Sinamantala ni Mike ang pag aagawan ng dalawa ng baril. Nilapitan niya ang kapatid niya at mommy niya. Aagawin na sana niya ang baril kay sofia ng kusa itong bumitaw. Kaya naiwan ang baril nito na hawak ng mommy niya. Ngunit hindi lang pala isang baril ang dala nito. Dumukot ito sa bag na dala at saka muling naglabas ng isa pang baril. “Mike!” Sigaw ni Rose sa takot. Nakita niya na hindi siya ang target ni Sofia. “Wag, anak!” Mabilis na humarang si Raven kay Mike ng dito iputok ni Sofia ang baril. “N-ninang!” “Mommy!” Sinalo ni Mike ang duguan na katawan ng mommy niya. Iyan nang iyak na tumakbo si Rose para lapitan ang ninang niya. “N-no!” Nabitiwan ni Sofia ang baril. Saka lamang ito natauhan ng makita ang nagkalat sa dugo sa sahig… umagos ito hanggang sa kanyang paa. “Mommy, s-sinabi ko na kasi na hindi ka dapat makialam. B-bakit kasi nakialam ka pa…” napasabunot si Sofia sa ulo. “Ahhh! Kasalann ninyo ito! Kasalanan niyong dalawa ito! Mommy!” Bago pa madampot ulit ni Sof
Ang kasal ang nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Noon, naniniwala si Rose sa kasabihan na iyon. Pero noong malaman niya na ikakasal si Mike sa iba ay hindi niya naisip ang kasabihan na iyon. Inuna niya ang sarili niya ay nagpabuyo sa iba para makamit niya ang gusto niya. Akala niya ay hindi na siya magiging masaya. Na mabubuhay siya na puno ng pagsisisi at nasasaktan dahil sa kanyang kapusukan. Pero ngayon ay naglalakad na siya palapit sa altar palapit sa taong kanyang minamahal. Habang naglalakad sa isle ay nakatingin ang lahat sa kanya. Hindi maiwasan ng lahat ang mamahangha sa napakagandang suot niya na ‘Mermaid Lace Wedding Dress’ na pinasadya pa na nilang ipagawa sa ibang bansa. Apat na buwan na siyang nagdadalantao. Ngunit hindi iyon halata dahil maliit lamang ang umbok ng kanyang tiyan. Maganda pa din ang kurba ng kanyang katawan kaya naman para siyang hindi buntis dahil sexy pa rin siya at labas ng natural na korte ng katawan niya. Napakagwapo naman ni Mike sa
PAGKATAPOS ng board meeting ay dumiretso si Mike sa kanyang opisina. “Doc. Grayson, nasa lobby sila Mr. Ong, gusto kang makausap para magsagawa ng delikadong operasyon!” Imporma kay Mike ng head nurse ng hospital. “Gusto nilang ipa-transfer ang pamangkin niya dito ngayon araw din mismo. Gusto sana nila bukas na bukas din ay maoperahan agad ang—“ “Assign another doctor for them. Hindi ako magsasagawa ng kahit anong operasyon this whole year.” “Pero, doc. Sila ang isa sa mga malaking kliyente ng hospital. VIP sila ay may malaking shares na dito sa hospital.” Giit ng matandang babae. Tumingin muna si Mike sa suot na wristwatch bago sumagot. “My decision if final. Marami naman ang magagaling na doktor sa hospital ko. Why wont he choose one of them?” Nakita ng head nurse na kunot na ang noo ng kanilang CEO kaya naman napalunok ito ng laway. Alam ng babae na kapag inulit niya ang kanyang sinabi ay magkakaproblema siya. Kaya naman magalang na yumukod na lamang ito at nagpaalam. S
Maraming salamat po sa pagsubaybay sa Love story nila; Alexander & Freya 🖤 Mike & Rose 🌹 Maraming salamat po sa walang sawa na pag aabang ng update at pagbabasa. Maraming salamat din po sa GEMS, COMMENTS at RATES! Sobrang nakakataba ng puso mabasa ang mga feedbacks niyo, maganda man o hindi. Kalma lang po kayo hehe. Lahat naman ay may happy ending. Kailangan lang natin tapusin. Ang susunod po na chapters ay kwento ng anak nila Alexander at Freya na si Frank. Atin pong subaybayan ang kwento ng anak nila! May mga iba pa po akong stories. Completed na po ang iba kaya hindi na kayo mabibitin. Baka gusto niyo pong basahin. Magpunta lang po kayo sa profile ko para hanapin sila. Titles: Trapped with him (completed) Then lonely billionaire and his maid (completed) His intention (completed) Araw-araw kang mamahalin (completed) Love series; Love and lies (completed) His island girl (completed) Mafia boss series: The fifth wife [Mr.X] UP NEXT; Frank Evans
