. “Pagtulungan niyo na ilabas ang babaeng ‘yan dito. From now on bawal na siyang pumasok dito. Maliwanag ba?” “Yes, ma’am!” Sagot ng mga ito. Pinagtulungan ng mga ito na dalhin si Sofia na walang malay. Tumingin siya sa kamao niya habang nakangiwi. She doesn’t know she has a strong fist. Kung noon pa sana niya ginamit ‘to sa babaeng ‘yon baka matagal na itong natauhan sa kabaliwan. Pumikit siya at ilang beses na bumuga ng hangin. Dama pa rin niya hanggang ngayon ang gigil kay Sofia. Pagkapasok niya sa kwarto ni Mike ay agad na isinara niya ang pinto. Wala na itong pang itaas. Mabuti nalang talaga dumating siya bago pa magawa nito ang balak. Muli na naman nag init ang ulo niya ng maalala ang nadatnan niya kanina. Wala ng ginawa si Sofia kundi pakuluin ang dugo niya. “I swear ‘I will punch you again when I see you ‘bitch!” Baka hindi na siya makapagpigil sa susunod at tuluyan ng mabasag ang mukha nito. My god! All this time she thought Sof
NANG MAGISING si Mike ay sinabi agad ni Rose sa kanya ang lahat. “Damn!” Napasabunot itonsa buhok. Naisahan na naman siya ni Sofia. Paano kung hindi dumating si Rose? “Where’s Frank? Nahuli na ba si Sofia?” Tanong niya ng maalala ang plano nila ngayon. Nang umiling ito ay malakas siyang napamura. “Damn! Ang tanga tanga ko! Dahil sa akin kaya nakawala pa siya!” “Don’t blame yourself, Mike. Ako ang nagpalayas sa kanya kaya wala siya dito ngayon. Hinawakan ni Rose ang kamay niya at pinisil. Napansin niya na namumula ang mga mata nito. Halata na galing ito sa pag iyak. “Frank told me everything, Mike. W-why you didn’t tell me anything? Kung sinabi mo sana sa akin ang lahat ay hindi mo sasarilin ang lahat ng mag isa. Nadamayan sana kita.” Tumulo ang luha ni Rose. Halatang nasasaktan ito para sa kanya at naaawa. This is the reason why he didn’t want her to know any of this. Ayaw niya na makita na umiiyak ito dahil sa kanya. Saka gusto din nila na makasiguro ni Frank kaya nilihim mu
Ilang beses si Rose sinipat ni Rose ang sarili sa salamin suot ang isang Red Dress above her knee. Ngayong araw kasi ay may date sila ni Mike. One week na ang nakakalipas simula ng mangyari ang lahat. Hindi naman pwede na maghintay nalang sila ni Mike at magmukmok hanggang sa mahuli si Sofia para maging masaya. Naglagay siya ng manipis make up sa mukha. Hindi niya maiwasan na mapangiti habang nakatingin siya sa salamin. Kung kumilos kasi siya ay parang hindi sila magkasama ni Mike sa iisang bahay ngayon. Oo, magkasama na sila ni Mike ngayon. Dito na siya umuuwi sa ‘dati nilang bahay’ noong mag asawa pa sila. Nasa baba na ito at hinihintay siya pero hindi siya mapakali sa sobrang excitement ngayon dahil lalabas sila after one week. ‘Relax, Rose. It just a date, okay. Wag ka ngang kabahan!’ Suway ng isip niya. Paano ay sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Feeling niya ay may mangyayari na maganda ngayon. ‘Magpo-propose na naman siguro ‘to’ kanina kasing umaga ay palagi nitong
PAGDATING nila sa Italian Restaurant na paborito niya ay pinarada ni Mike ang kotse nito parking lot. Pagkatapos ay bumaba si Mike at umikot para pagbuksan siya ng pinto. “Shall we, my princess?” Nakangiting tinanggap niya ang nakalahad na palad nito. Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasan na mapangiti. Daig pa nila ang teenager ni Mike dahil magkahawak ang kamay nila habang naglalakad sila. Napapatingin sa gawi nila ang halos lahat ng tao sa paligid, alam niya na nakilala sila ng mga ito dahil naririnig nila ang pinag uusapan ng mga ito. “Totoo pala ang bali-balita na hindi talaga sila totoong naghiwalay.” “Nagkabalikan lang daw ang dalawa ayon sa kakilala ko.” “Sila pa rin pala. Totoo pala ang tsismis!” Hindi nila pinansin ni Mike ang naririnig nila. Hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga ay pareho silang masaya ngayon dalawa. Pagdating sa kanilang mesa ay pinaghila pa siya ni Mike ng upuan. Akala niya ay sa dulo ang pwesto nila, pero nasa pinaka
“ANG SWEET NAMAN!” Pareho silang napahinto sa pagsayaw ni Mike ng marinig ang pamilyar na boses ni Sofia. Agad na hinarang ni Mike ang katawan sa kanya para protektahan siya sa baril na nakatutok sa kanila. Inalis ni Sofia ang kanyang sumbrebro at mask na suot. Nanlilisik ang mga mata na tinunok niya ang baril sa dalawa. “Finally nalapitan ko din kayo. Nakuha niyo pang magsaya pagkatapos ng lahat ng ginawa niyo sa akin! Sa tingin niyo talaga papayag ako na maging masaya kayo pagkatapos niyong sirain ang buhay ko?!” “Put the gun down, Sofia.” Kalmado na sabi ni Mike sa kapatid. “Sumuko ka nalang para hindi na bumigat pa ang kaso mo—“ “Hindi ako susuko, Kuya Mike!” Galit na bulyaw ni Sofia. Nagpaputok ito sa itaas kaya naman nagkagulo at nagtakbuhan ang mga taonsa loob ng restaurant. “Hinding-hindi ako susuko! Hindi ko matatanggap na magiging masaya kayo habang nagdurusa ako!” “Kasalanan niyo kung bakit nagkaganito ako. Kasalanan niyo ni Rose ang lahat! Pagbibigyan kita na
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k