Tumigil siya sa ginagawa at tumanaw sa labas ng bintana. Ang daming ibon na lumilipad. Ano kaya ang pakiramdam na maging malaya katulad nila? Ito ang palagi niyang tinatanong sa isip niya. Bumaba ang tingin niya sa baba ng bintana. May mga sasakyan na dumating. 'Sila Ate Yassie at Kuya Yael siguro.' Mukhang dumating na ang mga kapatid niya galing ng Manila. Gusto din sana niya makapunta do'n. Di bale. Sigurado na matutupad na ang pangarap niya dahil twenty na siya noong nakaraan linggo. "Hazel! Dalian mo di'yan dahil marami pa tayong gagawin!" Tawag ni Aling Nita, ang mayordoma ng mansion. "Opo, Aling Nita!" Nagmamadali niya na nilagay ang basahan sa balde at binitbit ang mop na dala niya. Nandito kasi siya ngayon sa third floor ng mansion at naglilinis ng ilang mga bintana. Habang pababa siya ng hagdan ay panay ang linga niya sa ibaba. Baka kasi masalubong sila Yassie at Yael. Nang makita niya ang dalawa ay nagmamadali siyang bumaba. Muntik pa siyang matisod sa pagmamadali na m
"ANG cellphone ni Aling Nita!" Bulalas niya ng makita niya ang cellphone ni Aling Nita sa ibabaw mg kanyang tokador. Hays. Matanda na talaga si Aling Nita. Magiging makakalimutin na ito. Naalala niya Cellphone daw ang tawag dito sabi nila Nancy. Pero lumang model na daw ito dahil napakaraming pindutan nito. Lumabas siya ng kwarto at hinabol niya si Aling Nita. Hindi naman siguro siya mapapagalitan dahil may dahilan naman ang paglabas niya. Napahinto siya ng marinig niya na nag uusap sila Nancy at Isay kasama pa ang ilang kasambahay sa loob ng maids quarter. Bago kasi siya makalabas ng pasilyo patungo sa dirty kitchen ay madadaanan ang maids quarter kung nasaan ang lahat ng kasambahay na babae. Sa likuran naman ang mga lalaki. Magkahiwalay kasi ng kwarto ng mga lalaki at babae. Nakaawang ang pinto kaya rinig niya ang pinag uusapan ng mga ito. "Nakakaawa talaga siya. Imagine, kinulong siya ng fifteen years. Hindi pinag aral at tinrato na parang alila. Argh! Nakakainis talaga!" Ini
‘KAKAUSAPIN daw siya ng papa niya!’ Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Hazel habang naglalakad pabalik sa loob ng mansion. Akala niya ay sa dirty kitchen siya kakausapin ng papa niya pero sa sala pala. Kaya naman lalo siyang natuwa. Marami siyang lugar na hindi pwedeng puntahan, at isa na ang sala sa mga 'yon. Kaya naman hindi niya maiwasan na mamangha habang nililibot ang mata sa paligid habang nakatayo sa gilid ng sofa aa harap ng papa niya. "Maupo ka." "T-talaga po?" Parang bata na tanong niya na may tuwa sa boses. Nakakahiya naman na umupo. Pawisan kasi siya dahil mainit sa loob ng pinagkulungan sa kanya. Nang tumango ang papa niya ay nakangiti na dahan-dahan siyang umupo. Malambot naman ang kama niya. Pero mas malambot pala ito. Ano kaya ang sasabihin ng papa niya? Mukhang napaka importante nito dahil kumpleto ang lahat. Ang Tiya Yolly niya, ang Ate Yassie niya at Kuya Yael niya. Tumikhim ang papa niya bago nagsalita. "Hazel, malapit na ang eleksyon. At ngayon darat
Nagtataka si Hazel paglabas niya ng kwarto niya. Nagkakagulo kasi ang lahat at ang bawat isa ay hindi magkandaugaga sa ginagawa. Sanay siya na nauuna na magising sa lahat pero ngayon ay naunang magising ang lahat kesa sa kanya. "Magandang umaga po!" Bati niya sa lahat. Nakasanayan na kasi niya ito simula pagkabata. "Good morning, Hazel! Mukhang masarap ang tulog mo, ah. May panis na laway ka pa!" Biro ni Reynord, tauhan din ito sa bahay katulad nila Nancy. Nang mapahawak siya sa labi ay tumawa ito. "Biro lang, Hazel. Saka kahit naman maglaway ka 'maganda ka pa rin." Dagdag pa nito. "Ewan ko sayo. Puro ka biro." Aniya sa binata. Bumaling siya kay Aling Nita. "Ano po ang meron?" Sa susunod na araw pa ang birthday ng ate Yassie niya kaya nakapagtataka na napaaga ang pag aasikaso ng lahat. Bumaba si Nancy mula sa pag aayos ng kurtina at lumapit sa kanila. Luminga muna ito bago mahina na nagsalita. "Hindi mo alam? Darating daw ang fiance ng ate mo bukas kaya pinapalinis ni Mayor ang
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k